Iniwan ko muna dun si Logan para libutin yung kabuuan ng lugar na ito. Wala naman kasi akong kilalang mga tao dito kundi si Logan lang.
Nagpaalam ako sa kanya na mag-ccr lang ako habang may kausap siya, pero sa totoo lang ay hindi talaga sa cr ang punta ko. Smirk.
Kung titignan mo talaga ang kabuuan nitong bahay ay mukhang mansyon talaga ang dating. May mga naglalakihang chandeliers, marbled ang sahig at may malaking bintana na made of glass na transparent. At mukhang hindi lang ordinary house ang nakikita ko dahil medyo napapa-libutan rin siya ng mga malalagong puno sa paligid at mukhang masarap maglibot-libot muna dito.
Sabi sakin ni Logan ay pinsan niya yung may-ari ng magarbong bahay na'to. Well, mukhang hindi lang pala si Logan yung mayaman, kundi pati relatives rin pala niya.
Ngayon ko lang napagtanto na nakarating na ang mga paa ko sa isang lugar na mabuhangin, nang mapansin kong iba na yung inaapakan ko. Napa-tingin naman ako dito. Napatigil ako sandali sa nakikita ko ngayon.
Lumapad ang ngiti ko ng natanaw ko yung mga paghampas ng alon sa tabing dagat. Naamoy ko ang sariwang hangin na nagmumula dito. Mabilis kong tinungo iyon kahit na magkanda-tapilok na ako sa katatakbo. Naka-heels kasi ako at lumulubog yung takong ko sa buhangin. Ano ba yan!
Nang marating ko na iyon ay madali kong tinanggal ang suot kong sandalyas. Mukhang mag-eenjoy ako dito. Sabay ngiti ko nang malapad.
"Need help?"
Hindi pa ako tapos sa pagtanggal ng sandals ko nang marinig kong may boses na nagsalita sa likuran ko. Ipinitlig ko ang tingin ko sa gilid at nakita kong may naka-tayo rito. Pagdaka'y napa-angat ako ng ulo para tignan kung sino iyon.
Sandali akong napatikom ng bibig.
Jusko! Bakit may gwapong nilalang sa harap ko? Ang tangos ng ilong, Ang kinis ng face, maputi, medyo mapula ang labi niya, ang ganda rin ng mga mata niya at pilikmata. Napa-lunok ako. Lapitin talaga ako ng gwapo! Well, ang ganda ko kasi talaga.
"C-can I?" napakurap pa ako ng ilang beses bago ako nagsalita. "O-oo, sure.." tipid kong sabi.
Mukhang mag-eenjoy talaga ako ng sobra.
Tinignan ko siya nang bumaba ang kanyang upo at saka niya tinanggal yung mga suot kong sandals sa paa ko. Pagkatapos ay ini-abot naman niya sa'kin yung sandals ko, at kinuha ko naman iyon sa kanya.
"Thanks." naka-ngiti kong sabi sa kanya.
"Your welcome, ms.."
"Marsha." dugtong ko.
"Oh, beautiful name. Well, you're beautiful also." Sabi niya niya habang naka-ngiti. "Nice meeting you.." sabay abot niya sa'kin ng kamay niya.
Napa-lunok muna ako bago ko rin inabot sa kanya ang kamay ko. Parang hindi ako makapaniwala na may kausap ako ngayong na isang gwapong nilalang sa harap ko ngayon.
"Nice meeting you po." Syempre, mas mabuti nang may galang, aba. Baka mas matanda pa siya sa'kin no. Narinig ko naman siyang napa-tawa ng marahan. Pagdaka'y kinalas ko na ang kamay ko dahil mukhang ayaw pa niyang bitawan.
Aba! tumetyempo rin 'to ha. Ang ganda ko talaga.
"Oh, I forgot to introduce my name. By the way, I'm Rix." he paused. Binaling ko nalang muna ang tingin ko sa iba. "Anyway, why are you here?" tanong niya.
Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o hindi. "A-ahh e..nagpapa-hangin lang. hehe". Palusot kong sabi at sinulyapan ko lang siya ng tingin saglit.
Pero sa totoo lang ay, magtatampisaw talaga ako sa tubig. Aba syempre. Ngayon lang ako makaka-ranas maligo sa dagat dito sa Cebu kaya 'di ko na sasayangin yung pagkakataon na 'to no. 'Di joke lang, gusto ko lang ilibang yung sarili ko sa lugar na'to. Saka wala akong extra na dalang damit, saka baka pag-nakita ako ni Logan na basang-sisiw baka magmukhang halimaw na naman yung pag-mumukha 'non. At saka, kahit paano ay mag-enjoy man lang ako tutal mukhang wala naman paki sakin si Logan kaya iniwan ko siya don.
Oh, ako lang talaga ang nag-balak na iwan siya don? Hays. Bahala siya don.
Speaking of Logan, marami nga kanina nagtanong sakin kung mag-ano ko daw si Logan, balak ko sanang sabihin na katulong ko siya. Joke. Sabi ko na may relasyon kami, at nung nalaman rin iyon nung pinsan niya at other relatives niya na nandito dahil may reunion pala sila, ay tuwang-tuwa sila. Sabi kasi ni Logan na galing Switzerland yung pinsan niyang si Jes at ngayon lang sila ulit nagkita-kita at gusto rin niya na magkasama-sama. Ilang taon na rin daw ang naka-lipas na hindi sila nagkikita-kita ng magkaka-sama ang kanyang mga kamag-anak. At si Jes mismo ang nag-plan nito. Going back to the topic, sabihin pa ba naman sa'kin na pano daw ako nadingwit ni Logan? Sabi ko tinali ko siya. Kaya amo niya na ako. Sabi ko dun sa madaldal niyang pamangkin na babae na si Laila na agad ko rin naman naging kasundo. Syempre no, sa ganda kong 'to. Imposibleng di magkaroon ng rumors. Joke.
Sa totoo lang ay, mabait rin naman siya at parang si Dwayne rin kung kausapin. Speaking of Dwayne. Hays. Kumusta na kaya siya don? Ayos lang kaya siya don habang mag-isa siya?
Pero bigla rin akong napa-isip sandali. Bakit hindi ko nakita dito si Roxie? Nasaan kaya siya?
Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ang daming bumabagabag ngayon sa utak ko?
"Hey. Are you okay? I think you're not interested of having talk with me? Am I?" naka-kunot noo niyang tanong.
Napa-tingin ako sa kanya ng di oras ng mapansin kong kinakausap pala niya ako. At mukhang kanina pa siya nagsasalita at di ko manlang pinapansin. Jusko. Baka lumayo sakin yung pampa-swerte.
"A-ahh, hindi no. Sorry po.." pagpaumanhin ko.
"Im not too old. Just call me Rix, I'm just twenty-seven."
Wow. mukhang fresh pa nga talaga. May girlfriend na kaya 'to?
"And well, I don't have a girlfriend. I look for a girl whom I supposed to love." diretsa niyang sabi.
Itatanong ko pa nga lang sana, pero inunahan na niya ako. Seriously? 'yang gwapong mukha na 'yan ay wala pang girlfriend? fresh pa? I gulped. Mukhang chance ko na 'to ha. Of course, malay natin. Maganda naman ako at mukhang bagay kami. Sana.
I looked on him straightforwardly. "Pero, bakit? saka gwapo ka naman. Imposibleng wala ka pang nagugustuhan?" Sabihin na natin na chismosa ako pero syempre, Paano dadami yung lahi ng mga gwapo kung di siya magkakarelasyon? baka bakla talaga siya?
Nakita ko ang pag-tingin niya rin sakin. "I haven't before. But I think I found now the girl that I like and want to love.." sabay umiwas siya ng tingin ng binaling niya ang tingin sa iba.
Ang bilis naman niya! Ang gulo pa? saka sino bang babae yung sinasabi niya? Ako kaya 'yon? Syempre, in my dreams. Pero okay lang kung hindi ako, maganda naman.
Gusto ko itanong kung sino bang babae yung tinutukoy niya. Malay niyo, kilala ko o kapit-bahay ko lang. Pero baka sabihin niya na chismosa ako. Saka hindi ko pa nga siya ganun kakilala. Mag-close lang?
"By the way. Can you accompany me here to tour around?" ngayon ko lang napansin na kapag nag-sasalita siya at ngumi-ngiti ay parang umaalon yung adam's apple niya.
Okay that's enough. Tama na 'tong pagdaday-dream ko sa kanya. Baka mabuang ako dito.
Saka ako sasamahan ko siya libutin ang buong mundo? joke. Hanggang dito lang syempre. In my dreams nga lang e. Maganda lang talaga ako.
Saka bakit ako pa? E, baka mamaya iligaw pa ako ng stranger na 'to. Hays, sige na nga. Guwapo naman e.
Tumingin ako sa kanya at tumango ako para sa pagsang-ayon ko. Pagdaka'y nagsimula naman siyang humakbang at sinundan ko nalang siya.
"Kabisado mo ba yong lugar na 'to? Baka mamaya maligaw tayo.." Hindi naman ako kinakabahan kung sakali ngang maligaw kami. At least nasolo ko siya. Joke. Syempre, mas maigi na 'wag magpaka-kampante at baka hindi ko namamalayan na baka may masama na palang balak ang lalaking 'to sakin.
Mas maigi na hindi lang puro nadadala sa itsura, kahit nga gwapo sa kasalukuyan, nang ra-rape.
Jusko.'wag naman sana niyang gawin sakin. Baka dalawin ko siya sa bahay niya pag nangyari 'yon. At mabalita pa sa balita na 'isang magandang babae ang nirape diumano ng isang guwapong lalaki'. Aba baka maging big issue pa 'yon sa buong mundo! Nako po!
Napansin kong dumahan-dahan siya sa paglalakad. Pagkatapos ay, inilagay niya sa kanyang likuran ang mga kamay niya na naka-hawak sa kanyang likuran.
"I'm not that kind of man if it's what you thinks. But if you think that I'm like of this. Well, it's okay for me.." Sabay tingin niya at kindat pa sa'kin.
Aba! Sumusobra na siya ha. Kahit kindatan niya ako, di ako padadaig 'no. Hindi ako tatablahan.
Saka paano niya alam kung ano iniisip ko? Kanina pa siya ha! Manghuhula ba 'to?
Naalala ko tuloy si Logan. Parehas silang dalawa. Pero nagtataka ako, may powers ba 'to saka si Logan sa panghuhula? Speaking of Logan. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap na kaya ako nun ngayon?
Hays. Bahala siya, naisip ko lang na bakit ba hindi nalang nilang dalawa pagkakitaan 'yon powers nila? or ipang-tulong sa iba. Jusme.
Matagal akong hindi umimik. Nakakahiya naman kasi sabihin sa kanya kung ano-ano mga pinag-iisip ko sa kanya ngayon.
Tumigil kami sa paglalakad nang umupo siya sa buhanginan. Ginaya ko nalang yung ginawa niya at umupo ako malapit sa kanya.
"Do you have something to share on me, something about before?.?" pagkasabi niya niyon ay nagkataon na nagsalubong ang mga mata namin ng tumingin kami sa isa't-isa.
Parang naramdaman ko na bumugso saglit yung pintig ng puso ko. Hays, paki-explain nga. Abnormal na ba talaga puso ko? check-up na talaga kailangan.
Parang may huli pa siyang sinabi pero hindi na naging malinaw sakin.
Sadyang bingi lang siguro ako. O baka guni-guni ko lang 'yon.
Napa-kurap muna ako ng ilang beses bago ako nakapag-salita. "A-ano ba sasabihin ko?" nang sambitin ko iyon ay nakita ko yung reaksyon niya na napatawa lang siya ng marahan at napa-iwas siya ng tingin.
Mukha bang nagbibiro ako? saka di ko nga alam kung ano sasabihin ko.
Napansin kong lumapit siya sa'kin ng bahagya. Napa-tingin naman ako sa ginawa niya.
"Nevermind. I will not insist you by the way. Anyway, I think, i'll be the one to start about this." aniya ng naka-ngiti. Naka-tingin pa rin ako sa kanya habang naka-baling ang tingin niya sa iba.
"Well. I don't know where I'm going to start. But of course, you know me already. I'm just owning a renowned company of Villa Alfonso Company.."
Napa-sara ako ng bibig. Seryoso? Narinig ko kasi 'yon sa isa sa mga ka-empleyado ko sa kompanya nung time na nag-uusap usap sila sa elevator na kilala nga daw yung kompanya na 'yon at kung hindi ako nagkakamali ay nakikipag-compete sa kompanya ni Logan.
Napansin kong naka- tingin siya sa'kin ng diretso,kaya napa-tingin rin ako sa kanya.
"How about you? I know you will share something now on me." sabay ngiti niya.
Ang gwapo talaga niya talaga 'pag naka-tingi. Siguro kung araw-araw ko siyang nakikitang ganyan sa kompanya, baka mas lalo pang maengganyo ako sa pagtatrabaho. Kesa sa mukha ni Logan na mukhang lugi palagi.
Ibinaling ko muna ang tingin ko sa iba. "U-uhh...nagtatra-baho ako bilang sektetarya sa isang kompanya. Well, kilala rin siya.."
Napansin kong di pa rin niya inaalis yung tingin niya sa'kin at mukhang hinihintay niya yung susunod kong sasabihin.
"Then what company?" naiinip niyang sambit.
Inisip ko kung anong kompanya ulit 'yon. Nakalimutan ko kasi.
"Ahh, Empire Sta--"
Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang bigla may ibang boses ang nagsalita.
"I can't believe you're with that stranger."
Napa-lingon ako sa nagsalita kung sino iyon. Parang naudlot yung dila ko nang makita ko siyang naka-tayo sa likuran malapit sa pwesto namin.
"Logan?" Pagdaka'y napa-tayo ako sa kina-uupuan ko.
"Did you knew him?" nagtatakang tanong ni Rix.
Bago pa ako magsalita ay nagsalita na si Logan.
"Yes. And I'm his boyfriend. Excuse me." madiin niyang sabi.
Natilihan ako nang sambitin iyon ng diretsa ni Logan. Sinubukan kong balingan ng tingin si Rix at nakita ko siyang napa-ngisi.
Napakagat-labi ako. Mukhang hindi maganda ang timpla ng dalawa. Magkakilala kaya sila?