"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Barbara ng makita siyang papasok din ng Debate Club office.
"I'm a member." Balewala niyang sagot sa kapatid at tabi pa silang naupo.
"At kelan ka pa nagpa-member sa club, Hannah?" Kunot-noong ani nito.
"Ngayon." Tipid niyang sagot saka iginala ang paningin na hinahanap si Charles ngunit wala pa ito.
Napabuga sa hangin ang kapatid at inilapit ang mukha sa kanya.
"Kung gagamitin mo lang 'tong club para bwisitin ako, it's better that you stop now." Babala nito sa kanya. "Maganda ang reputasyon ng club na ito para sirain mo lang." Pagpapatuloy nito. Isang masamang tingin lamang ang ibinigay niya dito.
"Siya nga pala, I got a perfect score sa test ko kanina. Thanks sa pagkuha sa notebook ko at kailangan kong paganahin ang natitirang brain cells ko." Sarkastikong wika nito.
"Hindi ko nga kinuha ang notebook mo, ate." Kunwa'y inis na ani niya.
"Whatever!" Ani nito saka napukol ang atensyon sa lalakeng pumasok.
"Hi guys!" Masayang bati ng lalake sa kanila na nakatuon ang paningin sa direksyon nila.
"Greet your boyfriend, ate." Bulong niya sa kapatid. Inis naman siyang tiningnan nito.
"So you really got my notebook." Sarkastikong sagot nito.
Isang pilyang ngiti ang sinagot niya dito saka muling ibinalik ang tingin kay Charles na nagsasalita sa harap.
"So boyfriend talaga siya ni ate?" Tanong niya sa isip habang pinagmamasdan ang lalake sa harap. Hindi niya alam kung bakit tila nakaramdam siya ng kirot sa puso at lungkot.
Thirty minutes lang ang itinagal ng meeting. Sabay silang tumayo ng kapatid at agad silang nilapitan ni Charles.
"Barbara." Pagtawag nito sa kanyang kapatid sabay ang pagsulyap sa kanya.
"Charles!" Masayang sagot naman ng babae at nagmadaling sinalubong ang lalake.
Lalo naman siyang napasimangot at napabuntong-hininga.
"Kapatid mo pala si Hannah?" Tanong ni Charles kay Barbara paglapit nito habang ang mga mata ay nakasunod sa bawat galaw ni Hannah na abala sa pagme-make up at pag-aayos ng gamit.
"Unfortunately." Mapait na wika ni Barbara.
"Why?" Natatawa namang tanong ni Charles at napahinga ng malalim ng makitang papalapit na sa kanila si Hannah.
"Because she's a bratt na lagi akong iniinis." Sagot ni Barbara na mas lalo pang inilakas ang boses para marinig ni Hannah.
"Thanks for the compliment, ate." Sarkastikong ani niya saka bumaling kay Charles.
"Hi, Charles." Nakangiting bati niya sa lalake saka pinapungay ang mga mata. Kita niya ang pagkabalisa nito kaya lalo siyang napangiti. Mukhang may epekto siya sa lalake at kailangan niyang samantalahin iyon upang magtagumpay sa kaniyang plano.
"You are really cute." Pagpapatuloy niya sabay ang pagbibigay niya ng matiim na titig dito. Ang kapatid naman ay napaawang ang bibig na napatitig sa kanya.
Napatawa naman si Charles at napatitig sa kanya na parang binabasa ang nasa isip niya. Nakipaglaban siya ng titigan dito ngunit ito ang unang nagbawi ng tingin.
"So you're my sister's boyfriend?" Tanong niya dito.
"Y-yes. I'm one of his 'boy' friends." Sagot naman nito na nakatitig pa rin sa kanya.
"Oh..that's ouch, ate." Bulong niya sa kapatid. Inis naman siyang sinulyapan nito.
"Don't mind my sister, Charles. Pag-usapan na natin 'yung debate next week para makag-ready na tayo." Pag-iiba ng kapatid ng usapan. "Uwi ka na, Hannah." Utos ng kapatid. Napasimangot na lamang siya at saka nagpaalam sa dalawa.
Napangiti siya sa isiping hindi pala ito boyfriend ng ate niya kasabay ang isang pilyang ngiti saka muling sinulyapan si Charles bago siya lumabas ng ofis.