Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 34 - Dearest

Chapter 34 - Dearest

Chapter 33: Dearest 

Laraley's Point of View 

Martes ng gabi nang makauwi ako sa Rouge residence dahil naging busy ako sa mga naka-assign sa 'min ng nakatataas. Dalawang araw rin iyon kaya nawalan din ako ng oras para puntahan at makausap si Haley. 

Tumitig ako sa bahay na nasa harapan ko. Bukas ang ilaw sa loob, malamang nandito na si...

"Ngh." Itinulak ko paloob ang gate upang makapasok. Lumakad papunta sa harapan ng pinto at tumigil. 

Kakatok sana ako pero naisip ko na baka hindi naman ginagawa iyon ni Haley kaya ibinaba ko na nga lang 'yung kamay ko't naglabas ng hangin sa ilong bago binuksan ang pinto. Tumambad sa akin 'yung taong inaasahan kong makita. 

Busy itong nagpupunas sa glass table at mukhang hindi pa ako napapansin dahil nakabukas din ang TV, nakikinig siya sa balita.

Nakabuka sandali ang bibig ko nang itikum ko ito.

Wala pa rin pala siyang pinagbago. Kung ano ang huli kong kita sa kanya, gano'n pa rin ngayon. 

Isinara ko ang pinto kaya umangat na ang tingin niya sa akin. "Haley! Bakit ngayon ka lang nakauwi?" Pagpapameywang niya habang na sa kaliwang kamay niya ang walang lamang baso na nakapatong sa plato.

Pinatay na rin niya ang TV kasabay ang paglapit niya sa akin. Bumaba naman ang tingin ko sa tiyan niya. 

"Kanina ka pa namin hinihintay ng Papa mo, sa'n ka ba nanggaling?." Nagagalit niyang wika na pati ang kilay niya ay nagsasalubong na rin. Papa. Tinutukoy siguro niya 'yung Step Father ni Haley. 

Naglakad na rin ako papunta sa kanya. 

"Sorry, na sa bahay lang ako ni Jasper." I lied. Ginamit ko lang 'yung pangalan ni Jasper dahil ayon naman sa kanya, kilala siya ni... Mama. 

"..." 

"Paano kung may mangyari nanamang masama sa'yo? Lapitin ka pa naman ng disgrasya-- Oh, kita mo? Ano nanaman 'yang band aid na nasa pisngi mo?" at hinawakan niya ang baba (chin) ko upang tingnan ang kaliwa't kanan kong pisngi. Hindi niya kasi nakita 'agad dahil medyo nakaharang ang buhok ko. 

Ramdam ko ang init ng kanyang kamay na matagal ko ng hindi naranasan. Chine-check lang niya ang mukha ko samantalang nakatitig lang ako sa babaeng na sa harapan ko. 

Ganitong-ganito 'yung pakiramdam na 'yun, 

...'Yung pagmamahal ng isang ina na hindi pwedeng mapalitan ng kahit na sino. Na hinding hindi matatanggal sa isip at puso mo.

Flashback

Hinawakan ni Mama ang magkabilaan kong pisngi habang matamis na nakangiti. "Masakit pa ba?" Tukoy niya sa galos na nasa tuhod ko, natalisod kasi ako at hindi nakita ang batong nakaharang doon sa tinatakbuhan ko. 

Umiling-iling ako't ngumiti para itago 'yung hapdi na nararamdaman ko. "H-Hindi. Hindi naman masakit-- Aray!" Pagsigaw ko nang bigla niyang pisilin nang kaunti. 

"Oo, masakit. Kaya ulitin mo pa 'yang kakatakbo mo. Hindi lang dodoble 'yang sugat mo, papangit pa binti mo. Gusto mo ba 'yon?" 

Ngumuso ako. "A-Ayaw ko po." Sagot ko saka kami parehong napalingon kay Haley nang mapansin namin siya sa kanang bahagi. Kumpara sa akin, mas gusgusin ang itsura niya, 'tapos ang dami pa niyang galos. 

Tumayo na nga lang si Mama para humarap sa kapatid ko. "Ano ba kayong magkapatid kayo, oo. Pati ba naman ikaw, Haley?" 

Hindi sumagot si Haley pero makikita mo na malapit na itong maiyak kaya tumakbo ako palapit sa kanya at saka hinipan ang galos niya sa tuhod, binti at siko. "Hindi na masakit?" Tanong ko sa kanya kaya nanginig ang mga labi niya't humagulgol na nang iyak. Nataranta ako kaya humarap ako kay Mama para humingi ng tulong pero nandoon lang 'yung nakaukit niyang ngiti na siyang nagpatitig sa akin. 

Humagikhik siya. "Hayaan mo siya, Lara. Para matuto." 

Pumadyak si Haley sa damuhan. "Sabi ko na nga, peyborit mo si Lara, eh! 'Di mo 'ko mahal! Ampon lang ako!" Tuloy-tuloy na pagmamaktol ni Haley at mas lumakad ang pag-iyak. "Uwahhhh!" 

Sa pagkakaalala ko, limang taong gulang lang kami nito. Naglalaro kami sa likurang bahay kapag walang pasok si Haley. 

Nagkaroon nanaman kasi ako ng sakit kaya huminto ako sa pag-aaral, walang nagawa kundi ang manatili sa bahay. Nagho-home study ako. 

Nilapitan kami ni Mama at lumuhod para yakapin kami pareho. "Love ko kayong pareho. Saka 'di ka ampon, Haley, anak. Tingnan mo 'yung kapatid mo, magkamukha kayo. Kung ampon ka, ampon din siya." 

Hinawakan ko ang kamay ni Haley kaya napatingin siya sa akin. Nginitian ko lang siya kaya tumahan na siya sa paghagulgol niya. Pagkatapos ay binigyan niya ako nang matamis na hagikhik. 

End of Flashback

Nakakapanibago. Ilang taon din at parang ang tagal tagal bago ko siya makasama ng ganito. Hindi ako sanay, I didn't want to get near her but I also want to stay. 

I hate this. I truly hate this. 

Right at this moment, I wanted to burst into tears and whine about my weakness. To complain about things that is happening to me. But I can't do that. 

"Hay naku, bata ka. Kauuwi ko lang pero ako pa 'tong inuwian mo ng kung anu-anong pag-iisip." Inalis na niya ang hawak niya sa baba (chin). Hinawakan niya ang noo niya. 

Totoong inabando ko na ang emosyon na mayroon ako dahil iyon ang kinakailangan. Pero pwede ko bang ibalik 'yon sa pagkakataon na 'to? Bakit napakahina ko 'pagdating sa kanila? 

Hindi ko 'to pwedeng artehan, eh. Pamilya ko sila. Sa kanila ako nanggaling. 

"Lalagyan ko ng betadine 'yang sugat mo, alisin mo 'yang band-aid, 'di naman dapat 'yan nilalagay." Tumalikod na siya sa akin para siguro kumuha ng first aid kit, naglakad na siya pero huminto rin nang tawagin ko siya. 

"Ma." Simpleng tawag ko sa kanya na may pag-abot sa kanya at laking gulat nang bigla siyang humarap sa akin kaya napayakap ako sa kanya. Namilog ang mata ko at lalayo na sana nang bigla niya akong yakapin. 

"Iingatan mo palagi 'yung sarili mo, Haley." Panimula niya. "Hindi kita madalas mabantayan at palagi ka lang mag-isa rito sa bahay kaya huwag mong pinapabayaan ang sarili mo't mapahamak ulit, naiintindihan mo ba?" Malumanay lang ang pagkakasabi niya niyon subalit nandoon pa rin 'yung pag-aalala sa boses niya. "Ayokong may mangyaring masama sa 'yo nang dahil sa pagkukulang ko." Humigpit ang yakap niya sa akin habang nakatulala lang ako. A strong urge overcame me. 

Hindi man ako 'yung talagang kausap niya pero pakiramdam ko, ako ang sinasabihan niya. 

Sa hindi malamang dahilan, ang gaan sa pakiramdam. Parang... Parang gusto kong manatili sa ganito palagi, pero hindi pwede. 

Is this actually what I yearned for, that I can't just bring myself to say it? 

*** 

"Iyan, okay na." Paglayo ni Mama ng bulak na may betadine.

Nakalayo lang ang tingin ko, kahit pala hinayaan ko siya na gamutin itong sugat ko. Mas gusto ko pa rin pa lang gawing mag-isa. 

"Na paano ba kasi 'yan? Mayro'n ka nanaman bang kasapakan sa labas?" Tanong ni Mama kaya ibinalik ko na ang tingin sa kanya. 

Talagang palaaway itong si Haley, ano? 

I smiled at her. "Hindi, Ma. Nadapa lang ako." Lame excuse, I supposed. "Pero hindi na mauuli-- Ah!" Reaksiyon ko nang bigla niyang diinan ang galos ko sa pisngi. 

"Ang laki laki mo na, nadadapa ka pa. Ako na talaga ang magbibigay sa 'yo ng galos, makikita mo, Haley." Napaurong ako nang kaunti. S-Scary. 

Inilagay na niya pabalik ang gamit sa first aid kit 'tapos tumayo. "Hindi ka pa kumakain, 'di ba? May niluto ako diyan. Sasamahan kita, nauna lang kami ni Papa mo dahil nagutom kami." Nauna na siyang naglakad. "Tara na." Aya pa niya na sinundan ko lang ng tingin. 

Tumayo na nga ako pagkatapos para pumunta sa dining room. Hinanap ko rin 'yung step father ni Haley na nasabing na sa taas na pala't dumiretsyo na ng tulog. Napagod daw sa ilang oras na biyahe. 

Umupo ako sa upuan kasabay ang paglapag ni Mama nung pagkain sa harapan ko. "Ngh." Tumingala ako para tingnan si Mama na nagsasandok ng kanin para sa akin. "Ako na lang sana, Ma. Matulog ka na sa taas." 

Humarap na siya sa akin, inilapag na rin niya ang kanin sa harapan ko. "Hindi pa ako inaantok. Hayaan mo muna akong alagaan ka ng ganito dahil bihira lang akong na sa bahay." 

Yumuko ako para ibaba ang tingin sa mga pagkain. 

Umupo siya sa harapan ko. "Kumain ka na." Sinabi niya 'yan habang nakatingin sa akin. 

"O-Okay. But are you sure you're going to stare at me while I'm eat--" Natahimik ako nang bigla niya akong bigyan ng nakamamatay ng tingin. "N-Nevermind." Bawi ko. Walang nagawa kundi ang kunin na lamang ang kutsara para sumubo't kumain. Subalit napatigil ako dahil sa naging lasa, 'tapos ay dahan-dahang inalis ang kutsara sa bunganga. "It's... good." 

Bumungisngis si Mama. "Siyempre, ako nagluto niyan, eh." Labas ngipin niyang sabi na nagpaawang-bibig lang sa akin. Ibinaba kong muli ang tingin sa pagkain. 

*** 

SA KALAGITNAAN NG aking pagkain, nagku-kwento lang si Mama sa mga nangyayari sa trabaho niya. Nakikinig lang ako, magsasalita lang ako kapag kinakailangan. 

Pero ayon sa nakikita ko ngayon sa ina ko, close na close talaga sila ni Haley.

To the point na medyo naiinggit ako nang kaunti.

Kung hindi ba ako umalis, magiging ganito rin ba kami? Ganito rin ba 'yung sayang mararamdaman ko? 

Napahawak bigla si Mama sa tiyan niya kaya inangat ko ang tingin para makita siya. "Bakit po?" Tanong ko kaya diniretsyo na niya ang tingin sa akin. 

"Wala naman, parang gumalaw kasi itong kapatid mo." Tukoy niya sa batang na sa sinapupunan niya kaya ibinaba ko ang tingin sa hawak niya. Lumapad ang ngiti niya pagkatapos. "Nagpa check up din ako nung nakaraan, babae raw ang kapatid mo." Pagbabalita niya na hindi ko kaagad inimikan. 

Kapatid, eh... 

Ngumiti ako. "I see, congratulations, Ma." Pagbati ko kaya tumangu-tango siya't nagpa-salamat. "May nabigay na ba kayong pangalan?" Tanong ko para lang may mapag-usapan. Kinuha ko ang baso na may lamang tubig at ininum. 

"Lara." 

Napatigil ako sa pag-inum nang marinig ko ang pangalan na iyon. 

Unti-unting nanlaki ang aking mata, pagkatapos ay unti-unting ibinaba ang basong pinag-inuman. "Lara?" Mahina kong pag-uulit na may pagtataka sa aking mukha. Tinawag ba niya ang pangalan ko?

Tumango siya at tumungo habang hinihimas-himas ang kanyang tiyan. "But don't get me wrong, Haley. Hindi ko ipinagpapalit 'yung kapatid mo," Luminya nang kaunting ngiti ang labi niya. "...gusto ko lang ipakita at magawa 'yung mga bagay sa magiging kapatid mo ngayon 'yung mga hindi ko nagawa sa kambal mo noong nandito siya" Tukoy nito sa akin-- kay Laraley dahilan para ilayo ko ang aking tingin sa kung saan. "I named her Lara in memory of your twin sister." 

I see...

Pumanik na ako sa kwarto matapos naming mag-usap, humiga ako sa kama at ini-relax ang sarili roon. Blanko lang ang tingin ko sa kisame, wala akong ideya kung ilang oras din 'yun pero napansin ko na parang may mali sa paningin ko't bigla bigla na lang itong nanlabo. 

Pumikit ako nang mariin dahil baka inaantok lang ako subalit napagtanto kong may tumutulo mula sa mata ko dahilan para mapahawak ako ro'n saka tiningnan ang daliri kong basang-basa. 

Lumuha na pala ako-- hindi, umiiyak ako. 

Bumuka ang bibig ko at ipinatong na lamang ang likurang palad ng kanan kong kamay sa aking noo. 

Stupid... 

*****