Mabilis akong bumalikwas ng bangon ng namataan kong alas-otso na pala.
Paktay kang Marsha ka! Hala, sige. Tulog pa!
Tinungo ko kaagad yung cr pagkatapos kung kunin yung tuwalya para maligo.
Mabilis akong nagsabon ng katawan at nag-lagay ng shampoo sa buhok at nagbuhos ng tubig sa katawan ko. Medyo natataranta na nga ako dahil nagkanda-hulog pa yung sabon ng ilagay ko 'yon sa lalagyan.
Ano ba yan Marsha? Hinahabol ka ba?
Pagkatapos kong maligo ay, ipinulupot ko na ang tuwalya sa katawan ko. Kasunod ay lumabas na ako ng cr.
"Ate late ka na ha? Akala ko naka-alis kana kanina?" bungad sakin ni Dwayne habang nagsusuklay ako ng buhok ko pagkatapos kong mag-bihis ng uniporme ko.
Sinuklay ko muna nang maigi yung buhok ko at hindi ko muna siya kina-usap habang naka-harap ako sa salamin.
"Papasok ka pa ba?" Inilapag ko sa ibabaw ng maliit na table yung suklay pagkatapos kong gamitin iyon, kasunod ay kinuha ko na yung bag ko na naka-lagay sa ibabaw ng higaan nang ihanda ko na iyon kanina.
Isinakbit ko iyon sa balikat ko at binalingan ko ng tingin si Dwayne na ngayon ay naka-sandal sa may pintuan habang naka-pulupot ang mga braso nito na nasa naka-muwestra sa kanyang dibdib.
"Kailangan kong pumasok. Baka pagalitan ako ng boss ko." nagmamadali kong sabi habang isinusuot ko yung sandals ko na mga one inch.
"Uhh. Okay." tanging sambit niya at pagdaka'y umalis na siya sa pag-kakasandal niya sa may pintuan.
"Sandali lang Dwayne!" pagtawag ko sa kanya pagkatapos kong isuot sa paa ko yung sandalyas ko na may takong. Tumigil naman siya sa paglakad ng humarap siya sakin.
Sinubukan ko siyang lapitan ng mapansin kong naka-suot pa siya ng pantulog at mukhang hindi siya naka-uniporme.
Wala ba siyang balak pumasok? Saka alam ko kanina pa siya dapat pumasok ha?
"Bakit hindi ka naka-uniporme? Wala ka bang balak pumasok?" taka kong tanong. Umupo muna siya sa sopa at itinungkod niya doon yung siko niya sa sandalan sabay pinag-krus niya ang kanyang mga tuhod.
"Well. nagsuspend lang naman ng klase. Malakas kasi yung ulan eh." malungkot niyang sabi.
Bakit parang malungkot pa ata siya? Gusto niya ba araw-araw pumasok o kahit binabagyo na?
Sinilip ko naman yung labas at ngayon ko lang napag-tanto na malakas nga ang ulan.
Nakaramdam rin ako ng lungkot bigla. Paano ako ngayon nakaka-pasok sa trabaho? Baka mag-mukhang basang-sisiw ako pagdating dun mamaya.
"Oh eto, payong ate. Hala larga na at baka sisantihin ka pa ng boss mo." pagdiin niyang sabi. Sabay inabot niya sakin yung payong niyang pula.
Kinuha ko naman sa kanya iyon at naglakad na ako palabas ng bahay.
"Siya nga pala ate. Bilisan mong umuwi mamaya, nang mai-kwento mo naman sakin yung love story nuyo sa Cebu ni bayaw Logan, este yung ganap dun sa cebu pag-punta niyo 'don. Saka, nakalimutan mong ibigay sa'kin yung pasalubong ko na hindi ko pa natatanggap. Baka naman.." rinig kong sabi niya at nag-thumbs up nalang ako sa kanya ng hindi na ako lumingon sa kanya.
Wala na kasi akong time kagabi bukod sa napagod ang katulad kong maganda ay naka-tulog na ako.
Binuksan ko yung gate at lumabas na ako. Pagkatapos sinara ko ito.
Sumakay na ako kaagad ng taxi ng parahin ko iyon at huminto sa harap ko. Wala pa ata kami sa kalahati ng mapansin kong medyo mabagal yung usad ng mga sasakyan, at mukhang dito pa lang ay doble-doble na yung ikakaltas na sahod sakin ng amo ko dahil mukhang late na talaga ako. Patay!
"Kuya, anong oras na po?" nababahala kong sabi.
Tinignan niya yung orasan niya sa relo habang naka-stop over kami.
"Magni-nine na po ma'am." aniya. Pagkatapos ay umandar na yung sinasakyan ko.
Kinakabahan ako dahil baka mamaya, hindi pa ako naka-pasok sa loob ng pinapasukan ko ay harangin na ako ng guard. Unang beses ko pa naman na malate. Ugh! Kailangan ko na atang ihanda ang sarili ko.
"Kuya, eto po ang bayad ko."
Inabot ko naman yung bayad ko kay manong driver nang sa wakas ay marating na ihinto na niya na ako sa destinasyon ko. Kasunod ay inabot naman niya iyon bago ako lumabas ng taxi saka ko binuksan yung payong na hiniram ko kay Dwayne.
Mabilis kong tinungo yung entrance ng building kung saan ay, nandun yung dalawang guard na sila manong Lito at manong Harold.
"Oh ma'am. Mukhang late na ata kayo ha?" bungad sakin ni manong Harold habang naka-tayo siya dun sa harap ng glass door.
"A-ahh, oo nga po eh.."pilit kong ngiti sa kanila.
Pagkasabi ko niyon ay nagpaalam na ako sa kanya pati kay manong Lito ng pumasok na ako sa loob at isinara ko na ang payong. Mabilis ko namang inayos ang sarili ko. At buti nalang ay, hindi ako lubhang basa sa ulan.
Mabilis kong tinungo yung elevator at agad na pumasok sa loob nang madatnan kong wala akong kasabay.
Kinakabahan na ako. Baka sisantihin na talaga ako ni Logan 'pag nagkataon.
Luminga-linga muna ako sa paligid para tignan kung nandyan si Logan. Nang makita kong wala siya ay mabilis na akong lumabas ng elevator ng marating ko na yung floor kung saan nandun yung office ko.
Binilisan ko ang paglakad ko habang naka-yuko ang ulo. Napatigil naman ako sa paglakad ng mapansin kong may mga paang naglalakad papa-lapit sa nilalakaran ko.
"Oh, Marsha. Kararating mo lang ba?" rinig kong sabi niya ng mapansin kong naka-tayo siya sa dindaanan ko.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at alam ko kung kaninong boses 'yon.
"A-ahh hehe. Oo eh.." pilit kong ngiti Kay Xy habang naka-pamulsa siya a naka-tingin sakin.
Syempre, tinandaan ko na 'yung pangalan niya kaya hindi na ako mag-iisip kung sino ba ulit siya. Ngiti.
"Ahh, sige punta na ako sa office ko. Maiwan na kita dito.." pagkasabi ko nun sa kanya ay bahagya kong iniyukayok ang ulo ko at saka ko ini-hakbang ang mga paa ko paalis dun.
"Wait." napahinto ako ng maramdaman ko ang pag-hawak niya sa braso ko, napa-harap naman ako sa kanya.
"Can we have a dinner later?" tanong niya habang naka-ngiti siya sakin. Saka niya ako binitawan sa braso.
Speaking don sa sinabi niya. Naalala ko tuloy yung nandun ako sa Jollibee at nagkita kami dun. Malas lang at dumating si Logan na panira ng moment namin ni Xy. Naawa tuloy ako sa kanya nung mga oras na 'yon dahil iniwan ko siya don. Lintek kasi yung halimaw kong boss!
"S-sige. Saan ba?"
Ayoko naman siyang tanggihan at baka sabihin pa niya na pa-arte epek pa ako. Mukhang siya naman gagastos kaya okay na rin.
Pero naisip ko yung kontratang meron sa'min ni Logan. Hays. Bahala siya. Saka mukhang wala naman ata siya dito. Eh di, maganda.
"Pupuntahan nalang kitang mamayang seven. Well, see you later, beautiful."masaya niyang sabi. Medyo napa-ngiti ako sa sinabi niyang beautiful daw ako. Well. Alam ko naman 'yon.
"Okay. See you too." pagkasabi ko niyon ay tumalikod na siya at umalis.
Dumiretso narin ako kaagad sa loob ng office at akala ko ay nandito siya sa loob at nag-aabang sakin. Huminga ako ng malalim ng umupo na ako sa chair ko.
Tinignan ko yung mga trabaho kong gagawin at ngayon ay naka-tambak sa table ko. Napabuga nalang ako ng hininga ng makita kong ang dami niyon.
"Good morning, ms. Sandoval?" napa-sulyap ako dun sa nagsalita niyon at nakita ko si ms. Lailani na naka-ngiti sakin, habang naka-tayo sa harap ko at napansin kong may bitbit siyang mga papers na marami. Siya nga pala, Bale dalawa na kaming babae dito nung ipalit siya sa isa sa employee dito na tinanggal ni Logan. At siya yung ipinalit bilang taga-assist ng mga departments dito.
"Good morning ma'am. Ano pong kailangan niyo?" maingat niyang ipinatong sa table ko yung mga tambak na papel na dala-dala niya.
"Ayoko mang mahirapan ka dito but like what our boss said, kailangan 'yan lahat matapos before eight. Kung gusto mo, tutulungan kita, Marsha?" malumanay na sabi ni ms. Lailani.
"Ah, wag na po. Kaya ko po 'yang tapusin lahat." matapang kong sabi.
"Oh sige. Pero kapag kailangan mo ang tulong ko, just call me ha?" mabait niyang sabi.
"Sige po. Salamat po."
"Okay. Your welcome." aniya niya at pagdaka'y tumalikod na siya at umalis.
Bakit ba ang bakit sakin ni ms. Lailani? Well. Mabait naman talaga siya. Siya pa nga yung unang empleyado dito na nakitaan ko ng kabaitan pati si Xy, tutal dalawa lang nman kaming babae dito employee. Kahit medyo may edad na ay hindi iba ang turing niya sa iba pati sa akin.
Tinignan ko yung tambak na mga papel na binigay niya sakin at ipinatong ko muna ang ulo ko sa table.
Makakaya ba ng powers ng beauty ko 'tong tambak na papeles na 'to?
Bumuntong-hininga ako at inayos ko na ang pagkaka-upo ko. Sinimulan ko nang basahin isa-isa yung mga papel at pagkatapos ay itinype ko ito sa computer.
Medyo napapatigil ako sa pag-eedit dahil maya't maya ay may tumatawag at mabilis ko namang sinasagot iyon.
Isinulat ko sa handbook yung mga appointments, schedules etc. na sinabi sakin nung mga tumawag kanina. Ini-unat ko muna sandali ang katawan ko. Napansin kong ilang oras na rin pala ang lumilipas ng tumingin ako sa wall clock.
Tumayo muna ako sa kina-uupuan ko para punatahan si Logan sa opisina niya dahil may urgent problem akong natanggap na kailangan ko kaagad sabihin sa kanya.
Nang marating ko na ang opisina niya ay inayos ko ang sarili ko habang naka-tayo ako sa harap ng pintuan niya. Pagkatapos ay kumatok ako sa pinto.
Napansin kong parang wala ata si Logan sa loob dahil hindi ko siya narinig na magsalita para papasukin ako sa loob.
Sinilip ko yung glass wall at mukhang madilim sa loob at hindi ko klarong kita yung loob. Sinubukan ko uling kumatok pero mukhang wala ata talaga siya dito sa office niya.
Paano 'to?
Naisip ko na buksan nalang yung pinto ng dahan-dahan at ilagay nalang sa table niya yung papel na dala ko, saka ako pumasok sa loob.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Patay yung ilaw at wala akong masyadong maaninag sa loob maliban sa ilaw na naggaling sa labas na natatakpan ng makapal na kurtina.
Ano 'yun?
Narinig kong parang may umuungol at pinakinggan ko kung saan nanggaling.
Napanganga ako sandali. Pagkatapos ay, napa-takip ako sa bibig ng makita kong may naka-talikod na babae habang naka-upo ito sa ibabaw ng table ni Logan, at mukhang may kahalikan ito at rinig ko pa rin ang pag-ungol.
At totoo nga. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita mismo ng dalawa kong mata kung sino yung kahalikan nung babae.
Kaagad akong lumabas ng opisina niya at sinara kong maigi yung pinto.
Mabilis akong naglakad patungo sa opisina ko. Hanggang sa marating ko na iyon ay binuksan ko kaagad yung pinto at isinandal ko ang sarili ko sa pinto.
Napa-hawak ako sa dibdib ko na ngayon ay mabilis ang pintig at ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.
P-pero, imposibleng si Logan 'yung kahalikan ng babae? Bakit dun pa sila nag-kalat? Inalog ko ang utak ko dahil nadudumihan iyon ng mga maruruming bagay na ngayon ay, tumatakbo sa isip ko. Jusko.
Tinungo ko yung upuan ko at pagdaka'y umupo ako. Inilapag ko ang mga dala kong papel sa ibabaw ng table ko na ibibigay ko sana kay Logan.
Ikinulong ko ang mukha ko sa mga bisig ko habang naka-patong ito sa table.
Pakiramdam ko ngayon ay bukod sa ang bilis ng pintig ng puso ko, ay para akong nasasaktan na ewan habang patuloy parin iyon bumabagabag ngayon sa isip ko pagkatapos kong masaksihan iyon. Ugh! Bahala nga sila sa buhay nila.
Ano nga bang paki ko kung dun sila maghalikan? Nakakahiya sila. Paano nalang kung hindi lang ako yung nakakita nun? Tapos hindi manlang nila sinara yung pinto? sinasadya ba talaga nila 'yon? Hays.
Umayos ako ng upo at kinalma ko ang sarili ko. Malay ko ba na dun sila maglalap-lapan at kung alam ko lang ay hindi ko na tinangka pang pumasok sa loob.
Hindi ko kasi maririnig o makikita ng klaro yung loob kahit na plastered glass wall iyon at hindi ko klarong makikita yung loob aside na parang nag-rereflect na parang madilim yung loob.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. Pagkatapos ay binuksan ko ang mga mata ko.
Hindi ko dapat ipahalata na yung magandang tulad ko ay nakakita ng di dapat makita ng mga magandang mata ko. Jusko.
Inayos ko ang sarili ko at ginawa ko nalang ulit ang trabaho ko.
Halos naka-ilang papel na akong natapos. Napansin kong mag-seseven na rin pala ng tumingin ako sa wall clock.
Hindi na ako lumabas ng opisina kanina para mag-lunch dahil baka mamaya ay naka-abang sakin si Logan sa labas at kaladkarin ako palabas dito, dahil sa pagtangka kong panuorin siyang nakikipag-halikan sa babae niya sa office niya kanina.
Ghad! Nainis ako bigla! Ewan ko kung bakit. Lalo pa't kanina pa iyon takbo ng takbo sa isip ko kaya hindi rin ako makapag-concentrate sa ginagawa ko, at bumabagabag sa'kin at parang ayaw akong tantanan na guluhin yung payapa kong mundo.
Jusme. Kasalanan ko rin kasi 'yon eh. Kung alam ko lang talaga, hindi ko na sana pa makikita 'yon. Bumuntong-hininga ako.
Tumigil ako sandali sa pag-tytpe sa komputer ng maramdaman kong kumukulo na 'yung tiyan ko.
Sa totoo lang ay, kanina pa talaga ako gutom bukod sa nawalan akong gana kumain kanina at bukod nga dun ay, baka naka-abang lang sakin sa labas si Logan at ayokong magpa-kita sa kanya.
Mabilis kong dinipa yung keyboard ng computer ng marinig kong may kumatok sa pinto. Baka kasi si Logan 'yon. Pero sana hindi siya.
Sinabihan kong pumasok na siya at tinapunan ko 'yon ng tingin kung sino iyon.
"Are you not yet done in your work?"
Tumigil muna ako sa pagta-type ng makita ko sa harap si Xy na naka-upo ngayon sa harap ko.
"Ah-ahh, oo eh..baka hindi na kita masabayan mag-dinner.." sabay yuko ko pagkasabi ko sa kanya.
Napansin kong tumayo siya sa kina-uupuan niya, ng bahagya kong inangat ang ulo ko.
Medyo nabigla ako sa ginawa niya ng makita ko siya ngayon sa likuran ko at tinitignan lahat yung mga papel na ilang piraso nalang.
Pagkatapos ay, napansin ko siyang yumukod ang ulo ng bahagya bahagya, kaya ako naman ay naka-kulong ako sa mga bisig niya habang naka-upo ako at ngayon ay nag-tatype siya sa komputer.
Halos ang lapit na nung mukha niya sakin. Nasa-kanang side ko yung mukha niya, habang ako ay, naka-tingin lang sa ginagawa niya at hindi ko na magawang igawi 'yon sa kanya at baka madisgrasya.
Ilang minuto rin akong nasa ganung pwesto at hindi ko magawang mai-galaw yung katawan ko.
"Done." napansin kong lumayo na siya sakin at puma-mulsa.
"S-salamat.." nahihiya kong sabi sa kanya. Siya na kasi tumapos ng sa ginagawa ko.
"So, let's go? Tutal, you're already done with your work?" hindi ko namalayan na ilang segundo rin pala akong naka-tigin sa kanya.
Napukaw nalang atensyon ko ng marinig ko ulit siyang nag-salita.
"Shall we?"
Mabilis ko nang inayos yung mga gamit ko. Pagkatapos ay, tumayo na ako sa kina-uupuan ko.
"Oh my.." Hindi ko napansin na pag-tayo ko ay nasagi ko yung mga papel hindi masyadong naka-lagay ng maayos na naka-lagay sa ibabaw ng table. Napa-kagat labi nalang ako.
"Ako na." aniya kaagad siyang itiniklop ang kanyang mga tuhod para umupo at pulitin yung mga papel. Pero pinigilan ko siya.
"Hindi ako na.." mabilis ko ring pinulot yung mga papel na nagkalat sa sahig habang nag-pupulot rin siya.
Ang kulit! sabing ako na eh. Hays.
Sa hindi inaasahan ay, napa-tingin kami sa isa't-isa nang maramdaman ko 'yung kamay niya ng sabay naming pinulot yung nag-iisang papel.
Paktay kang Marsha ka! Ano 'yan ha? mukhang tumetyempo ka kay Xy ha?
Sinubukan kong kumarap. Parang ngayon ko lang ulit nakita ng klaro yung gwapo niyang mukha. Ang kinis, brown yung mga mata niya, medyo makapal yung kilay niya, mahabang pilik-mata, matangos na ilong at mamula-mula unti yung labi niya.
Habang naka-tingin ako sa kanya ay napansin kong dahan-dahang lumalapit sakin yung mukha niya at para naman akong aso na naghihintay na dakmain niya.
Oh, ano Marsha? Mukhang wala kang balak na pigilan siya?
"What do you two think are doing?"
Napa-balikwas ako kaagad sa pag-tayo ng makita ko ngayon si Logan. Naka-tayo siya sa may pintuan at matalim ang tingin nito sa'min ni Xy habang naka-suksok ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
Nakita kong tumayo na rin Xy. Napansin ko sa mukha niya na parang balewala lang sa kanya yung sinabi ni Logan, sa halip ay nakipag-tinginan pa siya kay Logan.
Bumaling ako ng tingin kay Logan. Nakita ko siyang mabilis na tinungo ang pwesto ko. Iniyuko ko nalang muna ang ulo ko dahil alam ko na magiging halimaw na naman siya, at hanggang sa palayasin na ako dito sa trabaho.
Well, okay lang naka-handa na ako. Kasalanan ko naman eh.
Nagulat naman ako ng hawakan niya ako sa kamay at hinila niya ako. Pero, sa halip na mahila niya ako ay naramdaman kong hinawakan rin ako ni Xy sa kanan kong kamay ng mapa-tingin ako dito.
So, ano to? lubid na ba ako para hilain nilang dalawa? hindi rin naman ako pagkain para pag-agawan nila. Jusko!
Napansin ko ang pag-lingon sakin ni Logan, at alam kong sa aura palang ng mukha niya ay, galit na siya ng tumingin siya sakin.
"Tell me, do you want to be with my employee!?" madiin niyang sabi. Sabay tingin niya kay Xy na ngayon ay matalim rin ang tingin kay Logan.
Ano? magsasaklaman na ba silang dalawa dito habang naka-hawak sila sa'kin parehas? Ayusin lang nila! Baka magalusan at matamaan yung magandang fes ko! Jusmiyo!
"I'm sorry sir Figueroa but I think you're not in the right way to do this. I'm the first one that she'll be with me now. Excuse us sir." matapang na sabi ni Xy.
Pagdaka'y naglakad na siya habang hawak-hawak ako sa kamay ko at hindi pa rin niya ako binibitawan, pati ni Logan.
Tumingin ulit si Xy kay Logan at pagdaka'y tumalikod siya. Nabigla ako ng sinubukan niya akong kunin kay Logan, pero instead na makuha niya ako kay Logan ay mabilis akong hinila ni Logan kung kaya't napa-hawak ako sa dibdib ni Logan ng mapa-subsob ako sa kanyang matigas na katawan ng nabitawan ako ni Xy.
"Now, will you still say to me that she'll be with you now, Mr. Francisco?" dinig kong sabi ni Logan.
"I think you're wrong. Better do it well next time." mapang-hamon niyang sabi.
Sinubukan kong iangat-ang ulo ko para tignan siya. Napa-lunok nalang ako habang minamasdan ang mukha niya.
Ghad. Boss ko pa ba 'tong lalaking 'to?