Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 29 - Indefinite

Chapter 29 - Indefinite

Chapter 28: Indefinite

Reed's Point of View 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nagkaro'n kami nang kaunting seating arrangement sa classroom. Na sa harapan si Jasper habang na sa bandang gitnang upuan naman nakaupo si Harvey at Mirriam. Kami naman ni Kei at Haley, nanatili lang dito sa likuran. Ako ang na sa gitna nilang magkapatid, katabi naman ni Kei ang bintana. 

"How can we know anything? How should we conduct ourselves?" Sunod-sunod na tanong ng guro namin sa oras na 'to tungkol sa lesson na dini-discuss niya pero lumilipad lang ang utak ko't walang maintindihan. 

Ilang araw na rin noong mapansin namin ang pag-iwas ni Haley. 

Sinasabi naman niya na walang problema pero sunod-sunod na 'yung palaging pagkukulong niya sa bahay pagkatapos ng klase. Sasabay siya sa 'min pag-uwi pero pagkarating sa bahay, diretsyo na siya sa loob at wala ng sabi sabi. 

Hindi naman na bago kay Haley iyon dahil talaga namang mas gusto niyang mag-isa pero nabawasan 'yung pagiging introverted niya dahil sa Influence nila Kei. Kumbaga ngayon na lang ulit siya nagiging distant simula noong makabalik kami mula sa Baguio. 

Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa mga bulsa ko. 

Nakapagdala ba ng pagbabago sa kanya 'yung pagtama ng mukha sa sahig? 

Palihim kong sinulyapan ng tingin si Haley, nakakalumbaba ito habang nakatuon ang tingin sa harapan, walang kabuhay-buhay ang mata na nakikinig sa gurong nagtuturo ro'n. 

Nandoon 'yung kagustuhan kong kausapin siya pero nahihirapan ako. Mahirap siyang lapitan. 

Hindi ko maipaliwanag nang mabuti pero parang may nakaharang na pader sa paligid niya, 'tapos kapag lalapitan mo parang kikilabutan ka sa lamig nung aura na mayro'n siya kaya mapapaatras ka na lang. 

"Rouge, read page 67." 

Tumayo si Haley kasama ang text book niya pagkatapos ay nagbasa. Wala akong naririnig na kahit na ano kundi ang kanyang boses, mas napatitig din ako sa kanya lalo pa't sumasabay ang buhok niya sa pagsayaw sa ere nang dahil sa pumapasok na hangin mula sa nakabukas na bintana. 

"....there can be no impeding our intentions or dispositions. Because we can accommodate and adapt. The mind adapts and converts to its own purposes the obstacle to our acting. The impediment to action advances action. What stands in the way becomes the way." Pagtatapos sa pagbabasa ni Haley at inangat ang tingin para makita ulit ang guro. 

"And who's the person that reminds the beneficial to our learning and growth?" Tanong ng guro. 

"It's Marcus Aeralius." Diretsyong sagot ni Haley kaya tumango ang titser. 

"Very good. You may sit down." Sambit ng guro at bumalik sa discussion at explanation niya. 

Samantalang napalingon naman si Haley sa akin. "Do you like me that much that you can't helped but to stare at me?" 

Napatayo ako kasabaya ang malakas na paghampas sa lamesa. "S-Si-Sino may sabi sa'yo na gusto kita?!" Hindi ko namalayan na napasigaw na pala ako't nakaagaw na ako ng atensiyon ng iba. 

"Are you sure you want to ask me that?" Tanong niya habang nakatingin sa akin mula sa peripheral eye view. Pagkatapos ay bumaling din na may pagpikit pa ng mga mata. "Saka ayaw mong umupo?" Tanong niya sa akin kaya napaangat ang dalawa kong kilay. 

Tumikhim ang guro sa harapan kaya napasinghap ako. "Reed Evans, ano'ng problema?" May awtoridad na tanong nito kaya para naman akong robot na humarap sa kanya 'tapos ay namumula ang mukha na umupo ulit. "Wala po. Sorry." 

Tumawa ang lahat 'tapos ay tinukso-tukso ako. Pinatahimik lang sila ng guro sa harapan kaya nanahimik naman sila.

Pero hindi natigil ang tahimik na pagtawa ni Kei sa tabi ko kaya inis ko siyang tiningnan. 

Napasandal na lang ako sa lean seat 'tapos tiningnan ulit si Haley mula sa peripheral eye view. 

Nakasalong-baba ulit siya sa upuan niya't tahimik na nakikinig sa titser namin. 

Siya 'yung inaasar-asar ako, 'tapos ganito siyang umarte. Para sa'n iyon? 

"Evans." Tawag ng guro namin kaya mabilis kong ibinaling ang tingin sa harapan. "Are you listening?" Tanong niya kaya tumangu-tango ako. 

"O-Opo!" Sagot ko naman kaya sumimangot siya bago ibinalik ang discussion niya. 

Marami na rin siyang sinusulat sa board kaya naglabas na nga ako notebook para makapagsulat. 

Pero wala pa yatang dalawang minuto noong isara ko lang ulit ang kwaderno ko. Wala talaga akong ganang magsulat. 

Nag heads down na lang ako pero nakatuon pa rin ang tingin ko sa white board para hindi ako suwayin. Nilingon ko si Haley, akmang magsasalita sana ako nang may ituro siya.

"Zipper mo," Panimula niya at nilingonan ako. "Nakabukas" Dugtong niya. 

Ibinaba ko ang tingin sa tinuturo niya at halos malaglag ang panga nang makitang bukas na bukas iyon. F*ck! Kung saan-saan pa naman ako rumarampa kanina, nakakahiya! Edi maraming nakakita sa boxer ko? Paksh*t! Wala man lang nagsabi sa akin! 

Nakita ko mula sa peripheral eye vision ko ang pag ngisi ni Haley kaya inangat ko ang tingin sa kanya pero mabilis din niyang inalis 'yung nakalinya sa labi niya. "N-Nginisihan mo ba 'ko?" I asks. 

She shrugged. "Beats me." Balewala niyang tugon kaya mabilis na umakyat ang dugo sa mukha ko. 

'Tapos ang nangyari na lang, malakas kong ibinagsak ang mukha ko sa desk para matago kahit papaano ang kahihiyan ko. 

***

NATAPOS NA ang 4th subject namin ngayong araw at oras na ng kainan. Hindi sumabay si Haley at bigla bigla na lang siyang umalis sa classroom ng hindi kami kinakausap. Dala rin niya 'yung bag niya. 

"Where did she go?" Tanong ng papalapit na si Mirriam at Harvey pero walang nakasagot. "Hindi raw ba siya sasabay?" Dagdag tanong pa ni Mirriam. 

Ipinasok ko lang 'yung mga gamit ko sa bag 'tapos tumayo na nga rin. "Baka hindi, wala naman siyang sinabi." Sagot ko at ibinaba ang tingin sa desk niya. Para talaga siyang pusa kung minsan. 

"Hayaan na lang muna ulit natin siya ngayon. Kumain na muna tayo, pupunta naman siya sa taas kung gugustuhin niya." Yaya ni Mirriam saka kami napatingin kay Jasper na pinagkaguluhan doon sa pintuan ng mga lower year. "Hoy, Jasper! Iiwan ka na namin, ah? Bahala ka riyan." Lumakad na nga kami palabas. 

"S-Sandali lang-- Ah, eh. Wait lang, beautiful. Kakain lang kami." Rinig naming panghaharot ni Jasper kaya napapikit si Mirriam at nagbuga nang hininga para magbuga ng hininga. 

Lumabas na kami sa classroom at pumunta sa hagdan. Hahakbang na sana ako paakyat pero nakita ko sa hindi kalayuan si Haley nang mapatingin ako sa kaliwang bahagi, naglalakad siyang mag-isa. 

"Mauna na kayo," Hindi ko na hinintay 'yung sasabihin ng mga kaibigan ko't nagmadaling umalis para sundan si Haley. Lumiko siya ng daan kaya mas binilisan ko ang pagtakbo para masundan siya, subalit nang makaliko ako. 

Bigla siyang nawala. Dahan-dahan akong lumakad sa gitna 'tapos ay luminga-linga sa paligid. N-Nasaan siya? 

Inilipat ko ang tingin sa isa pang hagdan na nandoon sa harapan na nasa kanang bahagi, 'tapos ay patakbong naglakad para pumunta ro'n at umakyat. 

Umaalingawngaw sa lugar ang mga yabag ng mga paa ko nang makatuntong ako sa pinaka palapag. Lumingon-lingon ako't kumunot-noo. "Nasaan siya?" Takang taka kong sabi 'tapos nagsimulang maglakad nang hindi inaalis ang pagmamasid sa paligid. 

Namamalik mata lang ba ako? 

Huminto ako sa tabi ng magkakadikit na bintana para silipin ang labas. Marami ng estudyante sa baba at may mga kanya-kanyang ginagawa. Napatingin din ako sa rooftop, nandoon na rin pala sila Harvey. Minsan kasi, pumupwesto kami sa tabi ng Fence para nakikita namin 'yung nangyayari sa baba.

Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos napakamot sa ulo. "Ano ba'ng ginagawa ko?" Bulong sa sarili at napalingon sa likod nang makarinig ako nang mahinang kaluskos sa isang laboratory room. Humarap ako ro'n at pumunta sa harapan niyon, dahil sa kuryosidad na malaman ang laman nito ay hinawakan ko ang door knob at pinihit iyon para buksan. 

Subalit laking gulat ko nang may humablot sa manggas ng uniporme ko't hinila ako paloob kasabay ang pagsara ng taong iyon ng pinto. Malakas niya akong itinulak pahiga sa kama. 'Tapos ay pumatong siya sa tiyan-an ko't handa akong sapakin nang tawagin ko ang pangalan niya na may pagpikit nang mariin. "Haley!" 

Hindi niya naituloy 'yung akma niyang panunutok at mabilis lamang na inihinto sa mismo kong harapan ang kamao niya. Kaunti na lang ay tatama na iyon sa akin. 

Medyo madilim sa laboratory room dahil sa kurtinang nakasara pero nakikita pa naman namin 'yung mga na sa paligid namin. Mainit din dito, kaya siguro niya tinanggal 'yung school blazer niya. 

Iminulat ko ang kaliwa kong mata para makita siya. Iyon nanaman 'yung gano'ng paraan niyang pagtingin, nanlalaki't parang handa kang patayin-- nakakakilabot. 

Ibinalik niya sa dati 'yung mata niya. 

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong niya pagkababa niya sa kamaong na sa tapat ng mukha ko kanina. W-What? Why is she being wary? 

Umalis na rin siya sa pagkakapatong sa akin, kaya pareho na kaming tumayo. 

Pinagpagan ko 'yung pwet-an ko. "A-Ang totoo niyan. Hinahanap kasi kita-- pero hindi ko alam na nandito ka, ah! May narinig lang ako..." Dahan-dahan kong tinigil 'yung sinasabi ko dahil sa biglaan niyang paghawak sa kamay ko pagkahakbang niya sa isa niyang paa. 

Wala pa ring buhay ang mga mata niya at nakatingin lang sa akin. 

"Haley?" Takang-taka kong tawag sa kanya. Wala siyang sinasabi na kahit na ano pero bigla niyang binuksan ang buttones ng sleeve niya gamit lamang ang isang kamay na siyang nagpagulat sa akin. 'Tapos ang sunod na lamang na nangyari ay nakababa na ang White long sleeve sa sahig. 

I could literally feel myself shaking as I am staring at her body. She's only wearing her under clothes-- bra. Then, her Red skirt. 

"What... are you doing?" Parang wala sa sarili kong tanong. Idinikit niya ang katawan niya sa akin na nagpaatras sa kaliwa kong paa. I was breathing hard and I could feel the beating of my heart everywhere in my body. 

I could feel them! The soft thing on my chest. 

"We're alone," Inangat niya ang kamay ko na hawak niya para dalhin sa kanyang dibdib dahilan para mas lalong manginig ang mata kong nakatingin sa kanya. Sh*t! Sh*t! There's something wrong with her! "You can do whatever you want, wala akong pagsasabihin na kahit na sino." 

Napako ako sa kinatatayuan ko. She's too close that I could actually hear her breathe, smell her sweet scent, and feel her warmth. 

Bumubuka sara ang bibig ko, hindi ko magawang makapagsalita, 'di ko alam kung ano'ng salita ang dapat na ilabas sa bibig ko. "It must be hard to you, not able to convey your feelings to someone who you wanted to be with." Saad niya na may malungkot na tingin sa kanyang mata. 

"What are you talking about?" Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo." Akma kong aalisin ang kamay ko sa dibdib niya pero mas hinigpitan niya hawak doon para mapanatili ang kamay ko. 

"Why are you being hesitant? Hindi ba't gusto mo 'ko?" Tanong niya na unti-unting nagpalaki sa mata ko. Is... she provoking me? 

Binigyan niya ako ng mapang-akit na ngiti.  "I'm giving you the privilege to do it," Inilapit niya ang labi niya sa tainga ko upang bumulong. "...or if you want, I'll do all the things you've wanted to." Pagkasabi pa lang niya no'n ay ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilaan niyang balikat kung sa'n naramdaman ko pa ang pag ngisi niya. 

Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin na mukhang nagpagulat sa kanya nang kaunti. "Hindi ka dapat nagsasabi ng ganyan." Panimula ko na nagpatilid nang kaunti sa ulo niya. 

"Huh--" 

"Kahit na nagbibiro ka lang, gusto man kita o hindi, you're worthy of respect." Kinakalma ko lang ang sarili kong bulyawan siya at marahan lang ang paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya para maiwasan ang isa pang pag-aaway.

Inangat ko ang tingin para makita ang mukha niya. Gulong-gulo pa rin siya. "You can't be selfish, Haley." Pag-iling ko. "Isipin mo 'yung nararamdaman ng ibang tao, pa'no na lang kung ibang tao ako? Paano kung mapahamak ka nanaman?" Pag-aalala kong tanong sa kanya dahilan para mapahigpit ang hawak ko sa mga balikat niya. "Hindi ka naman ganito, ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ano ba'ng gumugulo sa'yo? Bakit... Bakit mo biglang naisipan 'to gawin?" Sunod-sunod at naguguluhan kong tanong sa kanya. 

Pero noong hindi nanaman siya nagsalita, inalog ko siya. Sa mga oras na 'to, ibang-iba siya sa Haley na nakilala ko. Hindi siya ganito, hindi siya ito. "Haley!" 

Inalis niya ang mga kamay ko sa mga balikat niya at dinampot ang long sleeve na nasa sahig para suotin iyon. Isinasara niya ang sleeve niya habang nakatingin lang ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. 

Kinuha na rin niya 'yung Black school blazer na nakasabit sa sandalan ng upuan na nasa gilid at tinupi ito sa dalawa. She put the blazer on her arm and turned around. "Don't be confused, Reed Evans." Bumuka ang bibig ko dahil binanggit niya 'yung buong pangalan ko. "Ginawa ko lang 'yon para malaman kung talaga bang mapagkakatiwalaan kang tao o hindi." Sabi niya kasabay ang pagkuha ng gamit niya na ipinatong din niya ro'n sa upuan kung saan nakasabit ang blazer niya. 

Pumitik ang kung ano sa sintido ko. "Ngayon, pinapamukha mo nanaman akong manyakis?! Para sabihin ko sa'yo, makita ko man araw-araw 'yang hubad mong katawan. Wala akong... gagawin sa'yo." Pagtungo ko. Parang hindi ako sigurado sa sinabi ko. 

Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong kasabay ang paglingon niya sa akin. "I see, wala pala talaga akong dapat na ipag-alala." Sambit niya't itinaas ang kamay bilang pagpapaalam. "Mauna na ako." Paalam niya at binuksan na ang pinto. 

Lumabas na siya't iniwan ako sa laboratoryo na ito. Pagkatapos ay napaupo na lang ako ng wala sa oras sa sahig habang hawak-hawak ang puso ko na halos patayin ako sa sobrang pagtibok nito ng mabilis. Nagsimula na ring manginig ang mga kamay ko. "Kaasar..." Nanggigigil kong sabi kasabay ang pagtulo ng pawis mula sa aking sintido. 

Someone's Point of View 

Pumasok ako sa banyo ng mga babae na medyo malayo-layo sa building ng high school.

Tumunog ang bell kaya lahat ng mga estudyante ay na sa kani-kanila ng mga classroom. 

Isinara ko ang pinto at ni-locked. Pumunta ako sa harapan ng pahabang salamin at ipinatong ang gamit sa kanan kong bahagi na hindi mababasa. Huminga ako nang malalim bago kunin at ilabas ang case ng contact lense. 

Ibinaba ko iyon saka ko dahan-dahang kinuha ang Brown lenses sa dalawa kong mata para ilagay sa case na may lamang solution. Binuksan ko ang gripo saka ako naghilamos ng mukha. 

Kinuha ko rin sa bag ang bimpo bago tumayo nang maayos ay punasan ang mukha kong basang-basa. 

Matapos iyon ay ibinaba ko na ang bimpo para tingnan ang asul kong mata. 

Pero mas tumuon sa pansin ko 'yung pagpula nito dahil natutuyo na rin dahil sa matagalang paggamit. Wala kasi akong eye drop. "F*ck." I cussed. 

Nag vibrate ang phone na 'di ko pagmamay-ari  sa bulsa ng skirt ko 'tapos ay kinuha iyon doon upang sagutin ang tawag pagkatapos kong makita ang number. 

"Hindi ka pa ba pupunta rito, nagwawala na sa kwarto 'yung kapatid mo." Saad niya. "Laraley."  Dugtong at tawag niya sa pangalan na iyon dahilan para manliit ang tingin ng mga mata ko. 

*****