ABALA si Samuel sa pagbibilang ng pera niya sa counter nang may isang lalaki ang pumasok sa store niya. Huminto siya sa ginagawa niya nang maramdaman ang presensiya ng isang lalaki.
"Buhay ka pa pala?" Anang baritonong boses ng lalaki. Umangat ang tingin niya sa lalaki na papalapit sa kanya habang may hawak itong panakol sa kanang kamay at sa kaliwang kamay naman ay sigarilyo. "Hindi ko maintindihan kung bakit napaka unfair talaga ng mundo, ano?" Dugtong anito at humithit ng sigarilyo nang huminto ito sa tapat ni Samuel.
"Kakambal ko, hindi ko maunawaan ang iyong sinasambit" tila inosenteng wika ni Samuel.
"Napakapurol talaga ng utak mo Samuel," Nakangising usal ng kakambal ni Samuel. "O, sadyang nagmamaang-maangan kang animal ka?"
"Simon, kung ano man yung nangyari noon, kalimutan mo na lamang" kalmadong tugon ni Samuel.
Tumiim bagang si Simon sa sinagot ni Samuel sa kanya at mas humigpit ang hawak niya sa panakol. Magbabayad ka Samuel papatayin kitang hayop ka! Timping sambit niya sa isip. Ngunit mas pinili niyang huminahon na baka sakaling makahanap siya ng hustisya.
"Naalala mo ba itong hawak ko, Samuel?" Sabay taas niya ng panakol na kanina pa niya hawak. "Ito ang pumatay sa mga kaibigan ko, at ito pa," Sigarilyo naman ang pinakita niya kay Samuel. "Ito naman ang pumatay sa girlfriend ko!" Dugtong anito.
"Kung pinagbibintangan mo ko, wala akong kinalaman dyan!" Iling na sagot ni Samuel.
"Two years, sa two years na 'yon hindi ako magsasawang hanapan ng hustisya ang mga pumatay sa kaibigan at girlfriend ko, lalo na sa mga magulang natin!" Pabalang na wika ni Simon. "Tandaan mo ako naman ang maghihigante, itatak mo 'yan sa kokote mo Samuel" Dagdag pa niya, bago talikuran si Samuel.
"PRELIM!" Habol ni Kailyn kay Prelim na mabilis naglakad patungo sa kagubatan. Ngunit tila yata walang naririnig ang kasama niya kung kaya't muli niya itong tinawag, at sa wakas nakuha na niya ang atensyon nito, kaya huminto sila sa paglalakad.
"Sorry, sorry Kailyn" Agad na paghingi nito ng paumanhin. "Iniisip ko lang ang kaligtasan natin, kung paano.."
"Ssshhh.. Prelim, alam ko parehas tayong nag-aalala para kay Cassandra pero sana hindi kayo humantong na nagkakasakitan kayo nang dahil lang doon." Pangaral ni Kailyn.
Sandaling pumikit si Prelim at malalim na bumuntong hininga, mayamaya pa'y naningkit ang mga mata niya nang may maaninag siyang isang pigura sa di kalayuan sa kinatatayuan nila.
"Prelim," muling tawag ni Kailyn na nakakunot noo pa nang mapansin niya si Prelim na may tinitignan ito sa ibang direksyon, kung kaya't sinundan niya ito ng tingin ngunit wala naman.
"Si Cassandra ba 'yon?" Biglang sambit ni Prelim.
"Ha?" Takang usal ni Kailyn. Sabay tingin ulit sa direksyon kung saan nakatingin si Prelim.
Walang salitang tumakbo si Prelim patungo sa lugar na tinitignan niya kanina pa. Kasunod niya si Kailyn na nakabuntot sa kanya. Pagkarating nila roon ay tumambad sa harapan nila ang nakabitay at wala ng buhay na si Cassandra sa puno. Bumalatay sa damdamin nila ang paghihinagpis para sa kanilang kaibigan.
"Oh my--- Cassandra!" Hindi makapaniwalang usal ni Kailyn animo'y maiiyak na. Akmang lalapitan niya ito nang pigilan siya ni Prelim. "Cassandra! Hindi maaari!" Iyak na banggit niya sa pangalan ng kaibigan niya.
"Wala na siya Kailyn, sa tingin ko kagabi pa siya nawalan ng buhay" kalmadong usal ni Prelim. "Balikan muna na natin yung mga iba nating kaibigan!"
"Hindi! Hindi ako aalis!" Umiiling na iyak ni Kailyn. "Alam mo naman na matalik ko siyang kaibigan, Prelim!"
Muling huminga ng malalim si Prelim pagkatapos ay saka niya hinawakan si Kailyn sa magkabilang balikat paharap sa kanya. "Kailyn dapat malaman 'to ng mga kaibigan natin, okay?" Seryosong dagdag niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ng dalaga.
Hindi niya maiwasan makaramdam ng awa para kay Kailyn kitang-kita sa mga mata ng dalaga kung paano ito naghihinagpis dahil sa pagkawala ng isang kaibigan. Tila yata may kung anong hindi maipaliwanag na pakiramdam sa dibdib niya habang pinapanuod na umiiyak ang taong kaharap niya, nasasaktan siya dahil doon.
INIS na bumalik si Johan sa kanilang tent matapos nila magtalo ni Prelim nang dahil kay Benjamin. At heto naman si Benjamin tila yata walang pakealam kay Cassandra kung ano man may masamang mangyari dito, ni hindi nga yata niya nakakitaan ng pag-aalala para sa dalaga eh. Paano pa kaya kung naging sila nito e, di mas lalo lang siguro ma-stress ang kaibigan niya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya natauhan nang makita niya ang legs ni Tisay na nakatayo sa harapan niya, napalunok siya't tinititigan ang maputi at makinis na hita ng nobya. Dahan-dahan siyang umangat ng tingin hanggang sa napadako ito sa mayayaman nitong dibdib, he paused at tila naaakit siya sa hubog ng katawan ng nobya niya. Kahit pa gabi-gabi sila nagsalo-salo ng nobya niya ay di siya magsasawang paligayahin ito, at sa tingin niya ganoon din si Tisay sa kanya dahil alam niya na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Ramdam niya 'yon!
"Johan, I know your stared my cleavage and thinking about s*x!" Agad siyang nag-iwas ng tingin nang marinig niya ang sinabi nito. Pero hindi siya nakatiis, nakatingin na siya ngayon ng deretso sa nobyang nakapaymewang. "Humingi ka ng sorry kay Prelim at Benjamin!" Anang galit na boses nito.
"May rason pa ba para mag-apologized ako sa kanila?" Mahinahon niyang turan sabay kibitbalikat.
"Eh ikaw 'tong nagpasimuno ng gulo, Johan!" Sumbat nito. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. "May problema ka ba kay Benjamin?" Dagdag pa nito. Pero mukhang hindi yata niya kayang pakalmahin ang sarili dahil sa sinabi ng nobya niya sa kanya.
Mas lalo siyang nainis at hindi niya maitatanggi na may problema nga siya kay Benjamin. Yes, inaamin niya dahil matagal na siyang may lihim na hinanakit kay Benjamin, since na naging sila ni Tisay ay nananatili siyang nagseselos kay Benjamin. He don't know but sa tingin niya ay dahil doon sa may nangyari sa kaibigan at sa nobya niya. Napapikit tuloy siya at iniwaksi na lamang ang pangyayaring iyon 6months ago.
"Just leave me alone," malamig aniya, at nag-iwas na naman ng tingin.
"No, Johan! Gusto lang namin na mag-ayos kayo!" Tugon nito.
"At sa tingin mo, dapat ako yung magpakumbaba?" Dugtong niya. May himig ng sarkastiko.
"Of course yes, magkakaibigan tayo at dapat nga nagtutulungan tayo na mahanap natin si Cassandra!" Sagot nito.
Sa sobrang inis niya ay bigla siyang tumayo at matalim na tinititigan ang nobya na mukhang hindi naman natinag, dahil nakikipagsukatan din ito ng titig. "Kinakampihan mo ba sila, ha? Sige, magsama-sama kayong hanapin niyo si Cassandra!" Galit na bulyaw niya kay Tisay.
Ngunit magsasalita na sana si Tisay nang may marinig silang boses na mas nakapanindig balahibo sa kanila. Kung kaya't napalingon silang dalawa ni Tisay sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakaramdam siya ng kaba lalo na't papalapit ito sa kanila. Ewan ba niya kung bakit siya kinakabahan na gayon naman ay kakilala niya ito.
"Aalis na muna ko," mahinang wika ni Tisay bago siya nito talikuran at umalis patungo sa kagubatan. Sinundan pa niya ito ng tingin at nang mawala sa paningin niya ay saka pa lang niya hinarap ang taong kakadating lang.
"Ano kailangan mo?" Deretsahan tanong niya.
Imbes na sagutin siya nito ay mabilis na sinuntok siya sa mukha ng pagkalakas-lakas dahilan para agad siyang matumba at mawalan ng malay.