Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 30 - Unmask

Chapter 30 - Unmask

Chapter 29: Unmask 

Reed's Point of View 

Pare-pareho kaming mga nakatuon ng tingin sa nilutong pagkain ni Haley dito sa tambayan. 

Wala kaming ideya kung anong ritwal ang ginawa diyan dahilan para magkaganito ang itsura. Sinigang siya pero ni-literal niya 'yung mix doon. May baboy, may hipon, at may manok. 

Iyong sabaw naman, may pagkaitim kaya hindi kami sigurado kung kakainin namin itong tanghalian namin o hindi. 

Nandito kami ngayon sa tambayan para mag group study, gayun din ang mag share ng mga activities namin sa isang subject.

Lumunok ako bago lingunin si Haley na nakasuot pa rin ng apron. Naka-pony tail din siya ngayon. "A-Ano nga ulit tawag dito?" Tukoy ko sa inihanda niyang pagkain.

Nagpameywang siya't sinimangutan ako. "Isn't obvious? Sinigang 'yan." 

Sabay-sabay kaming napatingin lahat sa tinutukoy niyang Sinigang, nakamarka sa mukha namin na hindi kami makapaniwala sa tinutukoy niya. "A-Ang galing, mukhang nag experiment ka." Parang hindi siguradong saad ni Kei. 

Nagsandok si Jasper at tinitigan ang mga gulay na naroon gayun din ang nasamang baboy at hipon. "Sinigang Mix." 

"I-Iyan? Sinigang? Sigurado ka?" Taas-kilay na tanong ni Harvey. 

Tumawa nang pilit si Mirriam. "Lumala yata pagiging sadista mo, Haley." 

Hindi ako nagsalita at nakatitig pa rin doon sa ulam namin. Hindi naman ba 'to lason? 

Bumuntong-hininga si Haley saka kumuha ng ulam para ilagay sa plato niya na mayro'n ng kanin. Pagkatapos ay sumubo na sinundan lang din namin ng tingin, na pati bibig namin ay nakanganga. 

Ngumuya-nguya siya 'tapos ay nilunok. Wala siyang kahit na anong ekspresiyon habang nilalamlam ang pagkain na nasa bunganga niya. Pero ngumiti siya nang iangat niya ang tingin sa amin. "Eat." Tanging nasabi niya sa amin na nagpakurap sa aming lima bago sabay-sabay na ibinaba ang tingin sa ulam. 

"Let's see." Nanguna na si Harvey at naglagay rin ng sabaw at ulam sa plato niya. Pinapanood lang muna namin siya habang naglilipat ng sabaw sa kutsara niya. Sa una, medyo nag-aalanganin din siya pero humigop din siya pagkatapos. 

Nang malunok na niya ang maitim-itim na sabaw ay nagulat na lang kami noong mapahampas siya sa lamesa na may pagkuyom pa sa kanyang kamao. 

Napaatras ako. A-Ano ba'ng lasa?! Bakit ganyan 'yung reaksiyon niya? Pangit ba? 

Tumayo siya nang maayos 'tapos ay tinakpan ang bibig gamit ang likuran palad.

"M-Mas masarap ito kaysa sa dati." Namamangha niyang sambit kaya muli nanaman kaming napatingin doon sa niluto niya. Nakakaalanganin pa rin! 

Pero tandaan. Lalaki ako. 

Kahit mukhang hindi pagkain 'yung niluto ng babaeng gusto mo, girlfriend, o asawa. Ipakita mo pa rin na gusto mo 'yung niluto niya, kainin mo kahit na nakakasuka pa 'yung lasa. Iwas away rin-- pero para hindi manatili 'yung gano'ng klaseng pagkain, sasabihin mo rin kung ano 'yung pwedeng baguhin sa putahe ng hindi nasasaktan 'yung tao. 

Kaso ano ngang nangyari sa pagkain ni Haley? Ba't nagkaganito?

Kinuha ko na lamang ang aking kutsara saka kumuha nang kaunting sabaw, ganoon din ang ginawa ng iba. At bago pa man namin iyon isubo sa mga bunganga namin ay kung anu-anong pagdadasal na muna ang ginawa namin bago ipasok sa aming mga bibig.

Nilamnam namin 'yung lasa hanggang sa laking gulat na totoo nga 'yung sinasabi ni Harvey.

Pare-pareho kaming napatayo sa kinauupuan namin para titigan ang mahiwagang Sinigang ni Haley.

"May ginamit ba siyang Black magic d'yan?" Tanong ni Jasper 

"Kapag binenta 'to sa mga Filipino restaurant, baka maging patok 'to." si Kei 

"Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong high class." si Mirriam 

"High class na pangit ang quality." si Harvey 

Nagpameywang si Haley. "I could hear you, moron." Pagsimangot ni Haley kay Harvey. 

Kumuha na kami kaagad ng sabaw at ulam. May kanya-kanya kaming mundo habang kinakain ang putahe na inihanda ng nakatayong si Haley. Hindi pa rin siya umuupo at pinapanood lang kami. 

"It must be hard to you, not able to convey your feelings to someone who you wanted to be with." Naalala kong sabi ni Haley kahapon na nagpaisip sa akin. Ano kaya ang ibig niyang sabihin do'n? 

Tumungo ako at nagsalubong ang kilay nang lumitaw rin sa utak ko 'yung ginawa niyang paglagay ng kamay ko sa dibdib niya. Talaga bang magagawa 'yun ni Haley? Ano ba ang pumapasok sa utak niya? Hindi ko siya maintindihan. Ang dami-dami kong gustong itanong pero kahit na ano'ng gawin ko, hindi niya masagot. 

Ibinaling ko ang tingin kay Haley. "Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ko sa kanya. 

Inalis niya ang suot niyang apron. "Nope." Tipid niyang sagot at tumalikod sa amin. Kinuha niya 'yung Black cap na nandoon sa sofa na nasa likuran ni Jasper. 

Ito rin ang napansin ko. May mga style siya na ngayon ko lang nakita. 

Lalo na sa paraan niya ng pananamit. 

"Mauna na muna ako, may pupuntahan lang." Paalam niya at inayos ang gamit niya sa bag.

Lumingon si Kei sa kanya. "Aalis ka ulit? Sa'n punta?" Tanong ni Kei. "Ayaw mo munang kumain?" Dagdag niya kasabay ang pagsabit ni Haley sa shoulder bag niya bago humarap sa kapatid niya. 

"Hindi na, busog pa ako." Cool na tugon niya at lumakad na. Gusto kong sumama pero ano naman 'yung ipapaliwanag ko? 

Nakasunod lang ang tingin namin sa kanya hanggang sa isara na niya ang pinto. Namuo ng katahimikan ang lugar. 

Ibinaba ni Mirriam ang kutsara't tinidor niya.

"Napapadalas na 'yung paglaho nung babaeng 'yon." Saad ni Mirriam. "Ano bang gimik no'n? Mas busy pa siya kaysa sa akin." Sabay subo ng manok. Nabilaukan siya bigla kaya kaagad-agad siyang kinuhanan ng tubig ni Jasper pagkasalin niya ng tubig mula sa pitchel. 

Nanliit ang tingin ni Harvey sa pinto kung saan lumabas si Haley bago tumayo at kunin ang walang lamang pitchel. "Kukuha lang ako ng tubig." Sambit niya bago dalhin ang pitchel sa dispenser. Ibinaling ko lang ulit ang tingin sa pagkain ko bago sumubo. 

Haley's Point of View 

Nakapikit lang ako habang pilit na inaalis ang tali na mahigpit na nakagapos sa pulso ko. Nakasabit ako habang nakasandal sa pader, pero nakakatapak pa rin naman 'yung talampakan ng paa ko sa lupa pero nangangalay na ako rito. 

Hindi naman talaga ako malalagay sa mahirap na posisyon kung hindi lang talaga ako naabutan ng lalaking iyon na kumakawala sa mga gapos ko habang nakaupo ro'n sa sarili kong kama. 

Huminga ako nang malalim. 

Gusto ko talagang kumalma pero habang tumatagal na nandito ako, mas lalo akong nakakaramdam ng takot at irita. Takot dahil napunta nanaman ako sa alanganin na hindi lang iisang beses nangyari, irita dahil wala akong ideya kung ano nanaman ang nagawa ko at nandito ako. 

Pero isa lang ang masisiguro ko, 'yung taong iyon ang naglagay sa akin dito. 

Itinigil ko na muna ang panunubok sa pagtanggal ng gapos sa pulso ko at hinayaan na muna ang sarili na magpahinga. 

Itiningala ko ang tingin sa kisame, inaalala ang mga nangyari noong na sa Baguio ako. 

Matapos kong makaganti ng suntok sa mukha ng taong iyon ay may ginawa siya para makatulog ako, ginamitan niya ako ng drugs-- pampatulog. 

Kaya pagkatapos no'n, hindi na ako nakapalag. Bumagsak ako sa sahig at wala ng naalala sa mga nangyari. 

Iginala ko ang tingin sa paligid, sa ngayon ay hindi ko alam kung saang lugar ako dinala. 

Pinapakain naman nila ako, sobra pa nga eh. Saka hindi rin talaga nila ako hinahawakan, maliban na lang kung kinakailangan. Kaso hindi ko magawang maging kampante, 

...Na sa lugar ako na hindi ko alam. Nakagapos ako, nakakulong ako, kinuha ako ng taong hindi ko kilala. Pa'no ako mapapakali? 

Iminulat ko ang mata ko. "Bakit hindi pa nila ako pinapatay?" Bulong ko habang nakababa lang ang tingin ko. "Ano ba'ng... kailangan nila sa 'kin ngayon?" Dagdag ko pa at muling ipinikit ang aking mga mata. Hindi namalayan na nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. 

Mayamaya pa'y nagising din ako noong makarinig ako ng pagbukas ng pinto, dahan-dahan kong iminulat ang aking mata upang iangat ang tingin ko sa taong iyon. Nanlalabo sa una 'yung paningin ko pero hindi naman iyon nagtagal dahil luminaw rin mayamaya. 

Bumuka ang bibig ko nang malamang babae ang pumasok. 

Nakasuot siya ng Black leather shorts and Black inner spaghetti strap top na may kasamang Black sheer off shoulder top. Lahat BLACK.

Siningkitan ko ang tingin ko para mas makita siya.

Nakasuot siya ng puting maskara, at hindi ako pwedeng magkamali na itong taong ito ang madalas magpakita sa akin. 

Hindi lang ako makapaniwala sa part na babae siya. 

Nawala ang antok na nararamdaman ko at mas inangat pa ulo. "Ikaw ba ang nagdala sa 'kin dito?" Tanong ko sa kanya kaya lumingon siya sa akin. Wala siyang sinagot kaya nagsalubong ang kilay ko. "Wala ka nanaman bang sasabihin?" Tanong ko pa kaya humarap na siya sa akin. 

"Pinakain ka na ba?" Tanong ang ibinigay niyang sagot sa tanong ko. Great. 

Umismid ako. "Pinakain?" Ulit ko sa tanong niya. "Nakakainsulto ka naman? Ano ako? Isang hayop na papakainin ng amo ko? T*ngina. Sino ka ba? Bakit mo 'ko dinala rito? Pakawalan mo 'ko!" Umalingawngaw sa solitary room ang sigaw ko. 

"Ayoko ng magulo, Haley. Maghintay ka." Malamig niyang udyok sa akin. Mula rito, nakita ko ang paraan ng pagtingin ng mga mata niya habang suot-suot ang mask niya. Napakalamig at nakamamatay kung tititigan.

Pero hindi iyon ang dahilan para magpasindak sa akin. "Ilang araw kang hindi nagpakita sa akin simula nang magising ako, 'tapos sasabihin mo sa akin maghintay ako? Ilang beses kang mananatiling tahimik? Pa'no ko malalaman 'yung dahilan ng pagdala mo sa akin dito kung 'di mo sasabihin? Ba't hindi mo na lang ako patayin?!" Sinasabi ko iyan pero nanginginig ako sa kaisipan na kung papatayin nila ako. Pa'no sila Mama? Handa na ba talaga akong mamatay? 

Lumakad naman siya palapit sa akin at huminto. Inangat niya ang tingin sa akin kaya nakikita ko na rin ang kulay ng mata niya. Asul... 

"Listen, I know you won't believe me but I have no reason to kill you." Saad niya. "May dahilan lang kung bakit ka napunta rito--" 

"Just tell me what is it?!" Mabilis kong sambit. "Ba't mo 'ko dinala rito? Ano 'yung sinasabi mo sa akin na nandiyan sila? Bakit hindi mo 'ko hinahayaan na makaalis sa siyudad? Para sa'n? Ano 'to? Joke? Kasi kung oo, pakiusap lang. Itigil mo na. Hindi na 'to nakakatuwa." 

"I will explain everything to you, pero hindi ko pwedeng sabihin kung sino ako." 

Lumunok ako. "Hindi mo kamo pwedeng sabihin kung sino ka? Edi parang sinasabi mo sa akin na kilala kita?" Tanong ko sa kanya na nagpayuko sa kanya nang kaunti. 

"Hindi." Tipid na sagot. "Hindi mo 'ko kilala." 

Gumagamit lang talaga siya ng isang device para makapag paiba ng boses, pero bakit pakiramdam ko, lumungkot 'yung tono ng boses niya? 

Huminga ako nang malalim saka iyon ibinuga. "I got it, papakinggan kita. Pero pakawalan mo 'ko rito dahil ngalay na ngalay na 'yung likod ko. Masakit." 

Tumingala siya ulit para makita ako. "Hindi pwede." Mabilis niyang sagot. 

"Para namang makakawala ako rito! Wala naman akong laban sa 'yo." I lied. 

Kinabisado ko talaga lahat nung galaw niya nung nakaraan bago niya ako i-knock out sa Baguio. Hindi rin biro 'yung mga galaw niya sa martial arts kaya napaka risky nitong gagawin ko pero malaki pa rin ang tiwala ko na mapapatumba ko siya kung susundin ko lang 'yung instinct ko.

Kailangan ko rin malaman kung sino itong taong na sa likod ng suot-suot niyang maskara. 

Sandali pa siyang tumitig sa akin bago ko marinig ang pagbuga niya ng hininga. "I understand." Sagot niya at kinuha ang patalim mula sa likod ng shorts niya. Hindi ko ipagkakaila na nakakatakot din 'yung paraan ng paghawak niya nung kutsilyo. 

Inaalis na niya 'yung gapos sa pulso ko habang diretsyo lang ang tingin ko. Amoy perfume ng babae. 

Hinihintay ko lang ang pag-alis niya sa pagkakagapos ko sa makapal na tali hanggang sa matanggal na nga ito. 

Lumayo na siya sa akin at binato sa kaliwang bahagi ang pinutol na tali. Samantalang nanatili lang akong nakatayo habang hinihimas-himas ang kaliwa kong pulso. "Now, I want you to sit down and list--" Mabilis ko siyang sinikmuraan sa pamamagitan ng matulis kong siko na hindi niya nagawang ilagan. Inilabas ko ang buong lakas ko para lang magkaroon ng pagkakataon na atakihin siya. 

Bumagsak siya sa sahig kaya kaagad akong pumatong sa tiyan niya. "You should not let your guard down, stupid!" Mabilis kong inalis ang madalas niyang suotin na mask para bigyan siya ng malakas na sapak subalit napatigil ako sa kalagitnaan. Eh? 

Gaya ko, sinikmuraan din niya ako sa pamamagitan ng tuhod niya 'tapos ay sinipa na siyang nagpatalsik sa akin. Gumulong-gulong ako sa napakalamig na simento.

Hindi kaagad ako nakagalaw kaagad dahil sa pamimilipit ng tiyan ko. Ang sakit! Ang sakit! 

Naramdaman ko ang pagtayo ng taong na sa harapan ko habang pilit ko namang inaangat ang katawan ko. "Oo nga, tama ka." Pagsang-ayon niya kaya naririnig ko na ang totoo niyang boses. 

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para makita ang taong iyon. 

Nakayuko lang siya nang unti-unti rin niyang itiningala ang ulo niya pare idiretsyo ang tingin sa mismo kong mata. Laking gulat nang makita ko kung sino ang na sa likod ng puting maskara. 

"But it can't be helped. You're my sister, after all." 

Nanlamig ang katawan ko kasabay ang pagtulo ng luha sa mata ko habang nanginginig na nakatingin sa babaeng na sa harapan ko ngayon.

"La...ra?" Wala sa sarili kong tawag sa pangalan niya habang blanko lang ang tingin ng mga mata niyang nakatingin sa akin. 

*****