Chereads / Plan to Love You (Tagalog) / Chapter 4 - "The Plans"

Chapter 4 - "The Plans"

"I told Charles to not accept you sa club." Pagbabalita ng kapatid habang nasa hapag-kainan sila at nagdi-dinner.

"You can't do that ate." May pagbabantang ani niya.

"Tama. Sumali ang kapatid mo Barbara. Dapat maging masaya ka, anak." Ani ng ina. Lihim naman siyang napangiti sa sinabi ng ina.

"Ma, hindi siya qualified sa team! Inapprove lang ni Charles 'yung application niya dahil nalaman niya na kapatid niya ako." Paliwanag ng kapatid na lalo niyang ikinasimangot.

"So approved na ate. Wala ka ng magagawa." Balik niyang ani na binalingan ng inis ang hawak na legs ng manok.

"Meron. Sinabi ko kay Charles na thrice mong tinake ang logic at bagsak ka pa last sem sa Philosophy. Paano ka sasali sa Debate Club na simpleng subject lang hindi mo madepensahan?" Ani nito. Halos umuusok na ang ilong niya ng lingonin ito.

"May point ang ate mo anak. Hindi ka rin makaka-survive sa club na iyon." Ani naman ng ama.

"Pa, naman..gusto ko talagang sumali dun..." Tila batang pagmamaktol niya.

Alam niyang kahit anong pagmamakaawa niya sa kapatid ay hindi ito makikinig sa kanya. Napasimangot na lamang siya.

"I need Plan B." Deklarasyon niya sa sarili habang sumusubo ng pagkain.

Kinabukasan, halos takbuhin na niya ang classroom para hindi siya mahuli. Hinihingal siyang naupo at bumaling sa kaibigang si Missy.

"Missy, I need you." Bulong niya dito. Napatitig naman ito sa kanya at bumuntong hininga.

"Hannah…" Reklamo nito. "Don't tell me di ka tinanggap sa Debate Club?" Tanong nito sa kanya.

"Tinanggap ako ni Charles. Kaso si ate…" Nakasimangot niyang sabi ng maalala ang sinabi nito.

"Well, kung ako ang ate mo 'yan din siguro ang gagawin ko." Pairap na sabi nito sa kanya.

"Missy…" Tila umiiyak na parang bata niyang sabi dito.

"Sige na, ililibre kita mamaya basta tulungan mo lang ako." Pagpapatuloy niya.

"Ano ba ang kailangan mo?" Tinatamad nitong wika.

"Kailangan na ako ang piliin ni Charles na maging date niya sa Junior at Senior's Night next week." Ani niya dito.

Napaawang naman ang bibig ng kaibigan at napatawa ng malakas.

"So type mo si Charles?" Di makapaniwalang bulalas nito.

"Ofcourse not!" Mabilis niyang sagot. "Gusto ko lang pagselosin si ate." Pagpapatuloy niya.

"So tungkol kay ate mo na naman ito. Hmmmm." Ani ng kaibigan na tila nag-iisip.

Tumango lamang siya na tila naiinip sa sasabihin ni Missy.

"Well…kailangan na magustuhan ka rin ni Charles. 'Yun lang ang paraan para yayain ka niya." Paliwanag nito.

Napasimangot naman siya sa isiping iyon.

"Paano? I'm sure negative na ang tingin niya sa akin ngayon dahil sa mga sinabi sa kanya ni Ate Barabara." Nakasimangot niyang ani.

"Hmm..This is the plan." Ani ni Missy. Seryoso naman siyang nakinig ditto. Magaling kasing match-maker ang kaibigan. Ito ang pinagtatanungan ng mga kaklase niyang sawi sa pag-ibig at 'yung mga gustong magkaroon ng pag-ibig.

"Plan number 1, kailangan mong malaman ang schedule niya para alam mo kung saan mo siya pwedeng makita."

Naalala niya na nakasulat sa pink notebook ng ate niya ang schedule nito. Agad niyang kinuha ang notebook sa bag kasabay ang isang pilyang ngiti ng makita ang kailangan.

"Plan number 2, dapat lagi ka niyang nakikita araw-araw."

SInigurado ni Hannah na di siya makikita ni Charles pagpasok nito ng canteen. Naghintay siya ng ilang minuto bago rin siya pumasok. Nakita niyang may dala itong tray ng pagkain at naupo sa mesa sa di kalayuan ng counter. Lihim siyang napangiti at nag-order din. Pagkatapos ay lumapit siya dito.

"Hi Charles! Pwedeng maki-table?" Nagpapa-cute niyang ani. Nag-angat ito ng paningin at tila nabigla ng makita siya.

"Ah..Su-sure." Tila napipilitan nitong ani saka inayos ang tray upang mailagay niya ang sa kanya.

Isang pilyang ngumit ang sumilay sa kanyang labi at naupo.

"So how's your philosophy now? Barbara told me that you failed it last sem." Pag-uumpisa nito at tila balewala siyang sinusulyapan sa pagitan ng pagkain nito ng pansit.

Napahinto naman siya sa akma sanang pagsubo ng sandwich at inis na napatitig dito. Bahagya naman itong natawa sa naging reaksyon niya.

"Kaya I need a favor." Pagkuwa'y ani niya. Napatitig naman ito sa kanya.

"What favor?" Tanong nito saka lumagok sa Coke in can nito.

"Kunin sana kitang tutor ko." Deklarasyon niya.

Napatitig naman ito sa kanya at tila nag-isip bago siya muling tinitigan.

"Then what can I have in return?" Tanong nito na inilapit ang mukha sa kanya. Napakurap naman siya at nag-iwas ng tingin dito.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo." Sagot niya saka tila nakipaglaban ng titigan dito.

Bumuntong-hininga ito saka muling sumubo ng pansit hanggang sa maging malinis na ang pinggan nito saka nilagok lahat ng laman ng inumin nito.

"Ok." Matipid lang nitong sagot. Nanlaki ang mata niyang napatitig dito.

"Wag mo akong titigan ng ganyan, Hannah. Tutulungan lang kita dahil kapatid ka ni Barbara." Balewala nitong sagot. "So available ka ba ng 5pm?" Tanong nito. Mabilis naman siyang tumango at masayang inubos ang pagkain sa kanyang tray. Natatawa naman siyang pinanuod ni Charles.

"Plan number 3, dapat ipakita mo na concern ka sa kanya."

Inilatag ni Charles ang mga libro sa kanyang harapan. Kasalukuyan silang nasa library. Kinuha niya ang isang box ng cookies sa kanyang bag at inilagay din sa mesa. Napakunot ang noo nito at napatingin sa kanya.

"Ako ang gumawa ng mga cookies na 'yan. Kain ka muna bago tayo mag-start. Alam kong pagod ka rin sa mga classes mo." Pagmamalaki niyang ani saka inalis ang takip ng box at kumuha ng isang cookie at iniabot dito. Kinuha naman ito ng lalake at saka kumagat.

"Hmmm, it tastes good." Ani nito saka kumuha pa ng isa. Napatawa siya saka sinimulang sagutin ang worksheet na ibinigay nito sa kanya habang sinusulyapan niya ito na tila nasarapan nga sa mga cookies niya.

Madali niyang naintindihan ang pinapaliwanag nito. Malinaw kasi itong magsalita at pinapasimple nito ang mga bagay-bagay. Kunwa'y seryoso siyang nakikinig dito ngunit pinapanuod lamang niya ang bawat buka ng bibig nito, ang bawat pagbukas-sara ng mga mapupungay nitong mga mata, at ang pagkumpas ng kamay nito habang nagpapaliwanag.

"May girlfriend ka na?" Tila wala sa sariling biglang sambit niya sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag nito.

"I will answer that 'pag napasa mo na ang subject na 'to." Sagot nito saka itinuloy sa kanya ang pagpapaliwanag.

Pagkatapos ng pagtu-tutor nito ay inilapag nito ang isang envelop na puno ng laman.

"What's that?" Nagtataka niyang tanong.

"Di ba sabi mo bilang kabayaran sa pagtuturo ko sa'yo gagawin mo kahit na ano? So here it is. I want you tally that. Bukas kailangan ko na 'yung summary." Paliwanag nito. Napaawang naman ang bibig niya at napatingin dito.

"Bukas na agad?!" Hindi niya makapaniwalang bulalas.

"Yes. May problem ba?" Tanong nito sa kanya. Napailing na lamang siya. Napatango ito at saka siya iniwan sa library. Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin.