Nako. Matutuwa talaga nito si Dwayne kapag naibigay ko 'tong mga pasalubong ko sa kanya.
"Why you took so long checking out all of these?" mukhang nagboborito na si Logan kaya binilisan ko nang kunin lahat nung mga nakuha ko.
Kaagad ko iyon dinala sa counter habang naka-upo siya dun sa bench sa gilid at kanina pa ata naiinip na nag-hihintay sakin.
Sa totoo lang ay, wala akong dalang pera simula pa nung dinala ako ni Logan dun kanina sa restaurant. Nagtalo pa nga kami kanina dahil dinadawit niya yung kontrata namin sa isa't-isa. Pero sa huli, siya pa rin nanalo. Hays. Kailan ba ako nanalo sa halimaw na 'yan?
"Cash po ba ma'am?" Napatigalgal muna ako sandali.
Ano sasabihin ko sa kashera? Tama kaya 'tong gagawin ko?
Kinapa ko yung bulsa ko at inulit ko uling kapain 'yon. Baka sakaling naka-ipit lang sa kailaliman yung papel kong pera.
Napansin ko yung kashera na napa-taas yung kilay ng makita kong pinag-mamasdan niya ako.
"Ma'am, may problema po ba?" nagtatakang tanong nung kashera.
"Ahh, sanda--"
"Get this. It's her pay for what she buys." Napa tingin ako sa nagsalita niyon at nakita ko si Logan na nasa harap ko.
Talaga bang babayaran niya kahat ng binili ko? O baka utang ko sa kanya? Tama. utang ko 'to sa kanya.
Tinignan ko yung kashera na mukhang na-istatwa na ata sa kinatatayuan niya nung nakita niya si Logan. Pinukaw ko naman ang atensyon niya at napansin naman niya iyon.
Ano bang meron sa lalaking 'to at ang lakas mang-charisma?
"Ehem. Iyan na yung bayad ko jan.." Sabi ko at napatingin siya sakin.
Hindi ko muna nililingon si Logan na alam kong naiinip na sakin at mukhang iba na naman ang timpla ng mukha niya nang mapansin ko iyon sa peripheral vision ko.
Patay na naman ako nito! Baka doble ang singilin sakin mamaya! Oh no!
Mabilis kong kinuha yung mga pinamili ko pati yung credit card ni Logan. Pagtalikod ko ay napansin kong wala na siya. Baka iniintay na ako nun ngayon sa labas.
Naglakad na ako ng mabilis papalabas ng shop. Pagkalabas ko ng shop ay naabutan ko siya doon sa kotse niya na naka-sandal habang naka-crossed legs at arms siya, at mukhang iniintay na talaga niya ako.
"Pasensiya na kung pinag-hintay kita.." Hindi na ako umaasang matutuwa siya sa sinabi ko. Narinig ko ang pag 'tss' niya kasunod ay kaagad na siyang pumasok sa loob ng kotse at iniwan ako dito sa labas.
Inilagay ko muna sa backseat yung mga pinamili kasunod ay sumakay na ako dun sa passengers seat.
Papalagay pa lang ako ng seatbelt ng bigla niyang pina-andar yung kotse, kaya medyo muntik na akong masubsob sa harap.
Ano na naman bang problema ng halimaw na 'to? Balak pa atang isubsob yung mukha ko! Bakit ba nagkaka-ganyan na naman siya? Baka akala niya siguro hindi ko siya babayaran?
Kinuha ko sa bulsa ko yung credit card niya at inabot ko sa kanya 'yon habang naka-baling ang tingin ko sa daan.
"Salamat. Pero huwag kang mag-alala, babayara--"
"I don't accept coins, I want cheque. Anyway, I don't need already that card. If you want, take it. But if you don't, then throw it." sunod-sunod niyang sabi.
Napa-lingon ako sakanya. Binawi ko pabalik yung kamay ko habang hawak-hawak ko pa rin sa kamay ko yung card niya.
Napa-tingin ako dito sandali sabay ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa daan.
"Anyway. It's already getting night. We'll go back to manila now. Just pack up immediately your stuffs when we reach the beach island."
"Okay " tipid kong tugon sa kanya at hindi ko nalang siya tinignan.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Medyo naiinis ako sa kanya. Ano na naman bang nakain niya at bakit sakin niya binubuntong? Hays. Parang ang laki ng galit sakin nitong halimaw na 'to. Maiistress talaga ang beauty ko sa halimaw na 'to. Malapit na.
Tanungin ko kaya siya? Baka siguro dahil akala niya siguro ay, tinaguan ko siya kanina sa restaurant at napagod siya kakahanap dun sakin. Samantalang nandun lang naman ako pumunta sa cr habang hindi pa ako tapos nun kumain nang maiwan ko siya dun mag-isa pagkatapos rin naming magtalo tungkol dun sa kontrata.
Hindi ko naman sinasadya 'yon kung natagalan ako lalo pa't nung magpumilit siya na sasamahan niya ako papunta sa bilihan ng mga souvenir ay siguro ay nairita siya kaka-antay sakin. Huwag niyang sabihing may dalaw siya? Aba, kung gayon ay, bakla ata siya? Nako po!
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami ngayon sa beach island. Kaagad na siyang naunang bumaba at sumunod na rin ako.
Binuksan ko muna yung pinto sa likuran at pagkatapos ay kinuha ko na yung mga pinamili ko at binitbit ko iyon.
Nilingon ko si Logan pero hindi ko na siya nakita. Ang bilis naman niya atang maglakad? O baka tinabunan na siya ng buhangin? Eh, di mas maganda. Baka kasi kumulubot na yung mukha ko sa kasungitan niya 'pag nagkataon.
Madali akong naglakad hanggang sa malapit ko nang marating yung kubo. Nang maka-rating na ako ay, pinatong ko muna sa ibabaw ng mesa yung mga pinamili ko at tinungo ko na yung maliit kong kwarto para ayusin yung mga gamit ko.
Napa-upo muna ako sandali sa lapag dahil medyo hiningal na din kais ako kakabuhat ng mga pinamili ko. Nakakainis na kaya, wala manlang kasing bait at kusa yung halimaw na 'yon! Akala ko gentleman! gentledog yung halimaw na 'yon! Hindi manlang ako tinulungang dalhin lahat ng binili ko. Well. Sabagay, baka magreklamo pa 'yon at itapon lang yung mga pinamili ko. Nako po! Pag-nagkataon ay baka siya rin itapon ko!
Tumayo na kaagad ako at minadali ko na yung pag-aayos ng mga gamit ko nang matanaw ko sa labas si Logan. At baka sabihin niya na pinag-hihintay ko na naman siya.
Binuhat ko yung mga dala kong bag at suitcase palabas ng kwarto. Napa-pahid naman ako sa mga namuong pawis ko sa noo pagkatapos kong maibaba lahat ng gamit ko.
Napansin kong medyo nag-didilim na yung paligid at baka abutin pa kami ng gabi dito kapag siguro ay nanatili pa kami ng ilang oras.
"Let's go. Follow me in my car." Pagdaka'y nauna na siyang naglakad at kinuha ko muna yung mga pinamili ko na naka-lagay sa paper bag. Kasunod ay, sumunod na ako sa kanya habang hila-hila ko yung suitcase at buhat-buhat yung mga dala kong bag.
Sinusubukan kong kumalma dahil inaasahan ko na hindi ako tutulungan ng halimaw na 'to bukod sa wala naman siyang bitbit, maliban sakin na akala mo ay isang buwan nanggaling sa bakasyunan. Oo na, kasalanan ko rin naman kung bakit pa kasi ang dami kong dinala.
Ako na nag-kusang nag-bukas sa backseat para ilagay doon yung mga dala-dala ko. Nang mailagay ko na lahat iyon ay sinara ko na ang pinto at sumakay na ako sa passengers seat na katabi niya.
Naging tahimik lang ang paligid hanggang sa pinag-andar na niya yung kotse. Wala ni-isang kumikibo sa'min habang nasa byahe na kami. Iniharap ko nalang ang katawan ko sa harap ng bintana, isinandal ko ang likod ko sa upuan at dun ko nalang itinuon ang mga paningin ko.
Parang hindi ako komportable na hindi siya kinakausap. Ayoko nang ganito! Pero kasalanan naman kasi niya eh. Masyado siyang maarte, talo pa niya ako. Bakit ba ganyan nalang siya kung mag-sungit sa maliit na bagay? Bumuntong-hininga ako. Hays.
Bigla kong naalala na may binili pala ako kanina sa souvenir shop na isang keychain na may larawan ng lion. Mukha kasi siyang lion kapag naiinis o nag-susungit siya.
Agad kong kinuha iyon sa bulsa ko at hinawakan ko muna saglit.
Ibibigay ko na ba ngayon sa kanya? Tatanggapin kaya niya?
Humugot ako ng malalim na hininga. Sinubukan ko ng humarap sa kanya at kasunod ay tumingin ako sa kanya na naka-tingin lang sa daan. Huminga ako ng malalim.ng maramdaman kong kinabahan ako bigla.
"B-inili ko pala 'to para sayo. Syempre, naalala kasi kita, kaya kinuha ko 'yan.." naka-ngiti kong sabi sa kanya ng iabot ko sa kanya iyon. Binalingan lang niya iyon sandali ng tingin at pagdaka'y ibinalik niya na ang tingin niya sa dinadaanan.
"A-ayaw mo ba? Okay sige.." naramdaman kong parang medyo may kumirot sa bandang dibdib ko. Binawi ko pabalik yung kamay kong hawak-hawak iyon at binaling ko nalang ulit sa labas ang tingin ko.
Bakit hindi nalang niya sinabi na ayaw niya? Hindi yung iisnob pa niya at para sa kanya ay walang kwenta. Psh.
Naramdaman ko rin na parang nagtutubig yung mga mata ko, pero pinilit kong huwag umiyak. Ibinalik ko nalang ulit sa bulsa ko yung key chain na binili ko para sa kanya.
Dapat pala ay hindi nalang ako nag-aksaya na kunin iyon kung hindi rin pala niya tatanggapin. Saka inaasahan ko rin na alam kong walang kwenta 'yon para sa kanya at basura lang 'yon. Hays.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hindi ko na inisip yung mga bagay na 'yon. Kailangan ko nalang munang magpa-hinga dahil mukhang malayo pa ata ang byahe papunta sa sasakyan namin na eroplano niya.
Ilang minuto na rin ata ang naka-lipas ng nagising ako, ng maramdaman kong parang tumigil na yung pagtakbo ng sasakyan. Sinubukan kong igala ang tingin ko sa paligid at napansin kong may mga puting pader sa paligid.
Kinapa ko yung lapag at parang malambot ito. Nang tingnan ko ito ay, saka ko nalaman na nasa malambot na kama na ako.
Nananaginip ba ako?
Buma-likwas ako ng tayo at iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Napa-hawak ako sandali sa pader ng maramdaman kong parang umuuga. Nung medyo okay na ay, lumabas na ako ng makita ko yung pinto.
Saka ko lang napagtanto na nandito na pala ako sa private jet ni Logan. Nakita ko siyang naka-upo at naka-crossed legs siya habang hawak-hawak niya yung kopita at sabay sumimsim siya nito.
Ngayon ko lang napansin na naka white long sleeves na siya at may neck tie at naka- black pants pang-ibaba. Baka siguro ay, may pupuntahan siya pag-uwi namin sa manila.
Umupo ako sa harap niya habang nasa pagitan namin yung maliit na table na may naka-lagay na kopita at wine sa ibabaw.
"I thought you're still sleeping. Why yourself brought here?" aniya sabay sumimsim siya ng alak.
"A-akala ko kasi nasa kotse pa tayo.." sambit ko. Sabay napa-yuko nalang ako ng bahagya.
"We still have five minutes before we take over in Manila, as it's already eight o'clock after we spend one hour travelling in my car." aniya. Sabay sumimsim siya ulit ng kanyang alak at pagdaka'y tumingin siya sakin ng bahagya kong inangat ang ulo ko, pagdaka'y iniwas ko na kaagad ang tingin ko sa kanya.
"Anyway, still remember the contract?" Napa-sulyap uli ako sa kanya ng marinig kong sabihin niya iyon.
Oo nga Bakit hindi ko na naalala 'yon? Masyado lang siguro akong maraming iniisip. Hays.
Pero naisip ko sandali na tutal alam tapos na rin 'yon dahil wala na kami sa cebu, magiging payapa na rin yung buhay ko.
Talaga ba?
Masaya ko siyang tinignan. "Uh..siya nga pala, tutal tapos na yung deal natin sa cebu, ibig sabihin, tapos na yung kontrata?" masaya kong sabi. Napa-ismid naman siya.
Inilapag muna niya ng hawak niyang kopita at umayos siya ng upo. Isinandal niya ang kanyang siko sa tuhod niya na magkawak ang mga kamay niya at naka-tungo ang mukha niyang naka-tingin sakin.
"No. It will not end up until the gossip is still there.." napa-bagsak ang balikat ko. Nag-bibiro ba siya? Anong ibig niyang sabihin?
Bago pa ako makapag-salita ay naramdaman kong mukhang naka-lapag na kami. Naramdaman kong tumigil na yung takbo ng jet. Sumilip naman ako sandali sa labas ng bintana.
"We're here. Get ready, don't mind your stuffs as I already told Jak to took you and your stuffs. The car outside was waiting on us now.." binalingan ko siya ng tingin at nakita kong tumayo na siya.
Tumayo na rin ako at sinundan siya. Mukhang may mag-dadala na rin ng mga gamit ko katulad ng sinabi niya. At buti nalang ay, hindi na ako mahihirapan. Hay, salamat.
Pagkalabas namin ng jet ay sinundan ko lang siya patungo sa kotse.
Pero, bago pa ako maka-sakay ng kotse ay napansin kong sa isang kotse sumakay si Logan, at hindi yung kotseng nasa harap ko ngayon.
"Welcome back ms. ganda, este ma'am Marsha. Sakay na po kayo dito.." Madali ko nang inalis ang tingin ko dun sa sinakyang kotse ni Logan ng umalis na ito at naiwan naman kami dito ni kuya Jak.
"A-ahh. hehe.. Sige po. Salamat." bahagya ko siyang nginitian at pagdaka'y sumakay na ako sa loob ng kotse ng pag-buksan niya ako. Kasunod ay pumasok na rin siya sa loob at saka niya pina-andar yung kotse.
Habang nasa byahe kami ay di ko maalis sa isip ko kung saan kaya pupunta si Logan.
Parang ngayon lang ako naging ganito pagkatapos naming mag-sama ng ilang araw.
"Kuya Jak. Alam niyo po ba kung saan pupunta si Logan?" tanong ko.
"Hindi po eh.." sagot niya at sabay napa-kamot nalang siya sa kanyang ulo.
"Ahh, ganun po ba. Salamat." aniya ko.
"Walang anuman." aniya. At ngumiti nalang ako sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni kuya Jak. Pero alam kong siya na ata ang maghahatid sakin pauwi sa bahay.
Makalipas ang ilang minuto ay, naka-rating na kami sa destinasyon namin.
"Ma'am, nandito na po tayo sa bahay niyo.." pagkasabi niya niyon ay sinilip ko ang labas at natanaw ko na nga yung bahay ko sa labas.
Madali akong pinag-buksan ng pinto ni kuya Jak pagkatapos niyang ilabas yung mga gamit ko. Hanggang sa maka-labas na ako ng sasakyan.
"Ma'am, ako na po magbubuhat ng mga gamit niyo papasok sa loob." pagkusa niyang sabi.
"Hindi na po. Ako nalang. Kaya ko naman eh " sabi ko sabay ngiti ko sa kanya.
"Sure po kayo ma'am?"
"Oo naman." masigla kong sabi.
"Oh sige ma'am. Aalis na ako. Ingat po kayo." pagpapa-alam niya.
"Ingat rin po kayo. Salamat po." pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng kotse at pagdaka'y pina-andar na niya ito, hanggang sa maka-alis siya.
Bago ako pumasok sa loob ay ginala ko muna ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Namiss ko rin ito kahit papaano.
Binuksan ko yung gate at mabilis kong pinasok sa loob yung mga gamit na dala-dala ko pagka-bukas ko ng pinto ng bahay.
Hanggang sa maipasok ko na sa loob at napansin kong tahimik yung bahay. Sinara ko na kaagad ang gate at ang pinto ng bahay ng maka-pasok na ako sa loob .
Nagtaka ako dahil hindi ko nasilayan yung pag-mumukha ng kapatid ko na si Dwayne. Marahil ay, natutulog na 'yon ngayon. Kaya hindi ko nalang muna iistorbohin.
Dinala ko muna lahat ng dala kong gamit dun sa kwarto. Pagkatapos ay, ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan ng makaramdam ako ng pagod.