Chereads / My Beast Boss / Chapter 31 - 30. As I assumed..

Chapter 31 - 30. As I assumed..

"If you don't mind, why did you seated there in the pavement? Are you okay? did there's something happened on you?" sunod-sunod na tanong ni Steven sakin. Habang ako, naka-yuko ang ulo at pumasok ulit sa isip ko yung mga nangyari kanina.

Hello? Si Marsha ka diba? Cellphone lang 'yon. Pwede ka namang bumili sa susunod.

"Marsha.." dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Tumingin ako kay Steven at halata sa kanyang mukha ang senseridad sa akin.

"A-ayos lang ako, lintek kasing mag-nanakaw 'yon eh. Hinablot ba naman yung cellphone ko.." sabay napangiwi ako. Iniyuko ko ulit ang sarili ko .

"When? did he hurts you? may ginawa ba siya sa'yong di maganda? Tell me, I'll locate that man so we'll punish him!" pagalit na sambit niya. Napa-taas naman ako ng tingin sa kanya, at nakita ko na napa-hampas yung kaliwang kamay niya sa steering wheel ng kotse niya.

"S-steven. Okay lang ako. Saka, huwag mo nang isipin 'yon. Mukhang hindi pa ata 'yon nakaka-hawak nang cellphone kaya niya hinablot sa akin 'yon. Kaya, mas mabuti pa na hayaan nalang natin yung magnanakaw na 'yon.." Sabi ko sabay pilit kong ngumiti sa kanya. Sandali namang humupa ang galit sa kanyang mukha. Napa-tawa siya ng marahan.

"You're very kind, Marsha. You don't think for your sake but instead, for the others." huminga siya ng malalim. Kapagdaka'y tumingin siya sa akin. "Well, like what you said. Then I will not do. But I'll not let it happen to you again. Okay?" base sa pananalita niya ay, mukhang concern siya sa akin at parang naawa.

Hays. Bakit ba ang pogi nitong si Steven? Ang bait pa?

"Anyway, I think you should take rest in my house so far. I should be at your side so I might assured that it will not happened that thing again on you.." ngayon ko lang namalayan na nasa byahe na pala kami. Nagdi-drive siya habang naka-upo ako sa tabi niya matapos niya akong isakay dito sa kotse niya nang makita niya ako kaninang naka-upo sa bangketa.

Speaking sa sinabi niya, bigla kong naalala si Dwayne Suzanne. Hindi siya pwedeng mag-isa 'don sa bahay!

"S-steven, pwede bang dalhin mo nalang ako sa bahay ko? Anong oras na rin kasi, baka hinahanap na ako ni Dwayne.." masyado nang madilim ang gabi at malamang ay lagpas alas-dyis na. Alam kong nag-hihintay na sa akin dun si Dwayne.

"Who's Dwayne?" nagtataka niyang tanong ng mapakunot-noo siya at napa-sulyap sa akin.

"Kapatid ko siya." pagkasabi ko 'non, nakita ko ang pag-tango niya.

Ilang segundo ang lumipas at walang umimik sa amin. Napansin ko namang may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya at iniabot niya sa akin 'yon.

"You should call Dwayne. I know Marsha that you're worrying on your sibling now, but just let me to bring you for now in my house, so I can see you that you're okay. Can I?" napa-pitlig ang ulo niya sa akin at ilang segundo niya akong tinignan na pantay ang kanyang labi.

Pero. Okay lang naman talaga ako eh. Hays. Okay, fine. Bakit ba ang bait-bait niya sakin? Hays.

Well, Tutal naalala ko naman na may utang na loob pa pala ako sa kanya, nung binayaran niya yung mga binili kong pag-kain sa cebu. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin syempre nakakalimutan 'yon.

Kinuha ko yung cellphone na binigay niya. Ngumiti siya sa akin ng makuha ko na iyon. Pagdaka'y itinype ko ang number ni Dwayne at kaagad ko siyang tinawagan.

Naka-ilang tawag na ako pero hindi 'yon sinasagot ni Dwayne. Kaya, sinubukan ko nalang siyang i-text para at least alam niya kung bakit hindi ako makaka-uwi.

"S-salamat, Steven ha.." wika ko ng iabot ko na sa kanya yung cellphone niya.

Naramdaman ko naman yung kamay niya na dumikit sa palad ko ng abutin niya yung cellphone. Napa-tingin ako sandali doon sabay napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"You can stare at me all the time if you want." napukaw ang atensyon ko ng mag-bitiw siya ng salita.

Jusme, Marsha! nanakawan ka na lahat-lahat, nakuha mo pang makipag-titigan ng malapot kay Steven. Jusmiyo! Bigla tuloy nag-init ang pisngi ko.

"A-ahh, hehe.." sabay napa-kamot nalang ako ng ulo ko, at inalis ko na ang tingin ko sa kanya. Tinapunan ko na lang nang tingin ang dinadaanan namin.

"We're here in my house.."

Matapos ang ilang minuto, sandaling nang bumagal ang takbo ng kotse niya, at napansin kong ipinasok na niya iyon sa loob ng gate. Napa-nganga ako sa nakita ko ngayon. Ang ganda ng bahay niya!

Ipinarada muna niya iyon sa garahe. Pagkatapos ay, saka na siya bumaba. Mabilis siyang umikot papunta sa akin at pinag-buksan niya ako ng pinto. Saka naman ako bumaba.

Sumalubong sa amin ang tatlong babae ng maka-labas na kami ng sasakyan. Mukhang mga katulong niya ata dahil naka-suot sila ng unipormeng pang maid. Bumati naman ito sa amin.

"Good evening sir, ma'am.." bati sa amin habang bahagyang naka-yuko ang mga ulo nila.

"Mel, would you bring now the first aid kit in my room? thank you." rinig kong utos ni Steven 'don sa katulong na medyo may katandaan na.

"Okay po sir, masusunod." Sabi niya at pag-daka'y umalis na ito. Habang yung dalawa ay kinuha na yung mga gamit ni Steven sa labas, at pati yung bag na dala ko. Kukunin ko sana dahil kaya ko namang buhayin 'yon. Kaso lang, biglang sumakit yung ankle ng paa ko.

"Aray!" napa-inda ko at napa-hawak ako doon.

"Are you okay?" napa-tingin sa akin si Steven nang mukhang mapansin niya na napa-hawak ako sa paa ko. Bumaba naman kaagad ang tingin niya doon.

"H-hehe..wala 'to 'no.." pag-sisinungaling ko. Pero sa totoo lang, iniinda ko yung sakit.

"No. I'll carry you. I know you can't." hindi na siya nag-atubili at pagdaka'y binuhat na niya ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

Habang buhat-buhat niya ako, parang nag-tatalunan naman sandali yung sa bandang dibdib ko. Dahil pangalawang beses na niya akong binuhat, at para tuloy ako isang prinsesa.

Syempre, maganda kasi ako.

Sandali kong pinasadahan ng tingin ang mukha niya at pak! ang guwapo niya talaga. Ang ganda ng mukha, matangos ang ilong, maputi, nakaka-akit yung mga asul niyang mga mata at mahaba niyang mga pilik-mata.

Napa-lunok naman ako ng di-sinasadyang napa-baba ang tingin ko sa mamula-mula niyang labi.

Okay lang kung siya yung nagnakaw ng cellphone ko eh. Kahit araw-arawin pa niya, bibili ako ng cellphone para manakaw lang niya. Haha. May kasama pang kiss. Joke.

Sa pag-iisip ko niyon, hindi ko na alintana yung nangyari sa akin kanina. Masyado na akong nadala sa kaguwapuhan ng nilalang na nag-bubuhat sa akin ngayon.

Hanggang sa napansin kong dinala niya ako sa isang magarang kwarto. Ang simple pero maganda at mamahalin yung mga gamit na nandito kung titignan.

Ibinaba naman niya ako ng maingat sa isang kama. Iginala ko kaagad ang mga mata ko sa paligid. Nalulula nalang ako dahil masasabi ko ang ganda ng kwarto na 'to.

Kwarto niya kaya 'to?

Nabigla ako sa ginawa niya ng bigla siyang umupo sa tabi ko. Ilang distansiya lang ang lapit namin sa isa't-isa. Halos naamoy ko na yung pabango niya. Pero sa totoo lang, kanina ko pa nga naamoy 'yon eh. Ang bango! haha!

"Marsha. Can I? Bigla akong kinabahan ng sambitin niya iyon. Sa tono ng pananalita niya ay parang hindi siya Steven na nakilala ko.

No. Hindi pa pwede! Joke okay lang. Mukhang kiss lang naman ata eh.

Syempre, aangal pa ba ang isang magandang nilalang na tulad ko? Lalo pa't si Steven naman ang ki-kiss sa akin? Landi!

Pero paano si Logan? Sino ba yung mas matimbang? Ahh! Lintek. Bakit ko ba pumapasok nalang bigla sa isip ko si Logan? Letse.

"O-oo naman.." naka-tigalgal lang ako habang hinihintay siya kung iki-kiss niya nga talaga ako.

Napabagsak nalang ang mga balikat ko ng makita kong hindi pala niya ako iki-kiss. Gagamutin pala niya yung sugat ko.

"Why? Is there something wrong?" napansin kong nagtaka siya.

"A-ahh. W-wala, wala.." tanging sambit ko. Napa-iling nalang siya habang naka-ngiti.

Hays! napaka-asyumera ko talaga! Akala ko pa naman, 'yon yung pakay niya. Letse!

Pinag-masdan ko nalang siya habang ginagamot niya yung sugat ko sa paa.