NAALIMPUNGATAN siya nang makarinig siya ng kaluskos galing sa baba ng bahay niya. Agad siyang napabalikwas ng bangon nang muling marinig na naman niya yung kaluskos na ngayon ay nagmula naman sa labas ng kwarto niya. Dahan-dahan siyang nagtungo sa pinto ng kwarto niya at binuksan iyon, pero laking gulat niya nang makita ang galit na galit nitong mukhang at pula nitong mga mata. Tuloy agad siyang sinalakay ng takot at kaba pero sa mga sandaling iyon ay may isa siyang katanungan, Diba patay na siya? Paanong nabuhay ang patay? Anang isip niya. "S-samuel.." Tila di makapaniwalang usal niya. Biglang kinalibutan siya nang makitang ngumisi si Samuel pagkatapos niyon mabilis siyang sinakal sa leeg dahilan para unti-unti na siya kinakapos ng hininga.
NAPABALIKWAS siya ng bangon at hingal na hingal tila ba'y tumakbo ito ng ilan kilometer. Tumutulo narin yung butil na nasa noo niya.
"Ghad!" Pasinghap niyang sabi. "Panaginip lang pala 'yon!" Wika aniya.
Namalayan na lang niya na umaga na pala at ngayon kailangan na talaga niyang tumayo dahil meron pa siyang pupuntahan. After niyang kumain at mag-ayos, handa na siya umalis para dalawin ang kaibigan niyang si Benjamin. Pagkarating niya sa hospital at naglalakad na siya sa hallway nang may nakabunggo siyang tao, hindi niya mamukahaan kung sino iyon dahil bukod sa nakaleather jacket ito ay nakasumbrero pa ang estranghero.
Hindi na lamang niya pinansin iyon dahil mukhang nagmamadali ang estranghero. Nagtungo na lamang siya silid ni Benjamin kung saan nagpapagaling ito. Pagkapasok niya ay tumambad sa kanya si Benjamin na abalang naglalaro ng games sa cellphone nito. Nang maramdaman yung presensya niya ay nilingon siya nito sabay ngiti at bukas ng tv.
"How are you?" Alalang tanong niya.
"Pinipilit na maging maayos" sagot nito habang nakatuon ang paningin sa tv.
Humugot siya ng hininga, "Ben babalik din ulit ang lahat sa dati" mahinang sambit niya.
"Mabuti na nga't patay na siya" seryosong sabi nito ngunit bakas sa tinig nito na may hinanakit at poot sa nangyari.
Bigla niya naalala yung panaginip niya kung kaya't hindi siya agad nakapagsalita. Binalot siya ng takot at pangamba.
"Hey, are you alright?" Alalang tanong sa kanya ni Benjamin. "Namumutla ka" dagdag anito. Napalunok siya.
"Imposible kayang buhay pa siya?" Wala sa sariling sambit niya.
"Sersiously Kailyn? Hanggang ngayon di ka pa rin makapaniwala? Nandoon ka at kitang-kita ng dalawang mata mo kung paano ko pinaslang si Samuel" giit ni Benjamin.
"Pero-- sorry napaginipan ko kasi siya" pag-amin niya.
"Kaluluwa niya 'yon, Kailyn. At nawa'y matahimik na ang kaluluwa niya" mahinang usal ni Benjamin.
~*~
MAY isang lalaki ang naglalakad sa pasilyo ng hospital at halatang nagmamadali ito matapos dumaan sa kabilang elevator. Nabunggo pa niya yung babae pero hindi siya nito nilingon, habang naglalakad siya ay bigla siyang ngumisi ng nakakaloko.
*Insert half face ni Samuel*
The End.....