Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 42 - Skin and Blister

Chapter 42 - Skin and Blister

Chapter 41: Skin and Blister 

Lara's Point of View 

Alas otso ng gabi nang makauwi na 'ko sa bahay. Nakabukas lang ang ilaw sa labas ng pinto na ngayon ay nililiparan ng kung anu-anong insekto. 

Huminto ako sa harapan niyon at tumitig na muna sa kawalan. 

Flashback 

Humiwalay na si Haley sa pagkakayakap sa akin, magkapantay na ang tingin naming pareho. Nandoon pa rin 'yung namumuong luha sa mata niya habang walang buhay pa rin akong nakatingin sa kapatid ko. 

Pinipilit kong hindi ilabas ang emosyon na mayro'n ako kahit ang totoo ay gusto ko rin siyang yakapin pabalik. 

I've been living for years without depending to my emotions. Abandoning every single bit of them by choice. However, seeing my sister like this? Crying in front of me seems to be so hard to handle. 

Tinalikuran ko na siya ng walang iniiwan na salita para iwasan ang kung ano mang pwedeng mangyari subalit nang magsalita nanaman siya ay muli rin akong napatigil. "Wala ka bang ibang sasabihin, Laraley?!" Tanong niya na hindi ko binalingan ng tingin. Ginamit na niya 'yung buong pangalan ko. "Kailangan mo ba talagang isarili lahat ng mga ito?!" 

I glanced over my shoulder. Our eyes locked as a tears slipped down her cheeks. 

"I'm sure I should be really angry." She says, 

"Pero hindi ba't galit ka na ngayon?" Pangunguna ko habang walang buhay na nakatingin sa kanya. 

She bit her lip to stop more tears from falling. "Inakala kong wala ka na, Lara. You don't know how cruel it is to me to see you here-- alive after all this time." Haley clenched her teeth as she closed her fist. "It's my fault that you were--" 

"Don't tell me you truly live your life with regrets after you thought I died?" Tanong ko na nagpabilog sa mata niya. Figured. 

 

Bumuntong-hininga ako. "I'm not sure what to say, and I don't know why you feel responsible for my death. But I will let you know that it's not." Pagpikit ko sandali na iminulat ko rin pagkatapos. "In all honesty, I also want you to stop being stubborn and listen to me--" 

"You don't understand what I feel that's why you're acting like this!" Singhal niya dahilan para umalingawngaw ito sa kwarto. "Naalala mo ba noong bata pa tayo? 

Ikaw 'yung panganay sa 'ting dalawa pero ikaw pa 'yung umaarteng bunso." Tumungo siya kung sa'n nakita ko pa ang pagtulo ng luha niya. "Kaya naiinis ako sa 'yo kung bakit umaarte kang panganay sa 'ting dalawa ngayon, na gagawin ang lahat para sa bunso kahit siya pa 'yung nahihirapan, masaktan, o mapunta sa panganib." Mahabang litanya niya na hindi ko nagawang imikan. 

Bumaling lamang ulit ako. "Iba ang ngayon sa noon, Haley." Huling sinabi ko bago umalis sa lugar na iyon. 

End of Flashback 

 

Iniisip ko ngayon, tama lang ba na umarte ako ng gano'n sa sarili kong kapatid? 

Nagiging madamot ba ako sa desisyon kong protektahan sila kahit ako lang ang mag-isa? Pero wala na akong ibang choice, walang pwedeng gumawa nito kundi ako lang. 

Humph. Bakit iniisip ko pa 'yan ngayon? 

Nakakapanibago talaga, kaya ayokong magpakita sa isa sa kanila, eh. 

Binuksan ko na ang pinto at inaasahan kong walang tao dahil nakapatay ang ilaw subalit nagulat ako dahil nakaupo sa single sofa si Kei. Animo'y hinihintay talaga niya akong makauwi rito. 

Binuksan niya ang lamp shade na nasa tabi lang niya bago siya tumayo at humarap sa akin. 

Nakabuka naman ang bibig kong nakatingin sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. 

Sandali siyang hindi sumagot at nakatitig lang sa akin. 'Tapos nagulat na lang ako nang bigla siyang umiyak, ang sunod ding nangyari ay tumakbo siya palapit sa akin upang yakapin ako. "Nandito ka na!" 

Napaatras ako nang hindi pa rin nawawala ang pagkakayakap niya sa akin. 

I don't understand. 

"May pagsabog na naganap kanina sa lugar na pinuntahan natin, tatawag na talaga sana ako kila Reed kung hindi ka pa dumating pero buti nandito ka na!" Patuloy niya sa kanyang sinasabi habang humahagulgol. 

Nakatingin lang talaga ako sa gilid ng ulo niya't hindi nagsasalita. Lumayo naman siya kaagad sa akin para kunin ang phone sa bulsa niya. "Ite-text ko lang si Mirriam na nandito ka na. Ayaw talaga sana niyang umuwi at hihintayin ka pa niya kaso baka mag-alala sila Tito Max kaya pinauwi ko muna." Pagsinghot niya habang nagta-type sa phone niya. 

Tumitig lamang ako sa kanya. Wala talaga akong alam sa pwedeng sabihin. 

"Iyan na-text ko na." Sambit ni Kei at ibinulsa na ang phone niya pabalik. Binuksan din niya 'yung ilaw na nasa likuran ko kaya sumindi na ang mga ilaw na nagpalinga-linga sa akin. "Haley, dito muna ako matutulog." Dagdag niya kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. 

Pati rin sa maliit na bag na nakapatong sa glass table. Kahit yata tumanggi ako, dito pa rin talaga siya matutulog. 

Ibinaling ko na ang tingin kay Kei na seryoso ang tingin sa akin. 

*** 

PATAK NG TUBIG mula sa gripo ang maririnig sa banyo. 

Naiintindihan ko 'yung parte na nag-alala si Kei pero, 

Pasimple akong naglabas ng hangin sa ilong bago tingnan si Kei mula sa gilid ng aking mata. Kinukuskos niya 'yung likod ko, sabay kaming naliligo ngayon. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Kaya kong gawin mag-isa 'ya--" Naputol 'yung sinasabi ko nang pindutin niya 'yung pasa sa likod ko na ngayon ko lang din nalaman. 

"Napa'no 'yan?" Tukoy ni Kei sa pasa na nandoon sa likod ko, hindi pa nakuntento dahil pinindot pa niya iyon. 

Tumikhim ako. "Hindi ko alam, baka premenstrual syndrome?" Patanong kong sagot. "Saka huwag mong pindutin, medyo masakit." Pakiusap ko kaya tinigil na niya ��yung ginagawa niya't humingi ng pasensiya, kinuha na lamang niya 'yung shampoo para ilagay iyon sa buhok ko't pabulain. Kinuskos na rin niya ang ulo ko. 

Tahimik lang niyang ginagawa iyon habang hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. 

"Haley," Tawag niya sa pangalan na iyon kaya ang kaninang nakasarado kong mata ay iminulat ko na. Lumingon ako sa kanya kaya ibinaba niya ang tingin sa akin. 

Namimilog ang mata niya nang labas sa ilong siyang ngumiti at umiling. "Wala. Gusto ko lang tawagin 'yung pangalan mo." Sambit niya kaya tinaasan ko siya ng kilay at humagikhik. 

"What's with that?" 

*** 

NATAPOS NA kaming maligo at na sa kwarto na't nakasuot ng pajama. 

Buti na lang pala talaga, inayos ko 'yung mga gamit at tinago ang dapat na hindi makita. 

Humakbang pa ako hanggang sa mapunta ako sa tabi ng cabinet ko. Inilipat ko ang tingin sa lalagyan ng contact lense, kinuha ko iyon at inilagay iyon sa lugar na pwedeng itago pansamantala. 

Patalbog na umupo si Kei sa edge ng kama ko. Lumingon ako sa kanya na ngayo'y ngiting nakabaling ang tingin. "Gusto ko lang itanong, pero ano ang pumasok sa isip mo at dito ka matutulog?" Tanong ko kaya lumingon na siya sa akin. 

Ngumuso siya. "We're sisters, normal lang na dito ako matulog minsan, 'no? Saka baka kung anu-ano nanaman 'yung gagawin mo kaya babantayan kita. I'm your older sister, after all." Parang proud na sabi niya na nagpaawang-bibig sa akin. 

Itinikum ko na ang bibig ko para humarap sa kanya. "Ano ba ang ibig sabihin maging panganay?" Tanong ko na nagpaangat sa mga kilay niya. Nagtataka sa bigla kong tanong. 

Tumingala siya't hinawakan ang baba (chin) gamit ang hintuturong daliri. Animo'y nag-iisip ng sagot. "Maraming ibig sabihin kapag naging panganay ka. Maliban sa role model ka ng mga nakababata mong kapatid, ikaw rin 'yung taong gagabay sa kanila." Inilagay niya sa likod ang mga kamay niya bilang pagsuporta sa kanyang pag-upo. "Iyong tipong kahit na madalas kayong mag-away, kayo pa rin ang magkakampihan sa huli. Pero minsan, may iba na kinakailangang umarteng mali sa harapan ng ibang tao para sa ikinabubuti ng bunsong kapatid, they became selfless para lang protektahan 'yung kapatid nila. Gagawin nila ang lahat kahit mahirapan sila." Ngiti niyang saad at namilog ang mata noong may maalala. 

Ibinaba niya ang tingin sa akin at iwinagayway ang dalawang kamay sa tapat ng kanyang dibdib. "Hindi ko tinutukoy 'yung sarili ko, ha? May kilala kasi akong tao na gano'n." Natataranta niyang paliwanag. 

Pinitik ko ang buhok ko. "I see." Sagot ko at pumunta sa kabilang kama kung saan ako hihiga. Marahan akong umupo sa edge ng kama saka nilingon si Kei na nakalingon sa akin. "Thank you." Pagpapa-salamat ko. 

Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay pero ngumiti rin. Gumapang siya palapit sa akin 'tapos niyakap nanaman ako. Na sa tuktok ng ulo ko 'yung kaliwa niyang kamay habang hinihimas himas ito. "There, there." 

Nakaawang-bibig lang ako nang marahan kong isara ito't pumikit. 

*****