Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 43 - Restless

Chapter 43 - Restless

Chapter 42: Restless 

Jasper's Point of View 

Minamasahe ni Mirriam ngayon ang kamay ko matapos itong mamulikat kanina pagkatapos na pagkatapos pa lang ng naging training namin. "M-Mirri, please gentle with me-- Uguu." Diniinan niya 'yung parte ng kamay ko kung saan masakit. 

"T*ngina mo, Harvey! Bakit mo 'yon sinabi sa klase kanina?!" Bulyaw ni Reed na ngayon ay nakatayo sa harapan ni Harvey. Pulang pula ang mukha niya sa kahihiyan. 

Ang nangyari kasi, noong tinanong ni Miss Kim kung may inspirasyon daw kamo si Reed dahil nga sa tumataas daw ang grado nito, binuking siya ni Harvey. Pero alam naman na 'yon ng lahat, si Haley lang talaga 'yung walang ideya. 

Si Lara? Pakiramdam ko, alam din niya. Hindi lang siya nagsasalita. 

Humarap si Reed kay Haley habang hindi pa rin nawawala sa mukha niya 'yung pamumula nito. "A-Alam mo namang joke lang 'yon, 'di ba?!" He flustered. Iminulat lang ni Haley 'yung kaliwa niyang mata na kanina'y nakapikit. 

Napasapo sa noo si Mirriam. "I can't believe how immature he is." Pag-iling niya na tinawanan ko ng pilit. 

Dito kami sa tambayan namin nanatili matapos ang dismissal. 

Kaya medyo nag-aalala ako dahil baka kinakailangan na ring umalis ni Lara, tahimik lang siyang nakaupo ro'n sa single sofa at nakasalong-baba na natutulog subalit pakiramdam ko, naghihintay lang talaga siya ng timing na makapagpaalam. 

Pero kung kailangan naman niyang umalis, sesenyasan niya ako, kaya baka nagpapahinga lang din siya sandali? 

Bumukas ang pinto saka bumungad si Kei dala-dala ang iilan sa mga sliding folders. 

Inabot niya kay Reed ang susi ng sasakyan dahil hiniram niya 'yung kotse papunta sa E.U. 

"Sorry, ngayon lang." Sambit niya at pabagsak na umupo sa tabi ni Lara. Ipinatong din niya 'yung mga dala niya sa glass table. "Nakita ko 'yung grade ranking sa bulletin board, dumaan ako kanina." Panimula ni Kei at lumingon kay Lara. "Nangunguna ka sa buong batch natin." 

Namilog ang mata ni Mirriam. "Weh, seryoso? Congrats, Haley!" Bati ni Mirriam habang napanganga naman si Reed 'tapos nilingon si Harvey. 

"First time mangyari 'yun, 'di ba?" Tanong ni Reed. Sa buong batch kasi namin, si Harvey 'yung madalas na nasa unahan, pumapangalawa naman si Kei. Si Rose naman ang kasunod. 

Sila ang madalas na nasa tuktok. 

Pumikit sandali si Harvey saka isinara ang librong binabasa. 

"Not bad for a woman who doesn't listen to the class." 

Iminulat ni Lara ang mga mata niya para ipantay ang mga tingin kay Harvey. 

Nakwento lang ito ni Harvey noon sa akin na naging kaibigan niya 'yung kambal ni Haley, ibig sabihin si Lara iyon, 'di ba?

Kaso naman ang tingin ni Lara noong nakita niya si Harvey? 

Tumayo si Mirriam upang umupo sa kandungan ni Lara na nagpapitlag naman sa kanya. "Kailan ka magpapa-pizza?" 

Sumimangot si Lara at bumuntong-hininga. "Wala akong pera. Saka pwede ka bang umalis diyan?" Taas-kilay na tanong ni Lara na nagpatawa kay Kei. Niyakap din niya si Lara kaya pareho na sila ni Mirriam na nakagitgit sa kanya. 

"Oh, Harvey. Pumalit na si Haley sa pwesto mo, hindi mo ba siya hahamunin para makabalik ka sa upuan mo?" Tanong ni Mirriam na animo'y nang-aasar. Ngumisi pa ito kaya kumunot ang noo ni Harvey. 

"Hindi naman ako gano'n ka-conscious sa grade ko." Tugon ni Harvey. "Besides, you can actually pass an exam with a night cramming." 

Bumaba ang balikat ni Reed kasabay ang paggawa ng nakakapagod na tunog. "Iba talaga kapag gifted ang tao. Samantalang 'yung mga average, kinakailangan pa ng maraming hard work para lang mapunta sa taas." 

Humalukipkip si Harvey. "Hindi naman kasalanan ng mga tao na maging gifted." Pagkibit-balikat nito. "Pero pa'no mo ginawa, Haley?" Pagtuon ng tingin ni Harvey kay Haley na nagpatawa kay Mirriam. 

"Bothered ka talaga sa naging ranking, eh." Ngisi ni Mirriam habang humagikhik naman si Kei. 

Nanatili lang ako sa pwesto ko habang pinapanood lamang sila. Ang talino rin talaga ni Lara, ano? Ang dami-dami niyang kailangang isipin pero naipagsasabay niya 'yung pag-aaral ng kapatid niya at 'yung trabaho sa organisasyon nila. 

 

Pa'no niya nagagawa 'yon? 

"Mirriam, baka gusto mong umalis diyan? Hindi ka magaan." Diretsang wika ni Lara kaya lumingon sa kanya si Mirriam na nandoon pa rin at nakaupo sa kandungan ni Lara. 

"Mayro'n pa lang bagong bukas na resto malapit dito, baka gusto n'yong daanan?" Suhestiyon ni Kei na kulang na lang ay kuminang ang mga mata. 

Tumikhim si Harvey. "Bahala kayo, basta ako okay lang." 

Binigyan siya ni Reed ng makabuluhang ngiti dahil sa paraan ng naging sagot ni Harvey. 

Hindi ko mapigilan na hangaan si Lara. 

Ang dami niyang kayang gawin. Iisipin mo pa lang 'yung mga ginagawa niya sa araw-araw, parang ikaw pa ang nakakaramdam ng pagod para sa kanya. 

Habang siya? Wala man lang daing, palagi lang siyang nakatingin sa harapan. Handang tahakin kung ano man ang ibibigay ng mundo o kapalaran sa kanya. 

Tumayo ako sa pagkakaupo. "Bibili lang ako ng Milktea. Ano gusto n'yo?" Ngiti kong tanong sa kanila kaya pare-pareho itong mga napatingin sa akin. 

"Dark Chocolate Cookie Crumble." Sagot ni Reed. 

"Green Apple Lemonade Tea lang 'yung sa akin." Labas ngipin namang tugon ni Mirriam. 

"Oreo Milktea." Segunda ni Harvey. 

"Hmm, Jasmine Tea lang 'yung akin, diet ako." Parang nahihiya na sagot naman ni Kei kaya napatingin sa kanya si Reed. 

"Diet pero nag-aayang pumunta sa bagong resto?" Sabay baba niya ng tingin sa hita ni Kei. "Ah, tama lang. Nagiging pata ka n--" Binato siya ni Harvey ng ballpen sa likod ng ulo dahilan para mapahawak si Reed dito at humarap sa taong bumato sa kanya. 

Matalim ang tingin ni Harvey samantalang nanggagalaiti naman si Reed na tila parang isang tigreng nagagalit. 

Ibinaling ko na lang ang tingin kay Lara. Nakatingin lang siya sa akin noong magpasya siyang tumayo. "Sasama ako sa'yo, para alam ko kung ano 'yung gusto ko." Sabi niya at lumagpas sa akin. Lumingon ako sa kanya para sundan siya ng tingin, pagkatapos ay ibinalik din sa mga kaibigan ko upang magpaalam. 

Umalis na ako sa tambayan para sumunod kay Lara na nandoon na sa aking motorsiklo't naghihintay. Kinuha ko ang helmet ni Mirriam para iabot iyon kay Lara. "Ito nga pala--" 

"You're awfully quiet." Pansin niya na nagpatahimik sa akin. 

Nakatalikod siyang nakahalukipkip habang nakatingin sa akin gamit ang kanyang gilid ng mata. 

Kinuha ko ang susi ko na nakasabit sa belt loops ko para paandarin na ang makina ng motorsiklo. "Ah, trip ko lang manahimik minsa--" 

Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong. "Kung ayaw mong malaman ng iba na mayro'ng bumabagabag sa 'yo, huwag mo ring ipahalata na mayro'n kang iniisip." Wika niya kaya napahawak ako sa likod ng ulo ko't natawa. 

"Naiirita ka ba?" Tanong ko sa kanya saka siya humarap sa akin. Kinuha na niya 'yung helmet na inaabot ko upang suotin. 

"Wala ako sa lugar na pakielaman kung ano man ang problema mo, pero kung ipagpapatuloy mo 'yan. Mag-aalala lang 'yung mga tao sa paligid mo, maliban na lang kung iyon ang gusto mong mangyari." Seryoso niyang sambit. 

Umawang-bibig ako. May punto siya. 

Humawak ako sa noo ko. Ano ba'ng ginagawa ko? 

Gumuhit ng ngiti ang labi ko.

Pero ito ang patunay na magkapatid talaga sila ni Haley. May ugali kasi siya na magtatanong kapag alam niyang may mali sa tao. Pero 'di niya aaminin na nag-aalala siya kahit halata naman.

Natawa ako ng wala sa oras. Kumusta kaya 'yung amazona kong kaibigan? 

"Now, you're laughing." Taas-kilay niyang sabi at bumuntong-hininga. "Tara na, umalis na tayo dahil mayamaya, kailangan ko na rin talagang puntahan si Hal--"

"Tungkol nga pala diyan." Sabat ko na nagpatigil sa kanya. Lumingon siya sa akin, samantalang seryoso naman akong nakatingin sa kanya. "Sasama ako." Panimula ko na hindi niya inimikan kaagad. "Gusto kong makita si Haley," Humakbang pa ako nang kaunti para lapitan siya. "Pangako, hindi ako gagawa ng bagay na magpapasakit sa ulo mo." Dugtong ko.

Wala pa rin siyang sinasabi, pero nanliit lamang ang mata niya.

Haley's Point of View 

Kasalukuyan kong nilalaro 'yung dala-dalang rubic's cube ni Roxas. Sa tagal kong nakakulong sa lugar na ito, natutuwa na lang ako sa maliliit na bagay. Pero sana talaga may mababasa man lang ako rito. 

"Hmm..." Pag-iisip ko sa susunod na moves do'n sa rubics cube, pagkatapos ay tumingala para tingnan si Roxas na nakasalong-baba na natutulog ro'n sa lamesa. "Hoy, Roxas. Sabi mo, tutulungan mo 'kong i-solve 'to?" Pag-angat ko sa cube kaya iminulat niya ang pagod niyang mata para ibaling sa akin. 

"Haley, ilang gabi mo na akong pinuyat. Baka gusto mo munang matulog?" 

"Palagi akong natutulog, pa'no ako aantukin?" Taas-kilay kong tanong saka napatingin sa pinto noong marinig namin ang pagbukas nito. Lumingon din doon si Roxas, inaasahang si Lara ang papasok pero laking gulat ko nang bumungad ang isang lalaking naka maskara. Sino ito? 

 

Pumasok na rin si Lara na nandoon sa likod nung lalaki habang napatayo naman si Roxas sa kinauupuan niya. 

Nanliit naman ang tingin ko habang pinagmamasdan ang lalaking pumasok. 

"May bisita ka." Sambit ni Lara na ipinagtaka ko.

Inalis ng lalaking iyon ang kanyang suot-suot na maskara, laking gulat nang tumambad ang mukha ng lalaking ito sa akin. 

Nakangiti siya sa akin 'tapos napahawak sa kanyang batok. "Yow-- Gauff!" Mabilis kong pinasadahan ng suntok sa mukha si Jasper na siyang nagpaluhod sa kanya sa sahig. 

"Aray ko! Ngayon lang tayo nagkita, 'tapos sasapakin mo 'k--" Naputol ang sinasabi niya nang pabagsak akong lumuhod upang yakapin siya. 

Hindi ko na rin napigilan ang maluha. Mariin akong napapikit. 

"Bakit ngayon ka lang pumunta ritong hayop ka?" Nanginginig kong tanong, tinapik-tapik lang niya 'yung balikat ko. 

*** 

"Tadah! Dumaan kami ng kapatid mo sa convenience store para bilhan ka ng Koaded!" at itinaas pa ni Jasper 'yung dalawang supot. 

Hindi ko nagawang makapagsalita at pasimple lamang na sumulyap kina Lara at Roxas na nandoon sa gilid at kumakain ng hapunan. 

Ibinalik ko ang tingin kay Jasper. "Pa'no mo nalaman?" Panimulang tanong ko na nagpatigil sa ginagawa niya. "Kailan mo pa natuklasan na hindi ako 'yung kasama mo?" Dagdag tanong ko sa kanya. 

"Oh." Ibinaba niya ang supot 'tapos tumungo na ngumiti. "Alam mo, sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Ikaw 'yung mahirap mapaamo at kinakailangan pa talaga ng maraming ritwal para lang makuha 'yung tiwala mo." Kumunot-noo siya sa aking panimula. 

"What are you getting at?" Takang tanog ni Haley. 

Inangat ko na ang ulo ko para makita siya. "...pero ikaw rin 'yung taong madaling mabasa o maintindihan. Malalaman mo kaagad kung ano 'yung bago at mapapansin mo kaagad kung may mali." Labas ngipin ko siyang nginitian. 

Umawang-bibig ako, 'di ko alam pero parang gusto ko nanamang maluha. 

Ba't ba madali na lang akong maiyak ngayon?! Nakakainis! 

Tumalikod ako kay Jasper. "A-Ah! Gano'n! Buti naman kung gano'n, pero nakakatampo na ikaw lang ang nakapansin." Pagsimangot ko. 

Humagikhik siya. "Wala naman kasing mag-iisip na si Lara 'yon, eh." Ramdam ko 'yung pilit niyang ngiti kahit hindi ko siya nakikita. Alam ko rin ibig niyang sabihin do'n.

Sino ba namang mag-iisip na si Lara 'yon kung ang alam ng lahat, wala na siya? 

Lumingon ako sa kanya. "Eh, ba't ikaw?" Tanong ko. 

Kumurap-kurap siya 'tapos humalakhak. "Huwag ka, shook din kaya ako na totoo 'yung hinala ko. Akala ko nga, sa manga ko lang mababasa 'yung mga gano'n, eh. Akalain mo 'yon?" Namamangha niyang litanya 'tapos ibinaling ang tingin kay Lara. "Di ba, Lara?" 

Wala lamang sinabi si Lara at patuloy lang sa kanyang kinakain. Tsk. 

Tumayo na si Lara gayun din si Roxas. Tapos na pala silang kumain. Ang bilis! 

"Maiiwan muna namin kayo." Paalam ni Lara 'tapos tiningnan si Roxas. "Aalis din tayo mayamaya, mahirap na kung may makaalam na mayro'ng outsider." 

Tumango si Jasper bilang sagot. "Mmh. Salamat." 

Inangat ko rin ang tingin sa kapatid ko, napansin naman iyon ni Lara kaya inilipat niya ang gawi sa akin. Nginitian ko siya. "Thank you for giving me a chance to talk to one of my friends." Pagpapa-salamat ko. 

Tumalikod lang siya sa akin at pinitik ang kanyang buhok bago maglakad paalis, nakasunod lang din si Roxas sa kanya. Kaso narinig ko pa 'yung tanong ni Roxas sa kapatid ko. 

"Boyfriend ba 'yon ng kapatid mo?" si Roxas. 

"They are best friends. Now, stop asking me." Pagtataray ni Lara kasabay ang pagsara ng pinto. 

Pareho lang kaming nakatingin ni Jasper sa pinto nang pareho kaming tumingin sa isa't-isa. 

*** 

NAGSIMULANG MAGKWENTO nang magkwento tungkol sa mga nangyayari noong wala ako. 

Tumatawa si Jasper sa sarili niyang joke habang tango lang ako nang tango, wala kasi talaga akong nage-gets sa sinasabi niya, siguro kung mayroon man ay 'yung ginagawa lang nila sa school.

"Malapit na rin 'yung Senior Promenade." Pagbabalita ni Jasper na nginitian ko, pero makikita pa rin sa mata ko 'yung kaunting lungkot. 

"I see." Tanging naging sagot ko. Wala rin talaga akong pwedeng masasabi, pareho naming alam na hindi ako makakaalis dito kung hindi pa tapos 'yung problema. 

Tumitig lang si Jasper sa akin bago niya ipatong ang kanan niyang kamay sa balikat ko. "Tutulungan ko 'yung ate mo, kahit sa maliit na paraan lang para matapos na lahat ng problemang 'to. Sa ngayon, dito ka muna." Naging seryoso bigla ang paraan ng pagtingin niya pagkatapos ng litanyang iyon. "Para masigurong ligtas ka talaga." 

Napakagat-labi ako. 

That's right, he also knew it. It's because we're powerless to do anything. 

Third Person's Point of View 

Pumabilog ang grupo sa isang lalaki na nakasuot ng brown coat, nakangisi ito sa mga taong nakapabilog sa kanya habang tinitingnan isa-isa ang mga ito. Makikita sa lugar ang kalumaan ng mga gusali na animo'y parang bago lang mula sa isang gera. 

"Where are the drugs that I'm asking for?" Tanong ng taong na sa gitna. May kinuha sa bulsa ang nasa kanan at inilabas ang maliit na bote, kulay dilaw ito at bumubula bula pa, mukhang may inilagay na chemical doon.

"Hindi pa ito tapos pero mayroong 70% chance na magre-react ang katawan ng isang babae kapag dumaan iyon sa lalamunan niya, sapat na ito para manghina ang katawan ni Vivien Villafuerte at hindi makalaban." Mas lalong napangisi ang lalaking na sa gitna at inayos ang salamin na suot suot. 

"Hanapin n'yo na 'yung kambal ni Vivien." Humalakhak ang lalaki sa tuwa. 

Umaalingawngaw sa lugar ang kanyang malalim at malakas na boses. "Sa susunod na dalawang linggo, simulan na natin ang pag-atake." 

*****