Chereads / My Beast Boss / Chapter 18 - 17. Holding our hands

Chapter 18 - 17. Holding our hands

Nabangon ako sa hinihigaan ko dahil sa sikat ng araw. Ipinitlig ko ang ulo ko sa bintana at naka-bukas yung kurtina pati bintana.

Sa pagkaka-alam ko ay naka-sara 'yan kagabi? Hindi kaya nilooban ako dito habang natutulog ako?

Napakagat-labi ako. Madali akong buma-likwas sa hinihigaan ko at sinuri ko ang buong kwarto.

Napansin ko na mukhang wala namang pinag-bago. Wala ring nawala ni-isang gamit ko ng i-check ko 'yon.

Hays. Ano ba 'tong pinag-iisip ko. kulang pa siguro ako ng tulog.

Tinungo ko muna ang kusina nang maramdaman kong kumulo ang tiyan ko. Naalala kong hindi pala ako nakakain kagabi pag-uwi ng dumiretso ako sa kwarto at naka-tulog kaagad ako. Hindi ko na rin alam kong ano nang pinag-gagawa ni Logan nung mga oras na 'yon. At naalala ko na bago pa kami nakarating dito sa tinutuluyan namin ay hindi rin niya ako pinapansin lalo na nung tinatanong ko siya kung saan kami mag-dadate.

Aba! syempre, para at least mapag-handaan ko kung sakali. Ngiti. Wala lang. Parang hindi lang kasi ako mapakali at gusto ko lang alamin.

Binuksan ko yung ref at bigla ulit kumulo yung sikmura ko. Sa totoo lang, marami naman akong kinain kagabi dun sa pinuntahan namin, Pero nagugutom pa rin ako. Baka siguro natunaw kaagad yung kinain ko.

"So you're finally awake now."

Napa-atras ako ng hindi inaasahan ng bigla nalang lumitaw 'tong si Logan kung saan. Buti nalang at hindi ko nabato 'tong hawak kong bread sa kanya. May palaman pa naman na keso.

Juskong halimaw na 'to! Baka atakahin pa ko dito! Malalagas 'tong beauty ko!

Napansin kong naka-formal attire siya at mukhang may pupuntahan ata siya.

Saan naman siya pupunta? I pursed my lips.

Hays. Bakit ko ba tinatanong? Bahala siya sa buhay niya.

"Mukhang may lakad ka ata ha?" tanong ko at naka-tingin lang siya sakin habang naka-tayo siya malapit sa table.

Nako talaga 'tong bibig ko. Sa susunod ita-tape ko na nga nang hindi na makapag-tanong. Baka masabi na niyang ang tsismosa ko na.

Puma-mulsa muna siya bago nagsalita. "We'll be having a conference meeting with my negotiators. And I'm hoping that you didn't forgot about this schedule for today, but you did."

Inalala ko yung sinabi niya at ngayon ko lang napagtanto na may schedule pala siya ngayon for meeting.

Napasapo ako sa sentido ko. Hindi naman ako naka-inom ng alak dun kagabi sa pinuntahan namin pero bakit parang talo ko pa yung mismong naka-inom ng alak? Or ulyanin lang talaga ako? Ganda lang talaga siguro panlaban ko. Bumuntong-hininga ako.

"Don't you make me to wait for you again." masungit niyang sabi pagdaka'y tumalikod siya at humakbang paalis.

Tumingin ako sa wall clock sa sala at napakagat-labi ako. Fourty-minutes nalang ang natitira.

Makakaligo pa ba ako nito? Hindi pa nga ako nakakapag-almusal eh.

Madali kong tinungo yung cr. Binilisan ko nalang yung pag-shampoo at pag-sabon. Pagkatapos ay lumabas na ako at nag-bihis. Naru-rush tuloy ako ng di-oras dahil lang 'don.

Saka napaisip ako bigla. Bakit hindi nalang siya naunang pumunta 'don? Bakit kailangan paang kasama ako?

Pinitik ko ang noo ko. Sekretarya nga niya pala ako. Hindi lang pala kami pumunta dito para enjoyin yung Cebu, para rin pala sa trabaho. Naalala ko na sinabihan niya pala ako tungkol dito nung wala pa kami dito sa Cebu.

Mabilis kong sinuot yung uniform ko at pagdaka'y nagsuklay ako ng buhok. Naglagay nalang ako ng onting powder sa mukha at lipstick. Kasunod ay yung stiletto ko. Saka ko kinuha yung shoulder bag ko at ibang mga recordings at papers na kailangan kong dalhin.

Nang maka-labas na ako ng kwarto ay natanaw ko si Logan na naka-talikod habang may kausap sa cp niya.

Madali akong bumaba sa kaunting mga baitang ng hagdan. Tinungo ko muna yung kusina para kunin yung tinapay na nilagay ko sa ibabaw ng table at saka ko pinasok 'yon sa loob ng bag ko.

Naisipan ko na baunin nalang tutal mukhang kanina pa talaga ako hinihintay ni Logan. Speaking of it, base rin sa pagkakasabi niya, mukhang kanina pa 'daw' talaga siya naghi-hintay.

Bakit hindi na niya ako kaagad ginising kanina?

Biglang namang may pumasok sa isip ko. Hindi kaya siya yung nag-bukas nung bintana kanina sa kwarto ko para magising ako sa sikat ng araw na tumambad sa mukha ko? Anong klaseng halimaw talaga yon. Matanong nga.

Mukhang namasid ko na panay tingin na niya sa orasan niya. Kaya madali ko na siyang nilapitan.

"What you took so long! The conference will immediately start!" pagalit niyang sabi. Sabay talikod niya at naglakad palabas ng buksan niya yung pinto.

Ganun ba talaga ka-importante sa kanya yung meeting na yun?

Mamaya ko nalang siguro itatanong sa kanya kapag medyo humupa na yung kasungitan niya. Ang aga-aga, nag-susungit na. Buti pa ako. Chill lang kahit malapit-lapit nang masuspendido ni Logan.

Sinundan ko lang siya ng lakad hanggang sa marating namin yung kotse niya na naka-park. Nauna na siyang sumakay sa loob at sumakay nalang rin ako tutal hindi na ako aasa na pag-bubuksan niya ng pinto.

Ganyan rin ba talaga siya ka-brutal? Pati kagandahan ko, ginaganyan-ganyan niya nalang?

Pinaandar na niya yung kotse hanggang sa tumakbo ito. Walang imikang nangyari at bumabalot ang katahimikan sa'ming dalawa.

Pero naisip ko na kasalanan ko rin naman, na kapag siguro na miss niya yung mahalagang meeting na pupuntahan namin ngayon, Malaking kawalan rin siguro sa kanyang kompanya.

Lumunok ako. Humarap ako kay Logan at mataman siyang naka-tingin sa daan habang nagmamaneho siya.

"S-sorry kung pinag-hintay kita.." malumanay kong sabi. Sana naman sa pagkakataon uli na 'to ay humupa na yung galit niya, kung meron. Ang sungit kasi, buti nalang na-kekeri ng beauty ko yung kasungitan niya.

"It's already done. Nothing to say sorry." Saad niya nang walang eksresyon at hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa daan.

Parang gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Kung gayon ay hindi na siya nagagalit sa ginawa ko.

Hindi na ako umimik pa at humarap nalang ako sa bintana at pinapasadahan ko nalang ng tingin ang mga natatanaw ko sa labas.

Habang naka-tanaw dito, parang naramdaman kong kumukulo ulit yung tiyan ko. Naalaala ko na binaon ko pala yung tinapay na kakainin ko sana dapat kanina.

Bago ko pa mabuksan yung bag ko, napa-dungaw ako sa daan ng mapansin kong tumigil na sa pagtakbo yung sasakyan. Mukhang nandito na ata kami.

"Where now here. Be ready for what will be the discussion is. Don't you forget to list and remember all of those." aniya bago siya bumaba ng kotse at pagdaka'y lumabas na rin ako ng mabilis. Nasulyaoan kong kaagad niyang tinungo yung pinto ng kotse at pinag-buksan ako. Akala ko pa naman habang buhay na hindi siya gentleman.

Natanaw ko ang malaking bahay sa harap ko ngayon, at ngayon lang ako napa-wow sa ganda nito. Parang katulad rin siya kahapon sa pinuntahan namin ni Logan at ang aliwalas tignan. May fountain sa gitna at may garden sa paligid. Napa-mangha ako.

Hindi pa man kami nakaka-pasok sa loob ay may pumalibot na sa'min na mga press at gusto kaming interbyuhin. Sandaling napa-baba ang tingin ko ng hawakan ako sa kamay ni Logan at inilapit niya ako sa kanya ng bahagya. At pagdaka'y humakbang siya paalis kaya napa-sabay rin ako sa kanya.

Nakaramdam ako ng kaonting kaba dahil parang kakaiba 'to sa meeting na dadaluhan ko ngayon. Baka siguro ay mga kilala at bigatin yung makaka-usap ngayon ni Logan kaya maraming naka-abang sa labas bago kami maka-pasok sa loob.

Pag-pasok namin sa elevator ay walang tao at maluwang ang espasyo. Hanggang sa magsara ito at dinala kami sa floor na pupuntahan namin.

Napansin kong hindi pa binibitawan ni Logan yung kamay ko. Nagtaka ako. Ano bang nakain niya? Kanina may pagalit-galit epek siya ngayon naman feeling close lang siya sakin?

Habang hawak-hawak niya iyon simula rin kanina pagpasok, hindi rin mapakali yung bandang dibdib ko. Bukod sa may halong kaba ay parang nagpi-piyesta yung puso ko at sa sikmura ko. Ang weird. Ewan ko ba pero siguro ay kailangan ko nang kainin yung tinapay na kanina pa hinihintay ng sikmura ko.

Huminga ako ng malalim. Saka ako nagsalita. "P-pwede ko na bang tanggalin yung pagkaka--hawak ng kamay mo sa'kin? Tutal wala na ring yung mga taong nag-abang satin kanina sa labas.."sambit ko ng may halong kaunting panginginig ng boses, at hindi tumitingin sa kanya. Bale nasa kanan siya naka-tayo at nasa kaliwa naman ako.

"Don't you remember what's in the contract? We'll might be captured if we didn't." Sabi niya sa mababang boses. Saka ako napa-tingin sa kanya, habang naka-side view siya kaya hindi ko maaninag ng buo ang reaksyon ng mukha niya.

Tumango nalang ako at hindi na ako umimik pa. Kaagad ko nalang iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Saka naman bumukas yung elevator.

Naramdaman kong bahagya niyang hinigpitan ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko ng maka-labas na kami ng elevator. Parang mas lalong nagpi-piyesta yung puso ko at napapa-ngiti nalang ako.

Oh my. Ano bang nangyayari sa'kin? Sinasaniban na ata ako! Kailangan kong ayusin ang sarili lalo pa't mayroon siyang conference. Ayos Marsha!

Tumigil kami sa harap ng malaking glass door at may babae na naka-tayo roon at mukhang siya yung nag-aaccomodate ng mga tao papasok sa loob.

"Good morning ma'am, sir. How can I help you?" sambit nung babae. Napansin kong mukhang hanggang dito rin ay may babae rin na nagpapa-akit pa kay Logan.

Hays. Bahala nga siya. Saka hawak ko kamay ni Logan, hindi niya maaagaw sakin. Joke. Kung gusto nila, mag-sama pa sila. Saka hindi ba napansin ng babaeng 'to na magka-hawak kami ng kamay ni Logan? May mata naman siya. Tss. Pasalamat siya, maganda ako, mabait pa. Baka kung nagkataon ay tinumba ko na siya jan sa kinatatayuan niya. Joke.

Kina-usap saglit ni Logan yung babae at pagdaka'y gumilid siya ng bumukas na yung pinto. Nawala yung atensyon ko dun sa babae ng napa-mangha nalang ako ngayon sa nakikita ko dahil high-tech yung datingan ng pinto. Kusa na lang siyang bumubukas.

Ganito ba kayaman yung may-ari ng bahay na 'to?

Naramdaman kong binitawan muna ang kamay ko ni Logan ng maka-pasok kami sa loob at mapansin kong may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya.

Gusto ko man munang libutin ang kabuuan ng lugar na ito pero napansin kong naglalakad na si Logan kaya madaling sumunod nalang ako sa kanya.

Tinted glass door at ang ganda ng view sa labas nang nahagip ng mga mata ko. May malaking round table sa gitna at ngayon ko lang napansin na may mga iilan nang naka-upo sa labas.

"Excuse me ma'am. But this is an authorized area. You should just be there outside." Sambit nung babaeng naka-suot ng white sleeves at parang trouser style yung pang-ibaba parehas dun sa babaeng sumalubong sa'min ni Logan kanina. At mukhang tauhan rin ata dito nang harangin ako sa dinadaanan ko.

"But I'm the secretary of Mr. Figueroa.." aniya ko.

"Sorry ma'am .But this is the command." tugon niya.

"Okay." tipid kong sabi pero mukhang hindi na ata ako kailangan dun ni Logan.

Pero paano ko malalaman yung mga pinag-usap nila tungkol sa transaction nila? or sa napagkasunduan nila? Hays. Itatanong ko nalang siguro sa kanya mamaya.