Chereads / SAMUEL [Tagalog] / Chapter 6 - Chapter Six

Chapter 6 - Chapter Six

MAHIGIT isang oras nang nasa loob ng van si Benjamin habang humihithit ng sigarilyo, at pang lima na niyang gamit iyon buhat nang umalis siya at iwan ang mga kaibigan niya. Nananatiling nakahinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada upang doon siya magpalipas ng oras.

Mayamaya pa'y matapos maubos yung sigarilyo ay napagpasyahan niyang pumunta sa store ni Samuel. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa store. Pagkarating niya ay open ang store kung kaya't madali na lamang siya nakapasok sa loob pero hindi nakabukas ang ilaw kaya madilim nang pumasok siya.

"Samuel.." Tawag niya sa pangalan ng may-ari ng store. "Samuel.." Ulit pa niya ngunit walang Samuel na sumasagot.

Kahit madilim ay naglakad siya ng dahan-dahan at nangapa, dahil hindi sapat ang maliit na bintana sa tabi ng counter upang makita niya ang kabuuan ng mga supplies sa loob ng store. Tanging sa counter lang talaga ang may bintana.

"Yohooo!? Samuel.. Nakabukas ang store mo kaya pumasok ako!" Sambit niya sa kawalan habang naglalakad patungo sa counter.

"Wait, naaamoy mo ba yung naaamoy ko?" Dugtong aniya, tila may kausap siya kahit wala naman.

Pagkarating niya sa counter ay sa wakas nakita na niya ang liwanag ngunit bago pa siya tumalikod ay may naapakan siyang malapot na likido, hindi niya matukoy kung ano iyon at idagdag mo pa ang masangsang na kanina niya pa naaamoy. Huminga siya ng malalim dahil kanina pa siya halos hindi makahinga dahil sa mabahong amoy na tila nakakasulasok. Tinignan niya yung naapakan niyang likido, nanlaki ang mata niya nang makitang dugo ito, Kaya naman pala mabaho! Aniya sa isip.

Agad siyang ginapangan ng kilabot nang makitang nakakalat ang dugo sa sahig ngunit pansin niya na tila ang dugong 'yon ay may bakas na nagkokonekta sa likod ng counter, at dahil nga curious siya ay sinundan niya ito patungo sa likod ng counter. Tumambad sa harapan niya ang nakahandusay na si Samuel marami itong saksak sa buong katawan, maging mukha nito ay hindi na halos makilala dahil parang sinabunan ito ng asido.

"Oh shit!" Biglang sambit niya sa kawalan.

Dali-dali siyang nagtungo sa telepono para makatawag ng ambulansya ngunit kahit ring lang ay di niya narinig, namalayan na lang niya na naputol ang wire ng telepono.

"Oh shit! Shit, talaga!" Bulalas niya. Sabay palinga-linga niya sa paligid hanggang sa may nakita siyang pinto na nakauwang sa likuran niya.

Walang paalam na pumasok siya sa silid na nagbabakasakali lang siya na baka may mahanap siyang telepono dahil yung cellphone niya ay naiwan niya sa tent. Nilibot ng paningin niya ang kabuan ng silid ngunit nabigo siya at tanging photo picture, notebook, libro, kutsilyo at panakol lang ang nakita niya. Pero dahil sa hindi malaman dahilan ay napadako ang tingin niya sa picture ni Samuel na nakadikit sa pader na tila may kaakbay ito ngunit punit naman ang kalahati nito kaya di niya makilala kung sino yung katabi ni Samuel.

Naghalungkat pa siya sa mga gamit na nakalagay sa ibabaw ng desk. Nahagilap ng mata niya ang picture ng isang babae na nakaipit sa libro na tila pamilyar sa kanya at mukhang bago lang iyon sa paningin niya. At hindi lang picture ng babae ang nakaipit doon, meron pang papel na nakatupi. Kinuha niya ang papel at binuklat iyon saka binasa, laking gulat niya sa kanyang nabasa kung kaya't nagmamadali niyang binalik sa dating ayos ang mga ginalaw niya, nagmamadali rin siyang lumabas ng store at pinaharurot ang sasakyan patungo sa camp nila. Nawala narin sa isip niya ang bangkay ni Samuel dahil sa nalaman niya.

PABALIK na ng camp sila Kailyn at Prelim nang makasalubong nila si Tisay. Nagkatinginan tuloy sila Prelim at Kailyn sa isa't-isa bago nila tuluyan lapitan si Tisay.

"Nahanap niyo na ba si Cassandra?" Tanong ni Tisay. Walang sumagot, tanging kalungkutan lang ang bumalot sa sistema ng dalawa habang si Tisay naman ay walang ideya. "Guys ano nangyari? Nahanap niyo na ba? Bakit di niyo sa'kin sinabi? Ano naglolokohan pa ba tayo rito?" Sunod sunod na tanong ni Tisay halata narin na nagpapanic ito.

"Wala na siya" mahinang sambit ni Prelim.

"Ano?" Di makapaniwalang turan ni Tisay na nakakunot noo pa.

"Nagsuicide siya, nakita namin siya nakabitay sa isang puno" tila nahihirapan paliwanag ni Prelim.

"Imposible! Kilala natin siya pero, a-ang sa pagkakaalam ko hindi niya kayang gawin iyon. Lalo pa't mahina ang loob niya sa ganoon?" Animo'y maiiyak na usal ni Tisay.

"Alam ko, she's my bestfriend" tugon ni Kailyn.

"Sa tingin ko dinamdam niya yung biro ni Ben kagabi" wika ni Prelim.

"Bullshit! Si Benjamin na naman yung may kasalanan!" Wala sa sariling inusal ni Tisay kasabay niyon ang pagtulo na kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

Lumapit si Kailyn kay Tisay para aluin ito. "Kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari kay Cassandra," panimula niya. Nagsisimula ng manubig yung gilid ng mata niya. "Halos ayoko ng umalis sa lugar na iyon kung saan naroon ang bangkay niya, Tisay. Walang may kasalanan isa sa atin kung bakit siya nagpakamatay" dugtong aniya, napahagulhol naman ng iyak si Tisay.

Humugot ng hininga si Prelim bago magsalita. "Kailangan na natin bumalik, dapat malaman ng iba nating kasama ang nangyari!"

"Sige," pag sang-ayon ni Tisay habang nagpupunas ng mata.

Nagsimula na silang maglakad babalik sa camp nila.

PAGKARATING ni Benjamin sa camp nila ay walang tao marahil hinahanap pa rin siguro ng mga kasama nila si Cassandra. Bumuntong hininga siya at inis na sinipa ang maliit na bato sa harapan niya kung kaya't tumalsik ito. Naglabas siya ng sigarilyo at sindihan ito sabay hithit at buga na tila pampakalma loob niya sa tuwing nagsisigarilyo siya.

Sakto naman na dumating na sila Kailyn, Prelim at Tisay ngunit di kasama ng mga kaibigan niya si Johan. Agad niyang nilapitan ang mga kaibigan niya ng makita siya. "Guys may sasabihin ako sa inyo!" Panimula niya.

"Wala na si Cassandra, Ben!" Biglang sambit ni Prelim. Kaya't natigilan siya.

"Ha? A-ano?" Gulat na sabi niya.

"Nagpakamatay siya at nakita namin ang katawan niya na nakabitay sa may puno" paliwanag ni Kailyn.

"Are you damn serious guys?" Di makapaniwalang turan niya. At bigla na lang may naalala siya, nakita niya rin si Samuel na wala ng buhay sa sarili nitong store.

"Nang dahil sa'yo dinamdam niya yung biro mo!" Sumbat ni Tisay.

Umiling siya na tila inosente siya, "Hindi niya magagawa 'yon!" Tanging naitugon aniya.

"Nangyari na, Ben! At ngayon wala na siyang buhay!"

"Hindi totoo 'yan! Hindi ako naniniwalang nagpakamatay siya, may ebidensiya ako na may pumatay sa kanya!" Sabay pakita niya ng papel at picture.

Nakita niyang kumunot noo ang mga kaibigan niya at nagtatakang tinignan iyong hawak niyang papel.

"Ano na 'yan?" Tanong ni Kailyn.

"Basahin niyo at malalaman niyo ang kasagutan" tugon aniya.

Walang salitang kinuha ni Prelim yung hawak ni Benjamin na papel at picture. Tinignan pa muna nila yung picture ng isang babae at pagkatapos ay tinignan yung nasa likuran nito, "She's mine" basa ni Prelim sa nakasulat sa likod ng picture. Nagtaka silang tatlo sabay tingin kay Benjamin na nagsisigarilyo.

"Basahin niyo yung liham!" Wika ni Benjamin.

Binasa na nila yung nakasulat sa papel at laking gulat nila na malaman nila ang nakasaad.

"Paanong-- shit!"