Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 7 - Out of the Blue

Chapter 7 - Out of the Blue

Chapter 7: Out of the Blue 

Mirriam's Point of View 

"Sorry na, Bebi. Hindi ko naman sinasadya, eh." 

8:14 PM pero nandito pa rin siya sa bahay. 

Kanina pa siya humihingi ng pasensiya mula nang makauwi ako't hindi siya kinausap.

Sa totoo lang, gusto ko na lang ipagpabukas 'yung paghingi niya ng sorry dahil hindi ko pa rin magawang ikalma ang sarili ko dahil sa ginawa niya. I was scared, I thought I would die. 

Humawak siya sa kamay ko. "Please, talk to me." Nalulungkot nitong pagmamakaawa habang lumapit naman si Ricka sa amin na may guilt sa mukha niya. 

"A-Ate Mirriam, hindi niya kasalanan. It was my idea to come up with that plan, I just didn't expect that you'll get mad. I'm sorry, forgive him." 

Nilingon ko ang kapatid kong si Ricka 'tapos ngumiti. 

"It's fine, Ricka. Iwan mo muna kami ni kuya Jasper mo, mag-uusap lang kami." Malumanay kong saad kaya wala siyang nagawa kundi ang mapatungo't umalis. 

Ibinaling ko ang tingin kay Jasper na hindi pa rin inaalis ang hawak sa kamay ko. Nakayuko lang din siya't malungkot na nakatingin sa ibaba. "Alam mo ba kung bakit ako galit?" Tanong ko sa kanya. 

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "May ideya ako, pero hindi ako sigurado." Tugon naman niya. 

Humarap ako sa kanya. "Jasper, what you did together with the kids is still traumatizing. Maybe it is too sensitive in my part, but I was scared." Tumingala siya upang makita ako. "Because of what happened to us in the past, hindi ko magawang maalis sa utak ko 'yung mga nakakatakot na bagay na pa'no kung maulit pa ulit 'yon? Pa'no kung may mangyari nanamang masama sa 'tin? Pa'no kung kumpara noon, may mas malala nang mangyari?" 

Bigla akong niyakap ni Jasper, mahigpit iyon na parang ayaw niya akong kumawala sa mga bisig niya. "I'm sorry, I'm sorry..." Sunod-sunod niyang paghingi ng pasensiya. "Naging insensitive ako, I have no idea you felt that way but I--" 

Ipinatong ko ang baba (chin) ko sa balikat niya. "You've finally hugged me." Ngiti kong sambit, naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. 

"By any chance. Do you want to get spoiled?" Tanong niya sa akin kaya humiwalay ako sa kanya. 

"Hindi naman kita boyfriend, I won't allow you." 

Humawak ulit siya sa kamay ko. "Pinapatawad mo na ba 'ko?" Ngiti niyang tanong sa akin para makasigurong pinapatawad ko na siya. 

Before, I always thought sa malayo ko lang masisilayan 'yung ngiti niyang 'to at hindi ko makikita ng malapitan ang mukha niya. Hindi 'to napapansin ni Jasper pero marami siyang pinagbago matapos ang trahedya-- hindi, lahat kami nagbago. 

Tumango ako. "Mmh. Pinapatawad na kita." 

Unti-unting lumapad ang ngiti niya, at ang sunod na nangyari ay balik nanaman siya sa usual na Jasper. Niyakap niya ako't kiniskis ang pisngi niya sa akin. "J-Jasper! Lumayo ka nga sa akin! Makikita 'to nila Rai--" Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng familiar na boses galing sa labas. 

"I'm home!" 

Malakas kong itinulak si Jasper palayo sa akin na nagpaupo sa kanya sa carpet 'tapos ay mabilis na napatayo. "L-Lola?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon. Walang nakapagsabi sa akin na uuwi siya rito ngayon! 

Hinimas-himas muna ni Jasper ang pwet-an niya bago tumayo. "Lola mo? Ipakilala mo naman ak--"

"Hindi! Hindi pwede! Magagalit siya!" Mariin at pabulong kong saad bago pa man niya matapos 'yung sinasabi niya. Kagat-kagat ko ang mga daliri ko, hindi ko alam ang gagawin. 

"A-Ano'ng problema?" Naguguluhang tanong ni Jasper. 

This is bad, really really bad!

Hindi gugustuhin ng lola ko na magkaro'n ng bisitang lalaki rito sa bahay ng ganitong oras. Pero 'pag nandito siya, whether if it's a girl or boy, dapat 6:00 PM ay nakauwi na ang mga bisita namin. 

...kasi kung hindi? Lagot kami. 

"Magtago ka." Simpleng sabi ko habang nanatiling nakatayo sa kinaroroonan ko. 

Mas nagtaka naman siya. "Hindi ko gets, bakit--" Itinalikod ko siya paharap sa likurang bahay. 

"Magtago ka sa kung saan, doon ka magtag--" Tumaas ang balahibo ko nang makarinig na ako ng mga yapak. 

"Mirriam! Nasaan ka na? Bakit makalat dito?!" Pinagpapawisan ako ng malamig sa sobrang kaba. Kapag nakita ni Lola si Jasper, hindi ko na lang alam. 

Baka iba ang isipin niya, iba pa naman siyang mamahiya! 

Kaya hindi ko masisisi si Papa kung bakit takot siya kay Lola, pinahiya na rin siya nito sa harapan ng taong mahal niya-- si Mama. Kung anu-anong paghihirap ang ginawa ni Lola bago niya maligawan ang anak na nagkataon ngang si Mama. 

Gano'n din ang mangyayari kay Jasper pero hindi pa niya oras ngayon! 

"Ate Mirriam!" Nilingon namin si Airiam na naroon sa may hagdan at patago kaming sinesenyasan na umakyat. Hinila ko si Jasper papunta roon. "Sa guest room tayo, hindi siya pupunta ro'n!" Saad niya.

Tinapik ko ang balikat ng kapatid ko. "Salamat sis, pakisabi na lang sa tatlo na shut up muna sila, ha?" Bilin ko 'non at nagmadaling umakyat at hila-hila pa rin si Jasper. 

"Strict ba 'yung Lola mo?" Tanong niya habang iginigiya ko lang siya papunta sa guest room namin. 

"Well, Kind'a." Tipid kong sagot at nilingon siya. "Kaya manahimik ka, okay?" 

Dinala ko siya sa guest room, binuksan ko ang pinto at tinulak siya papunta sa loob.

Dinuro ko siya. "Ito tandaan mo Jasper Kyle Villanueva, kapag umalis ka d'yan sa lugar na 'yan, hindi talaga kita kakausapin ng mahigit isang linggo!" Pananakot ko sa kanya, nag salute ito at tumayo nang tuwid.

"Promise, boss! Hindi ako lalabas!" Pagsunod niya at nag pogi sign.

Isinara ko nang kaunti ang pinto at nginitian siya. "Huwag mong iisipin na ikinahihiya kita, okay?" I stated as I assured him. 

Kumurap-kurap siya 'tapos labas ngipin akong nginitian. "Don't worry, that didn't cross my mind at all. Pogi ako, hindi mo ako pwedeng ikahiya."

I frowned. "Basta, diyan ka lang." Isinara ko na nga ang pinto para puntahan ang Lola ko. 

Jasper's Point of View 

Nakahilata ako rito sa kama at naglalaro lang sa cellphone ko habang hinihintay na bumalik si Mirriam sa kwarto na ito. Kalahating oras na akong nandito kaya medyo nababagot na ako't nakakaramdam ng gutom.

Tinext ko si ate Yiah na hindi ako makakauwi at matutulog na muna kina Harvey. Pero white lies lang iyon, ibinilin ko naman kay Pareng Harbe na sabihin na lang din sa kapatid ko na sa kanila ako matutulog kung sakaling magtanong si ate Yiah. 

Hindi naman na nag reply si Harvey, ibig sabihin understood na iyon, o baka hindi niya nabasa. 

Bumuntong-hininga ako at binuksan na lang 'yung instagram ko.

Buti na lang talaga at binigay ni Airiam 'yung password ng Wifi nila kaya may nagagawa pa naman akong matino. 

Nang mabuksan ko ang Instagram ay 'yung mukha kaagad ni Haley at Jin ang nakita ko sa newsfeed. Si Jin ang nag post dahil naka-follow ako sa kanya. 

Inilapit ko ang screen sa mukha ko. Hindi makapaniwala na pumayag makipag date si Haley kay Jin. 

Pero akala ko ba aalis silang dalawa ni Reed ngayon? Saturday ngayon, 'di ba? 

Sakto naman ang pag pop ng message ni Reed na kaagad ko namang binasa. "Inum nga... tayo." Basa ko ro'n sa message niya at umunan sa palad. "Iyan, torpe torpe ka pa ngayon, ah? Buti nga sa 'yo." 

Ni-reply-an ko nga. 

"Na sa bahay ako ni Mirriam. Hindi ako pwede." Basa ko sa tina-type ko at send. Hindi naman nagtagal dahil nag reply siya kaagad. Minura lang niya ako kaya natawa ako. 

May kumatok sa pinto kaya umalis ako sa kama para pagbuksan ang taong iyon. Si Mirriam na siguro ito.

Hawak-hawak ko na 'yung doorknob, handa ko na ring pihitin nang sumigaw si Mirriam. "Wahh! Lola! Ano'ng gagawin mo riyan!?" Napatigil ako kasabay ang parang pagsandal ni Mirriam dito sa pinto. Gumalaw, eh. 

"Malamang dito matutulog, just where do you want me to sleep, ha?" Maangas na pagkakatanong nung lola niya na nagpalunok sa akin ng laway. 

G-Ganito pala ka-intimidating 'yung Lola niya kahit sa paraan lang ng pananalita niya.

"A-ah! D-doon sa kwarto nila Mommy!" Natatarantang sambit ni Mirriam. 

Huwag ka ngang utal magsalita kung ayaw mong mahuli!

"Eh, sabi nga ng daddy mo, doon na lang ako sa guest room kasi magulo 'yung kwarto nil--" Naputol 'yung sasabihin niya dahil sa pagsabat ni Mirriam. 

"Doon ka na lang sa kwarto namin! Doon sa kama ko, kasi g-ginagamit ko 'yung kwarto na ito dahil inuubo ako last time, eh. K-Kaya magulo sa loob." Napasapo ako sa mukha.

Hindi siya marunong sa reasoning, hindi na ako magtataka kung mahuhuli kami dito.

Lumingon ako't luminga-linga sa paligid habang nag-uusap pa sila, hanggang sa mapatingin ako sa malaking bintana na pwede kong paglabasan.

Mirriam's Point of View

"Doon ka na lang lola sa kwarto namin, may aircon naman doon, eh" Pamimilit ko pa rin sa Lola ko. 

Nanliit ang mata niya.

"Bakit ba ayaw mo? Kung magulo, edi lilinisin!" Katwiran naman ni Lola. Edi dapat doon ka na lang sa kwarto nila Mama! 

"At bakit parang may tinatago ka diyan sa kwartong 'yan?" Sabay tingin sa pinto. Mas nakaramdam ako ng kaba dahil doon. 

"Mayro'n nga, Lola! 'Yung kalat ko! Ayokong makita n'yo!" Pag-iling ko kasabay ang pagtulo ng pawis ko sa noo. Dead end na ba? 

"Tumabi ka." At hinila niya ako paalis ng pinto kaya mas lumakas 'yung pagtibok ng puso ko.

Pinihit niya ang doorknob na mas nagpalakas sa pintig ng puso ko. "Lola! Saglit! Huwag!" Pero huli na, binuksan na niya ang pintuan. Kaso imbes na magtuloy-tuloy 'yung takot sa dibdib ko, bigla itong nawala.

Nasa'n si Jasper? 

Mas lumakad papasok si Lola habang tinitingnan ang paligid. "Hindi naman pala ganoon kakalat dito." Sambit niya saka pumasok sa usapan si Airiam habang pilit na nakangiti. 

"A-Ah, hindi ko po nasabi kay ate Mirriam pero nilinis ko 'yung kwarto nung umalis siya kanina." Back up ni Airiam na nandoon sa pintuan. 

Nilingon ko siya habang pasimple niyang inilipat ang tingin sa akin. Kinindatan niya ako kaya halos maluha ako sa tuwa. Thank you, sis! 

Namimilog ang mata ni Lola. "Gano'n ba? Pero ano 'tong amoy? Perfume ba 'to ng lalaki?"

Parehong umangat ang balikat namin ni Airiam. 

Pati ba naman 'yon?! 

Tumawa ako nang pilit. "A-Ahm, Lola. Kasi ano, nagpabango ako ng perfume ni kuya Jin kanina para hindi mawala 'yung amoy, mabilis kasing mawala 'yung ginagamit kong cologne." 

Well, duh? Cologne iyon, 'no! 

"Hmm, oh siya ro'n na lang ako sa kwarto ng Papa n'yo. Ang init init pala talaga rito. Hay naku." at lumabas siya nang kwarto kasabay ang paghila niya sa maleta na nasa pintuan. Sinundan namin siya ng tingin ni Airiam hanggang sa senyasan ako ng kapatid ko na siya na ang bahala. 

Napanguso ako dahil gusto kong maiyak. "Thank you talaga, Airiam." 

"No biggie." Isinara na niya ang pinto kaya naiwan na ako rito sa guest room. 

Nasabi ni Lola na mananatili siya rito ng mahigit isang linggo para lang din mag bakasyon. Ngayon pa mang wala rin sila Mama dahil out of town para sa trabaho nila. 

Muli akong nagpakawala ng hininga at ni-locked na 'yung pinto.

Iginala ko ang mata ko para hanapin si Jasper. "Jasper?" Mahina kong tawag sa kanya.

Naglakad ako papunta sa bintana na ngayon ay nakabukas. "Dumaan kaya siya dito?" Tanong ko sa sarili at sumilip sa labas, tumaas ang kaliwang kilay ko. Impossible, right? Masyadong mataas 'to. 

Nakarinig ako ng kaunting kalabog sa may cabinet kaya nilingon ko 'yon at nilapitan.

Binuksan nang dahan-dahan iyon saka lumuwa si Jasper. Eh, mabigat siya kaya natumba kaming pareho. Pero kaagad ko siyang itinulak nang maramdaman kong dumikit ang labi niya sa leeg ko. 

"Aray ko." Mahina niyang sabi habang nakahiga pa rin sa simento.

Umupo ako mula sa pagkakabagsak at inis siyang tiningnan na may paghawak pa sa aking leeg. "S-Sinasadya mo 'yon, 'no?"

Pahawak na hinawakan ni Jasper ang ulo niya habang unti-unting umuupo mula sa pagkakahiga. "Hindi ko naman sinasadya, eh. Saka wala akong gagawin na kahit na ano sa 'yo hangga't 'di ka akin." 

Nanlaki ang mata ko't nakaramdam nang kaunting pagkiliti sa tiyan ko. 

Inilayo ko ang tingin ko para hindi niya makita 'yung ginagawa kong reaksiyon. "Naiinis ako." 

Ngumisi siya. "Kinikilig ka lang, eh." Saad niya 'tapos ibinaba na ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa ulo niya para lingunin ang cabinet. "Pero akala ko talaga mahuhuli na ako kanina." Nagbuga siya ng hininga. "Grabe 'yung cabinet n'yo, Mirriam. Literal na nangluluwa." 

Nakatitig lang ako kay Jasper nang humagikhik ako't tumayo na nga lang. "Nagugutom ka na siguro, dadalhan lang kita ng pagkain mo." Sabi ko at tiningnan ang suot niya. "Ahm," 

"Hmm? Ano'ng kailangan ng baby ko?" Ngiti't matamis niyang tanong. 

Namula ako. "Tigilan mo nga 'yan, ang corny mo talaga." Sabi ko at kumamot sa pisngi gamit ang hintuturo bago umiwas ng tingin. "Dito ka ba matutulog?" Tanong ko sa kanya. 

Sandali siyang hindi sumagot at tulad ko ay kumamot din siya sa pisngi niya. "Pwede ba?" Tanong niya na parang humihingi sa akin ng permiso. 

Pasimple akong naglabas ng hangin sa ilong. "Hmm..." Pag-iisip ko at naalala sila Ate Jean at kuya Jin. Siguradong hindi sila papayag. 

 

"Hindi, ayokong masira 'yung tiwala ng mga panganay mong kapatid. Uuwi na lang ako mayamaya," Wika niya at binigyan ako ng malapad na ngiti. "Pwede natin 'tong gawin kapag sinagot mo na siguro ako. Kaya gagawin ko ang lahat, maging okay lahat ng grades ko." At nag peace sign siya. 

Sa gano'ng rason, mas binibigyan niya ako ng rason para ma in love sa kanya. 

Napangiti ako ng wala sa oras. "Than--" 

May kumatok sa pinto. "Mirriam! Kanino nga pala 'yung motor na nasa tapat natin?" 

Hindi pa pala natatapos ang problema sa gabing ito. 

*****