Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 35 - Zero Option of the Essence

Chapter 35 - Zero Option of the Essence

Chapter 34: Zero Option of the Essence 

Haley's Point of View 

Bored lang akong nakatingin sa lalaking na sa harapan ko.

Nakaupo ito sa isang silya habang ino-obserbahan ako. Kanina pa talaga siya riyan at hindi umaalis. Kapag kakain siya, pipitik lang siya sa ere saka may magdadala sa kanya ng pagkain para dito kumain. 

Mayro'n din siya 'yung suot na parang suot-suot ng taong iyon. Nakasuot siya ng black leather jacket 'tapos 'yung puting maskara. Nandoon lang sa gilid ng ulo niya't nakasabit. 

Inangat ko ang tingin sa handcuff na nasa kanan kong pulso. Nakahiga ako ngayon sa kama habang naka-locked lang ang isang posas sa manipis na bakal ng headboard. Kaya kahit na ano'ng gawin ko, hindi talaga ako makakawala. Maliban na lang kung may malapit na sink diyan. 

"Wala ka namang balak na kumawala, ano?" Tanong ng lalaking hindi ko alam ang pangalan. Ibinaba ko ang tingin para makita siya. 

"Kapag mayro'n, papatayin mo 'ko?" Matapang kong tanong sa kanya dahilan para matawa siya. Kinunutan ko siya ng noo. "What are you laughing at?" 

"It's just amazing how you and her are so similar yet so different." Namamangha niyang sambit kaya nagsalubong ang kilay ko. Tinutukoy ba niya 'yung taong 'yon? 

"Where is she?" Seryosong tanong ko at hanap sa taong iyon. 

Umalis siya sa pagkakasandal sa upuan niya. "Mukhang wala pa siyang naipapaliwanag na kahit na ano sa 'yo." Saad niya kaya inilipat ko ang tingin sa kisame. Walang imik na nakatulala ro'n, but I could feel my tears forming. My mind is a mess right now. I don't know what to think anymore. 

"Do people like you lie?" I asks. 

"Siyempre, tao pa rin naman kami. Wala naman siguro sa mundong ito ang hindi pa nakakapag sinungaling." Tugon niya kaya ibinaling ko na ang tingin ko sa kanya. Hangga't maaari, ginagawa ko rin ang lahat para hindi tumulo ang luha ko. 

Huminga ako nang malalim para magpigil. "Just this once, will you tell me honestly?" Panimula ko, nakikinig lang siya. "Si... Lara ba talaga 'yon?" Hirap kong tanong dahil nararamdaman ko na patulo na 'yung luha ko. 

Narinig ko ang pag-ayos niya ng upo sa pwesto bago ako sagutin. "Yes." Tipid niyang sagot na nagpakagat sa ibaba kong labi. 

"Paano ba kasi nangyari 'yon?" Tumulo na ang luha ko, 'tapos nandoon nanaman 'yung bigat sa dibdib ko. "I saw her in my own eyes, sleeping on the coffin with her chapped and dry lips, pale skin. There's no way she could be alive, was she?" 

Narinig ko ang paglabas niya ng hangin na nanggaling sa ilong. "Sorry, I can't answer your question any further. I'm not in the position to explain everything. It's better if you reach out to her directly." 

Lumingon ako sa kaliwang bahagi para hindi siya makita. "Ang dami kong tanong na hindi niya masagot-sagot. 'Tapos sasabihin mo sa akin na kausapin siya?" Pinunasan ko ang mga luha sa ko gamit ang aking kamay. "P*tangina talaga." Paghikbi ko. 

"Mapapagalitan ako ng kapatid mo kapag naabutan ka niyang umiiyak dito. Baka isipin niyon, pinapaiyak kita." Saad niya saka saktong nagbukas ang pinto. 

Naramdaman ko ang mabilis na pagtayo nung lalaking iyon. "Vivien." Tawag niya sa kung sinong pangalan. 

Naririnig ko ang mga yabag ng kanyang paa na umaalingawngaw sa kwartong ito.

"If you want to know something about me, the best person to ask, is me" Malamig na sambit ng taong iyon kaya mabilis akong umupo mula sa pagkakahiga. 

"T*ngina talaga! Ilang beses na ba akong pilit na kausapin ka?! Ang dami ko ngang tanong sa'yo na hindi mo nagawang masagot! Nakikipaglokohan ba 'ko rito, Lara?!" 

Hindi makapagpigil sa pagbuhos ng luha ang mata ko at mas lalong naiyak nang makita ko siya sa mismo kong harapan. 

Blanko lang ang tingin niya sa akin. "Pwede bang iwan mo kami rito, Roxas?" Pakiusap niya sa lalaking na sa gilid namin kaya tumango ang nagngangalang Roxas bago naglakad paalis. 

Naiwan na kami dalawa sa kwarto. Walang umimik at tahimik lang kaming pareho. 

Ako lang nagbasag no'n. "Lara... Pwede ba? Sa pagkakataon na 'to, sabihin mo na sa akin kung ano 'yung nangyayari? Ang dami kong tanong pero," Tumungo ako. "Hindi ko na alam kung paano ko sisimulan, eh." 

"I went here to tell you everything you have to know." Tumingala ako nang kaunti para makita siya. Wala pa ring nakaukit na ekspresiyon ang mukha niya. Why? Just what happened to her? She used to smile a lot before. 

Third Person's Point of View 

8-9 years ago... 

Dahan-dahan na iminulat ni Lara ang kanyang mata matapos magpahinga ng ilang oras. Umupo siya sa pagkakahiga at ibinaba ang tingin sa kapatid niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Tumitig siya ng ilang sandali sa mukha ng kapatid na si Haley bago mapangiti't dahan-dahang inalis ang kamay nilang magkahawak. 

Umalis siya sa kama at lumabas sa kwarto. Nakatungo lang siyang naglalakad nang maalala niya ang narinig ng kanyang ina noong makausap nito ang Doctor.

"If her Epileptic Seizures prolonged, there is an increased risk and can develop other medical problems and threatening effect in her body. I'm afraid that it can also cause a sudden unexpected death in Epilepsy." Paliwanag ng doctor sa ina niya nas mas nagpatungo kay Lara. 

"Am I going to die?" Bulong niya sa sarili habang naglalakad papunta sa balcony nila.

Ngunit bago pa man siya makalabas at nang madaanan niya ang sala nila ay napatingin siya sa nakataob na frame.

Pumunta siya ro'n para iangat ang frame. Pinagmasdan niya ang mga tao sa litrato.

Silang apat iyon ng kanyang pamilya kung saan makikita rito kung gaano sila naging kasaya noong buo pa sila. 

Inilipat ni Lara ang tingin sa kapatid na si Haley. Humawak siya sa mukha nung na sa litrato bago tumulo panandalian ang luha niya. Mabilis na pinunasan iyon ni Lara bago ibinalik sa kaninang pwesto ang photo frame.

Lumabas na nga lang si Lara at tumambay sa Veranda. Nagpapahangin lang siya ro'n at nakatuon lang ang tingin sa malayo nang maluha nanaman siya sa pag-iisip ng kung anu-ano. "Hindi, hindi. Hindi dapat ako umiyak, baka makita ako ni Haley." Pakikipag-usap sa sarili saka may biglang nagsalita sa kanang bahagi.

"You're strong little lady." Mabilis na nilingon iyon ni Lara at dahil sa gulat ay napaatras siya't napaupo sa sahig. "Whoa there!" Reaksiyon ng hindi nagpapakilalang lalaki pero nakasuot siya ng White suit and Panama hat. 

Hawak ni Lara pwet-an niyang unang unang bumagsak sa sahig nang pumasok sa Veranda ang lalaki at pumunta sa harapan niya. Inabot ng lalaking hindi pa nagpapakilala ang kamay niya sa batang si Lara upang alukin itong tumayo. "Are you okay?" Tanong ng lalaki kaya inangat ni Lara ang tingin sa kanya. 

Nakakaramdam ng takot ang batang si Lara subalit nagawa niyang tumayong mag-isa at muling napaatras palayo sa lalaking na sa harapan niya. "W-Who are you?" Tanong ni Lara na may pagnginig sa kanyang boses saka napatingin sandali sa gate nila. Hindi ito nakabukas at nakasara lamang.

Tumayo nang maayos 'yung lalaking na sa harapan niya. Tinanggal ng lalaki ang suot niyang Panama hat para idikit ito sa kanyang dibdib. "Yes, sorry for being rude. I'm Sean, and you must be Laraley Rouge." Matamis na pagngiti ng lalaking nagngangalang Sean na mas nagparamdam ng takot kay Lara. 

"W-Why are... you here?" 

Humagikhik si Sean. "Don't be afraid, little Lady. I went here to tell you something important." Malumanay na wika ng lalaki.

Hindi nagtiwala si Lara at binigyan lamang ito ng masamang tingin.

"I'm sorry, but I-I don't want to entertain any strangers unless I see something amazing about you." 

"Oh." Parang namamangha na paggawa ng tunog ni Sean. "How are you supposed to have friends?"

Lumunok si Lara ng sariling laway. "Hindi ka naman pumunta rito para makipagkaibigan sa akin." 

Tumawa ang binata sa naging sagot ni Lara, tumigil lang si Sean noong tingnan na siya ng kakaiba ng batang babae. 

Tumikhim si Sean bago tingnan ng seryoso ang kaharap niya. "I am here to inform you about your condition." Sandaling bumuka ang bibig ni Lara bago rin ito isara at ilayo ang tingin. 

"I knew about them." Paanas na sagot ni Lara na narinig naman ni Sean. 

Sean nodded. "Ako ang nakausap ni Miss Rachelle tungkol sa kalagayan mo." Umangat ang magkabilaang kilay ni Lara. Tila naalala niya nga si Sean nung araw na nagkausap sila ng kanyang ina. " To tell you honestly, madalang lang sa taong may disorder ng Epileptic Seizure na magkaro'n ng death rate, at wala ring eksaktong sanhi kung pa'no sila namamatay." Panimula niya dahilan para iangat ni Lara ang tingin. 

"W-Wala akong naiintindihan." Naguguluhan na sambit ni Lara. 

"Hindi normal ang Epileptic Seizure mo kaya ipinaliwanag ko kay Miss Rachelle ang tungkol sa pwede mong kahahantungan. If your diagnosed is severe, it can affect brain function leading to sleepiness, seizures, coma and death. Nako-compare rin ito minsan sa SIDS-- Ah, I guess you wouldn't understand." 

Tumango lang si Lara kaya niluhod ni Sean ang isang tuhod niya para mapantayan ang batang babae. "Ganito, may proposal ako sa'yo." Wala lamang sinabi si Lara at tila hinihintay lang ang sasabihin ni Sean. 

"May isang paraan para mawala ang sakit mo, iyon ay kung gagamit ka ng isang halamang gamot." Umabanta si Lara dahil sa narinig kay Sean.

Determinado niyang tiningnan si Sean habang nakakuyom ang kamao. 

"Ano pong gamot 'yan?! Pwede ko bang malaman?!" Sunod-sunod na tanong ni Lara at yumuko. "A-Ayoko pang mamatay." Parang nanghihina nitong dagdag.

Tumango ang lalaki sa naging sagot ni Lara kaya ipinaliwanag ni Sean ang tungkol sa tinutukoy niyang gamot. 

"Marijuana...?" Ulit ni Lara sa binanggit ng binata kanina.

"Alam mo ba iyon?" Tanong ni Sean na inilingan naman ni Lara bilang pagsagot, senyas na hindi niya alam ang tungkol sa tinutukoy ni Sean. 

Tumingin sa hindi kalayuan si Sean para pagmasdan ang araw na papalubog.

"Illegal ang halamang gamot na iyon dito sa lugar na ito, kaya hindi pwedeng gamitin—"

"Edi paano ako magagamot kung hindi pwedeng gamitin dito?" Mabilis na saad ni Lara kaya ibinalik ni Sean ang tingin sa kanya.

Ngumiti si Sean. "Kaya nga sabi kong may proposal ako, hindi ba?" Tumayo na siyang muli 'tapos isinuot ang Panama Hat. "Upang gumaling ang sakit mo at maiwasan ang matinding pangyayari, sasama ka sa akin sa America." 

Namilog ang mata ni Lara sa gulat. "America? Wait a second!" Pag-atras ni Lara. "Are you planning to sell my flesh?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Lara kaya napaurong ang ulo ni Sean at humagikhik. 

"No, no. I'm just trying to help you. But it's up to you whether you'll trust me or not. However, kapag namatay ka, hindi mo sila makikita, hindi ka na nila makikita. Sigurado rin naman akong ayaw mo pang mamatay, 'di ba?" 

Natahimik si Lara sa naging saad ni Sean, natahimik siya sa pwesto niya.

"Simple lang din ang gusto kong mangyari, sasama ka sa akin sa America para maipagamot ka ng halamang gamot na iyon. Pero ang kapalit ay kailangan mong isuko ang buhay mo rito para gumawa ng panibagong buhay" 

Pumunta si Sean sa tabi ni Lara, ipinatong ang malaking kamay sa balikat nito. 

"Sa maliit na salita. Kailangan mong ipakita na patay ka sa pamilya mo para makasama ka sa akin."

Hindi makapigil hininga na natulala si Lara.

"Sisiguraduhin ko ring walang mangyayaring masama sa mga taong mahalaga sayo hangga't nabubuhay ako, basta tulungan mo lang din ako."

Pasimpleng lumunok si Lara at napaawang-bibig. Akmang may sasabihin nang hindi na lang niya itinuloy. "K-Kung ito ang magpapahaba sa buhay ko, at kung magkakaroon pa ako ng pagkakataon na makita sila," Tukoy ni Lara sa pamilya niya. "Papayag ako." Walang pag-aalinlangan na sagot ni Lara pero nandoon pa rin 'yung panginginig ng katawan niya. 

Gumuhit nang malapad na ngiti ang labi ni Sean, animo'y natuwa sa naging sagot ng batang babae. 

"Good answer." Sambit ni Sean saka tiningnan ang oras at inalis na ang pagkakapatong ng kanyang kamay sa balikat ni Lara para maglakad nang kaunti palayo. "Ilalagay ko na 'yung peke mong bangkay sa harapan ng gate, lumabas ka na at pumasok sa nakahandang kotse na nasa labas" Litanya ni Sean nang hindi lumilingon kay Lara. 

Itong inihandang pekeng katawan ay nanggaling sa laboratoryo nila Sean, 

isinagawa mula sa makabagong teknolohiya na lumalaganap ng mga taong iyon. 

"Can I give something to my sister before I leave?" Pagpapaalam ni Lara kaya humarap sa kanya si Sean.

"Where is she? Na sa loob ba siya?" Tanong ni Sean na may paninigurado sa kanyang tono.

"She's asleep." Sagot ni Lara kaya tumango si Sean.

"Huwag ka lang magtatagal, mahirap na kung magising pa 'yung kapatid mo." Ipinasok ni Sean ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa. "Walang pwedeng makaalam na buhay ka dahil makakaisturbo 'yon sa'yo. Mahihirapan ka lang." 

Wala pa ring naiintindihan si Lara ng mga araw na iyon ngunit tumango pa rin siya't ginawa ang dapat na gawin. Mabilis siyang pumasok sa kanilang bahay at pumunta sa kwarto ni Haley upang kumuha ng papel at ballpen, gumawa siya ng isang sulat para sa kanyang kapatid. 

Habang sinusulat ni Lara ang nilalaman ng isip niya, hindi niya napigilan ang hindi mapaluha ulit, pero hangga't maaari ay pinipigilan niya ito dahil masama rin sa kanya ang sobrang pag-iyak.

Inilagay na niya ang natapos na sulat sa isang aparador.

At bago pa man niya ito isara ay tumitig muna siya sa nakatuping papel.

"I'm sorry." Huling sabi ni Lara bago umalis sa mansiyon ng Rouge. 

Haley's Point of View 

"Ang nakita mo nung araw ng libing ko ay isa lamang uri ng clay. Inasikaso 'yun ng mga tao sa organisasyon para ipakitang patay na 'ko." Mahabang kwento ni Lara na nakaupo ngayon sa stool. 

Iminulat niya ang matang nakapikit, samantalang gulat na gulat pa rin ako sa mga narinig kong kwento sa kanya. 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko, sa nangyayari. 

Parang, parang hindi makakatotohanan lahat ng mga ito, mahirap paniwalaan. 

"You took Marijuana just to cure your illness?" Kunot-noo kong sambit. "Alam mo ba 'yung pinasukan mo?" Pag-ismid ko. 

"Then, do you want me to die?" Tanong niya na nagpasigaw sa akin sa inis. 

"That's not what I meant!" 

"Eh, ano'ng ibig mong sabihin? Is there any other way to treat this monster?" Tukoy niya sa Epileptic Seizure niya kaya 'di ko nagawang makapagsalita. 

"Gumaling ba?" Tanong ko na may pag-aalala sa aking boses. Sandali siyang hindi nagsalita bago tumayo. 

"Yes." Tipid niyang sagot kaya lumuhod naman ako. 

"E-Edi makakauwi ka na? Makakabalik ka na sa amin--" 

"No, I can't." Paglayo niya ng tingin na nagpasalubong sa kilay ko. 

"Bakit?! Bakit hindi ka makakabalik?!" Mangiyak-ngiyak kong tanong. I got to see her again, she's alive. She's here, pero bakit hindi siya pwedeng bumalik sa amin? 

"Why do you think I'm brought you here?" Tukoy niya sa pagdala niya sa akin sa lugar na ito, nakagapos at nakakulong sa lugar na hindi ko alam. "I'm not the person you knew before, Lara is already dead." 

Kumuyom ang mga kamao ko. "Ano nanaman ba 'tong sinasabi mo?" Nanghihina't naguguluhan kong tanong sa kanya. 

Sumuklay siya sa buhok niya gamit ang mga daliri at pinitik ito sa ere.

"I'm Vivien Villafuerte. I'm a member of assasination, group of White Stone Organization and the enemy of B.R.O or also known as Black Rock Organization, our mission is to eliminate a person." 

Eliminate...? 

"We have the good side and bad side,

In our field. W.S.O is in a good side, we assassinate people who were doing bad things na kadalasan ay nanggagaling sa B.R.O. This organization usually violated and abused women, do illegal drugs, they smuggle, etc." Patuloy niya sa pagpapaliwanag habang nakikinig lang ako.

"I already killed people-- not just once, twice but tons of them that is why they are looking for a way to get revenge, and I am their target" 

Nag blanko ang isip ko't biglang napahawak sa leeg ko, 

nananakit ito at parang may nakabara roon. 

"They saw my face, and they found out that you exist-- that I have a twin sister. I have no idea how it happened" Pag-iling niya. "Kaya dinala kita rito nang palihim para maiwasan ka sa pwedeng maging panganib." Simpleng paliwanag niya at tumayo, ngunit hindi niya inaalis ang tingin sa akin na siyang nagparamdam sa akin ng panlalamig. Nakamamatay 'yung paraan ng pagtitig niya, sobrang lamig.

"Iyon lang." Tumalikod na siya sa akin. "Padadalhan kita ng pagkain, kaya hintayin mo na lang diyan." Paalam niya at naglakad na para umalis. Tatayo sana ako pero nakalimutan kong may posas ako. Kaasar! 

Inilipat ko ang tingin kay Lara. "Kaya ko 'yung sarili ko!" Pagluhod ko sa kanan kong tuhod habang tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad niya. "Lara! Pakawalan mo 'ko rit--" Napatigil ako sa pagsasalita nang mabilis niyang hinagis ang patalim sa gawi ko na siyang nagpapikit sa akin nang mariin. Inaasahan na sa akin tatama pero ilang segundo, wala akong naramdaman. 

Unti-unti kong iminulat ang mata ko, 'tapos napalingon nang maramdaman kong wala na 'yung posas. Pero nagulat ako sa nakatusok sa pader noong gumapang ako paharap sa head board. Hindi ito isang ordinaryong kutsilyo lamang dahil nagawa niyang mabali ang metal na handcuff. 

"You'll die if I let you go." Saad niya, walang partikular na paliwanag. 

Ibinaba ko ang mga kamay ko sa kama. Malungkot ang tingin ko sa puting kumot na gamit-gamit ko. 

Mariin ko ring kinagat ang ibabang labi ko, hindi napansin na nakagawa iyon ng sugat. "How 'bout you?" Panimula ko't mahigpit na humawak sa kumot. "Bakit hindi mo iniisip 'yung pwedeng mangyari sa'yo kapag lumabas ka rito? Bakit hindi ka na lang manatili rito," 

Lumingon ako sa kanya. "Ate?" Tawag ko sa kanya.

Nakatalikod siya na nakalingon din sa akin. Parehong masama ang tingin namin sa isa't-isa. 

Ibinaling na niya ang tingin at hindi ako sinagot. 

Umalis lamang siya sa kwarto at iniwan akong mag-isa sa lugar na ito. 

Bumaling na rin ang tingin ko't napasuntok sa headboard. Muli nanamang bumagsak 'yung luha ko dahil sa halo-halong emosyon. Galit, inis, lungkot, at pag-aalala. 

Why are we so different even though we are twins?

Lara.

*****

  1. P'wede n'yo itong i-research.
    Marijuana can be a medical treat for Epileptic Seizures.