Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 44 - Emotional Baffle

Chapter 44 - Emotional Baffle

Chapter 42: Emotional Baffle 

Lara's Point of View 

Alas Tres ng umaga na kami nakauwi ni Jasper Villanueva mula sa W.S.O Basement. Balak ko sana na umalis kami kagabi bago mag Alas Nueve pero dahil nakikita kong tuloy-tuloy 'yung pagkukwentuhan nila ng kapatid ko, hinayaan ko sila. 

 

Pero, 

Flashback 

Walang imik akong lumabas sa confiment room habang nakasunod lang si Roxas sa akin. Sumabay siya sa paglalakad ko na may ngiti sa kanyang labi. 

"Hmm…" Paggawa niya ng boses na may mapang-asar na tono kaya tiningnan ko siya mula sa peripheral eye view. 

"What's with you? Grinning like an idiot?" Iritable kong tanong na inilingan niya. 

Bumaling na rin ang tingin niya pagkatapos. "Nakakapanibago lang talaga na makita kang ganito. Knowing you, mas pipiliin mo na umaksiyon mag-isa para sa kapakanan ng iba kahit alam mong maraming tao ang tututol o kakaayawan ka. Pero ngayon, hinayaan mo 'yung kaibigan ng kapatid mo na makita siya." 

Iniharap ko na rin ang aking tingin. "May nakita ka ba sa buhay ng kapatid mo?" Tanong niya dahilan para manliit ang paraan ng aking mata. "O 'yung mga kaibigan niya ang dahilan kaya paunti-unti kang--" 

Pinutol ko siya. "Don't get the wrong idea. If you are attached to someone, it's over." Tumigil ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya na ngayo'y na sa aking likuran. Lumingon ako sa kanya, "You get what I mean, right?" Paninigurado ko pero hindi siya umimik kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad at nauna. 

End of Flashback 

"Lara!" Tawag ni Jasper na nakaangkas sa likod ng motorsiklo ko. 

"I told you not to call me by that name." Suway ko nang hind inaalis ang tingin sa harapan. 

Inilapit niya ang mukha niya sa akin upang marinig ko nang maigi 'yung kanyang sasabihin. "Nakalimutan ko kasing sabihin, pero THANK you pinayagan mo 'kong makita 'yung kapatid mo!" Pagpapa-salamat niya na labas sa ilong na nagpataas sa kaliwang kilay ko. 

I didn't do anything for him to thanked me. 

"I did it for my sister, not to you." Wika ko na nagpatawa sa kanya. 

Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Alam ko, alam ko. You don't have to be so prickly." Patuloy pa rin niya sa pagtawa na kinunutan ko ng noo. Ang ingay-ingay. 

Sa pagbibiyahe namin sa gitna ng high-way ang siyang pag-akyat ng araw mula sa dagat na nasa kanang bahagi. 

Naramdaman ko ang malapad na pag ngiti ni Jasper habang sinusundan ang tingin sa araw na nagbibigay liwanag sa dinadaanan namin. 

*** 

 ALAS SINGKO NA kami nakarating, inuwi ko muna si Jasper sa mansiyon nila bago ako bumalik sa Rouge Residence para makapagpahinga. Subalit sa paglalakad ko pauwi sa bahay dahil iniwan ko na 'yung motorsiklo ko sa isang Rental Parking na hindi naman gano��n lalayo rito. Sinalubong ako ni Harvey Smith na nandoon sa may post lights at nakasandal. Animo'y inaasahan ang aking pagdating. 

 Huminto ako sa paglalakad habang nakahalukipkip lang si Harvey na nakababa ang tingin. 

 Nanliit muna ang tingin ko bago umarteng si Haley. Nagpameywang ako. "Ang aga-aga mo yatang na sa labas?" Saad ko. Good thing wala talaga akong dalang damit dahil may pamalit sa W.S.O. basement. 

 Tumingala't lumingon siya upang makita ako. Pagkatapos ay umalis sa kanyang pagkakasandal upang humarap sa akin. "How 'bout you? I was waiting here for an hour and I didn't see you coming out from your house. Where were you?" Pangdududa niyang tanong. 

 He was waiting here? Why? Did he noticed something? 

 Umawang-bibig ako. Handa ng sumagot pero mayro'n akong duda na baka mali itong maisagot ko. What if he's only provoking me? Masyadong risky kung napakasimple lang ng isasagot ko sa kanya't sabihing maaga lang ako umalis kaya hindi niya ako nakitang lumabas ng bahay? Hindi makatotohanan. 

 Itinikum ko muna ang bibig ko't pasimpleng huminga nang malalim. "I'm not sure whether you have the right to know, you're not even my brother." Pumikit ako sandali at ipinasok ang kanan kong kamay sa bulsa ng hoodie ko para palihim na buksan ang phone ko. Kailangan ko nang kaunting pag-assist ni Roxas na humanap ng taong pwede kong gawing excuse. "But as your friend, I'll tell y--" 

 "No, you actually don't have to tell me." Bawi niya. 

 Wala sa oras akong napataas-kilay nang dahil doon. "Huh? " Gulong-gulo kong reaksiyon. 

 Ipinasok pa niya ang kanang kamay sa bulsa niya. "Come, follow me." Lumakad na siya't nilagpasan ako. 

 Lumingon naman ako sa kanya't sinundan siya ng tingin. Sa hindi malamang dahilan, bigla kong nakita 'yung likod niya mula sa nakaraan at ngayon. 

Tumangkad at lumaki lang ang katawan niya, pero siya pa rin yata 'yung Harvey na nakilala ko. 

 "May nakita ka ba sa buhay ng kapatid mo?" Naalala kong tanong ni Roxas dahilan para mapahawak ako sa aking noo. 

 This sucks. Because of what he said, I'm having emotional baffle and unwelcome flashbacks. 

 Lumakad na lamang ako upang sundan si Harvey sa kung saan man siya pupunta. 

*** 

 DUMAAN ANG iilang sasakyan habang patuloy pa rin kami sa paglalakad ni Harvey sa side walk. Tahimik lang kaming pareho't walang boses ang maririnig. 

Wala pa rin akong ideya sa pupuntahan namin, hindi na rin naman ako nagtanong. 

"Hindi ka magtatanong kung saan tayo pupunta?" Tanong niya habang 'di ako nililingunan. 

 Nakababa lang ang tingin kong naglalakad habang nakasuksok pa rin ang dalawa kong kamay sa suot-suot kong hoodie. "Hindi, pupuntahan din naman natin 'yon kaya malalaman ko rin." Tugon ko na nagpaismid sa kanya. 

 Ilang minuto bago namin marating 'yung sinasabi ni Harvey. Napunta kami sa isang abandoned carnival na mayro'n sa lugar na ito. 

Huminto ako sa paglalakad, si Harvey naman ay tuloy-tuloy pa rin sa kanyang pagpasok sa loob kahit na alam niyang ipinagbabawal iyon. 

 Umakyat siya sa parang fence at nang makarating sa tuktok ay tumalon na lamang siya pababa. Tumayo siya nang maayos at lumingon sa akin. "Kailangan mo pa ba ng tulong?" Tanong niya sa akin pero hindi ako umimik. 

Of all places, why are we here? 

 "No need." Mabilis lamang akong umakyat at nakarating sa kabila kung nasaan si Harvey. 

 

 Tumalikod na siya sa akin. "Let's go." Aya niya sa akin at lumakad. Sumunod na ako sa kanya. 

 Naglililinga ako para makita ang lugar. Ang laki ng pinagbago nito, at mukhang ilang taon ding hindi nagagamit ang lugar na ito. 

 Huminto kami sa isang carousel. "Diyan ka lang. Papaandarin ko lang." Paalam ni Harvey at naglakad papunta sa isang stall dahilan para mapalingon ako sa kanya. 

 

 "Bakit mo gagawin 'yan? Saka baka may makahuli sa 'tin dito." 

 "Huwag kang mag-alala. Walang nagpa-patrol sa area na 'to ng mga ganitong oras." Pagiging kampante niya habang nandoon sa loob ng stall. Bago pa man ako makapagsalita ay umandar at umikot na ang carousel. 

 May muli akong naalala dahil dito. Pero pilit ko ring tinatanggal sa isip ko. 

 Patalon na pumasok sa loob ng pabilog na harang si Harvey. "Tara na, huwag kang maarte." 

 Napaurong ang ulo ko dahil doon 'tapos walang nagawa kundi ang gawin ang sinasabi niya. Umupo ako sa unicorn na marble samantalang umupo naman sa dragon marble si Harvey. 

 Nakatungo ako habang umiikot kaming dalawa sa Carousel na ito. Gulong-gulo pa rin kung bakit kami nandito. 

 "Naguguluhan ka yata kung bakit tayo nanditong dalawa." Panimula ni Harvey kaya napahawak ako nang mahigpit sa pahabang bakal na sumusuporta para hindi mahulog 'yung mga sumasakay rito. 

 "Bakit nga ba?" Simple kong tanong. Magkasabayan lang kasi 'yung mga sinasakyan namin kaya nakakapag-usap kami nang maayos. "

 Nakita ko sa peripheral eye vision ang kanyang pagbaling ng tingin. "No particular reason. However, this place will be demolished by tomorrow." Panimula niya na nagpaawang-bibig nang kaunti sa akin. "Tamang tama lang na dinala kita rito." 

 

 I frowned as he looked at me. I still don't understand why he brought me here. 

"Every human has something that weighs on them. So, I want you to drop the loner act and try to have fun sometimes." 

 

 Bumuka nang kaunti ang bibig ko. "Hopefully, with all of us next time." 

Dagdag niya na may nakalinya na ngiti sa labi niya. Ngiti na madalas niyang ibinibigay sa akin kapag pupunta kami rito. 

 A decade ago, palagi kaming tumatakas sandali sa Rouge Residence na nandoon sa dati naming tinitirhan para pumunta rito't makapagsaya dahil nga sa hindi ako madalas makalabas dahil sa sakit ko. 

 "Try to rely on us a little if something's eating you up." 

 Just because you are doing something for someone else doesn't make it right. Sometimes, it'll only lead you to pain and emptiness. 

 Umismid ako't tumingin sa gawi na hindi ko siya makikita. "I don't even know what you're talking about. You guys are just over-thinking, hindi pa kayo nasanay na ganito ako." Sambit ko.

 "Humph. Right." ani Harvey. 

 Tumingala na lamang ako't kumuha nang maraming hangin, hinihintay na tumigil ang pag-ikot ng Carousel. 

 I, do appreciate his kindness, but it would only bring them nothing but despair if they discover what other side looks like. 

Naningkit ang mata ko. This World is too cruel for me. 

I hate it.