Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 8 - Unrequited

Chapter 8 - Unrequited

Chapter 8: Unrequited 

Haley's Point of View 

Nag sipped ako sa inumin kong mocha frappe saka napatingin kay Jin na kanina pa pala titig na titig sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang.

"Umiinum ako. Baka gusto mong ilayo 'yang mata mo?" Pataray kong sabi na nagpahagikhik sa kanya. 

"Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan na tingnan ka. Habang tumatagal kasi, gumaganda ka." Aniya na nagpatikhim sa akin para mawala 'yung flatteredness na nararamdaman ko. 

"Is that so?" Kumuha ako ng sweet and sour fried na in-order niya para sa akin. "Iyan lang ba 'yung rason mo kaya ka na-in love sa akin?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya. 

"Mukha namang ibinigay ko na 'yung rason kaya kita nagustuhan, 'di ba? Sa Stage?" Pagpapaalala niya kaya nung isusubo ko pa lang 'yung isang pirasong fries ay napahinto ako. Oo nga pala.  

Ipinatong niya 'yung siko niya sa arm rest ng circular chair niya at humawak sa baba (chin) niya na parang nakasalong-baba. "Gusto mong ulitin ko 'yung sinabi ko sa'yo niyon?" 

Umismid ako. "Too confident, Jin." Wika ko saka siya binigyan ng ngiti. Natawa siya 'tapos umiling ng isa bago inumin ang kape niya. 

Mula sa may flat glass wall ay itinuon ko ang tingin sa labas. Pinapanood ko lang ang bawat pagdaan ng mga tao nang mapahinto ang tingin ko sa isang tao sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng leather jacket at cap, sa gawi ko siya nakatingin pero hindi ko sigurado kung ako ang tinitingnan niya kaya lumingon-lingon ako bago ko ibinalik sa kanya, 

Subalit naabutan kong wala na ito. 

"Ano'ng tinitingnan mo?" Sinundan ni Jin ang tinitingnan ko kaya ibinaling ko na sa kanya 'yung atensiyon ko. 

"A-Ah, wala. Akala ko may nakita ako." Sagot ko 'tapos pabagsak na isinandal ang likuran sa lean seat kasabay ang pag sipped ko ng iniinum ko. 

Reed's Point of View 

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko 'tapos binato sa kama 'yung Plush toy chick na binili ko noon para kay Haley. Padabog kong isinara ang pinto at nagpameywang, pagkatapos ay nagpaikot-ikot ng lakad sa loob ng kwarto. 

Sinusubukan kong kumalma pero hindi ko magawa. Akala ko ba aalis kami? Bakit kasi niya 'yung Jin na 'yon?

Nayayamot kong sinuklayan ang buhok ko pataas gamit ang mga daliri ko. 

Nagtakip ako ng mukha gamit ang kamay 'tapos inis ding inalis iyon. "Argggghhh!" I shouted because of frustration.

Naglakad ako papunta sa kama at saka pabagsak na humiga roon habang nakababa lang ang paa ko sa may sahig. Tiningnan ko 'yung PLush Toy chick na nakaharap at parang nakatingin sa akin. "Ang hilig mo talagang pahirapan ako..." Tukoy ko kay Haley na kasabay ng pagpikit. 

Haley's Point of View 

Lumabas na kami sa pinagkainan namin. Humarap ako sa kanya't tumingala. Ang tangkad din kasi niya. "Should I thank you for the treat?" I asked him. 

"If ramdam mong mag thank you sa akin" kibit-balikat niyang sabi.

Sandali akong hindi umimik at pinapakiramdaman lang ang paligid, nang dahil sa nakita ko kanina, medyo napa-paranoid ako na parang ayoko munang umuwi lalo pa't mag-isa lang ako sa bahay. 

Gusto kong isipin na baka pagod lang ako pero, 

...alam ko, ako ang tinitingnan niya. 

Huminga ako nang malalim at inilagay ang kanang kamay sa beywang. 

"Then, I won't." Saad ko na nagpataas sa kilay niya, mukhang naguluhan sa aking sambit. 

Pinitik ko ang buhok ko, "I don't have anything to do after this, shall we..." Tumingin ako sa kung saan na ibinalik ko rin sa kanya 'agad. "Go around first?" Unti-unti namang gumuhit ng ngiti ang kanyang labi. 

'Tapos ang sunod na lang na ginawa niya ay hinawakan niya ang kamay ko. "Tara." Aya niya at iginiya na ako sa kung saan. 

We went to the department store para bumili ng bagong damit, but I didn't expect na bibili siya ng pusa na Plush Toy para sa akin. "I won't deny that I like cats pero bakit ito 'yung naisipan mong bilhin para sa akin?" Tanong ko nang mahawakan ko ang binili niya. Pinipisil pisil ko rin 'yung paw nung pusang plush toy, 

P*ta, ang cute naman nito! 

Nakatingin lang siya sa kung saan nang lingunin niya ako't matamis na nginitian. "Kasi," He paused, "Para kang pusa." Tuloy niya na nagpatabingi sa ulo ko. 

"Pusa?" Ulit ko sa sinabi niya na tinanguan niya. I felt flattered so I looked away. "Smooth talker." I whispered but he heard it. I rolled my eyes at him and walked away. 

Pumunta naman kami sa Versache Store, dumaan na kami rito kanina at may nakita akong cute na dress na gusto kong i-try. 

Pumasok kami sa loob at napadaan sa mga bra and panty area na hindi ko rin gets kung pa'no kami napunta rito. 

Ibinaba ko ang tingin sa dibdib ko at sa hindi malamang dahilan. Bigla akong nairita. Humalukipkip si Jin sa tabi ko't tumango-tango. "Your mom's got it going for her, you can count on those genes." 

Without him telling me the specific word, I am incredibly annoyed that I knew what he's talking about. I blushed. "Y-You know how to die?"

Habang magkasama kami ni Jin, tila parang nawala 'yung takot na nasa dibdib ko. 

Sinisigurado niyang masaya 'yung pupuntahan namin at hindi magiging boring ang usapan namin. 

Pero kahit na gano'n pa man, hindi ko pa rin maiwasan isipin na paano kung si Reed itong kasama ko ngayon? 

Umiling-iling ako. As if. 

 

"Haley, may nagugustuhan ka ba?" Napatigil ako sa paglalakad naming dalawa ni Jin at tumingala sa kanya. Humarap naman siya sa akin at hinihintay ang sagot ko. Subalit walang lumalabas na salita sa bibig ko at napatikum lamang. 

Hindi ko man banggitin 'yung pangalan niya, iyong lalaking 'yun ang siyang patuloy na pumapasok sa isip ko. 

Bakit ba tayo nagkakagusto sa taong hindi naman pwedeng maging atin at mas pinipiling hindi pagtuunan ng pansin ang mga taong mas pinapahalagahan tayo? 

Lumunok ako, handa ko ng sabihin pero bigla siyang tumawa. 

"Bakit ko pa tinatanong, eh alam ko namang wala?" 

Animo'y umurong ang dila ko, isabay mo pa nang hawakan niya ang kamay ko. "Maghihintay ako." Saad niya na nagpaawang-bibig sa akin. "Kahit ilang taon pa 'yan, gagawin ko para lang magustuhan mo rin ako." 

Isinara ko na ang bibig ko't tumungo. "Masasaktan ka lang." 

Ipinag intertwine niya ang mga daliri namin kaya napatingin na ako ro'n, 'tapos ay tumingala para makita ang mukha ni Jin. Malungkot ang tingin niya kaya nanlaki ang mata ko. "Pinili kong gustuhin ka, Haley. Masaktan man ako, o hindi. Masaya akong nakilala ka," Inilapit niya ang kamay ko sa labi. "Pero hangga't pwede kitang kunin ngayon, gagawin ko." Hinalikan niya ang palasingsingan kong daliri na nagpataas ng dugo sa mukha ko dahilan para mamula ako. 

Malakas din ang pagpintig ng puso ko dahil sa kanya dahilan para mapakagat-labi ako. 

I don't deserve him. He's too good for me. 

Tumayo na siya nang maayos, hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay namin. "Pwede ko bang hawakan 'yung kamay mo kahit ngayong araw lang?" 

Humawak ako sa dibdib ko gamit ang isang kamay ko na hindi gamit gamit. 

I can't breathe, para akong nagpa-palpitate sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. 

Hindi ako in love sa kanya kaya ano 'tong nararamdaman ko ngayon? 

"You don't have to hold my hand, ako lang ang hahawak sa'yo." Inalis niya ang pagkaka intertwine ng mga daliri namin at hinawakan lang ang kamay ko. 

Trying to tell me that he'll lead the way. 

Wala pa rin akong imik dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang tamang gawin. Pero sa huli, hinayaan ko siya. And honestly, it's weird. 

I've never been in a relationship before, so this is kind of exciting but at the same time, it feels so wrong.

Kaya habang na sa likuran niya ako't hawak-hawak ang aking kamay ay ibinawi ko ang kamay ko kaya lumingon siya sa akin.

Nakaangat lang din ang tingin ko sa kanya. "I'm sorry, hindi ko kayang makipag holding hands sa taong hindi ko naman gusto." Diretsahan kong sabi dahilan para matawa siya pero bakas doon na parang napipilitan lang siyang gawin iyon. 

"I-I guess, you're right. Sorry, parang namadali kita." Hinging pasensiya niya na pati ang paglinya ng ngiti ay pilit din.

Huminga siya nang malalim na ibinuga rin niya mula sa ilong. 

Bumalik siya sa dating Jin matapos lang nang ilang sandaling iyon. "May gusto akong puntahan, tara." Aya niya at iginiya ako sa kung saan.

Gumamit kami ng dalawang escalator para lang marating 'yong tinutukoy niya. Nakarating kami sa pinakaunang palapag nang lumabas kami, pero nandito pa rin kami sa area ng mall. 

Bumungad sa amin ang iilan sa mga maliliwanag na ilaw na nakasabit sa mga puno puno. Padilim na rin kasi at madalas ay binubuksan nila 'yung mga iba't iba kulay ng liwanag dito kaya maganda ring pagtambayan 'pag gabi. 

Pumunta kami sa harapan ng bench katapat ng maliit na fountain sa harapan. Umupo kami ro'n at pinapanood ang paraan ng pagsayaw ng tubig sa mini colorful fountain. 

"Haley," Pagtawag ni Jin sa pangalan ako. "Ipagdadasal ko na sa akin ka mapunta." Sabi niya nang hindi ako tinitingnan at nakababa lang ang tingin. "Hindi mo alam kung gaano mo 'ko pinasaya sa mga araw na una kitang nakilala. Kakaiba ka sa lahat." 

Naramdaman ko na ang paglingon niya sa akin. "Sana magawa mong pagtuunan ako ng pansin 'pagdating ng araw." Dagdag niya. 

Nakatingin lang ako sa kanya mula sa peripheral eye view nang tumingala ako para makita ang half moon. "Who knows?" 

Bahala na sa kung ano ang pwedeng mangyari. 

*** 

DUMIRETSYO NA muna kami sa isang doughnut store para mag-uwi ng pasalubong, bumili ng tatlong box si Jin samantalang isa lang 'yung akin. Ako lang naman ngayon sa bahay dahil wala sina Mama. 

Lumabas na kami sa mall para pumunta sa FX Terminal. 

"Haley, alam mo ba 'yung full name ko?" Tanong ni Jin sa akin habang patawid kami ngayon sa bridge. 

"Hindi ba Jin Garcia lang?" Tanong ko na inilingan niya. 

"May second name ako, Caleb." Saad niya. "Gusto ko sanang tawagin mo 'ko sa pangalan na 'yon." 

"Wala namang problema, pero bakit bigla mong naisipan na itawag kita sa pangalan na 'yan?" Taka kong tanong sa kanya. 

Bumaling siya. "Walang tumatawag sa pangalan na 'yon dahil hindi ko pinapagamit, at gusto ko sanang ikaw ang unang taong babanggit no'n. Gusto kong marinig sa bibig mo 'yung pangalan ko." Wika niya at muli akong nilingunan. 

Habang tinititigan ko siya, sumasabay' yung pagkinang nung ilaw bilang background niya. 

I bit the side of my mouth and sighed. 

"Caleb." Banggit ko sa pangalan niya na nagpakinang lalo sa paligid niya. 

"One more time." 

Pataray ko na nga lang pinaharap ang tingin ko. "Ayoko ng ulitin. Nakakairita." 

Ngumuso siya. "Aww, oh, sige. Ako naman, tatawagin kitang Hailes!" Pagkarinig ko pa lang ng pangalan na iyon ay napasinghap na ako. Medyo namimilog din ang mata ko kasabay ang pagpasok ng alaala ko kay Lara. 

Ano ba'ng mayro'n at paulit-ulit na lang bumabalik 'yung hindi maintindihan na pakiramdam? Bakit nakakalungkot? Bakit masakit? 

Okay na 'ko, 'di ba? Matagal na 'yon, kaya bakit? 

Nanlamig ang mata ko. "Hailes, ha?" 

*****