Inihanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Para sakin, mukhang hindi pa sapat ang limang bagahe na dadalhin ko papuntang Cebu. Syempre! kailangan kong masulit yung pag-punta don. Lalo na't kilala ang Cebu sa napaka-ganda nitong mga beach.
Hays. Kaso lang bakit three days lang? ipa-extend ko kaya kay Logan ng ten days? ah hindi, mga three weeks? One month nalang siguro.
"Hoy ate, mukhang layas na layas kana ha. Diba three days lang kayo dun sa pupuntahan niyo? Aba't mukhang pang two weeks na yang mga dala mo ha?" Tanong ni Suzanne. Naka-cross arms at naka-sandal sa pader habang pinag-mamasdan lang yung pag-iimpake ko.
"Ano ka ba Suzanne! First time palang kasi ako makakapunta dun kaya 'wag mo nang pansinin yung mga dadalhin ko. Malay mo, baka mag-extend si sir nang ilan pang araw. Eh di, at least prepared manlang ate mo no!" Naka-ngisi kong sabi. Malay niyo, maakit ko si Logan sa mga mga swimsuit kong mala imported galing palengke. Aba! eh di, sulit! Laughs.
"Tss. Alam ko na iniisip mo ate. Siguro may gusto ka dun sa boss mo no. Mukhang excited ka na rin siyang maka-sama sa Cebu eh. Sige mag-sama na kayo! Ayos lang sakin." Nakita ko ang malapad niyang ngiti.
Aba't loko 'tong Suzanne na 'to! Mukhang binibilog na naman ako ha.
Isiniper ko muna yung bag na hawak ko. Saka ako tumingin sa kanya. "Hoy. Matulog ka na nga. May pasok ka pa bukas! pupuyatin mo pa ako sa mga kalokohan mo eh. Hala sige, umalis ka na diyan at nang matapos ko na 'to." pag-tataboy ko sa kanya.
Nakita ko ang pag-halakhak niya habang naka-hawak yung isang kamay niya sa tiyan niya. Tinignan ko lang siya. May saltik rin minsan 'tong kapatid ko e. Huminto siya saglit nang nagsalita siya.
"Alam mo ate, maganda ka sana kaso lang walang brain. Ala-una na kaya. For sure, iiwan ka na nang labidabs mong boss at hindi ka na makaka-sama sa pupuntahan niyo. Akala mo ha, pustahan pa tayo! hahahaha.."
Ako iiwan? sa ganda kong 'to.
"Hoy Suzanne. matulog ka na nga. Hindi ka nakaka-tulong. Saka imposibleng iwan ako nun noh. Sektetarya niya kaya ako. At hindi niya pwedeng iwan ang magandang tulad ko. Ha-ha-ha.." maloko kong tawa. Kaagad ko nalang siyang itinaboy ulit, pagkatapos ay sinarado ko na ang pinto. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa labas ng kwarto. Bumuntong-hininga nalang ako.
Tinungo ko muna ang kama at umupo ako sandali. Habang naka-upo ako ay naka-ramdam na ako ng antok. Napa-hikab ako.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Sa totoo lang ay, kanina pa talaga ako inaantok. Dinadaldal lang kasi ako ng may saltik kong kapatid. Hays.
Siya nga pala. Bigla ko nalang naalala nung kina-usap ko si Logan tungkol kay Suzanne. Si-nuggest ko sa kanya na isama nalang para hindi ko na problemahin si Suzanne. Para at least may maka-usap rin ako dun kahit papano. At yung halimaw kong boss, sabihin ba naman sa'kin na 'wala siyang paki sa kapatid ko at hindi na niya problema yung iniisip ko para kay Suzanne. Gamitin ko daw utak ko'. Aba't napaka-sama talaga ng loob nung halimaw na 'yon.
Pero wala rin naman akong magagawa. Saka gusto ko mang sabihin na hindi na talaga ako sasama, pero yung halimaw na 'yon inunahan kaagad ako. Na kapag humindi ako, doble-doble yung ibabayad ko sa kanya. Tss. sa ganda kong 'to? Alam kong maganda ako pero akala niya sa'kin may pantapal ako sa mukhang perang halimaw na 'yon! Hays. Naloloka ako. bahala na nga siya sa buhay niya. Tinakot pa ako!
----
Napa-mulat ako sa tindi nang ingay na naririnig ko. Kahit medyo inaantok pa ako, pinilit ko nalang bumangon.
"Jusme! hoy ate! kanina pa umalis yung boss mo! Hala, simulan mo na daw maglakad ngayon!" rinig kong sabi ni Suzanne, at nakita ko ang maingay na pagka-lansing ng kaldero na pinapalo niya ng kutsara.
Loko 'tong kapatid ko! Nakaka-bingi kaya!
"Sabi ko sa'yo e. Maiiwan ka talaga, Sayang. hindi ka na makakasama. Pinuntahan ka pa man din dito nang boss mo at may mga kasama pang body guards ha." tumigil siya sandali ng tumabi siya sakin. Sabay kalansing nung kaldero na hawak-hawak niya. Napa-pikit ako sandali ng mata ko. "Hoy ate, sabihin mo nga. Nililigawan ka ba nang boss mo? Kung gayon. okay lang naman sakin. Well, ang guwapo naman pala niya at mukhang yayamanin. Basta ate 'pag nagkatuluyan kayo, 'wag mo ako kaka--" Binatukan ko siya.
"Hoy. Tumigil-tigil ka nga jan. Fyi, hindi siya bagay sa exotic na kagandahan ko. Saka halimaw 'yon. Baka hindi magtagal yung maganda kong lahi sa kanya." saad ko.
Speaking of it. Napa-balikwas kaagad ako sa higaan. Ngayon ko palang napag-tanto na maaga pala ang alis namin.
My goodness! See you soon Cebu na talaga!
Madali kong tinungo ang cr. Pagkatapos ay binilisan ko na ang pag-ligo.Halos natataranta na ako dahil pabalik-balik ako sa paglalakad. Hinahagilap ko kasi yung mga isusuot ko. Medyo nahihilo na ako.
"Hahahaha. Okay lang 'yan ate Marsha, may next year pa. Hahaha.." naririndi ako sa tawa ni Suzanne. Mukhang tuwang-tuwa siya sa sa'kin at habang hindi na nga ako halos mapakali sa ginagawa ko.
Ugh! magogood-bye Cebu na talaga!
Jusme! nawawala pa yung bra ko na bago. Nasaan na ba 'yon?
Hinanap ko sa loob ng drawer ko at hindi ko nakita. Kabibili ko palang kasi nun kahapon pag-uwi ko dahil maaga ako pina-uwi ni Logan. Napa-daan kasi ako sa palengke at nagningning ang mga mata ko nang napansin ko 'yun na binebenta nang mura. Syempre, binili ko na.
Mukhang napa-awat na sa pag-halakhak si Suzanne. Napansin naka-ngiti siya sa'kin. Abnormal rin siya minsan. Ano ba nakain niya?
Mukhang hindi ko gusto yung pagngiti-ngiti niya sa'kin.
Nilapitan ko siya. Pero bago ko pa maitanong sa kanya yung pakay ko, nagsalita kaagad siya.
"Kung hinahanap mo yung bra mo, nandun sa sofa ate. Mukhang nakalimutan mong itabi sa drawer at dun mo nalang itinabi."
Sabi na e. Huminga ako nang malalim. Kung hindi lang ako maganda, baka kanina ko pa nasipa 'tong si Suzanne. Kanina pa kaya ako hanap ng hanap.
Kaagad kong tinungo ang sala at nang maka-labas ako ng kwarto. Bale may sarili kasi akong kwarto at si Suzanne, at katabi nito ang maliit na sala.
Napa-uwang bahagya ang bibig ko. What the--si Logan ba 'yon?
"A-ano ginagawa mo dito?" kinakabahan kong sabi. Napansin kong pinasadahan niya ako ng tingin sandali, padaka'y napansin kong napa-lunok siya.
Pero, sabi ni Suzanne umalis na siya?
"Do you really exposing your body on me intentionally?"
H-huh? ano bang pinag-sasabi niya?
Napa-kunot noo ako nang tumingin ako sakanya sandali. Pagdaka'y sinuri ko ang katawan ko at goodness! naka-balot pa pala ang katawan ko ng tuwalya!
"Ahh..hehe..sorry.." nahihiya kong sabi. Nilibot ko kaagad ang mga mata ko sa sofa at nakita ko yung plastik kung saan nakalagay doon yung bra ko. At nandun pa mismo sa tabi ni Logan naka-patong.
Humanda ka talaga sa'kin Suzanne! Pakana mo talaga 'to!
Dali-dali kong tinungo yung tabing pwesto ni Logan at kaagad kong kinuha yung supot na iyon. Pinasadahan ko nang ngisi si Logan sandali habang pinag-mamasdan niya yung ginagawa ko. Pagkatapos ay, pumasok na ako kaagad sa loob.
Natanaw ko si Suzanne na wala na sa loob ng kwarto. Nasaan na yun?
I just shook my head at nagmadali na akong nagbihis. Pagkatapos ay, inayos ko ang sarili ko saka ako nagmadaling lumabas.
Pagkalabas ko sa kwarto ko ay, natanaw ko si Suzanne at Logan na magka-usap. Napataas ako ng kilay.
Ano kayang pinag-uusapan nang dalawang abnormal na 'to? Napansin kong may pangiti-ngiti pa si Suzanne habang naka-titig ito kay Logan.
Bakit parang nag-iinit ang dugo ko?
Kaagad namang napa-tayo sa kina-uupuan si Suzanne nang mapansin niya ang presensiya ko. Kumalma muna ako.
"Ikaw talaga ate, kanina ka pa hinihintay. Ang tagal mo.."
Lumapit ako ng bahagya kay Suzanne at hinila ko siya papalayo kay Logan. Bumulong ako sa kanya.
"Alam mo kung hindi lang kita kapatid, baka nabugbog na kita. Saka buti pa, bago kita patulan sa mga kalokohan mong ginawa sa'kin, ikwento mo muna yung pinag-uusapan niyo ni Logan." Nakita ko ang pag-taas niya nang kilay.
"Ang ganda mo daw ate."
Bigla akong napa-ngiti sa sinabi niya. "Talaga?"
"Joke lang ate. Ako daw yung maganda. Hahaha" bigla akong nainis sa sinabi niya. Loko 'to. Pagpilitan daw bang maganda siya. Mas maganda kaya ako.
Binitawan ko ang pagkaka-hawak ko sa braso niya. "Wag na wag kong malalaman na kasama mo yung lalaki na palagi mong kasam--"
"Pero ate.." pagpuputol niya. Evil laughs. Akala niya siguro nakalimutan ko na 'yon.
Nilakihan ko lang siya nang mata. At ang loka, benelatan lang ako. Hays. kung hindi ko lang kapatid si Suzanne, baka nanganganib na yung ganda niya sakin. Pero mas maganda pa rin ako.
Napansin ko si Logan na wala na pwesto niya kanina. Natanaw ko nalang na nag-lalakad na siya papasok dun sa kotse niya.
"Oh siya, aalis na ako. Yung sinabi ko. 'wag na wag mong kakalimutan. Susubukan kitang kontakin kapag nandun na ako.."
"Wala ka kayang cp." sabay nag cross-arms siya.
"Alam ko. Basta ako bahala. Mag-iingat ka. Kahit na abnormal ka, Mahal ka ni ate ha. Tandaan mo 'yan!" sabay ngiti ko at niyakap ko siya.
"Basta ate yung pasalubong ko ha. Kung hindi.." sabay kumalas na kami sa pagkaka-yakap.
Kakausapin ko pa sana siya ng bigla naman akong tinawag nung lalaking kasama ni Logan.
"Ma'am, paki bilisan daw po. Aalis na.." Tinanguan ko nalang siya at pagdaka'y pinakuha ko na sa kanya yung mga gamit na dadalhin ko.
Lumabas na ako ng bahay at pinagbuksan naman ako nang pinto nung isa pang lalaki na kasama ni Logan.
Napansin kong ang dami atang body guards ni Logan? Sikat ba siya? E, halimaw kaya siya.
"What took you so long? I really hate waiting. Don't you know?" galit niyang sabi.
"K-kinausap ko pa si Suzanne..." tipid kong sabi. Hindi ko nalang siya nilingon at tumingin nalang ako sa labas. Baka kapag biniro ko pa siya ay magmukha na naman halimaw yung mukha niya.
Bale naka-upo ako katabi niya sa backseat pero medyo malayo siya sa akin. At infairness ha, ang guwapo pala niya. Ngayon ko lang napansin nang makita ko yung reflection sa bintana nang sasakyan. Naramdaman kong parang kumabog sandali ang puso ko.
Pagkatapos talaga nito. Magpapa-check up na ako sa doctor. Baka pagdi-naagapan 'to. Baka masayang lang yung beauty ko.
Sa pag-iisip ko ay, bigla ko tuloy naalala yung nangyari kanina. Nakakahiya talaga! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at sinunod ko yung sinabi ni Suzanne? napa-hiya yung ganda ko!
Napansin kong umaandar na pala yung sasakyan at tahimik lang ako pati siya. Naka-yuko lang ako nang bahagya, parang nahiya kasi akong kausapin siya dahil sa nangyari kanina.