Chapter 31: Get Wind
Jasper's Point of View
Nakababa ang tingin ko sa screen habang naglalakad sa destinasyon na pupuntahan ko.
Alasiyete na ng gabi at nandito ako sa Green Park para makipagkita sa isang partikular na tao na gusto akong makita.
Ipinasok ko sa bulsa ang phone at huminto sa paglalakad noong makita ko na ang taong iyon. Kinawayan ko pa siya para kahit papaano ay medyo lumuwag luwag ang nararamdaman kong mabigat na pakiramdam. "Yoh." Bati ko sa taong iyon. Na sa lilim siya ng puno kaya hindi makita masyado ang mukha niya. "Ba't 'di ka na lang pumunta sa bahay? Gabi na." Sambit ko pero hindi lang siya sumagot.
Nagpameywang ako. "Talagang dito tayo mag-uusap?" Tanong ko sa kanya saka siya humakbang palapit sa akin. Tumapat na sa mukha niya ang liwanag nung buwan kaya nakikita ko ng maaliwalas ang mukha niya.
"Hanggang kailan ka magpapanggap?" Tanong niya sa akin na siyang nagpatawa sa akin.
"Back at you." Saad ko at ibinaba na ang mga kamay na nakalagay sa aking mga beywang. "Who are you?" Seryoso kong tanong nang maglaho na ang ngiti sa aking labi.
The person who stands in front of me has the same Haley's facial feature, height, and voice, yet I am certain that she's a different person.
"Hmm... How did you find out?" Mapaniguradong tanong.
"How?" Ulit ko at tinuro ang aking noo para tukuyin ang isang bagay. "Kapag hinahangin 'yung bangs mo, nakikita ko 'yung noo mo." Sambit ko na nagpakunot-noo sa kanya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Nagtataka niyang tanong.
Ibinaba ko na ang kamay ko. "May peklat si Haley si noo." Simpleng sagot ko sa kanya dahilan para magsalubong ang kilay niya. "Kung magpapanggap kang siya, dapat sinuri mo muna 'yung pagkakaiba n'yong dalawa."
Nakita ko ang sandaling pag-angat ng kilay niya. Parang may narinig siyang kakaiba sa sinabi ko.
Umismid siya pagkatapos. "Pagkakaiba? Hindi ko inaasahan na sa lahat ng tao, ikaw pa talaga 'yung makakapansin sa maliit na bagay." Mangha niyang wika. "Pero 'yan lang ba ang dahilan mo kaya palihim mo 'kong sinusundan?"
Pagkakita ko pa lang sa kanya bago kami makauwi mula sa retreat, napansin ko kaagad 'yung pagkawala ng peklat niya sa noo nang hanginin ang buhok niya. Takang-taka pa 'ko dahil walang kahit na anong marka ng peklat sa noo niya.
Kapag titingnan ko kasi si Haley. 'Yung peklat niya kaagad sa noo ang madalas kong mapansin, kaya pinagmamasdan ko ang taong ito ng palihim dahil parang walang nakakaalam o nakakapansin sa nangyayari sa paligid.
Kung may napapansin man sila Reed, hindi lang nila masyadong pinagtutuunan ng atensiyon.
Dahil wala rin naman talagang makakapag-isip sa kung ano ang iniisip ko ngayon,
...kasi napaka imposible.
Tumawa ako nang pilit. "Oh, halata ba?" Tanong ko at nginitian siya. "Pero wala ka bang balak i-deny?"
"Walang silbi 'yung mga rason na gagawin ko dahil magtatagal lang." Pagpikit niya sandali at diretsyo akong tiningnan sa mata. "Yes, hindi nga ako si Haley." Diretsyo niyang saad na nagpatikum sa nakaawang kong bibig.
"Where is she?" Tukoy ko kay Haley.
"To the place where she is safe." Sagot niya kung kaya't naglabas ako ng hangin sa ilong. Hindi ko na kailangan tanungin ang bawat detalye. Maliwanag na 'yung pwedeng maging sagot, maliwanag din kung sino ang taong ito kahit na gulong-gulo pa rin ako kung pa'no 'to nangyari.
Nakatungo lang ako't nakababa ang tingin sa sahig. Lumunok ng sariling laway saka tumingala upang pantayan siya ng tingin. "Pwede mo bang ipaliwanag lahat kapag natapos mo 'yung dapat mong gawin? Hindi mo naman kukunin si Haley kung wala kang dahilan, 'di ba? Lara."
Flashback
Namilog ang mata ko noong makita ang litrato nila ni Laraley sa phone niya. "You had a twin sister? 'Kala ko photoshop lang 'yon!" Hindi makapaniwala kong reaksiyon nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng phone niya. We were in our 3rd year of school by that time. Break time at kami lang ni Haley ang naiwan dahil tinamad kaming pareho na bumaba sa canteen.
Mabilis niyang hinablot sa akin ang phone niya. "Pakielamero ka! Sabi mo titingnan mo lang 'yung sarili mo sa camera?!" Bulyaw niya sa akin kaya tinuro ko 'yung phone na hawak niya.
"I did, pero nag selfie ako ng isa para sana may remembrance o poging contact photo. Pero hindi ko naman inaasahan na makikita ko na may photo kayo ng kambal mo pagka-swipe ko." Paliwanag ko kaya napayakap siya sa mga binti niya.
"This is pissing me off." Iritable niyang bulong kaya hindi ko narinig. Sinilip ko lang ang mukha niyang nakalayo ang tingin.
"I'm sorry, I didn't know. But where is she?" Tanong ko sa kanya na hindi niya nagawang masagot. Kaya nagkaro'n na rin ako ng ideya kaya sumandal ako sa fence. "A-Ah. Huwag na pala. Sorry, tinanong ko pa." Muli kong paghingi ng pasensiya saka bumukas ang pinto. Bumungad na sila Reed na may dala-dalang pagkain.
"Oh, nandiyan na sila. Kainan na--" Tatayo na sana ako pero biglang nagsalita si Haley.
"She's not here anymore." Nakatungong sagot ni Haley sa tinatanong ko kanina kaya napalingon ako sa kanya. Pagkatapos ay labas sa ilong na ngumiti.
"Sabi kong 'wag na, eh." Wika ko at tinapik siya sa balikat niya. "Alam ko." Dagdag ko pa kaya tumingala na siya para makita ako pero lumapit na ako kina Reed para kunin ang pagkain ko.
End of Flashback
"I never thought she would have a friend who she can rely on." Sabi niya at inabot sa akin ang walang laman na bag gayun din ang paghagis ng susi na nahulog pa sa simento. Yumuko ako para kunin iyon. "Hindi ko maipapangako kung maipapaliwanag ko lahat, pero asahan mo na babalik siya rito pagkatapos ng lahat. Kailangan ko lang muna siyang ilayo rito pansamantala."
I nodded. "I understand." Kahit alalang-alala nanaman ako.
Baka nga hindi pa ako makatulog dahil sa mga tamang hinala. Lalong-lalo na si Haley nanaman ang 'yung na sa gitna ng kapahamakan.
Gusto ko ring mapasapo sa mukha at itanong sa kawalan kung ano ba 'yung nagawa ni Haley at nangyayari 'to sa kanya.
Tinuro niya ang walang lamang bag. "Pumunta ka sa bahay ni Haley ngayon 'tapos lagyan mo ng damit niya 'yung bag na 'yan. Dumiretsyo ka ro'n ng walang makakapansin sa'yo. Huwag mo ring hahayaan na may makaalam nito, kung hindi. Mapapahamak din sila."
Napalunok ako.
"Huwag kang mag-alala. Kaibigan ka ni Haley, hindi kita hahayaan na mamatay."
Namuo na ang pawis sa katawan ko. Nakarinig nanaman ako ng salitang mamamatay...
Ano nanaman ba itong patay patay na 'yan? Lord, bakit madalas mapunta sa problema 'tong magkapatid na 'to? Ano ba'ng pinasukan ni Lara?
"H-Hindi ka naman pumasok sa isang prat, ano?" Nauutal kong paniniguradong tanong.
"Hindi." Simpleng sagot niya at bumuntong-hininga. "Ang dami mong tanong." Iritable niyang sambit saka naglakad. Binigay niya ang pirasong papel sa kamay ko saka ako nilagpasan. "Pupunta ako sa bahay n'yo para lagyan kayo ng advance security nang nababantayan namin kayo kung sakaling magkaroon ng problema. Doon na lang kita hihintayin." Litanya niya saka ako lumingon sa kanya upang sundan ang papalayo niyang imahe.
"Tawagan mo 'ko kung may problema." Sabi pa niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Naiwan na lang akong mag-isa rito.
Binasa ko ang numero na nakasulat sa pirasong papel bago mapaseryoso ang tingin.
***
NARATING KO NA ang bahay ni Haley. Iniwan ko ang motorsiklo ko sa medyo malayo-layo dahil baka mamaya, lumabas sila Harvey at makita ako. Baka magkaro'n sila ng maling ideya.
Dahan-dahan kong binuksan ang gate, pumasok sa loob at binuksan ang pinto ng susi.
Madilim sa lugar kaya kinuha ko 'yung phone ko para buksan ang flash light. Sigurado ba 'ko sa gagawin ko?
Umakyat ako ng hagdan at binuksan ang tatlong pinto para hanapin ang kwarto ni Haley. "Nasa'n ba-- Ah, ito." Pakikipag-usap ko sa sarili ko nang mabuksan ang pinto ng kwarto ni Haley. Nalaman ko lang na kanya ito dahil noong itapat ko ang flashlight ng phone sa loob, 'yung kurtina niya kaagad ang pumukaw sa atensiyon ko. May disenyo kasi ito ng pusa, saka kumpara sa dalawang kwarto.
Single room lang talaga ito, sapat lang para sa isang tao na gagamit nung kwarto.
'Yung isa naman, pang guest room lang siguro dahil wala masyadong kalaman-laman. 'Yung isa, master bedroom kasi.
Binuksan ko ang lamp shade at mas pina-dim ang liwanag nito para hindi masyadong mapansin sa labas. Ibinaba ko ang walang laman na bag sa cabinet at kumuha lang ng tig anim na damit, shorts, at siguro 'yung underwear niya.
Inilabas ko ang itim na sexy panty. Ini-stretch ko 'yon 'tapos ipinasok din sa bag.
Dali-dali akong lumabas sa bahay niya. Ni-locked ang pinto at patakbong lumabas ng gate, na sakto naman sa paglabas ni Reed kaya tahimik akong tumakbo.
***
NAKAUWI NA AKO sa bahay, inalis ko ang suot-suot kong helmet at gaya nga ng sinabi ni Lara kanina, naghihintay nga siya rito at nakaupo sa sarili niyang motorsiklo habang nakahalukipkip. Tiningnan muna niya ako sa peripheral eye view niya noong mapansin ako. Pagkatapos ay tumayo para humarap sa akin. "What took you so long?"
Huminto ako sa tapat niya saka inilapag ang hawak na bag sa simento. "Nawalan ako ng gas." Hinihingal kong tugon.
"I see." Malakas niyang kinuha ang bag at ipinatong muna iyon sa upuan niya. "Hindi naman ba 'to kulang? Ayoko ng pabalik-balik."
Pareho talaga silang magkapatid. Mga utusera!
I gave her a big thumbs up. "N-No problem!"
"Babalik din ako sa eskwelahan ng Martes. Takpan mo muna si Haley pansamantala." Tumalikod na siya sa akin para umangkas sa itim niyang motorsiklo.
Humakbang naman ako ng isa. "Lara!" Tawag ko sa kanya kaya inangat niya ang tingin sa akin. Pumaabante ang kanan kong paa.
"O-Okay naman si Haley, 'di ba? Wala namang mangyayaring masama sa kanya." Pag-aalala ko habang nakatingin lang siya sa akin. Wala talaga siyang suot-suot na kahit na anong ekspresiyon kaya hindi mo rin talaga malalaman kung ano ang iniisip ng utak niya pero kung titingnan mo ang mata niya.
Nandoon 'yung mga tinatago niyang emosyon.
Mas nangingibabaw nga lang doon 'yung lungkot. Gusto ko siyang tulungan pero alam kong wala rin akong magagawa ro'n.
Pinaandar na niya ang makina ng motorsiklo niya 'tapos tumango.
Inatras niya nang kaunti ang motor niya bago pa-drift na umalis sa harapan ko't mabilis na pinaharurot ang motorsiklo palayo.
Nakasunod lang ang tingin ko ro'n hanggang sa tumingala ako para makita ang mga bituin.
*****