I looked at the mirror at parang hindi ko nakilala ang sarili ko.
Oh my--Ako pa ba si Marsha Sandoval? Syempre, ako pa rin 'to.
Hindi lang kasi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Suot ko kasi yung dress na binigay sa'kin ni Logan, at sakto lang sa'kin. Fitted siya at medyo revealing na yung bandara ko sa gitna. Pati yung hita ko, dahil naka-open siya sa gilid.
Napa-ngiti ako. Hindi ko lubos maisip na magaling rin palang pumili si Logan sa mga ganitong uri ng pananamit. Hindi kaya ibig sabihin..Bakla siya? Nakupo! sayang yung kagwapuhan niya kapag bakla pala siya!
Syempre naman no! Kahit at least papano halimaw 'yon, may panlaban rin yung mukha.
Light lang yung make-up na nilagay ko sa mukha ko. Hindi naman kasi ako mahilig mag-make up, at sakto lang naman dahil bumagay naman sa suot ko. Pero kung tutuusin ay, hindi rin ako sanay na mag-suot nang ganitong mga pananamit pero dahil may usapan kami ni Logan, gagawin ko nalang kesa magbayad ng milyon sa mukhang pera na 'yon.
Narinig ko ang door bell sa labas kaya agad na akong nag-asikaso. Kinuha ko na yung shoulder bag ko na naka-patong sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay, agad ko nang nilisan ang kwarto.
Pag-bukas ko nang pinto ay bumungad sa'kin si Jak na driver ni Logan. Actually kilala ko na naman siya kaya wala rin akong dapat alalahanin sa lalaking 'to. Maliban nalang kung hindi ko pa siya kilala. Nakilala ko lang kasi si Jak nang ihatid niya ako nun sa bahay galing sa trabaho. Medyo may pagka-maloko rin siya.
"Wow, ma'am! ikaw ba 'yan?" mangha niyang sabi sa'kin at nakita kong naka-uwang pa ang kanyang bibig.
Medyo pilyo rin 'to si kuya Jak e, kahit na may katandaan na ay kung makapag-salita ay daig pa ang isip-bata.
Hinampas ko siya ng mahina sa kanyang braso. "Bakit kuya? hindi ka ba naniniwala sa ganda ko?" madiin kong sabi. Sabay ngiti ko nang malapad.
Sinara niya ang kanyang bibig. "Hehe. Alam kong maganda ka naman talaga ma'am. Mas lalo kasing nag-transform ngayon yung ganda mo." sabay ubo niya. "Baka mahulog sa'yo si sir.." sabay luminga-linga siya sa paligid.
"Ha? ano pong sabi niyo?" hindi ko narinig yung huli niyang sinabi dahil humina yung pagkasabi niya niyon sa dulo. Hays. Baka wala naman talaga siyang sinabi.
"Tara na nga kuya! baka nagwawala na dun si Logan dahil wala pa ako. Hala ka, baka magalit pa sa'yo 'yon." pagbibiro ko. Napa-kamot nalang siya sa ulo at tinulungan naman niya ako sa paglalakad dahil hindi masyadong tuwid yung pag-hakbang ko dahil naka-five inch ako na heels. Medyo sinasanay ko pang ayusin yung paglalakad ko pero sa hindi naman ako ganun nahihirapan na gumamit nang ganto dahil madalas ay naka-heels ako kapag pumapasok ako sa trabaho.
Pinag-buksan muna ako nang pinto ni kuya Jak bago ako naka-pasok sa loob ng kotse. Parang ang sosyal tuloy ngayon nang datingan ko, bukod sa maganda kong suot na bumagay sa maganda kong mukha, ay para akong artista dahil pinag-titinginan at pinag-bubulungan ako ng mga taong nadadaanan ko.
Wews. Ang ganda mo talaga Marsha!
Sinimulan nang pina-andar ni kuya Jak yung kotse hanggang sa tumakbo na ito.
"Kuya Jak, malayo pa po ba yung pupuntahan natin?"
"Hindi naman ganun kalayo ma'am. 'wag kayong mag-alala, sakto lang ang dating natin don.."
Naramdaman ko na parang naglalapot yung sentido ko sa pawis. Bigla rin kasi akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko mapa-liwanag yung nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na manatili nalang sa kwarto at magpa-gulong gulong sa kama kesa sa siputin dun si Logan.
Bumuntong-hininga ako ng malalim. Siguro ay dahil first time lang ako makaka-experience ng ganitong bagay kaya hindi ako komportable. Huminga ulit ako ng malalim.
"Ma'am, malapit na po tayo.." mas lalong bumilis yung pintig ng puso ko nang sabihin iyon ni kuya Jak.
Ano ba Marsha! Kalma! Wala silang gagawin sa'yong masama don! Ipalagay mo lang ang loob mo! Hala ka, baka masira yung mukha mo! At baka pag-dating mo don ay mandirigma ka na!
"Nandito na po tayo ma'am.." Nakita kong pinag-buksan kami ng malaking gate ng bumisina si kuya Jak.
Nang papasok na kami sa loob ay tumambad samin ang napakalaking bahay. Na katulad nang isang mansyon.
So, bakit hindi ako sinabihan ni Logan na ganito kagarbo ang event na pagdada-usan? Parang sa palagay ko ay, hindi ako nababagay sa lugar na 'to.
Napansin kong bumukas ang pinto ng kotse at natanaw ko sa labas si kuya Jak na mukhang nag-hihintay na sa'kin na lumabas.
Dahan-dahan kong inilabas ang isa kong paa at nag-reveal naman yung hita ko, hanggang sa naka-labas ako sa loob ng kotse sa backseat.
Humugot ako ng malalim na hininga. Inayos ko ang sarili ko at ang dala-dala kong shoulder bag.
Napansin kong may dinukot si kuya Jak sa bulsa niya at bahagyang lumayo siya sa'kin nang mapansin kong may kinaka-usap siya sa cp niya. Sandali ko munang nilibot sa paligid ang mga mata ko, at hindi talaga ako makapaniwala ngayon sa nakikita ko.
Napa-bitaw ako ng isang buntong na hininga. Ano kayang event ang meron ngayon dito?
"Ma'am, parating na po si sir Logan. Iwan ko na po kayo dito.." sambit ni kuya Jak. Hindi ko napansin na tapos na pala siyang makipag-usap sa cp niya.
"Uhm. sige po. Salamat po sa pag-hatid sakin dito.." naka-ngiti kong sabi, habang naka-hawak ako sa maliit na shoulder bag ko.
"Walang anuman po ma'am. Sige, enjoy your day ma'am!" pagkasabi niya 'yon ay tumango nalang ako.
Tumungo na siya sa loob ng kotse at pagdaka'y pinaandar na niya ito paalis. Naiwan naman ako dito mag-isa.
Sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid ko. Bukod sa may mga puno sa paligid, at itong kinatatayuan ko ay mukhang main entrance, ilang distansya pa mula sa kinatatayuan ko ang lugar kung saan nagkaka-limpunan ang mga tao.
"Did I make you wait for long?" Napa-tingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses na nanggagaling roon. At nakita ko si Logan na napansin kong pabalik-balik ang tingin sakin, at kumurap-kurap nang mata. Hanggang sa mapansin ko na nag-lalakad na siya papa-lapit sakin.
Napa-titig nalang ako sa kanya ng hindi ko nagawang umimik. Tumigil siya sa paglalakad ng nasa harap ko na siya.
"Why? is there something dirt in my face?" Napukaw ang atensyon ko nang marinig ko siyang nagsalita.
Umayos ka Marsha! Galaw-galaw rin. Baka mamaya matunaw yung gwapong mukha ni Logan!
Ilang beses akong pumikit-mata at umayos ako sa pagkaka-tayo ko. At sa hindi sinasadya ay na out of balance ako.
Lintek na heels 'to! Ano bang nangyayari sa'kin?
"You okay?" nag-aalala niyang tanong.
Buti nalang at kaagad niya akong nasapo. Nagkatinginan kami sa isa't-isa. Habang naka-tingin ako sa kanya ay naka-titig lang siya sa'kin. Naramdaman ko ang bisig niya na naka-pulupot sa bewang ko ngayon habang hindi parin kami umaalis sa puwesto namin ngayon.
Pakiramdam ko ay pinag-papawisan na ako ngayon. Bumili rin ang pintig ng puso ko.
Napa-lunok ako. Patay talaga ako nito kapag nasira yung maganda kong make-up! Baka hindi ko pa natatapos yung event dito ay yung pawis ko na yung maging make-up ko! Jusko.
"A-ahh..hehe. oo.." Natauhan ako at Madali kong inayos ang pagkaka-tayo ko ng nagsalita siya. Pagdaka'y diretso ako sa kanya humarap.
I said, umayos ka Marsha! ipakita mo na ready mo nang harapin ang inaasahan.
Inayos niya ang kanyang sarili at saka siya nagsalita. "Well, I'm sorry if I didn't back a while ago. It was just I have some stuffs to finish that's why I didn't immediately come back--"
"Ayos lang. Saka nandito na rin naman ako." pagpuputol ko.
Kinalma ko ang sarili ko dahil bigla na naman kasing bumabayo yung bandang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, at nararamdaman ko rin na parang may kakaiba na naman sa sikmura ko. Mukhang hindi na ata to talaga maganda!
Well, baka nalipasan lang ng gutom. Bukod sa kakain ko palang kanina, mukhang kailangan ko pa atang sumugod dun sa loob para lumantak ng pagkain.
"I think they're now waiting on us. Let's go?" pag-yaya niya sakin. Tumango nalang ako at sumunod nalang ako sa kanya.
Hindi pa man namin nararating kung nasaan nagkaka-limpunan yung mga tao nang hawakan ko ang kanyang kamay. Nagulat siya ng gawin ko iyon at sabay napatingin siya.
I just made smile to him at nakita kong napa-kunot noo nalang siya nang bumaling siya sandali sakin ng tingin.
"Oh, Logan. Is that you?"
Napa-tingin ako sa lalaking sumalubong sa'min. Medyo may katandaan na rin.
"Yah. It's me." masayang sabi ni Logan. Sabay nag-yakapan sila sandali pagdaka'y humilay na sila sa isa't-isa.
"Long time no see ha. How are you now?" tanong niya kay Logan. Habang ako ay naka-tayo naka-tingin lang sa kanilang dalawa.
Parang buddy-buddy lang silang dalawa kung mag-usap.
"Well, I'm good. I've just finished a lot of works on my company."
"Oh I see." he paused. Napansin kong napa-baling ng tingin sa'kin yung lalaki iyon. Halos magkasing-tangkad lang sila ni Logan at kung susumahin ay mukhang galante rin 'tong lalaki.
Kaano-ano kaya siya ni Logan?
Inilagay niya ang kanyang kanang mga daliri sa kanyang baba. Matamang sinusuri ako. "I didn't immediately notice that you are with this beautiful girl tonight, Logan. Is that your girlfriend?" naka-ngising niyang tanong. Pabalik-balik naman ang tingin niya saming dalawa ni Logan.
Suddenly, nagkatinginan naman kaming dalawa ni Logan. Iniwas ko nalang kaagad ang tingin ko at iniyuko ko nalang ang ulo ko.
"Yes uncle. She's my girlfriend.." nagpantig ang dalawa kong tenga ng diretso niyang sinabi iyon.
"I really do believe. And besides, you two are perfect partners." and I heard that man chuckles.
Parang nanginig ang tuhod ko sa sinabi nung matandang 'yon. Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. na kani-kanina lang ay humupa na.
Jusko! baka mamaya mag-collapse na ako dito. 'Wag naman po sana! Hindi ko ata kayang tanggapin na bagay kami ni Logan. Hindi siya pasado sa ganda ko no!
"You okay?" Tss. I see." Natauhan naman ako nang marinig kong nagsalita si Logan. Luminga ako sa harap ko at mukhang umalis na yung uncle niya.
Hay! salamat po! Akala ko maho-hotseat ako sa lalaking 'yon.
Pagdaka'y pinitlig ko ang ulo ko kay Logan. "Well, just keep on your mind that everything we're doing tonight is not real, it's on our contract. Don't worry, besides, I don't like you. Don't assume." pagkasabi niya niyon ay nagsimula na siyang maglakad at napa-sunod nalang ako sa kanya.
Ngayon naman ay parang nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko. Napakagat-labi ako. Hindi ko talaga naunawaan yung pakiramdam ko. Kanina'y parang ang saya-saya tapos ngayon nag-iba na naman. Jusko! Ano na ba talaga ang sakit ko? Huling araw ko na ba talaga 'to?
Bumuntong hininga ako. Sinabayan ko nalang sa paglalakad si Logan habang magka-hawak pa rin ang mga kamay namin sa isa't-isa.