Chereads / Plan to Love You (Tagalog) / Chapter 8 - "J&S Nightmare"

Chapter 8 - "J&S Nightmare"

"I can't believe it! Si Charles talaga ang date mo?!" Hindi makapaniwalang bulalas ng ate niya ng pagbuksan ng pinto si Charles. Kasalukuyan siyang inaayusan ng buhok ng ina.

"Charles!" Nagsalubong ang kanilang mga paningin. Napakurap siya ng makita na lalo itong kumisig sa suot na tuxedo. Kita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

"Wow!" Ang tanging nasabi lang nito ng lapitan siya.

"Good afternoon, po." Baling nito sa kanyang ina at nagmano.

"Kagwapo namang bata nito. Anak ka ni Congressman Ponce Torres, iho?" Tanong ng ina. Nakwento kasi ito ni Barbara dahil ito ang bukang-bibig ng kapatid. Ngumiti at tumango lamang ang binata.

"Ma, tama na ang pag-iinterview kay Charles, Male-late na kami. Nauna na si ate." Natatawang paalam sa ina saka ito kinintalan ng maliit na halik sa pisngi. Inalalayan naman siya ni Charles pasakay sa kotse nito.

Pagsakay ng kotse ay ibinalot niya ang sarili ng dalang blazer.

"It's good you did that. You're almost nude." Komento nito na ikinailang niya.

"But you like to see it." Panunudyo niya. Napatawa naman ito.

"Yeah." Pag-amin naman nito. "But I don't want others to see it." Pagpapatuloy nito. Napatawa naman siya. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa marating nila ang auditorium.

"Wag kang aalis sa tabi ko, Hannah. Baka magkasalubong na naman kayo ni Rein." Utos nito sa kanya pagkatapos ng sayaw. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya saka siya iginiya papunta sa mesang wala pang nakapwesto at doon sila naupo.

"Charles, I can't believe she's the girl that you like." Ani ng isang magandang babaeng naupo sa tabi nila. It's Carmina Fuentes- ang reigning queen ng unibersidad.

"Hi, Carmi! She's not my girlfriend." Pag-amin naman ng lalake sabay sulyap sa kanya.

"That's good to hear. So hindi mo ba ako isasayaw?" Tanong ng babae dito. Agad namang naglahad ng palad ang lalake at masayang tinanggap ito ng babae.

Pasimangot siyang sinundan na lamang ng tingin ang dalawa. Hindi niya alam kung bakit nangingilid ang luha sa kanyang mga mata at tila sumikip ang kanyang dibdib.

"Hi! Hannah, right?" Pukaw sa kanya ng isang babae. Nakaramdam naman siya ng kaba ng makita si Shiela, ang babaeng nang-trip sa kanya noong nakaraang araw. Akma siyang tatayo ng pigilan siya nito.

"I'm here to say sorry." Ani nito. Napatitig siya dito at nakita naman niya sa mga mata nito ang sinseridad. Napatayo siya ng diretcho at hinarap ito.

"In fact. I have here a drink. Can we?" Nakangiting ani nito. Tumango naman siya. Pinagsalin siya nito sa kopita at pinagmasdan siyang lumalagok.

"Wh-what…" Bigla niyang bulalas ng maramdaman ang pagkahilo at tila umiikot ang kayang paningin.

"Sorry, Hannah." Nakangising bulong nito saka siya inalalayan. Bago magdilim ang kanyang paningin ay malalakas na bisig ang sumalo sa kanya.

Nasapo ni Hannah ang ulo pagmula niya ng mga mata. Laking pasasalamat niya ng makitang nasa sarili niya siyang silid.

"Hannah, anak.." Nag-alalang ani ng ina pagpasok ng kanyang silid.

"Anong nangyari, ma?" Tanong niya dito at dahan-dahan siyang naupo.

"Iniuwi ka ni Charles kagabi ng walang malay. May naglagay daw ng pampatulog sa inumin mo. Buti na lang daw at agad ka niyang napuntahan." Nag-aalalang paliwanang ng ina.

"Pina-blatter na namin ng daddy mo si Rein at 'yung Shiela. Tumawag si Charles kanina at binalita sa akin na ini-report na rin daw niya sa university ang nangyari at suspended na daw 'yung dalawa. Haaay, ano na ba ang nangyari kay Rein? Simula ng mamatay ang mga magulang ay napariwara na. Nakakalungkot talaga." Pagpapatuloy ng ina. Napabuntong-hinga na lamang siya.