Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

TJOCAM 3: Secluded Feelings

🇵🇭Yulie_Shiori
85
Completed
--
NOT RATINGS
510.3k
Views
Synopsis
He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?
VIEW MORE

Chapter 1 - New Existence

Chapter 1: New Existence

Haley's Point of View

Dikit-kilay akong nakangiti ngayon kay Mama na kauuwi lang talaga galing sa ospital. "Baby?" Ulit ko sa binanggit niya na tinanguan niya. Nilingon ko naman si Papa, gaya ni Mama ay tumango rin siya. Unti-unting nanlaki ang mata ko. "Buntis KAYO?!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw na siyang umalingawngaw sa silid ng Smith Mansion.

Humawak si Mama sa pisngi niya samantalang inilagay ni Papa ang kanyang kamay sa likurang ulo niya na animo'y mga nahihiya. 

Bumilog ang bibig ni Kei. "Buntis si Tita, ibig bang sabihin magkakaro'n na ako ng pamangkin?" Tila parang kuminang ang mata ni Kei kasabay ang kanyang pag intertwine sa mga daliri niya na binigyan naman ng walang ganang tingin ni Reed at umiling. 

"It's not, it's not." ani Reed. 

Inakbayan naman ako ni Jasper. "Kapag lumabas na 'yung kapatid mo," Tinuro niya ang sarili niya gamit ang kanyang hinlalaki. "Ako ang bahala kapag wala sila Tita." Wika niya sabay kindat. 

Bumuntong-hininga naman si Harvey. "Huwag na, baka mahawa lang 'yung kapatid ni Haley sa kashungaan mo." 

Humalukipkip si Mirriam. "Magiging ate ka na pala, Haley. Congrats." Ngiti niyang pagbati sa akin na hindi ko nagawang maimikan. 

Hindi naman sa hindi ako natutuwa sa balita, hindi ko lang talaga alam kung pa'no mag react dahil masyadong biglaan. Kung ako ang tatanungin, masaya ako. Masayang masaya ako. 

Humawak si Harvey sa chin niya. "Lalaki kaya o babae?" Nag-iisip niyang tanong. Animo'y kina-calculate ang pwedeng maging resulta using Genetic Science.

Inalis na ni Jasper ang kamay niyang nakaakbay sa akin para tumabi kay Harvey. 

Mom's eyes furrowed. "Are you mad?" She asked. 

I flinched. "W-What? No. Hindi lang ako makapag react kaagad." Tugon ko. "Bakit naman ako magagalit?" I added as I raised an eyebrow. 

Humagikhik si Mama para siguro maiwasan 'yong hiyang nararamdaman. "Kasi hindi nam--" Tinuloy ko ang sasabihin niya.

"Kasi hindi n'yo sinabi?" Pagputol ko sa sasabihin niya. "Seriously. Alangan namang sabihin n'yo pa sa akin na gagawa kayo ng baby." Saad ko't umiwas ng tingin noong magkaroon ako ng maruming idea. "H-Hindi ba't ang awkward no'n?" Nauutal kong tanong saka ako mabilis na pinitik ni Harvey sa noo dahil malapit lang naman siya sa akin.

Inis ko siyang nilingunan. "Bakit mo ako pinitik?!" Bulyaw ko nang makahawak sa noo. 

"Kung anu-ano 'yang iniisip ng utak mo" Iritable niyang sambit.

Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Huh? 'Di ba, s*x naman talaga para makagawa ng ba--" Tinakpan ni Mirriam ang bibig ko. 

Umatras naman ang iba kong kaibigan dahil sa diretsyahan kong sambit habang nagtakip naman ng bibig si Mama 'tapos dikit-kilay akong tiningnan. "Haley." Sita niya sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa upang lumapit sa akin, lumayo na nga sa akin si Mirriam. 

Tumigil sa harapan ko si Mama saka niya ako biglang niyakap.

"M-Mama?" Naguguluhan kong tawag sa kanya at nang tingnan ko ang mga kaibigan ko na nakatingin sa akin ay nakaramdam na ako ng hiya. 

"Masyado ka yatang nagulat sa balita, gusto mo bang tirintasin kita?" Tanong niya at niyakap pa ako lalo dahilan para taas-kilay ko siyang tiningnan. Kailan pa siya natutong magtirintas? 

"Lumalaki ka na, Haley. Hindi na kita mabe-baby." Idinikit niya ang pisngi niya sa akin dahilan para mas mamula ang mukha ko. 

"Ma, sandali nga. Bitawan mo kaya ako?" Hiyang-hiya kong wika.

Pero imbes na bitawan niya ako, tumawa lang siya 'tapos hinimas-himas ang likurang ulo ko. Luh!

"Haley..." Walang ganang tawag sa akin ni Harvey

"Sigurado akong magiging kamukha mo 'yong kapatid mo" Ngising wika ni Jasper kasabay ang kanyang paghalukipkip. 

"Mmh." Pagsang-ayon ni Mirriam at Kei. 

Malamang, Kapatid ko. Siyempre magiging magkamukha kami? 

Pumasok sa utak ko si Lara kaya sandaling namilog ang mata ko bago malungkot na ibinaling ang tingin sa kung saan at niyakap na lamang pabalik si Mama. 

Kinabukasan... 

KINUHA KO ang towel, sabon, toothbrush, toothpaste at 'yong iba pang kailangan sa banyo ko pagkatapos ay lumabas na ng aking kwarto. Sa baba ako gagamit ng shower room dahil sira ang shower sa banyo ko. 

Pagkababa ko nang hagdan, naabutan ko si Harvey at Kei na nag-uusap doon sa gitna. Okay na sila?

Pareho silang napalingon sa akin nang mapansin nila ako. "Sorry, naisturbo ko ba kayo?" Tanong ko kaya lumayo si Kei kay Harvey at umiling. 

"H-Hindi." Parang natataranta na sagot ni Kei at ibinaba ang mga tingin sa hawak ko. "Sa'n mo dadalhin 'yan?" Tukoy niya sa mga dala-dala ko.

"Sira kasi 'yung shower ko kaya..." Humikab ako. "Basta doon ako maliligo" Turo ko sa shower room na hindi madalas gamitin dito sa baba. "Okay, bye." Paalam ko 'tapos naglakad na ulit ako.

Pumasok ako sa shower room 'tapos isinabit ang tuwalya sa likod ng pinto, inilagay ang kailangan sa isang tabi saka sinimulan alisin ang mga damit, puno naman na ang tubig sa Bathtub t mainit-init na rin kaya hindi ko na kailangan pang maghintay.

Pero may gagamit ba ng banyo?

Sumilip ako sa labas ng banyo 'tapos tumingin sa kaliwa't kanan bago isara ulit ang pinto. Nagkibit-balikat saka isinalpak ang katawan sa bathtub nang makapag relax. Binaba ko nang kaunti ang mukha ko at nagpabula sa ilalim ng tubig. Nakaupo na ako ngayon sa Bathtub. 

Iniisip ko pa rin 'yung naging balita ni Mama. Parang hindi lang ako makapaniwala na magkakaro'n ako ng kapatid matapos ang ilang taon. 

Handa na ba talaga ako?

Tanong ko sa isip ko at umiling-iling. Ano ba'ng sinasabi ko? I-relax ko na lang muna sarili ko.

Ipinikit ko sandali ang mata ko subalit ibang alaala naman ang pumasok sa utak ko. "Miles, I love you." Naimulat ko bigla ang mata ko't kusang napatayo dahil na rin sa adrenaline rush. 

"NYETA! Pa-fall ka, gag*!" Pagkasabi ko no'n ay bumukas ang pinto, bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahang makita rito sa banyo.

Bumagsak ang mga gamit na hawak niya't dinaig ang kamatis sa sobrang pula ng mukha niya.

Naka topless lang siya ngayon habang nakasabit ang tuwalya sa kaliwa niyang balikat.

"Huh?" Reaksiyon ko. 

Umatras siya ng isang hakbang. "T-Te-Teka! Hindi ko sinasadya!" Tinakpan ni Reed ang mata niya't tumalikod. "I did not see anything, okay? Swear!" Sinabi niya 'yan habang nakayukom ang kamao.

Umakyat lahat ng dugo papunta sa mukha ko, kinuyom ang kamao dahil sa hiyang nararamdaman. Bakit pagdating sa lalaking ito, maraming kahihiyan ang nangyayari sa 'kin?!

Umalis ako sa bathtub at kinuha ang tuwalya sa likuran ng pinto, kaya umurong nang unti si Reed. "Promise, wala talaga akong nakit--"

Tumigil ako sa likuran niya. "Get out..." Kalmado kong udyok nang nakatungo. 

"Uhm..."

"I said get out" dagdag ko pa.

Lumingon siya sa akin. "Gaya nga ng sab--" Noong makalingon siya ay malakas kong sinuntok ang mukha niya bago pa man niya makita ang katawan ko.

"GET YOUR ASS OUT OF HERE!" 

***

MATALIM KONG TINITITIGAN si Reed na ngayon ay nasa lamesa't nakayuko.

Sa sobrang lakas ng pagsapak ko sa kanya ay namamasa na 'yong pisngi niya.

Ngayon naman, nakokonsensiya ako sa ginawa ko. T*ngina, lahat na lang, Haley Miles Rouge! 

Inangat niya nang kaunti ang tingin niya para makita ako pero inirapan ko lang siya't sumubo ng pagkain. "Alam mong hindi ko sinasadya--" 

Tinutok ko sa kanya ang tinidor dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita niya, "I don't wanna hear anything from you. 'Pag nagsalita ka, PUPUTULIN ko talaga 'yang dila mo" pag e-emphasize ko sa salita dahil sa halo-halong emosyon. Galit, hiya, inis. 

He saw me! He saw my body!

Iyan ang mahirap sa mga taong hindi palakatok! 

Lumunok na muna siya bago dikit-kilay na tiningnan ako. "Bakit kasi parang naging kasalanan ko pa? Eh, wala namang makikita sa 'yo!" 

Napahampas ako sa lamesa dahil sa sinabi niya. "You know how to die?!" Singhal ko na nagpaurong pa sa inuupuan niya dahil sa gulat. 

Tumayo rin siya kaya ngayon ay nagsusukatan kami ng tingin. "Bakit mo kasi ginamit 'yung banyo? May mainit na tubig do'n, 'di ba? Ibig sabihin may gagam-- Eek!" Itinusok ko kasi 'yung ginamit kong kutsilyo sa wooden table kaya napatigil siya. 

Nakababa ang tingin ko nang iakyat ko ang tingin para bigyan siya ng nakamamatay na tingin. "Sinisisi mo 'ko sa pagkakamali mo pero hindi mo man lang inisip na kasalanan mo rin na hindi ka kumatok sa pinto." 

"H-Hindi ko naman alam na gagamitin mo rin. May sarili ka namang banyo." Malumanay na 'yung pagkakasabi niya kaya may pumitik nanaman sa sintido ko. 

 

"Kaya ako naligo ro'n dahil hindi ko magamit 'yung banyo ko, do'n ba ako maliligo kung pwede naman pala sa banyo ko?!" At itinusok ko nanamang muli ang kutsilyo sa gilid ng kamay niya kaya napasinghap siya. 

"Oy! May balak ka talagang patayin ako, no?!" Hindi makapaniwalang tanong sa akin at inilayo ang tingin. "Patay na patay na nga ako sa 'yo, mas papatayin mo pa lalo." Mahina talaga 'yung pagkakasabi niya kaya hindi ko na narinig. 

"Ha? Ulitin mo nga." Parang siga kong pagpapaulit sa kanya saka kami napalingong pareho kay Harvey noong tumikhim siya para pumukaw ang atensiyon namin sa kanya. 

"Sinong may gawa niyan sa lamesa?" Tukoy ni Harvey sa dalawang butas ng lamesa. Kaagad 'agad naman akong itinuro ni Reed.

"Siya! Siya may kasalanan niyan!" Parang bata na panunumbong nito with matching turo pa sa 'kin. Binigyan naman ako ng walang gana ni Harvey. 

"Isusumbong kita kay Tita." Saad niya bago siya tumalikod para puntahan si Mama. Kinabahan ako kaya sinundan ko si Harvey. 

"T-Teka, handa akong maging yaya mo." 

***

BUMABA NA KAMI sa kotse ni Harvey noong marating na namin ang Enchanted University kaya sinarado na namin ang pinto.

Sabay kami ngayong anim na pumunta rito sa E.U dahil dumaan pa kami ng Bread Shop para bumili ng tinapay. Siyempre.

Nang hindi na kami bumaba papunta sa Canteen at diretsyo rooftop na lang. 

Iyong bread shop na pinuntahan namin, malapit lang din kina Mirriam kaya nag drop na kami ro'n para isabay siya. Muli nanaman akong napahikab kaya napailing ako. 

Kainis. 7:00 P.M na nga ako natulog kagabi pero tinatamaan pa rin ako ng antok! May kumulam ba sa akin kaya ako nagkaka ganito? Mahigit 10 hours na kaya ang tulog ko.

"Kanina ka pa hikab nang hikab." Pagpansin ni Jasper sa nangyayari sa akin. 

Inis pero inaantok kong tinignan si Jasper. "Halata ba?" Walang gana kong tanong kay Jasper pero ang ginawa lang niya ay isinuksok lang ang hinliliit nitong daliri sa tainga niya na animo'y may kinakalikot.

"Sandali, para magising ka may ibibigay ako." Saad Jasper dahilan para humalakhak si Reed gayun din si Harvey na minsan mo lang makitang tumawa ng gano'n. Habang 'yong dalawa naman, nagbigay lang ng violent reaction. "Ay, ang laki." pagnganga ni Jasper matapos niyang kalikutin ang tainga niya. Bastos!

Bumaling na lang ako at panandaliang napailing. "Mauna na ako." Paalam ko't nauna na ngang naglakad, pero dahil sa ramdam kong sumusunod sila ay mabiis ko silang nilingunan. "Don't follow me, I want to be alone"

Nagpamulsa si Reed 'tapos umismid. "Sige, kung iyan ang gusto m--" tinulak siya ni Harvey papunta sa akin.

"Reed, hindi porke nakita mo na 'yong katawan ni Haley, mahihiya hiya ka na." Suminghap ako nang malaman kong alam ni Jasper ang tungkol doon kaya nanggagalaiti kong nilingon si Reed na mabilis namang umatras palayo sa akin. Hinawakan siya ni Kei sa balikat niya dahil maaapakan na siya kung aatras pa si Reed.

"H-Hindi ko sinabi!" Paraan niya ng pag depensa. 

Ngumuso si Jasper. "You should be proud, Reedski. Nakita mo na 'yung katawan ng--" 

Sinakal-sakal ko si Jasper para mapatigil siya sa sinasabi niya. "Gusto mong mapatay?!" Matinis kong tanong dahilan para mapatingin na ang mga estudyante sa 'min. Inaawat naman kami ni Mirriam pero tuloy-tuloy lang ako.

"Hale--" Hindi pa nga natatapos 'yong pagtawag ni Reed sa 'kin pero halos mangiyak ako nung tingnan ko siya. "I-iyong buttones mo." Dagdag at turo niya sa blouse ko kaya ako naman itong napababa ang tingin. "Bumukas." Dugtong niya 'tapos naglayo ng tingin. 

Napasapo ng mukha si Harvey habang kinakagat naman ni Kei 'yong mga daliri niya. Si Jasper, halos lumabas ang kaluluwa sa pagsakal ko sa kanya kaya binitiwan ko na siya.

Nakatulala lang ako sa kawalan nang muli nanaman akong atakihin ng kahihiyan, 'di napigilan ang malakas na pagtili.