AGAD na bumaba ng sasakyan si Tisay nang huminto ang van nila sa tapat ng store ni Samuel. Sumunod na bumaba si Benjamin na sinundan naman nila Kailyn at Prelim.
May naramdaman na naman kakaiba si Kailyn nang muli siyang umapak sa store ni Samuel. Tila ba'y may nais ipahiwatig sa kanya ang malamig na pakiramdam, ngunit wala siyang ideya kung bakit niya nararamdaman iyon.
"Tisay totoo na wala ng buhay si Samuel!" Pigil ni Benjamin kay Tisay nang akmang papasok na sila sa loob.
Mataray na humalukipkip si Tisay, "Gusto ko lang ng patunay, Ben. Gusto kong bigyan ng hustiya ang pagkamatay ng boyfriend ko at ni Cassandra!" Galit aniyang turan.
Sandaling natigilan si Benjamin pagkatapos ay huminga ng malalim. "Sige kung 'yan ang gusto mo ihahatid kita sa bangkay!" Sarkasatikong tugon niya.
"Pumasok na tayo sa loob" aya ni Prelim.
Unang pumasok sa loob ng store si Benjamin na sinundan naman siya ni Tisay, Kailyn at Prelim. Ginaya pa ni Benjamin ang mga kaibigan niya patungo sa likod ng counter kung saan niya nakita ang duguan na bangkay ni Samuel. Ngunit napahinto at nagtaka siya nang mapansin niyang wala ng bakas ng dugo sa sahig.
"Hoy! Nasaan na yung bangkay?" Bigla siyang natauhan nang marinig ang boses ni Tisay sa likuran niya.
"Sandali!" Sambit niya sabay nagmamadaling pumunta sa likod ng counter. Halos malaglag yung panga niya nang makitang walang dugo at bangkay sa sahig. Agad siyang ginapangan ng pagtataka at tanong sa isip kung bakit nawala yung bangkay ni Samuel, samantalang kanina eh naamoy niya yung masangsang at nakita ang dugo.
"Walang bangkay dito Ben!" Bwelta ni Tisay.
Agad siyang nagpalinga-linga sa paligid at natatarantang tinignan ang mga kaibigan niya. "Na-nandito lang 'yon mismo sa likod ng counter, naamoy ko pa nga yung masangsang eh at kita talaga ng dalawang mata ko na patay siya!" Paliwanag niya.
"Kung meron man patay dito, eh bakit wala kaming naamoy o nakikitang dugo?" Naguguluhan na tanong ni Kailyn.
"Ang sabihin mo, pinagtatanggol mo siya Ben! Ganyan mo na ba kami tatalikuran? Samantalang kami ang mga kaibigan mo!" Galit na sumbat ni Tisay kay Benjamin.
Inis na hinalamutak ni Benjamin ang mukha niya gamit ang palad niya. Kahit na ginagapangan na siya ngayon ng takot. "Kung 'yan ang iniisip mo, malamang ba't hanggang ngayon buhay ka pa? Dapat pinatay kita sa harapan nila mismo!" Sabay duro niya sa dalawang kaibigan kanina pa nakatungo sa kanila. "Nagkakamali ka ng iniisip mo, Tisay! Oo, gago ako at palabiro pero ni minsan hindi ko kayang pumatay ng kaibigan!" Galit na sambit niya, sabay kuha ng sigarilyo sa kaha at sinindihan iyon. "Tandaan mo 'yan, Tisay!" Dagdag aniya na magkahalong banta.
"Sa tingin ko set up 'to guys!" Wika ni Prelim dahilan para matigilan sila at kumunot ang mga noo nila.
"A-anong set up?" Inosente na sabi ni Kailyn
"Siguro nagpanggap siyang patay" tugon ni Prelim.
Napasinghap si Tisay sa tinuran ni Prelim, "Anong klaseng pag-iisip 'yan Prelim? Pero naniniwala ako na si Samuel ang pumatay sa mga kaibigan natin!" Giit aniya.
"Makinig ka muna Tisay, isipin na lang natin na siya ang may gawa niyon pero yung nakita ni Benjamin, mukhang sinadya 'yon!" Sabay kibitbalikat ni Prelim matapos niya sabihin 'yon.
"Yeah, lumabas din sa bibig mo--" hindi na tinuloy ni Tisay yung sasabihin niya nang matamaan siya sa ulo ng panakol galing sa kisame. Bumagsak ang lupaypay niyang katawan sa sahig dahil sapul na sapul sa bunbunan niya ang panakol kasabay niyon ay walang sawang sumirit ang dugo sa sahig galing sa ulo niya.
"Holy shit!" Gulat na sabi ni Benjamin dahilan para mahulog niya sa sahig yung hawak niyang sigarilyo, dahil sa pagkabigla.
"Oh my ghad, Tisay!" Di makapaniwalang tili ni Kailyn, halatang nanginginig na yung labi niya at nagsisimula na siyang umiyak kung kaya't napatakip siya ng bibig at tahimik na napaupo sa sahig habang umiiyak.
HALOS hindi makapaniwala si Prelim sa nasaksihan niya sa kanyang kaibigan na ngayon lang namatay mismo sa harapan nila. Tinititigan pa muna niya ang wala ng buhay na si Tisay tsaka siya tumingala sa kisame kung saan nakasabit doon yung panakol. Mukhang sinadya siya na patayin! Anang isip niya.
"Kailangan na natin umalis, nanganganib tayo!" Bulalas niya, nilapitan niya si Kailyn na di maawat sa pag-iyak. "Hey, Kai we need to get out of here, okay? Follow me please!" Pagsusumamo niya sa dalaga.
Sa halip na magsalita si Kailyn ay tanging tango lang ang tinugon sa kanya. Kung kaya't inilalayan niya ito na tumayo.
"Prelim," agaw pansin ni Benjamin dahilan para lingunin niya ito. "Hindi na maganda ang kutob rito!" Dugtong anito.
"Tama ka dyan!" Tango na komento niya. "Umalis na tayo" dugtong aniya bago sila lumabas ng store.
Babalik na sana sila sa sasakyan nang mapansin nilang flat ang gulo ng van nila. Tuloy hindi nila maiwasan magpanic dahil sa parang sinasadya ng kung sino man ang may gawa nito.
"Bullshit! Sino man ang may gawa nito, ako mismo ang papatay sa kanya!" Banta ni Benjamin sa kawalan.
"Si Samuel lang naman ang lahat ng may gawa nito" sagot ni Prelim.
"Guys," sambit ni Kailyn. "Hindi tamang magbintang ng kung sino lang tama?"
Napasinghap si Prelim sa tinuran ni Kailyn. "Obvious naman diba, Kailyn?" Inis na sumbat anito.
"May ibang tao dito, bukod satin" wika ni Benjamin na seryoso ang mukha. "Totoo yung nakita ko kanina, patay na si Samuel pero hindi ko alam kung bakit nawawala doon yung bangkay niya!?"
"Isa 'yan sa malaking misteryo Ben" komento ni Prelim.
Magsasalita na sana si Benjamin nang biglang may umagaw ng atensyon nila. May panakol na nagbato sa direksyon nila na tumama ito sa bahaging likod ng van at buti na lamang walang natamaan sa kanila.
"Oh my ghad!" Gulat na tanong ni Kailyn.
"What the hell!" Komento ni Prelim. Sabay lingon kay Kailyn na napakapit sa laylayan ng damit niya. "Okay ka lang?" Alalang tanong niya. Tumango naman ang dalaga.
Samantalang si Benjamin hindi na nagkomento pa bagkus sinundan niya ng tingin kung saan direksyon nanggaling yung panakol. May nakita siyang anino sa likod ng puno sa tabi ng store, sumilip pa muna ito ng nakangiti bago tumakbo. Kung kaya't agaran din ang pagtakbo niya para masundan yung lalaki.
"UY, ben saan ka pupunta?" Tanong ni Prelim nang makita niya na tumatakbo ito patungo sa gilid ng store.
"Sundan natin siya" aya ni Kailyn tsaka pareho na sila tumakbo para sundan si Benjamin na medyo malayo-layo na sa kanila.
Nang matanaw nila si Benjamin sa malayo ay laking gulat nila na may humampas ng kahoy sa ulo nito upang matumba ito.
"Benja--" hindi na tuloy yung sigaw ni Kailyn nang biglang takpan ni Prelim yung bibig niya at dalhin siya nito sa likod ng malaking drum para magtago.
"Sssshhh... Wag kang maingay baka tayo ang isunod niya" wika ni Prelim sabay tanggal ng kamay sa bibig ni Kailyn. Nakatanggap tuloy siya ng hampas sa braso pero binalewala na lamang niya iyon.
"Siraulo ka ah!" Sumbat ni Kailyn nang kumalma na ito.
"Ngayon, kilala na natin kung sino yung taong pumatay sa mga kaibigan natin" seryosong wika ni Prelim.
"Kung ganoon ano ang plano natin?" Takang tanong ni Kailyn.
Umaktong nag-isip pa muna si Prelim tsaka siya bumulong kay Kailyn para sabihin yung plano.