"IKAW ang salarin sa pagpatay sa mga kaibigan ko!" Wika niya sa pagmumukha ni Samuel. Kahit na gigil na nakikipag-agawan siya ng panakol.
Ngumisi ng nakakaloko ang kaharap pero mas ikinagulat niya yung ginawa nito sa kanya. Nanlaki ang mata niya at biglang huminto ang tibok ng puso niya nang sinaksak sa kanya ni Samuel yung ulo ng panakol sa tyan niya. Tuloy may lumabas ng dugo galing sa bibig niya at hirap siyang makahinga ng maayos, mas lalong nanlalabo ang mga mata niya dulot ng sakit na pinararanas sa kanya. Namamanhid narin ang buong katawan niya gawa ng tinulak siya ni Samuel kaya ngayon napahiga siya sa sahig habang kinakapos ng hininga.
"Sa laban na 'to, ako ang nanalo at walang makakapagpigil sa nais kong pumatay ng nilalang!" Rinig niyang sambit ni Samuel. Kasabay niyon ang paghalakhak nito na malademonyo.
Gusto niyang magsalita ngunit tila yata ang bibig niya ay ayaw bumuka, gusto niyang murahin ang taong nasa harapan niya pero di niya magawa dahil sa hirap na siya makahinga. Tuloy hanggang sa isip na lamang niya maaaring sabihin ang nais niya. Sa impyerno ka dadalhin ng iyong kamatayan! Anang isip niya. Bago siya mawalan ng hininga.
KAWAWA! Anang isip ni Samuel na makitang wala ng buhay si Prelim. Umalis siya sa harapan nito at tinungo ang lababo sabay lapag ng panakol sa ibabaw nito. Naghugas muna siya ng kamay pagkatapos kumuha siya ng kutsilyo nang maalala niya na may dalawang tao na tumakas sa balwarte niya.
Mabilis siyang lumabas ng store niya habang hawak yung kutsilyo at nagpalinga-linga kung saan maaaring dumaan yung dalawa. Ilang saglit pa ay napagpasyahan niyang dumaan sa likod ng store niya. Nagbabasakali na doon dumaan yung dalawa kung kaya't patakbong tinungo niya ang kagubatan.
MADILIM na at naroon pa rin sa puno sila Benjamin at Kailyn sadyang tinamaan na sila ng pagod at gutom.
"Ben kaya mo pa bang maglakad?" Wika ni Kailyn na animo'y di siya mapakali.
Marahan umiling si Benjamin hudyat na nahihirapan sa kalagayan nito, "Mukhang hanggang dito na lang ako, Kai" sabay ngiti nito ng nakakaloko.
"Hindi," tila hindi makapaniwalang turan ni Kailyn habang pinagmamasdan ang kaibigan na nahihirapan. "Hindi Ben, s-sa tingin ko kaya mo pa, a-ayaw mo lang maglakad" halos paiyak na sambit niya.
"Tama ka, kaya ko pa pero may kailangan akong gawin" pag-amin ni Benjamin sa kanya. Umiling siya na nakakunot noo. "Papatayin ko si Samuel kaya umalis kana at iligtas mo na yung sarili mo" pagtataboy nito sa kanya kahit na medyo hirap na ito magsalita.
"Paano na si Prelim?" Alalang tanong niya.
"Sige na, balikan mo na" mahinang sambit nito. "Ako na bahala kung sakaling dumating siya dito" dugtong anito.
"Mag-iingat ka" wika niya. Tinalikuran na niya yung kaibigan niya at tumakbo babalik para balikan si Prelim.
Habang tumatakbo siya ay may napansin siyang rebulto na naglalakad malayo sa kanya. Bigla siyang sinalakay ng kaba dahil sa takot at nagtago sa malaking puno nang maisip niyang si Samuel iyon. Maya maya pa'y dahan-dahan siyang sumilip at hindi nga siya nagkakamali nang makita niya si Samuel na naglalakad patungo kung saan niya iniwan doon si Benjamin.
Bigla na lamang nagsipagbagsakan ang mga luha niya na baka hindi makasurvived si Benjamin kay Samuel dahil sa nakita niya ito na may hawak na kutsilyo. "I'm so sorry Ben" mahinang sambit niya sa kawalan habang umiiling na umiiyak. Matapos niyon pinunasan na niya yung luha niya tsaka siya umalis at tumakbo.
Pagkabalik niya, naabutan niya si Prelim na nakahandusay sa sahig at puro duguan. Napatakip ang bibig niya at di maiwasan maluha na naman nang makita ang kalunos-lunos na sinapit nito mula kay Samuel. Nanginginig na lumapit siya sa bangkay ni Prelim at doon siya humagulhol ng iyak. Naghihinagpis siya sa sinapit ni Prelim at tila unti-unting dinudurog niyon ang puso niya sa kadahilanang wala na ang taong mahal niya.
Mayamaya pa'y pinunasan na niya iyong luha niya pagkatapos kinuyom ang palad dahil sa nais niyang maghigante kay Samuel para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan niya. Tumayo siya't naghanap ng bagay na maaaring ipangpapatay niya kay Samuel. Nakita niya yung panakol na nakapatong sa lababo. Mabilis niya 'yon kinuha at lumabas ng store para bumalik kung saan niya iniwan si Benjamin.
MARIIN pumikit si Benjamin at habol hininga matapos siya iwanan ni Kailyn. Ginusto naman niya 'to kaya wala na siyang magagawa pa kundi ay panindigan na lang yung sinabi niya na gusto niyang patayin si Samuel.
Kahit nahihirapan at humahapdi ang buong katawan niya ay nagawa niya pang makatayo, sa tulong narin ng puno. "Thanks tree" kausap niya sa puno at tinapik pa niya ito.
Paika-ika siyang naglakad at naghanap ng kahit anong bagay na maaaring ipanglaban niya kay Samuel. May nakita siyang mga matutulis na kahoy sa madamong parteng di kalayuan sa pinagpahingahan nila, kumuha siya ng dalawang kahoy at nagtago roon. Ilan saglit pa natanaw na niya yung hinihintay niya. Huminto ito sa tapat ng puno kung saan sila nagpahinga ni Kailyn.
Napangisi tuloy siya nang makita na tila hinahanap sila. Naghintay pa siya na baka sakaling madaanan siya ni Samuel at hindi nga siya nagkamali, dinaanan nga siya ni Samuel sabay labas niya sa pinagtaguan niya at sinugod si Samuel na nakatalikod sa kanya. Agad niyang tinusok ng isang kahoy na hawak niya yung likod ni Samuel pagkatapos tsaka niya pinalo yung ulo nito. Napadaing tuloy si Samuel sa ginawa niya ngunit agad ding nakarecover at tila parang wala lang nangyari sa ginawa niya.
Malakas na tinulak siya si Samuel dahilan para matumba siya at sumakit ang buong katawan niya dahil sa mga sugat na natamo niya. Muntik na siyang ambahin ni Samuel ng kutsilyo mabuti na lamang mabilis niyang sinipa ang tuhod nito kaya napaatras ng unti. Hindi pa roon nagtatapos ang lahat dahan-dahan siyang umatras nang hindi na niya kayang tumayo ngunit hawak niya pa rin yung isang kahoy.
"Benjamin" nakangising tawag ni Samuel sa pangalan niya. Nagpatuloy siya sa pag-atras habang nilalapitan siya ni Samuel na may hawak pa ding kutsilyo. "Alam ko mamimiss mo ang mundong ito" umiiling na wika ni Samuel.
"Ikaw ang mawawala sa mundong ito!" Giit aniya.
"Bakit hindi mo subukan?" Naghahamon na turan ni Samuel.
Tanging ngiti lang ang tinugon ni Benjamin kay Samuel nang bigla niyang tinusok sa binti nito yung hawak niyang kahoy nang aakmain siyang sasaksakan ng kutsilyo. Hindi pa siya nakuntento sinipa pa niya ito ng buong pwersa dahilan para matumba. Biglang dumating si Kailyn na may hawak ng panakol, dali-daling tumungo ito sa direksyon niya at tinulungan siya makatayo.
"Sige gamitin mo na" abot sa kanya ni Kailyn ng panakol.
"Salamat" tugon niya sabay tinanggap yung panakol at pumunta siya sa direksyon ni Samuel na ngayon ay nakahiga pa rin.
Galit na hinampas niya yung mukha ni Samuel gamit yung gilid ng panakol. Tuloy napaubo ng dugo si Samuel at tila hindi na kaya pang gumalaw. Pagkatapos pinakatitigan niya lang ito ng ilan segundo tsaka niya sinaksak sa ulo ni Samuel ang panakol dahilan mabilis na dumanak sa lupa ang dugo nito.
"Pwe!" Sabay dura niya sa wala ng buhay na si Samuel.
"Tapos na, Ben" wika sa kanya ni Kailyn habang nilalapitan siya.
"Hindi na ko babalik sa lugar na 'to promise!" Umiiling na sabi.
"Me too" tango na turan ni Kailyn sa kanya. Pagkatapos niyon ay nilisan na nila ang lugar.