Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 38 - The Shape of Smile

Chapter 38 - The Shape of Smile

Chapter 37: The Shape of Smile 

Laraley's Point of View 

Oras ng dismissal, kadalasan nauuna akong umalis lalo pa't Biyernes ngayon kaya ito 'yung mga araw na pupunta ako sa W.S.O. base nang mapuntahan ko rin si Haley pero sumama ako sa mga kaibigan niya dahil nakakaramdam ako na nanghihinala na sila sa akin. 

Kahit napakalayo na maisip nilang ibang tao ako. 

Pero kung magdududa sila sa akin, mas lalo nila akong pagtutuunan ng pansin. 

Tulad nung nangyari kanina... 

Flashback 

Lunch break, sinabi ko sa mga kaibigan ni Haley na pupunta ako sa library para matulog bilang excuse dahil ang totoo ay tatawagan ko si Roxas sa hindi matao na lugar para kausapin siya dahil nakasagap ako ng emergency pattern senyales na on the move nanaman ang mga tao sa B.R.O. at pinaghahahanap 'yung kapatid ko sa kalapit na lugar. 

Naglagay ako ng signal device bawat eskenita kung saan made-detect nito 'yung mga nakatagong armas, subalit kung armas naman ng police. Hindi magre-react ang device dahil dadating muna ito sa process of scanning upang mabasa ang Code I.D. ng mga tao galing sa gobyerno.

Saka lang ako makakatanggap ng signal kung naramdaman ng device na may kakaibang armas na dala ang isang tao pero dahil napunta sa emergency pattern, marami-rami silang gumagala-gala sa paligid. 

Ibig sabihin, alam na nila kung saan pwedeng nakatago 'yung kapatid ko kung sakali mang hindi ko alam 'yung binabalak nila. 

Sa likurang old building, naglililinga ako bago ko idinikit sa tainga ko ang cellphone. 

"Kaya mo bang mag-isa?" Tanong ko sa kanya kaya humagikhik siya sa kabilang linya. 

"Nag-aalala ba sa akin ang isang Vivien Villafuerte?" Biro niya sa akin na hindi ko inimikan ng ilang segundo kaya pilit itong natawa. "B-Biro lang," Bawi niya na animo'y parang natakot. "Kaya ko namang mag-isa, pero sigurado ka bang hindi ka magpapatulong sa iba?" Tanong niya sa akin. 

Pumikit ako bago ako humawak sa siko ko. "Nevermind, kung hindi mo kaya, ako na lang gagawang mag-isa--"

"Hindi, ako ang gagawa. Napakadelikado kung mas maraming makakaalam tungkol sa'yo, at hindi natin alam baka mamaya, may makaalam pang hindi ka si Hal--" Mabilis kong pinatay ang cellphone ko dahil nakaramdam ako ng presensiya mula sa likuran ko. 

Bumuntong-hininga ako. "May kailangan ka ba?" Tanong ko at lumingon sa may bandang puno kung saan siya nagtatago. "Harvey?" Dagdag ko bilang pagtawag sa pangalan niya. 

Lumabas naman siya sa tinataguan niya at nagpakita. Hawak pa rin niya ang puno na nasa kanan niya. "Akala ko ba pupunta ka sa Library?" Tanong niya sa akin kaya itinago ko sa bulsa ng skirt ko ang cellphone bago humarap sa kanya. 

"Someone just called me, hindi naman siguro tama na makipag-usap ako sa library, 'di ba?" Pagkibit-balikat ko. "Huwag mong sabihing pinuntahan mo lang ako rito para tanungin 'yan sa akin?" 

Sandali siyang hindi umimik. "May bumabagabag ba sa'yo?" Tanong niya. 

He seems concern but he's actually stalking me not because he cares. I have a feeling that he's doubting me. 

"Nothing, really. Bakit? Nang dahil ba sa madalas akong hindi sumasama sa mga gimik n'yo--" 

"Naiintindihan namin 'yung parte na 'yon, may sarili kang buhay hindi ka namin dapat pinapakielaman pero huwag mong ipag-alala 'yung mga tao sa paligid mo." Bumuka ang bibig ko nang bahagya. "Madalas kang napupunta sa mga hindi magandang sitwasyon kaya natural na lang na pakielaman ka ng mga taong na sa paligid mo." 

Itinikum ko ang bibig ko. Oh, right... 

I almost forgot that there are people who deeply cares for her. 

Tumagilid na siya nang tayo. "Kaya mo ang sarili mo pero huwag kang magpakakampante na ligtas ka palagi, mag-ingat ka," Nanliit ang mata niya bago ipinasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya't umalis sa aking harapan. 

End of Flashback 

Maaaring tinutukoy ni Harvey 'yung mga araw na nakita niya ako nung gabing iyon kaya pinag-iingat niya si Haley pero hindi ko rin pwedeng hayaan na may malaman pa siya sa kung ano talaga ang nangyayari kay Haley. 

Nakalabas na kami sa building. Nagku-kwentuhan lang 'yung mga kaibigan ni Haley sa harapan habang na sa likuran lang kami ni Jasper. 

"Bakit hindi ka makisali sa kanila?" Tanong ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan. 

Tumungo siya nang kaunti at ngumiti. "Kaya ko bang makipagsabayan sa dulo ng mga nalaman ko sa'yo?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya gamit ang peripheral eye view. 

"You have a point, I understand. But if you do that, magtatanong na sila kung ano ang problema mo. Ang ingay ingay mo pa naman 'tapos bigla kang mananahimik." Saad ko. 

Napaharap siya sa akin ng wala sa oras. "A-Ano ba'ng tingin mo sa akin? May mga araw rin naman na gusto ko ring manahimik, ano?" 

"Haley Miles Rouge!" Napatigil kaming anim dahil sa tumawag ng pangalan ni Haley. Lumingon ako sa likuran, may estudyante roon na nakatayo habang galit na galit na nakatingin sa akin. 

Ah, her. 

"Kilala mo?" Tanong ni Mirriam at turo sa babaeng tumawag kay Haley. 

"No." Tipid kong sagot saka humarap sa babaeng estudyanteng iyon. "Ano ang kailangan mo?" Malamig na tanong ko sa kanya na medyo nagpaangat sa kilay niya pero mabilis ding nagsalubong ang kilay. 

"Ikaw ang nagbigay sa guro ng mga litratong iyon, 'di ba? Hindi mo ba alam na kamuntik-muntikan na akong ma-expell nang dahil sa 'yo!" Duro niya sa akin kaya napatingin na 'yung ibang estudyante na dumadaan sa gilid namin. 

"I see. Well, congrats nandito ka pa rin." Bati ko habang walang ganang nakatingin sa kanya. 

Napasapo si Harvey habang nag-aalala namang nakatingin si Kei sa akin. 

"Haley..." Tawag ni Kei sa pangalan na iyon. 

Napakamot naman sa ulo si Mirriam. "May kaaway ka nanaman..." 

"Do you really think I will forgive you?!" Sigaw pa niya sa akin kaya pumukaw na ang atensiyon ng lahat sa amin. May mga nagbubulungan na.

Itinagilid ko ang ulo ko. "I'm not asking for your forgiveness. It's fine." 

Mas tumalim ang tingin niya kaysa kanina kaya humawak na si Jasper sa balikat ko. "Now, now. Hayaan na lang natin siya." 

"Bakit ba dikit kayo nang dikit sa babaeng 'yan?!" Tukoy ng babaeng iyon sa akin. "Hindi n'yo siya kilala, marami siyang tinatago!" 

Naningkit lang ang mata ko bago tumalikod sa kanya't nagsimulang maglakad. Sumunod na rin a ng mga kaibigan ni Haley sa akin.  

*** 

SATURDAY 

Inayos ko ang suot-suot kong damit ngayong na sa harapan ako ng salamin. Pagkatapos ay tumingala para makita ang sarili. Inayos ko lang nang kaunti 'yung bangs ko 'tapos bumuntong-hininga bago lumabas ng kwarto, nandoon lang sa hagdan 'yung alaga ni Haley at hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako gusto at galit na galit pa rin kapag nakikita ako. 

Kumakapal ang balahibo niya't nagtataasan. 

Nakababa ang tingin ko sa kanya nang umupo ako para sana bigyan siya ng isang pat sa ulo pero bigla niya akong kinalmot kaya binawi ko na lamang ang aking kamay at tiningnan ang daliri kong nagdudugo. Muli akong nagbuga ng hininga. Being here is kind'a tedious. 

Lumabas ako sa bahay habang nilalagyan ng band aid ang daliri ko na siya namang kasabay ng pagbati ni Reed sa labas ng gate. "Oy.'" Bati niya habang nakatalikod na nakalingon sa akin. Ni-locked ko na ang pinto at tumango. 

"Mmh, morning." Bati ko pabalik bago lumabas sa gate.

Iniwanan ko ng pagkain si Chummy at hindi na dinala sa kasambahay na nagngangalang Yhina dahil hindi naman kami magtatagal ni Reed Evans. 

Pero kailangan ko ba talaga 'tong gawin? 

"Umalis na tayo ng maaga para hindi tayo mahuli sa pila." Paglalakad niya papunta sa sasakyan niya. Sinundan ko lang siya nang tingin bago tumingin sa kaliwa't kanan para pakiramdaman ang paligid. 

Binuksan ko na ang pinto nung passenger seat saka ako pumasok. Umayos ako nang upo't nagsuot ng seatbelt bago pinaandar ni Reed ang makina ng sasakyan niya't pinaharurot ito. 

Habang bumibiyahe kami, nag-iwan ako ng kumento sa suot niya. Nag crossed legs ako. "Alam mong makikipag date ka, pero ganyan lang ang suot mo?" 

Umangat ang mga kilay niya't lumingon sa akin. "D-Date?" Nauutal niyang sambit. 

Ipinatong ko ang siko ko sa may bandang door handle dahil medyo makapal-kapal din ito 'tapos sumalong-baba. "Pupunta tayo sa Ocean park ng tayong dalawa lang, this is considered date, right?" 

Namula ang mukha niya na mabilis ding ibinaling. "E-Eh... Akala ko pupunta lang tayo ro'n para hindi masayang 'yung ticket." Nauutal nitong sambit. 

What a dork. 

Naglabas ako ng hangin sa ilong. "Sa unang tingin, hindi halata dahil muscular ka at may itsura ka," 

Namilog ang mata ni Reed sa sinabi ko. "...but honestly, are you a virgin?" Taas-kilay kong tanong sa kanya kaya bigla kaming huminto na mabuti na lang ay nakasuot ako ng seatbelt kasi kung hindi, mauuntog ako sa compartment glove box na nasa harapan ko. 

Wala pang nagpapainit ng ulo ko ng ganito maliban kay Roxas. 

Tinaliman ko ng tingin si Reed Evans. "Hoy, lalaki. Madidisgrasya talaga tayo sa ginagawa mo." Malumanay kong suway sa kanya habang nilingon naman niya ako. Nakahinto ang sasakyan dahil nandito kami sa pedestrial lane, nakapula 'yung ilaw nung traffic lights. 

"Bakit mo tinatanong sa akin kung virgin ba 'ko?!" 

Hmm, no wonder kung bakit wala silang process ng kapatid ko. 

This is stupid and a waste of time, really. 

*** 

PUMASOK NA KAMI sa loob ng Ocean Park matapos naming ibigay ang mga ticket namin at makatanggap ng invisible mark sa pulso, makikita 'yun kapag gumamit ng LED UV Flashlight at tinapat kung sa'n nila kami tinatakan. 

Maraming mga stores sa loob, mga souvenirs 'tapos mga kainan. Sa dulo pa ang mismong aquarium. 

Naglalakad kami nang ayain ako ni Reed Evans na kumain. Tinuro niya 'yung stores na puro Koaded kaya napa-bored look ako. "N-No thanks." Simula talaga nang pumalit ako sa pwesto ni Haley, wala ng ibang inalok ang mga kaibigan niya sa akin kundi ang Koaded. Naiintindihan ko na paborito nga 'to ng kapatid ko pero hindi ba siya nagsasawa?

Pero hindi ko ipagkakailang ang lambot niyon sa loob. Parang sumasabog 'yung flavor kapag nginuya mo. Kaso hindi ako tulad ni Haley na may sweet tooth, madali akong maumay. 

"Ah, sandali. Bibili lang ako ng tubig." Saad ni Reed. "Ikaw, may gusto ka bang inumin o kainin?" Tanong niya sa akin kaya tumingala ako para makita siya. Palihim kasi akong nagmamasid sa paligid. 

"Hmm, maybe Juice lang. Kahit na anong flavor." Sagot ko kaya tumango naman siya bago niya ako iwan sa pwesto. Inilipat ko na lamang ulit ang tingin sa kung saan at nagtititingin, 

Ilang sandali pa, may dalawang lalaki ang lumapit at huminto sa harapan ko. Pareho silang mga nakapamulsa. "Hi, Miss. You alone?" Tanong nung pang-unang lalaki habang nakalinya ang ngisi sa kanyang labi. Nakasuot siya ng beanie pero nakasuot lang ng Black tank tops. 

"Gusto mong sumama sa 'min? O baka may kasama ka pa? Wala ka naman sigurong boyfriend, ano?" Tanong naman nung pangalawa na may mga piercing. Nakasuot siya ng open floral polo at White inner shirt. He's also wearing pleated shorts. Saan ba siya pupunta? Beach? 

Sumulyap ako kung nasa'n si Reed. Bumibili pa rin siya ng inumin naming pareho kaya ibinalik ko ang tingin sa dalawa saka sila binigyan nang mapang-akit na ngiti. "Wala akong kasama, pero pwede akong sumama sa inyong dalawa." Saad ko kaya lumapad ang mga ngisi nila. "Sa'n n'yo gustong pumunta?" 

Reed's Point of View 

"Ito po." Abot ko sa bayad ng inumin at bumalik kung nasa'n si Haley, pero nagtaka ako dahil naabutan ko siyang wala sa lugar na tinatayuan niya kanina. "What? Where is she?" Hanap ko sa kanya habang naglililinga. 

Lately, I noticed how her smile is slowly fading away. 

At ang totoo, ako talaga ang bumili ng ticket naming dalawa para sa araw na 'to makapunta lang kami sa Ocean Park, humingi lang ako ng pabor kina Kei na sabihin nilang napalanunan lang nila ang ticket sa isang giveaway sa pinuntahan nilang mall dahil kapag sinabi ko kay Haley na ako ang bumili, sigurado akong hindi siya papayag na sumama sa akin. 

Nag-aasaran pa rin kami ni Haley pero, 

...parang nag-ibang tao siya. Hindi ko maipaliwanag pero si Haley pa rin naman 'yon pero pakiramdam ko, hindi. It's strange... 

Umupo ako sa isang bakanteng upuan at ipinatong ang dalawang inumin sa lamesa para tawagan si Haley. 

"Bakit ayaw mong sagutin?" Tanong ko sa sarili.

...nakakatawa. Nagsalita ako, hindi ko rin naman magawang masabi 'yung nararamdaman ko. 

Bakit nga ba gano'n? Bakit mahirap sabihin sa taong gusto mo na gusto mo siya? Kung dalawang salita lang naman ang dapat mong sabihin para lang malaman niya kung ano 'yung nararamdaman mo? 

Nakadikit pa rin ang phone ko sa tainga habang hinihintay na sagutin ni Haley ang tawag ko.  

Gusto kita, kaya gusto ko rin malaman kung ano 'yung nararamdaman mo. 

Pero paano ko gagawin 'yun kung medyo dumidistansiya ka? 

"Sino tinatawagan mo?" Tanong ni Haley na nasa likuran ko kaya halos matumba ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Mabilis akong tumayo at pumaharap sa kanya. 

"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya. 

Tumayo siya nang maayos. "Ah, mayro'n lang akong sinilip." Sagot niya kasabay ang pagtili ng mga babae sa hindi kalayuan kaya lumingon ako sa pinanggalingan niyon. 

"Ano 'yon?" Taka kong sabi at ibinaba ang tingin nang biglang hinawakan ni Haley ang mga kamay ko. 

"Let's go." Aya niya kaya mabilis kong kinuha ang dalawa naming inumin bago pa man niya ako iginiya paloob sa mismong aquarium. Napakalawak nung lugar, makikita mo rin ang iba't-ibang isda na pati 'yung baby shark, nandoon sa mismong harapan namin. Lumapit ako roon para matingnan nang maigi ang pating pero marahas itong tumalikod na nagpagulat sa akin kaya napaupo pa ako sa sahig. 

Ang sunod naming pinuntahan ay iyong isang madilim na area na may iilang maliit na Angler fish. Naninirahan ito sa kinailaliman ng dagat sa Antartic. Pero wala akong ideya na mayro'n niyan dito. 

"Wow..." Mangha kong sambit habang pinapanood ang pagsindi ng ilaw nung isdang iyon. "Ang galing-- Uy!" Napaatras ako dahil sa pagbuka nang bunganga nito. 

Pumunta naman kami sa open area dahil manonood kami ng Dolphin show. Ako na ang nag lead at pumunta sa harapan, kung doon kasi kami, mas makikita namin nang maigi 'yung ipapalabas.

Bumaba pa ako pero hinawakan na ni Haley ang manggas ng shirt ko. 

Lumingon ako sa kanya na may marka na pagtataka sa aking mukha.

Tinuro niya ang mga upuan sa harapan. "Mababasa tayo kung diyan tayo uupo." Ibinaba ko ang tingin sa upuan na nasa harapan. 

Tama, kung doon kami uupo mababasa kami. 

Napahawak ako sa likurang ulo. "Kung hindi mo pa napansin baka nga mabasa tayo. Pero akalain mong napaka reliable mo rin, ano?" Oo, pinupuri ko siya dahil mula kanina, siya na talaga ang nagle-lead. Parang kabisado niya 'yung lugar dahil bawat banggit ko sa area, siya ang nauunang maglakad para lang marating namin iyon.

Tumalikod na siya pero hindi inaalis ang tingin sa akin. "It's nothing. Let's keep going." Wika niya bago naglakad papunta sa pang-apat na row ng upuan. Wala pa naman kasi masyadong tao. 

Umupo na kaming pareho at naghintay nang ilang minuto, pero bago pa man magsimula ang palabas, pasulyap kong tiningnan si Haley na walang emosyon na nakabaling ang tingin. 

Hindi ba siya nag enjoy? 

Masigabong palakpakan ang maririnig sa lugar noong magsabay-sabay na tumalon ang tatlong dolphin. Tumili't naghiyawan ang mga tao sa harapan at humalakhak noong mabasa sila. 

Tuwang-tuwa lang din akong nanonood nang magulat kami dahil sa malakas na paghampas ng tubig nung dolphin pagkatalon nila nang mataas sa ere. 

Kaya ang nangyari, umabot ang talsik ng tubig sa pwesto namin dahilan para mabasa kami. 

Pareho kaming nakatungo ni Haley habang tumutulo ang tubig mula sa damit at buhok namin. "May dala kang damit?" Tanong ko sa kanya. 

Tumingala siya saka isinuklay ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya sa pamamagitan ng mga daliri niya. "Wala," Tumayo siya, "Bumili na lang tayo ng damit." Umalis na siya sa pwesto niya kaya sinundan ko na lamang siya. 

*** 

NAKABILI NA KAMI ng damit at kasalukuyang nagpapalit ng damit. Subalit pa'no 'to nangyari? 

"B-Bakit nga tayo nagsasabay na magpalit ng damit?" Naguguluhan kong tanong, nanatili pa rin akong nakayuko dahil hindi ko alam kung saan ako titingin. Na sa iisang changing room kami dahil puno na ro'n sa banyo ng lalaki't babae kaya ginamit namin 'yung sa banyo ng mga handicap. 

"Magbihis ka na lang, virgin." Pang-aasar niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya na may pulang pulang mukha. 

"Anong--" Mabilis akong bumaling ulit. Nagbibihis pa rin pala siya. 

Man, ang puti talaga ng balat niya, ano? 

I feel like I'm indulging in a life of unbridled pleasures, dreaming my desires at a glance. 

Umiling-iling ako. Pero mali! Mali! Huwag kang mag-iisip ng mga gano'ng delikadong bagay ngayon pa mang kasama mo si Haley!

Nagbuga siya nang hininga. "Hintayin na lang kita sa labas." Paalam niya matapos niyang makapag-ayos ng gamit. Naiwan na lang akong mag-isa rito, subalit 'di pa rin matanggal sa utak ko 'yung imahe ng katawan niya sa utak ko. 

Pero tama ba 'yung nakita ko kanina? May pasa siya sa likod? 

Malakas na kumalabog ang pinto kaya tumaas ang balahibo ko. "May tao?" Tanong ng kung sino mula sa labas kaya nagmadali na akong magbihis. 

*** 

NAKATITIG AKO sa suot suot na T-shirt ni Haley. Pareho ng style ang damit namin ganoon din ang kulay. Ito ba 'yung tinatawag sa couple shirt? 

Saka tingnan mo 'tong malamig na tingin niya? Ang ganda ganda pa rin niya kahit ang simple na nung suot niya ngayon. 

"Where do you want to go next?" Tanong niya sa akin kaya humalukipkip ako. 

"S-Saan?" Tanong ko 'tapos lumapad ang ngiti nang maisip ko 'yung pwedeng puntahan. "Alam ko na! Sa--" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil may bigla akong na-realize. 

May mali, 

...hindi ba't pumunta nga kami rito para sa kanya? Pero bakit parang ako lang 'yung nagsasaya?

"Hmm?" Paggawa niya nang pagtatakang tunog. 

Hindi ko naiwasang mapayuko. "Haley, hindi ka ba... masaya?" Tanong ko kaya bumuka ang bibig niya. "Pagod ka ba? Nabo-bored ka ba--" 

"Ah, no. It's not like that." Panimula niya saka naglakad palapit sa akin, hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi saka niya inangat para magkatapat ang tingin namin. Namilog ang mata ko dahil napakalapit ng mukha niya sa akin. "I enjoyed this a lot." Dugtong niya na nagpaawang-bibig sa akin. 

"Really?" May pagdududa kong tanong sa kanya saka siya tumingala na parang may pinag-iisipan. Ibinaba na niya ang mga kamay na nakahawak sa dalawa kong pisngi at umatras nang kaunti. 

Tinuro niya ang mga paa niya. "Look." Sinundan ko ng tingin 'yung tinuturo niya at napagtantong napakarami nitong band-aid sa bawat gilid gilid ng kanyang paa.

"Can you see it? Parang hindi ako nag e-enjoy kasi... This was quite painful, and I was desparately trying to endure the pain." 

"W-What?! Kailan pa?" Natataranta kong tanong. 

"Noong bumibili ka ng inumin natin kanina." Sagot niya kaya ibinalik ko ang tingin sa mukha niya. 

"Bakit hindi mo 'agad sinabi?!" Bulyaw ko kaya napatingin bigla ang tingin ng mga taong dumadaan sa amin. 

Humagikhik din siya bigla kaya napataas-kilay ako. "I'm sorry for making you worry, but it's just that you're so cute while wondering around that I couldn't able to say it." 

Mas tumaas ang kaliwa kong kilay dahil sa sinabi niya 'tapos namula. "Kung anu-ano nanaman sinasabi mo." Wika ko. "Gusto mo ba munang magpahinga? Umupo muna tayo..." Dahan-dahan akong napatigil sa pagsasalita dahil sa matamis na paglinya nang ngiti sa kanyang labi. 

Ngayon ko lang yata 'to nakita. 

"You proved to me and show how much you really love this person that you will do anything just to make her happy," Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang litanya. Wala akong naintindihan. 

"Kapag natapos ang lahat ng ito, ikaw na ang bahala sa kanya." Huling sabi niya pero hindi ko nagawang marinig dahil sa biglaang pagsigaw ng mga bata sa hindi kalayuan. 

*****