|| Marsha Sandoval ||
Hindi ko magawang magsalita. Parang naudlot yung dila ko at hindi ko manlang maibukas.
Huminga ako ng malalim, this time nilakasan ko na ang loob ko. Hinabol ko siya sabay hinawakan ko kaagad siya sa braso niya ng humarang ako sa harap niya.
"P-pasensiya na don sa ano..uhm.." sabay kamot ko sa ulo. Nakita ko pagkunot-noo niya habang naka-pamulsa siya.
Ano ba sasabihin ko? Nako. Double dead na ang ganda ko. Hindi niya kasi ako pinansin hanggang makarating kami dito sa hotel. Puro ka-halimawan yung pinapa-iral niya, baka mamaya triple dead na ako 'pag sinabayan ko pa. Talo pa yung may regla eh.
"What?" masungit niyang sabi. This time mukhang hindi ko ata siya madadala sa kalokohan ko.
"If you don't have something to say, then go away." dagdag niyang sabi.
Lumunok ako. Sa pagkakataon na ito ay nagsalita uli ako.
"O-kay, humihingi lang ako ng sorry sa mga ginawa ko kanina. Alam kong may mali na naman akong nagawa. Sige, ganito nalang ulit. Gagawin ko kung ano ang kapalit. Kung gusto mo kunin lahat ari-arian ko, bibi--"
Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. Mukha bang nag-bibiro ako? Ang hirap kayang mag-drama dito oh.
Pagdaka'y sumeryoso na siya. Inayos ang kanyang pag-tindig at matamang naka-tingin sakin.
"I don't care about your properties. It's just a damn trash." pang-iinsulto niya.
Aba! Hoy! baka di niya alam mas mahal pa yung bahay ko sa buhay niya! Halimaw na 'to.
Kinontrol ko ang sarili ko at baka hindi ako makapag-timpi ay sipain ko pag-mumukha ng halimaw na 'to. Ako na nga humihingi ng sorry, pakipot pa. Grrr.
Hinintay niya lang ang sasabihin ko, pero mukhang nainip na ata siya ng nilagpasan niya ako at saka niya binuksan yung pinto ng tinutuluyan namin hanggang sa maka-pasok na siya sa loob. Pagdaka'y sinara niya ang pinto.
Naknang! Bastos talaga 'tong halimaw na 'to. Hindi rin ata alam yung salitang patience.
Mabilis akong pumasok sa loob. Pero wala akong natagpuang mukha nung halimaw na 'yon. Nilipad na ata ng hangin! Nasaan na kaya 'yon?
Pinuntahan ko yung kusina pero wala siya doon. Tinungo ko rin yung kwarto ko pero wala rin siya doon.
Saan naman napadpad yung halimaw na 'yon? Hindi kaya sinundo na siya ng mga kauri niya? Sana.
Hindi pa man ako naka-labas ng kwarto ng bigla namang may sumulpot sa harap ko. Napa-hawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Naamoy ko yung mabango niyang pabango.
May pagka-kabute rin 'tong halimaw na 'to ha! Hihimatayin pa ako pag-nagkataon. Pero infairness, ang bango talaga ng halimaw na 'to.
Pagtigil Marsha, hindi pa ito ang oras ng tag-harot.
Inangat ko ang ulo ko dahil hindi naman kasi kami magkasing-tangkad. Natanaw ko naman ang mga mata niyang naka-tingin sakin.
"Why? Are you looking for me?" Naamoy ko rin ang mabango niyang hininga ng magsalita siya.
Grabe, kung factory lang ata ng pabango tong si Logan, dun na ako palagi titira.
This time, parang na-istarstruck ako sa mukha niya. Napatigalgal ako. Oo, aaminin ko na guwapo naman talaga siya, halimaw nga lang.
Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para tugunin siya.
"H-hindi. Saka, tutal ayaw mo naman, o-kay, fine.." medyo utal kong sabi. Ngayon ko lang din napansin na naka-v neck shirt siya na grey at bakat yung hubog ng katawan niya.
Napansin ko rin na ilang pulgada nalang at magkalapit na kami sa isa't-isa. Naramdaman ko na naman ang pag-pintig ng puso ko. Nagdidilehiryo na naman.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at umatras ng bahagya. Bago pa ako maka-alis sa pwesto ko ay naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso kaya napahinto ako. Ipinitlig ko ang ulo ko sa kanya.
"Pack your stuffs. We're going somewhere." pag-uutos niya.
Parang nabuhayan naman ako sa sinabi niya. Parang alam ko kasi kung saan kami pupunta, sana tama ang iniisip ko.
Pero, saan naman kaya? Saka ibig sabihin, bati na kami?
Ngumiti ako ng malapad saglit. Pagkatapos ay nagseryoso na ako.
Bumitaw siya sa pagkaka-hawak sa braso ko. Sabay tumalikod na siya sakin at naglakad paalis.
Gusto ko siyang tanungin pero saka nalang siguro. Malalaman ko rin naman kapag nandun na kami.
Madali kong inayos at inilagay sa bag ang mga dadalhin ko. Pagkatapos ay binitbit ko na iyon papuntang sala.
Hindi naman ganun kadami yung dala ko, saka mukhang usapang business niya rin ata yung pupuntahan namin.
"Follow me". aniya ng mapansin ko siyang naghi-hintay sakin sa sala.
Sumunod nalang ako sa kanya hanggang sa marating namin yung parking area.
Pagdaka'y sumakay na siya sa loob at sumakay na rin ako ng mailagay ko sa backseat yung dala ko.
Napansin ko na wala siyang dala? Or baka balak niya ako itapon sa ibang lugar at iwan ako dun, kaya niya ako pinadala ng iba kong gamit para dun na ako tumira? Aba! Subukan lang niya ng magka-alaman kami.
Hindi ko namalayan na umaandar na ang sasakyan. Hindi ko alam kung excited ba ako o hindi.
Saan kaya kami pupunta?
Inayos ko ang pagkaka-upo ko at Isandal kong mabuti ang likod ko sa sandalan.
Ayoko namang kausapin si Logan dahil wala naman akong naisip na itanong o sabihin sa kanya. Hays.
Napa-hikab ako. Mukhang mag-gagabi na dahil sa papalubog na rin ang araw. Napa-hikab uli ako, hanggang sa nalamayan kong pumipikit na ang mga talukap ng mga mata ko.
Napa-mulat ako ng mga mata ko nang magising ako ng di oras. Sandaling napa-libot ang mga mata ko ng mapansin kong parang may kakaiba sa paligid ko.
Napa-balikwas ako ng bangon ng mapansin kong wala na pala ako sa loob ng kotse.
Napaisip ako sandali. Anong lugar 'to?
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at mukhang nandito ako ngayon sa kubo-kubo.
Madali akong lumabas at tumambad naman sa'kin ang madilim at malamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko.
Ginala ko ang mga mata ko sa paligid. And I rubbed my eyes. Totoo ba 'tong mga nakikita ko ngayon?
Parang hindi ako makapaniwala. Natatanaw ko kasi malapit dito sa kinatatayuan ko yung hampas ng mga alon sa dagat bukod sa buwan na siyang ilaw sa paligid.
Bago ko maisipang tunguhin iyon, naalala ko si Logan.
Nasaan na kaya 'yon?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at may napansin akong parang may malakas na apoy na parang bonfire malapit sa kinatatayuan ko.
Nilapitan ko iyon at habang papalapit ako doon at hindi ko nakita si Logan.
Nasaan na ba iyon?
"Looking for me huh?" Inikot ang katawan ko para tignan siya.
At nahagip ng mata ko ang katawan niya na ngayon ay naka-shorts at nakasuot na siya ng white v neck na kanina ay grey.
Napa-lunok ako ng di inaasahan ng mataman kong sinuri ang katawan niya at nakita ko ang hubog ng kanyang maskulado at matikas niyang katawan dahil sa suot niyang damit. Napa-kagat labi ako.
What the--ano ba pag-iisip 'to! Parang nang-haharass na ata ako.
"Done checking me out?" naka-ngisi niyang tanong sakin.
Napukaw ang atensyon ko ng marinig kong nagsalita siya. Umubo ako kunwari pero sa totoo lang ay sinadya ko talaga.
Naknang! may pagka-hambog talaga 'tong lalaki na 'to. Halimaw talaga!
Sa halip na tugunin siya ay iniba ko nalang ang usapan.
"Nasaan tayo?" tanong ko, Nasulyapan ko uli ang sandaling pagsilay ng ngisi niya sa kanyang labi.
Puma-mulsa siya at ginala niya ang kanyang paningin sa paligid.
"Well, we're in an private island." aniya. Napa-uwang ng bahagya ang aking bibig.
Totoo? O baka sarili niyang private island to? edi siya na mayaman!
Bumuntong-hininga siya. "Just be here. I'll just be back." pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya umalis.
Napa-taas ang kilay ko. Saan naman kaya pupunta 'yon? Nag-kibit balikat nalang ako. Bahala siya.
Hinawakan ko ang buhangin at isinaboy ko iyon ng may malaking ngiti sa labi. Para akong bata ngayon sa ginagawa ko. Eh, sa gusto kong lubusin yong pagkakataon na 'to. Saka minsan lang 'to. Sana hindi na matapos.
Pumunta ako sa tabing-dagat at nilublob ko ang paa ko sa malamig na tubig na humahampas sa dalampasigan.
Pwede kayang maligo?
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at tanging ilaw lang ang nakikita ko dahil puro mga puno na sa palibot at binabalot ng katahimikan ang paligid.
Kahit madilim na ang paligid ay naaninag ko pa naman yung kulay ng dagat dahil na rin sa ilaw na binibigay ng bilog na buwan.
Masaya akong nagtampisaw sa tubig gamit ang mga kamay ko. Medyo malakas yung hampas ng alon ng tubig pero hindi naman ako nababahala lalo pa't gabi na. Kahit tangayin ako ng alon dito ay idadaan ko nalang sa paglangoy kahit saan pa ako padparin. Ngisi.
"Don't you think it might possibly put you at risk because of what you're doing? Get up now before you drown." utos niyang sabi sakin.
Bakit ba palaging epal 'tong halimaw na 'to? Pati ba naman yung moment ko dito papaka-elaman pa niya?
I pouted. Umahon nalang ako at sinunod siya. Bakit pa kasi bumalik 'tong halimaw na 'to e. Maikulong nga mamaya, naka-takas na naman eh.
Tinignan ko siya at naka-pamulsa lang siya habang naka-tingin sakin at habang naglalakad ako papa-lapit sa kanya.
"Hurry. We're going somewhere." pagmamando niyang sabi nang medyo nakalapit na ako sa kanya.
Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Sinundan ko nalang siya at binelatan ko siya habang naka-talikod. Sana lang talaga may tali ako para naitali ko na siya at naikulong. Panira.
Habang nasa likuran niya ako, may nahagip ang mga mata ko sa di-kalayuan sa nilalakaran ko na parang may mga christmas lights na kumukutitap, na siyang kumuha ng atensyon ko.
Ano kayang meron doon?
Habang naglalakad ako, hindi ko inaalis ang tingin ko doon at unti-unti kong natatanaw kung ano nga bang meron.
"Aray." masungit kong sabi.
"Tsk. You should use your eyes to look over on your way, not just your feet." rinig kong sabi ni halimaw.
Okay sorry na. Paano ba naman kasi, bigla nalang tumigil 'tong halimaw na 'to sa paglalakad kaya nauntog ako sa likuran niya. Buti nalang hindi ako tumama sa bakal at baka masugatan pa ang maganda kong mukha. Hays.
"Do you really want to stay there?" tanong niya habang naka-talikod.
Lumayo na ako kaagad sa kanya. Ano akala niya sakin, gusto ko pa? Duh. Feeling siguro ng halimaw na 'to eh gusto ko siya. Yak.
"It's okay if you want, just tell me." mapang-akit niyang sabi habang naka-talikod pa rin siya.
Para akong kinilabutan na kiniliti, at nagsimula na namang pumintig yung puso ko. Kadiri. Sipain ko pa siya eh. Narinig ko namang tumawa siya ng marahan.
Bumuntong-hininga ako ng malalim. Ang feeling ng halimaw na 'to!
Nilagpasan ko nalang siya at di ko siya pinansin. Ihahakbang ko pa sana yung kaliwa kong paa ng matigilan ako sa nakita ko.
Napa-uwang ang bibig ko sa mga nakikita ko ngayon. May mga iba't-ibang kulay ng ilaw ang naka-display sa palibot ng kubo, pati may mga bulaklak at iba pang dekorasyon ang naka-lagay at naka-display. Napakagat-labi ako pagdaka'y napa-lunok.
May maliit na table sa gitna at may nakapatong na kandila rin sa gitna, at may naka-lagay na flowers, at iba pa.
Hindi ako makapag-salita, halatang preparado at ang ganda ng set-up.
Inayos ko ang sarili ko. Sandali akong napa-isip, para kanino kaya 'to?
"I prepared this for our dinner date tonight. Remember?" Rinig kong sabi ng nasa likuran ko.
S-seryoso? Para sa aming dalawa?
Dahan-dahan akong humarap sa kanya at tinignan ko siya diretso.
"Let's go inside." Pagdaka'y hinawakan niya ako sa kamay ko at dinala niya ako sa loob. Parang nakuryente ako na ewan ng gawin niya iyon. Jusko! ano na bang nangyayari sakin!
Umupo ako kaharap niya ng bitawan na niya ako sa kamay. Hindi ako makapaniwala na para samin pala ito.
Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko at parang may kumikiliti sa bandang tiyan ko. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko ngayon.
Ano na bang nangyayari sa'kin? Huling araw ko na ba ito? Pero bakit ngayon pa? Oh, sadyang huli na yung pagkakataon?
Hinawakan ko ang noo ko at hindi naman ako mainit, wala naman akong lagnat. Baka sadyang may tama lang ata ako. Siguro nga. Kung ano-ano kasi pinag-iisip ko. Hays. Sana nga.
Nasulyapan ko ang pag-ngisi ni Logan matapos kong gawin yung bagay na 'yon sa harap niya. Napa-yuko nalang kaagad ako. Baka sabihin pa nitong halimaw na 'to eh, abnormal na ako. Ugh!
"Don't worry. You're not daydreaming nor anything else. We've been already talked about this and this what I did." malumanay niyang sabi.
Pero napaisip ako sandali. Paano niya nagawa 'to nang mag-isa? Imposible! Parang kami lang ata dalawa dito sa lugar na 'to! Siya lang ba mag-isa?
"Don't mind something else. All you have to do is spend this day for ours." this time inangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang pag-ngiti niya.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko ng di-inaasahan dahil parang sasabog na ata yung puso ko.
"Hey, you okay?" sa pagkakataon na ito ay nawala kaagad yung ngiti niya nang napalitan ito ng pag-aalala.
Sasabihin ko ba sa kanya?
"Ayos ka lang ba? Tell me." tanong niya na may halong pag-aalala sa kanyang mukha.
"L-logan..."
Bigla akong kinabahan. Sinubukan kong huminga ng malalim at saka ako nagsalita.
Napakunot-noo siya nang kinuha ko yung kanang kamay niya at inilagay ko iyon sa dibdib ko.
"A-ayaw ko mang sabihin pero.." pag-puputol ko sandali at mataman lang siyang naka-tingin sakin ng walang ekspresyon ang mukha.
Lumunok muna ako bago nagsalita.
"Kailangan ko na atang magpa-check up. Mamamatay na ata ako dahil dito." diretsa kong sabi. Napataas lang ang isa niyang kilay. Sabay tumawa siya.
Siya ata may tama sa'ming dalawa eh. Nakakatawa ba 'yon?
"Do not worry. It won't long last. Unless, it's your last." aniya at pagdaka'y uminom siya ng red wine. Sabay ngiti niya.
Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko. Masasapak ko na pag-mumukha ng halimaw na 'to eh, kung marunong lang sana ako. Ganda lang naman kasi meron ako.
Dapat pala hindi ko na sinabi sa halimaw na 'to. Walang kwenta kausap. Tss.
Hindi ko na siya pinansin at kumain nalang ako.