Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 4 - Precariousness

Chapter 4 - Precariousness

Chapter 4: Precariousness 

Haley's Point of View 

Nilapag ko ang kahuli-hulihang kahon sa sulok ng kwarto saka umayos ng tayo, hinawakan ang likuran para maitulak ito paharap. Sa kakabuhat ko ng kahon at kakaakyat baba ay sumakit na ang likuran ko. Hindi naman ako nagkulang sa exercise. 

Lumakad ako palapit sa bintana para silipin ang labas. 

Kumpara sa mansiyon ng Smith, parang ang baba kung tingnan ang ibaba, at ang weird kasi parang nalulula ako kahit hindi naman nga gano'n kataasan ang second floor. Siguro ay napakalaking pagbabago lang nito sa akin dahil matagal na nga rin akong naninirahan sa napakalaking mansiyon. 

Inilipat ko ang tingin sa truck na nasa harapan ng bahay nila Kei. Tama, hindi na kami magkakasama sa iisang bubong. 

Sa lugar na ito, magkakatabi ang mga bahay namin. Na sa kaliwa't pinakadulo ang Rouge residence, sa gitna 'yung kila Reed at Kei habang katabi naman niyon 'yung bahay nila Harvey sa kanang bahagi. 

Iginala gala ko ang tingin sa lugar mula rito sa pwesto ko. 

Nakikita ko kung gaano kalakas ang hangin ngayon na dumaraan sa mga damuhan na nasa harapan ko na animo'y na sa isang karagatan kung gumalaw. Ito ba 'yung tinatawag nila sa Green Wave Grass

"Haley! Mayro'n ka pang natitirang gamit dito." Iritable akong napatingin sa labas ng pinto.

Ngayon na talaga?

"NGAYON NA!" Parang nabasa ni Mama 'yung iniisip ko kaya dali-dali akong bumaba para kunin 'yung isa kamong natitirang gamit.

Bumaba ako ng hagdan para kunin ang huling gamit ko, pero sa pagbaba ko ay naabutan ko si Kei na ngiting kinakausap si Papa. "Kei?" "Tawag ko sa kanya nang makababa.

Nilingon niya ako't ngiti akong hinarap. "Anyeong!" pagbati niya sa akin sa Korean.

"Tss, anong anyeong ka riyan?" Pagtataray ko at ibinaling ang tingin sa isang kahon na nasa gilid, pinuntahan ko iyon para buhatin. Nandito rin si Chummy sa tabi, ikinulong muna namin sa Cat Kennel para hindi mapunta sa kung saan. 

Humagikhik si Papa. "Nag-away nanaman ba kayo ni Reed at inaatake ka nanaman ng mood swing mo?" Tumayo ako ng tuwid dahil sa bigla niyang pagbanggit sa pangalan na 'yun at pulang pulang siyang nilingunan. 

"Bakit nadamay nanaman si Reed dito?" Kunot-noo kong tanong at humarap na sa kanila ni Kei. "Saka ano ba'ng pinag-uusapan n'yo?" Tanong ko na may halong kuryosidad. 

Ngumiti si Kei. "Nagku-kwentuhan lang kami ni Tito ng kung anu-ano habang hinihintay kong mag-ayos si Reed sa bahay." 

Hindi mo siya tutulungan? 

Nagbuga lang ako ng hininga 'tapos lumakad na papunta sa hagdan nang maiakyat ko na itong huling kahon. "Magkwentuhan lang kayo, pagod ako makipag-usap. Bye." Paalam ko kasabay ang pag-alis ko sa kanilang harapan. 

Sa hagdan ay nakaangat lamang ang tingin ko nang ibaba ko para silipin nang kaunti ang hawak kong kahon, nakabukas lang kasi ito kaya makikita ang laman. Sumakto na nakita ko 'yung litrato namin ni Lara dahilan para mapahinto ako sa kalagitnaan ng pagpanik. 

Mabuti't hindi naman nabasag 'yung frame? 

"Kung magiging babae ang anak n'yo, ano ang ipapangalan n'yo sa kanya?" Rinig kong tanong ni Kei sa ibaba dahil medyo umaalingawngaw ang boses dahil wala pang masyadong gamit at hindi pa nakaaayos. Kaya nagwe-wave sa buong lugar 'yung boses at madali na lang makagawa ng ingay kahit kaunting yapak mo lang ng mga paa sa simento. "Mayro'n na po ba kayong naisip?" Dagdag ni Kei dahilan para mapalingon ako sa pinanggagalingan nila. 

"Laraley." Banggit ni Mama sa pangalan na iyon dahilan para manlaki ang mata ko kasabay ang kaunting panlalamig. "Baka Laraley ang ipangalan namin." 

*** 

TANGHALI nang magpasya kaming lumabas para bumili ng maiinum. Hindi pa kami naliligo dahil marami pang aayusin, hindi kami inuutusan pero nag initiative na kaming bumili dahil wala naman kaming dalang tubig simula nang makarating kami rito. 

Isinara ni Kei ang gate saka ko siya tiningnan mula sa peripheral eye view. "Ang dami n'yong napag-usapan at tinanghali ka na sa bahay."

Ngiti niya akong nilingunan. "Makwela kasing kausap si Tito Joseph. Kung ikukumpara mo naman kay Dad, may sense of humour naman 'yung Papa mo." Pagkibit-balikat niya dahilan mapabuntong-hininga ako. 

"It can't be helped. Maraming inaasikaso si Papa, kaya madalas sigurong maging seryoso." Tukoy ko sa ama naming pareho kaya umangat ang dalawa niyang kilay nang hindi tinatanggal ang nakalinya sa labi niya. 'Tapos ay kumapit sa braso ko't binigyan ako ng matamis na ngiti. 

Umurong ako habang mas inilalapit lang niya ang sarili niya sa akin. "Sabi ni Reed, kapag tinititigan niya ako magkahawig tayo. Naniniwala ka ba?" 

I raised an eye brow. "I-I don't know." Sagot ko at ibinaling ang tingin sa harapan. "Whether if it's true or not, I supposed that's because we shared the same father." Ibinalik ko uli ang tingin kay Kei. 

Or I must say, instead of myself. Si Lara ang nakikita ko sa kanya kapag titingnan ko 'yung asul niyang mata. 

"Saan pala tayo bibili ng maiinum?" Tanong niya at nagsimula ng maglakad. 

"Tingin na lang tayo, may malapit naman siguro diyan." Tugon ko 'tapos dikit-kilay siyang nilingunan. "At pwede ba? Lumayo ka sa akin?" Pakiusap ko pero mas inilapit lang niya ang sarili niya sa akin. 

"Talagang close kayo, ano?" Napatigil kami sa paglalakad nang madaanan namin si Tito Alexander. 

"Tito." Tawag ni Kei na namimilog ang mata. 

Ngumisi si Tito Alexander. "Sa'n punta?" Tanong niya. 

"Bibili lang po ng maiinum diyan." Sagot ko. Nagmarka bigla sa mukha niya 'yung pag-aalala. 

"Magpasama kayo kay Reed. Baka mamaya, mapa'no nanaman kayo riyan." Pag-aalala niya pero tinanggihan ko lang. 

"Diyan lang naman kami, saka para rin malibot namin 'yung lugar." Sagot ko pero mukhang hindi sang-ayon si Tito Alexander, at hindi ko siya masisisi kung bakit. 

"Sandali lang po kami." Dagdag ko kaya wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag. Lumingon muna siya sa bahay bago ibinalik sa amin ang tingin. 

"Basta bumalik kayo 'agad, ha?" 

Tinanguan namin siya ni Kei bilang pagsagot bago magsimula ulit maglakad. 

Tumingala ako sa maulap na kalangitan. Mukha namang hindi uulan, pero bakit parang ang lamig nung simoy ng hangin kahit tanghaling tapat? 

"Haley, minsan ba naku-curious ka kung anong feeling gumawa ng baby?" Mabilis kong nilingon si Kei na nakababa ang tingin. She seems kind of serious kaya sinilip ko ang mukha niya. 

"By any chance, do you wanna do it with him?" Wala pa akong tintukoy na pangalan pero pulang pula niya akong nilingon pabalik. 

"B-Bakit mo nasabi na gusto kong gawin kay Harvey?" Natataranta niyang tanong. Gusto kong tumawa pero mas makakaramdam siya ng hiya kung gagawin ko 'yon. 

"Kanino mo pa ba gustong gawin?" Tanong ko sa kanya kaya umangat ang dalawa niyang kilay dahil sa na-realize niya sa sinabi ko. Tumayo na nga rin ako ng maayos at nginitian siya. "Sa tanong mo kanina, hindi sa gusto ko at hindi rin sa ayoko pero wala pa 'yan sa isip ko ngayon." 

I'm ready for a commitment, but as much as possible. 

I must find my purpose first, para hindi ako mawala at mayro'n akong pagkakapitan if things doesn't go my way. 

***

KINUHA NA ni Kei ang supot at nagpa-salamat sa taong nagtitinda. Nang makaharap siya sa akin ay kinuha ko sa kanya 'yung hawak niya at sinilip ang loob, kinuha ko ang isang bottled water. "Sobra ng isa." Pag-angat ko sa bottled water. 

"Libre na raw iyan, pangwe-welcome nila sa 'tin." Labas ngipin niyang ngiti na hindi ko binigyan ng kahit na anong reaksiyon. 

Kung magiging tao ang "charm", sigurado akong itong babaeng ito ang iluluwa ni God mula sa langit. 

Nagsimula na kaming maglakad para bumalik sa bahay nang mapansin ko nanaman ang kung anong presensiya sa kung saan.

Pasimple kong tiningnan ang gilid gamit ang peripheral eye view saka nagpakawala ng hininga. "By the way, Kei" Panimula ko nang iharap ko na ang tingin.

"Bakit?" Taka niyang sabi pero inabot ko lang sa kanya 'yung supot.

Hindi naman siya nagtanong o nagreklamo at kinuha na lamang niya iyon.

"Gamitin mo 'yan pangtakip sa likurang palda mo." Simpleng saad ko na nagpataas sa magkabilaan niyang kilay.

"Huh? B-Bakit? May tagos ba? Wala naman akong period ngayo--" Hindi ko pinatapos si Kei dahil mabilis kong pinuntahan 'yung taong iyon. Tumalon ako sa bushes na nasa kanang bahagi kung saan siya nagtatago. Nagulat ang lalaking may hawak-hawak na camera habang unti-unting nanlalaki ang mata. 

May suot-suot siyang sumbrero na pang newsboy. Sino 'to?

Bago pa man din siya makapagsalita ay sinipa ko na ang mukha niya na nagpatalsik sa kanya papunta sa labas ng simento. 

Tumalsik din nang kaunti ang hawak niyang camera.

Inangat ng lalaki ang kalahati niyang katawan at lumingon sa kaliwa't kanan niya bago sa harapan kung nasa'n ang camera niya. "Sh*t!" Mura niya at kukunin sana iyon nang apakan ko ang dibdib niya dahilan para mapahiga ulit siya.

Inilapit ko nang kaunti ang mukha ko. "Who might you be?" Malumanay kong tanong sa kanya pero bakas ang kaunting pananakot sa boses ko.

Tumulo ang pawis niya sa noo, halatang kinakabahan.

"I-I'm—Ahh--!" Higpit kong hinawakan ang kwelyo niya para maiangat siya, inalis ko rin ang mask na nagsisilbing pangtakip sa mukha niya. 

"Sigurado akong nakita na kita dati, eh..." Pag-uusisa ko sa kanya.

"Hale--" Napasinghap si Kei nang bigla na lamang akong hawakan ng lalaking iyon sa aking dibdib dahilan para mapasinghap ako't mabilis siyang itinulak palayo sa akin.

Pakrus kong tinakpan ang dibdib ko habang ramdam ko pa rin 'yung pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa galit. "P*tangin*--!" Mabilis niyang pinatid ang paanan ko dahilan para bumagsak at mapahiga ako sa simento. Muntik ding mauntog ang ulo ko na mabuti na lang ay mabilis na nahawakan ni Kei. 

"Krr." Pagpikit ni Kei sa kanang mata niya na mukhang nasaktan. 

"Ke--" Mabilis kong inangat ang ulo ko dahil sa pagmamadaling pagkuha ng lalaking iyon sa camera niya't kumaripas ng takbo palayo. Tumayo ako, balak pa sana siyang habulin nang hawakan ni Kei ang kamay ko ng kamay niyang may kaunting galos. 

"Don't follow him!" 

Nakalingon lang ako kay Kei nang bumaling ako para sundan ng tingin ang manyak na iyon na unti-unting nawawala ang imahe.

Lumukot ang itsura ng mukha ko sa galit. 

Hinahabol pa rin ba kami ng kapahamakan hanggang ngayon?

*****