Chereads / My Beast Boss / Chapter 19 - 18. The Violation

Chapter 19 - 18. The Violation

Umupo muna ako sa dun sa may lounge area. Mukhang hindi naman ata bawal umupo at mag-relax dito sandali. Saka hindi naman ako pinag-bawalan.

Naisipan kong kunin yung tinapay ko sa bag. Mukhang hindi pa ata sasapat sakin 'to bukod sa kulang eh, baka hanggang gabi pa ako mag-hintay dito kay Logan at magutom lang ako.

Saka kung ganun rin lang, bakit pa niya ako sinama dito kung hindi rin pala ako obligadong kasama niya habang nag-uusap sila dun?

Hinawakan ko muna ng dalawa kong kamay yung tinapay habang tinititigan ito.

Meron kayang tindahan sa labas?

Napa-ngiti ako. Tama. Kailangan ko munang mag-almusal habang wala pa si Logan. Mga alas otso na rin pasado.

Binalik ko muna sa loob ng bag ko yung tinapay, pagdaka'y tumayo ako para lisanin ang lugar. Hindi ko na talaga kayang mag-tiis ng wala pang kain.

Dali-dali kong tinungo yung elevator at buti nalang at natatandaan ko pa naman kung saan kami dumaan kanina ni Logan.

Pinindot ko yung button sa elevator at saka ako pumasok sa loob ng bumukas ito. Bago pa ako nito ihatid pababa ay bigla itong bumukas. Natanaw ko ang isang matipunong lalaki na may katangkaran ang pumasok at sumabay sakin.

Itinuon ko nalang ang tingin ko ng diretso habang hinihintay kong marating ang first floor.

"It's look like you're alone? Am I right?"

Ako ba kina-kausap niya? sabay kurap ko.

Nilingon ko siya kung siguradong ako nga ang kinakausap niya. At nakita kong matamang naka-tingin siya sakin habang naka-ngiti.

Parang feeling ko ang sobrang ganda ko. Akalain mo nga naman, may gwapong nilalang na naman akong naka-sabay sa elevator! Ang suwerte ko talaga sa gwapo! Bakit hindi ko kaagad 'yon kanina napansin?

Ngumiti lang rin ako sa kanya. Naalala ko tuloy si Rix sa kanya. Ang ganda ng mukha, ang tangos ng ilong, mahahaba yung pilik-mata, may blue eyes, at medyo namumula yung labi niya. Lumunok ako. Hindi lang pala ako suwerte sa kanya, ang suwerte niya, maganda ang kaharap niya ngayon.

"Hey, you okay?" saad niya at napakunot-noo.

Dun ko lang namalayan na ako pala yun kinaka-usap niya.

"A-ahh..oo." tanging sambit ko. Pagdaka'y iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Baka isipin niya na pinag-pipiyestahan ko siya sa katititig sa mukha niya. Nakakahiya.

Narinig ko ang pagtawa niya ng marahan. "Well, I didn't expect that I met a beautiful girl like you here.."

Napa-yuko ako sa sinabi niya. Ganyan ba palaging bukam-bibig ng mga lalaking tulad niya kapag nakita ang magandang tulad ko? Well, Alam ko namang maganda ako.

Narinig ko ang pag-bukas ng pinto ng elevator. Hindi ko alintana gutom pala ako. Kina-usap lang kasi ako ng lalaking 'to, binusog na ako. Joke.

Nagmadali na akong lumabas ng elevator dahil baka hindi na ako makakain nito kapag kakausapin ko pa yung lalaking 'yon.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko kung siya ba yung may-ari ng gusali na 'to? O baka isa siya sa mga ka-negosasyon ni Logan?

Bago pa ako dumiretso na lumabas, saka ko lang naalala na may mga press pala sa labas. Kaya huminto ako sandali.

Saan tuloy ako dadaanan ngayon?

"I can help you out from them. Will you?" Napa-lingon ako sa likod ko at nakita ko na naman yung lalaki na iyon.

Nag-isip muna ako sandali. Baka mamaya kapag nagpa-tulong ako sa kanya, may kapalit. Kung alam ko lang sana yung pasikot-sikot dito, hindi ako magpapasama sa kanya.

Inikot ko ang katawan ko at humarap ako sa kanya. "Kung sakaling magpapatulong ako sayo, may kapalit ba?" diretso kong tanong. Nakita ko ang pagtawa niya ng marahan.

"It depends. But it's up to you." aniya.

Okay. Mukhang hindi lang gwapo 'tong lalaki, mabait pa. Sige na nga magpapa-sama na ako sa kanya.

"Pwede mo ba akong tulungan papunta sa labas? May pupuntahan lang kasi ako. Hehe.."

"Sure. Just for you." masaya niyang sabi. Sabay nauna na siyang naglakad at sumunod na ako sa kanya. Hanggang sa makarating na kami sa mismong labas ng bahay at malayo dun sa mga press.

"Thank you pala sayo." saad ko. Buti nalang at naitawid ko rin ang sarili ko dun. Puma-mulsa siya.

"Your always welcome ms.."

"Marsha." pagpa-patuloy ko.

"Oh, beautiful name. Anyway, I'm Steven. But you can call me Steve." naka-ngiti nitong sabi.

Ewan ko pero sa totoo lang, parang may pagka-parehas sila ni Rix. Hays. Lalaki talaga, sabagay. Guwapo naman siya.

"Sige, aalis na ako. Salamat ulit sayo." pagpapa-alam ko. Pagkatapos ay, umalis na ako para mag-hanap nalang ako ng mapag-bibilhan ng makakain ko.

Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa isang maliit na fast food chain at naalala ko na nasa probinsiya ako. At hindi na ako makapag-hintay na bumili ng mga pagkaing na mula dito. Ngiti.

Binuksan ko ang pinto ng marating ko na iyon. Wala pa gaanong katao kaya naghanap na ako ng makakain ko.

Bumili ako ng cream coffee, mga biscuits at tinapay na may cheese toppings sa ibabaw. Bumili na rin ako ng isang maliit na box na parang polvoron. Pagkatapos ay tumungo na ako sa cashier para mag-bayad.

"270 pesos po." ani nung kasera.

Binuksan ko yung bag ko para kunin yung wallet ko.

Medyo nanlumo ako ng hindi ko natagpuan yung wallet ko. Sinubukan kong hagilapin sa shoulder bag ko yung wallet ko pero wala talaga yung wallet ko.

"Ma'am, may problema po ba?" Buti nalang at hindi ako binisaya ni ate dahil baka maging problema ko pa yung lengguwahe niya.

Kinagat ko ang bandang ibaba ng labi ko. Nasaan na yung wallet ko? Saan ko ba nilagay yun? Ano nang gagawin ko ngayon? Patay talaga ako nito! Baka kasuhan pa ako nito 'pag nagkataon.

Ganda lang Marsha. Wala ka talagang pera.

Hinawakan ko ng mahigpit yung sling ng bag ko. "Maam, pwede ko po bang balikan sandali? Naiwan ko po kasi yung wallet ko eh.." palusot ko.

Hindi ko na hinintay yung sasabihin nung kashera nang mabilis ko siyang tinalikuran para umalis.

Pero bago pa ako maka-alis sa kinatatayuan ko, dahan-dahan kong inangat ang ulo ko nang bumunggo ako dito pag-ikot ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"S-steven?" taka kong tanong.

Anong ginagawa niya dito? Sinusundan ba niya ako?

"How much does it cost all?" rinig kong tanong niya dun sa kashera.

"270 pesos po sir."

Nakita ko ang pagdukot niya dun sa likod ng pants niya. Pagkatapos ay sabay dumukot siya ng pera sa wallet niya at saka niya ini-abot dun sa kashera.

"Get this and keep the change." Sabi niya dun sa kashera at sandali akong natulala sa ginawa niya. Nakita ko ang pag-baling niya ng tingin sakin.

"You don't have to worry. It's already been paid." sabay ngiti niya sakin.

Inayos ko ang sarili ko at madali kong kinuha yung mga pinamili ko. Pagka-kuha ko niyon ay hinila ko siya paalis dun sa loob. Napansin ko kasing may mga tao nang naka-tingin samin at nag-bubulungan.

Nang mapansin kong malayo na kami dun sa pinag-bilhan ko. Saka ko siya binitawan. Humarap ako sa kanya.

"H-hindi mo dapat ginawa yon." nahihiya kong sabi habang naka-yuko ako.

Ano pang imumukha ko kapag nagka-utang ako sa taong ngayon ko palang nakilala at nakita?

Isinuksok muna niya ang mga kamay niya sa loob ng bulsa niya bago nagsalita. "It's okay. Well, spending money is just nothing to me. You don't have to worry for it." naka-ngiti pa niyang sabi.

Ano? Idadaan nalang niya sa ngiti palagi? Hindi ba niya alam na may utang na ako sa kanya?

Susmaryosep! Maganda lang talaga ako. Pero walang pera!

"Pero...pera mo pa rin yon!" angal ko.

Hinintay ko ang tugon niya. Sa halip na magsalita siya ay may ini-abot siya sakin. Napa-tingin ako sandali doon.

"I think that's yours." pagkasabi niya niyon ay sumulyap ako sa kanya.

Natigilan ako sandali ng abutin ko yung binigay niya sakin.

Wallet ko 'to ha? Pero paano napunta sa kanya?

"I found it at lounge area, on the floor. Maybe you just misplaced or it fell there over." sambit niya.

Sa sahig? Inisip ko kung ano ba yung ginawa ko kanina at siguro nga ay hindi ko napansin na baka nahulog ko iyon ng kunin ko yung tinapay sa bag.

Hays. Kasalanan ko 'to eh. Bakit ba hindi ko manlang napansin yon pag-alis ko dun kanina?

Inilagay ko muna yung wallet ko sa bag at sabay sinara ko yung zipper ng bag ko. Iningat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kanya.

"Nasaan na yun?" nagtataka kong tanong sa sarili.

Pero kausap ko palang siya ngayon ha?

Nilibot ko yung mata ko sa paligid at hindi ko siya nakita. Kumibit-balikat nalang ako.

Bumalik na lang ako kaagad dun sa pinatilihan ko kanina. Baka hinahanap na ako ni Logan ngayon.

Mabilis akong naglakad at dun ako dumaan sa dinaanan ko kanina. Hanggang sa marating ko na yung lounge area nang dumaan ako sa elevator.

Sinilip ko yung pinasukan kanina ni Logan pero mukhang hindi pa rin ata sila tapos.

Bumalik nalang ako dun sa lounge. Kaagad akong umupo at binuksan ko yung paper bag na may mga lamang pagkain na binili ko.

Napahimas ako sa tiyan ko. Kailangan ko na talagang kumain.

Binuksan ko yung takip ng cream coffee ko and I sip it.

Naganahan akong mag-kape dahil ngayon lang iba ang panlasa sakin ng kape na 'to. At ang sarap pa.

Binuksan ko yung tinapay na kanina ko pa binapalik-balik ilagay sa bag ko.

Kakagatin ko sana nang bigla namang tumambad sa harap ko si Logan.

"What do you think you're doing?! Did I told you to eat?" masungit niyang sabi. Pagkasabi niya niyon ay tumalikod siya at mukhang umalis na kaagad. Binalik ko nalang ang tingin ko sa kinakain ko.

Saka sandali nga, anong pinag-sasabi nun? Eh, hindi pa nga ako nag-aalmusal. Bahala siya jan. Sabay kagat ko dun sa tinapay. Kumakalam na sikmura ko. Baka naman.

"Do you will follow or you'll pay?" hindi ko pa uli ako nakakagat ng marinig ko siyang nagsalita.

Akala ko ba umalis na siya?

"Pwede bang mag-almu---"

Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng hinigit niya ako sa kamay kaya napa-tayo ako.

Naknang! "Ano ba Logan! Yung mga binili kong pagkain don hindi ko pa nakakain! Ginastusan pa naman 'yon ni Steven!"

Napatikom ako ng bibig ng makita kong mabilis siyang lumingon sakin nang tumigil siya sa paglakad.

"Who's that fvcking man?" borito niyang sabi.

Patay! nako talaga Marsha! Yari ka! Sabi ko sa'yo matuto rin mag-tikom ng bibig. Hindi lang million babayaran mo, lalagasin na ni Logan pati ari-arian mo!

Napa-yuko ako. Ayokong tumingin sa kanya nang nag-aalab yung mga mata. Parang hindi na siya halimaw eh.

"Tell me Marsha or you'll pay double this time.." pinilit niyang maging mahinahon ang kanyang boses pero alam kong magiging danger beast na talaga siya. Napa-pikit ako ng mga mata ko sandali.

Napansin ko ang pag-lapit niya sakin ng buksan ko ang mga mata ko, kaya ako naman 'tong si atras. Ano na naman ba 'tong binabalak ni Logan? Pinapa-kaba niya ako! baka himatayin ako dito oh! Jusko!

"I'm just at the conference for a while. But you..you're with someone..and without my permission, you did violate it again.." parang anytime magta-transform na siya sa beast.

Napagtanto ko na wala na pala akong aatrasan. Ina-ngat ko ang ulo ko at tinignan ko siya. Kahit na ang bilis ng tibok ng puso ko at kinabahan, sinubukan ko parin siyang tignan ng malapitan. At para akong timang na naka-titig sa mukha niya. Lalo na't magka-lapit na ang mukha namin sa isa't-isa.

Jusko! Yung pusko ko! matatanggal na ata! Oo na. Alam kong guwapo siya pero, halimaw pa rin.

"L-logan...m-mali ka nang iniisip.." depensa ko kahit na nauutal kong sabi.

Alam kong hindi lang 'to yung unang beses na ginawa niya sakin. Maraming beses na rin. At hindi ba niya alam na ilang beses na ring tibok ng tibok yung puso ko sa tuwing ginagawa niya yung ganitong bagay?

"You'll pay for this Marsha.." Pagkasabi niya niyon, dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya at napa-pikit nalang ako.

Jusko! Kayo na po bahala sakin..

"Excuse me, Mr. Figueroa. Mr. Vergara wanting to have a formal talk with you.." napa-hinto si Logan sa nais niyang gawin ng lingunin niya yung tumawag sa kanya.

Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil sa wakas ay hindi natuloy ang binabalak ni Logan. Jusko! mapapatay niya ako sa kaba!

Bago pa ako lisanin ni Logan, humarap muna siya sakin sandali sabay nagsalita siya.

"We'll talk about this later. Be ready." mahina niyang sabi. Parang kinilabutan ako ng sabihin niya iyon.

Pagdaka'y iniwan niya na ako saka siya umalis. Napa-hawak ako sa dibdib ko.

Kailangan ko na atang ihanda ang sarili ko.