Chereads / My Beast Boss / Chapter 17 - 16. The Choices

Chapter 17 - 16. The Choices

"Excuse me. We'll have to go." pagdaka'y hinigit ako ni Logan sa kamay.

Nilingon ko si Rix at nakita ko na naka-tingin lang siya sakin at mukhang malamlam ang kanyang mga tingin. Parang may gusto pa siyang sabihin sakin pero wala manlang lumabas sa kanyang bibig.

Ano bang nangyayari sa dalawang 'to? magkakilala ba silang dalawa o magka-away? Bakit parang nairita 'tong si Logan nang makita niya si Rix?

Hanggang sa mapansin kong dinala ako ni Logan sa isang medyo madilim na lugar na may katabi na mga kubo-kubo na bahay. Medyo walang gaanong tao ang dumadaan at hindi ko rin alam kung saang lugar na ba ito.

Kinabahan ako bigla. Jusko! baka dito na ako murderin ni Logan hanggang sa maabutan ang bangkay ko dito kinabukasan na kumakalat ang dugo at pira-piraso ang mga ibang parte ng katawan ko! 'Wag naman sana! gusto ko pang mabuhay kasama si Rix. Joke.

Napansin kong parang hindi maganda ang atmospera ni Logan. Puma-mulsa siya at matalim na naka-tingin siya ngayon sakin.

Eto na nga yung sinasabi ko e! Jusko! Wag naman po sana!

"I thought you're just in a cr. But you're not. Did you know that I've almost roamed myself here around? " mukhang sa tono nang boses niya ay nagagalit na siya.

Aba! kasalanan ko bang libutin niya ang buong lugar dito? Bakit parang sakin niya sinisisi?

Hindi ko magawang umimik habang naka-tingin lang siya sakin. Naaninag ko ang masungit na reaksyon ng mukha niya dahil sa kaunting liwanag ng ilaw na tumatama sa kanyang mukha. Naka-diretso pa rin ang tingin niya sakin.

"Tell me. Did that man do something bad at you? Or anything? How did you know him?" sunod-sunod niyang tanong. This time ay nag-iba na naman ang timpla ng boses niya.

Concern na ba siya sa'kin ngayon? Ang gulo niya! paiba-iba rin siya ng isip. Na hohot-seat pati ako sa mga tanong niya.

"W-wala naman. Sa totoo lang ay, nagkakilala lang kami kanina. Pagkatapos ay nag-usap lang ka--"

Pinutol niya ang sasabihin ko nang magsalita siya. "That's it?"

Tumango ako sa kanya. At pinantay ko ang labi ko.

Napansin kong humakbang siya papa-lapit sakin kaya napa-atras naman ako. Naramdaman ko na naka-dikit na pala ang likod ko sa isang pader nang maramdaman kong mukhang wala na akong maa-atrasan.

Sandaling napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko na pumipintig na naman ito. Parang may kumikiliti sa tiyan ko ng mapagtanto kong ilang distansya nalang si Logan sakin, sumabay pa ang panginginig ng tuhod ko. Oh my, naamoy ko na rin ang pabango niya!

Bakit ba tumitibok 'tong puso ko kapag malapit siya? Abnormal ba talaga 'to?

Napansin kong isinandal niya ang kanyang kaliwang kamay sa likuran ko kaya nagmukhang nakorner na niya ako. Hindi ko alam pero parang nae-excite ako sa ginagawa niya.

Ano ba kasing gagawin niya?

Napa-pikit nalang ako ng mapansin kong lumalapit ang mukha niya sakin.

Eto na nga yung sinasabi ko. Mumurderin na niya ako!

"Don't you ever do that thing again, or else, you'll face a hard consequences.." napa-mulat ako ng mapansin kong malayo na ang mukha niya sakin.

Bubulong lang pala siya sa tenga ko. Kala ko kung ano na! Bakit hindi nalang niya sinabi sakin ng diretso?

Nakita ko ang paglayo ng mukha niya sa'kin pagkatapos niyang gawin ang bagay na iyon.

Parang sandali akong natigilan sa ginawa niya. Dati pumipintig ang puso ko, parang sumasakit na ewan yung sikmura ko, ngayon naman parang hindi ko magawang mai-galaw yung katawan ko kanina.

Jusko! malala na sakit ko! I pressed my lips.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko.

*We should go back there now. I think they're looking on us.." aniya.

Tinignan ko lang siya habang naka-tuon ang mga tingin niya sa daanan nang magsimula siyang humakbang paalis. At napa-sunod nalang ako. At habang ako ay, hindi manlang nagawang umimik.

Hays. Hindi pa ba aawat sa pag-pintig 'tong puso ko? tatanggalin ko na talaga to 'pag nagkataon.

Buti nalang at nahimas-masan na ako ng kaunti nang marating na namin ang lugar kung saan nagkakalimpun-punan ang mga bisita.

Mukhang nagkakasiyahan na ang ilan sa kanila dahil sa tama na rin siguro ng alak na nainom nila. Habang yung iba ay busy sa mga kausap nila at yung iba naman ay nasa bandang harapan habang nagsasayawan.

"Oh Logan. Will you join us here? How about you gorgeous girl? should we?" Sabi nung lalaki na biglang lumapit samin ni Logan. Mukhang namumukhaan ko siya at siya ata yung lalaking panay tingin sakin kanina habang kausap ko yung other relatives ni Logan. Si Harry ata pangalan niya.

"Thanks bro, but we have to go now. My girlfriend is already tired." mahinahon niyang sabi.

"Just in a few minutes bro! Besides it's just for tonight" he paused. Sabay baling niya ng tingin sakin. "Well, I think you're not interested bro. So Marsha, shall we?" tanong niya sa'kin nang bumaling ang tingin niya sakin, habang naka-ngisi siya. Sabay lagok ng hawak niyang alak.

"No. We have now to take rest." akma pa sanang magsasalita ako ng madaling niyang sabihin iyon kaya hindi na ako nakapag-salita.

Aba! sinabi ko ba na ayaw ko? Baka sabihin pa ni Harry na kill joy ako. Ang selfish nitong Logan na 'to.

"Just have some happy moments with your girls, Harry. I think you will enjoy more with them.." sabay tapik ni Logan sa braso ni Harry. At pagdaka'y humakbang si Logan paalis dun sa kinatatayuan niya kaya napapa-sunod nalang ako sa kanya. Hindi pa rin kasi niya inaalis yung pagkaka-hawak nang kamay niya sakin.

Mukhang sumosobra na siya ha?

"S-saan na tayo pupunta ngayon?" nagtataka kong tanong.

Hindi ko kasi gaanong na-enjoy manlang yung araw na 'to. Paano ba naman kasi, moment ko na nga kanina na makasama ang isang gwapong nilalang na si Rix, kaso lang, bigla-bigla nalang kasing pumapasok sa eksena 'tong si Logan. 'Yan tuloy, naudlot ang masaya sanang pangarap ko. Joke.

Mukhang patungo na kami ngayon sa parking area at mukhang balak na ata talaga ni Logan na umuwi. Pero akala ko ba makikipag-bonding pa siya sa mga kamag-anak niya?

Saka alam ba nila Jes at ibang relatives niya na uuwi na kami? Syempre no, dapat hindi basta-basta nilalayasan yung ganung gatherings ng mga relatives lalo pa't kung ngayon lang sila ulit nagkasama-sama at nagkita-kita. Baka isipin pa nun nila Jes na nilayasan na namin yung sila.

Bago pa kami nakapasok sa loob ng sasakyan, agad kong pinigilan si Logan.

"Hindi ba muna tayo magpapa-alam kila Jes? Baka hanapin nila tayo dun?" nag-aalala kong sabi.

Kumunot-noo siya. "Don't worry about them. They already knew it." Pagkasabi niya niyon ay pinag-buksan na niya ako ng pinto sa harap, at mukhang katabi ko siya dahil mukhang siya ata ang magmamaneho ng sasakyan.

Akala ko ba babalikan kami dito ni Kuya Jak?

"Put your seatbelt on." napukaw ang atensyon ko nang malaman kong naka-upo na pala siya ngayon sa driver's seat.

Nilagay ko ang seat belt ko, pagkatapos ay saka naman umandar yung kotse.

Naging mapayapa yung byahe namin at wala ni isa mang umimik samin. Ayoko na rin naman na makipag-usap pa sa kanya tutal wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Saka sa totoo lang ay, kanina pa ako dinadalaw ng antok. Halos pasado alas-onse na rin ng gabi.

Ang damin na namang tumatakbo sa isip ko habang nasa byahe pa rin kami. Bukod sa hindi ko masyadong naenjoy ang araw na 'to sa pinuntahan namin, bigla ring pumapasok sa isip ko si Rix.

Nandun pa kaya siya hanggang ngayon? Magkikita pa kaya ulit kami? Hinahanap niya kaya ako?

"I never thought that you will be with that man. And because of it, you'll pay for what you've done."

Natigil ako sa pag-iisip ng mga bagay na 'yon ng marinig kong magsalita si Logan na bumali ng katahimikan. Ano bang sinasabi niya?

Tinignan ko siya at nakita kong naka-baling ang mga tingin niya sa daan habang nagmamaneho.

"At ano naman ang masama don? Saka wala ka naman dapat ipag-alala tutal wala naman siyang ginawang masama sa'kin. Mabait siya a--" pinutol niya yung dapat na sasabihin ko sana.

"Tss. I don't worry on you. Instead, I'm concern about or contract. Didn't you read it clearly? You violate the rule. And you have to pay for that.." masungit niyang sabi.

Pagkasabi niya niyon ay napa-ngiwi ako. Bakit hindi ko manlang natandaan 'yon?

Ang nakasulat kasi don na kapag may una akong na-violate na nagawa, magbabayad ako ng milyon kay Logan. Alam kong mukhang hindi ata fair. Pero syempre, pinirmahan ko na yung contract and once na pinirmahan ko na iyon, ibig sabihin ay sumasang-ayon ako sa mga naka-sulat doon. Kahit mukhang parang laro-laro lang ata kay Logan, mukhang hindi ko pwedeng balewalain nalang 'yon.

Oh c'mon Marsha. Maganda ka lang talaga, pero wala kang pera!

Sinubukan kong magmakaawa kay Logan. Halos uga-ugain ko na nga siya habang nagmamaneho. Napa-awat naman ako nang mapansin kong nag-halimaw na naman yung mukha niya. Lumayo na ako sa kanya ng konti.

"Hindi ko naman sinasadya yung pangyayari na 'yon e. Saka malay ko ba na makikipag-kilala siya sa'kin? Please. Wala akong pang-cash para may ibayad sa'yo. Pwede iba nalang? Kahit ano, gagawin ko? wag mo lang ako pabayarin ng isang milyon.." pagmamakaawa ko. Napansin kong ang kaninang halimaw niyang mukha ay napalitan nang may sumilay na ngisi sa kanyang mukha.

Ano na naman kayang binabalak nito?

Hinintay ko yung sasabihin niya sakin. Pero bago pa niya sambitin iyon, napansin kong tumigil na ang takbo ng sasakyan. Mukhang naka-balik na kami sa hotel na tutuluyan namin.

Nagmadali akong bumaba at kaagad ko siyang nilapitan nang natanaw kong naka-baba na rin siya matapos niyang iparada yung sasakyan.

Hinawakan ko siya sa braso at inuga-uga iyon. "Please. Gagawin ko kahit ano basta 'wag lang ako magbabayad ng milyon. Please, ano ba kailangan kong gawin?" saad ko at hindi pa rin ako umaawat sa kakapiga sa kanya.

Tumikhim siya sandali. Saka siya nagsalita. "Fine. Just have dinner date with me tomorrow. And everything will be done paid." pagkasabi niya niyon ay naglakad na siya paalis.

Naiwan naman akong naka-tulala nang sabihin niya iyon.

Sa kanya makikipag-date ako? Wow ha. Ang hangin niya. Hindi siya pasado sa standards ko.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya habang patuloy siya sa paglalakad. Ni hindi manlang niya ako nililingon.

Tawagin ko kaya siyang halimaw? Baka sakaling lumingon siya.

"Wala bang ibang choices? pwede iba nalang?" pasigaw kong sabi. Mukhang okay lang naman na magsisigaw ako dito tutal parking area naman 'to at wala naman akong napansin na may mga tao pa ngayon dito kami nalang ata ni Logan.

Napansin kong napa-tigil siya sa paglalakad niya, habang naka-talikod siya sa'kin at hindi siya lumingon. Madali ko siyang pinuntahan hanggang sa maabutan ko siya.

"There's no other choices. But if you don't like then pay for one million." madiin niyang sabi pagdaka'y saka siya ulit nagsimulang naglakad.

Seryoso? Mag bayad nalang kaya ako ng one million? tutal mukha talagang pera 'yang halimaw na Logan na 'yan! Kesa makipag date sa kanya.

Bumuntong-hininga ako.

Oo nga pala. Choice niya 'yon. Kapag humindi pa ako, tiyak sa one million ang bagsak ko. Napabuntong-hininga nalang ulit ako.