"I am happy for you, friend. Nakuha mo na ang atensyon ni Charles!" Masayang bulong sa kanya ni Missy kinabukasan habang nasa loob sila ng room.
"Last three days na lang at J&S night na." Pagpapatuloy na wika nito.
"Tama. Alam ko na ang gagawin para ako ang maging date ni Charles." Ani niya sa kaibigan.
"That's good. I can't wait to see you two. I'm sure magseselos talaga ang ate mo sa'yo." Natatawang sabi ng babae.
Masaya siyang napatango-tango ngunit natigilan siya ng may isang babaeng naghulog ng isang card sa table niya. Agad din itong umalis sa room nila.
"Who's that?" Nagtataka namang tanong ni Missy. Kunot-noong kinuha naman niya ang card at binasa.
CAN YOU BE MY DATE IN J & S NIGHT? –Rein
"Rein? Rein as in Rein De Guzman?" Tanong ni Missy. Napatango naman siya at nasapo ang ulo.
"Oh my God, friend!" Bulalas nito. Nakwento na niya kasi ito sa babae.
Lumabas siya ng classroom at kinuyumos ang card at pagalit na itinapon sa basurahan. Alam niyang may mga matang nakamasid sa kanya. Nilingon niya ang paligid at natagpuan nga niya ang mga matang iyon. Nakatayo sa hindi kalayuan si Rein at kitang-kita niya ang pagdilim ng mata nito. Isang matalim na irap ang ibinigay niya dito at muli siyang pumasok ng room.
Tila napakabilis na oras ng araw na iyon. Ang pinakaikinakakaba niya ngayon ay ang katotohonang alam na ni Rein kung saan siya makikita at alam niyang hindi siya titigilan ng lalake. Alam niyang kahit kasama pa niya si Missy ay pareho lang silang walang magagawa dito.
"Charles!" Bigla niyang naisip ang calling card na ibinigay nito. Matapos niyang mai-save ang cellphone number nito ay tinext niya ito.
Hannah: Charles, si Hannah to. Tapos na ba ang klase mo?
Charles: Malapit na. Bakit?
Hannah: Hindi kasi ako makakapunta sa library mamaya. Nasa labas ng room ko ngayon si Rein. Natatakot ako. Please help me.
Charles: Sunduin kita sa room mo mamaya.
Hannah: Ok. Rizal Bldg, first floor, room 104.
Charles: Ok. Just wait for me.
Napahinga siya ng maluwag at maya-maya nga ay nakita niyang pasilip-silip si Charles.
"Oh my, Hannah. Charles is here." Kinikilig na bulong ni Missy. Agad naman siyang tumayo at kinuha ang gamit.
"Charles, thanks!" Tawag niya dito. Agad naman itong lumapit.
"He's here." Bulong nito sa kanya saka sumulyap sa gawing kaliwa kung saan nakatayo si Rein at pinagmamasdan sila.
"I told you." Bulong din niya kay Charles. Imbis na sumagot ay inakbayan siya nito.
"Tara." Muling bulong nito sa kanya. Napalunok naman siya sa paglapat ng mainit nitong braso nitong umakbay sa balikat niya. Pinagtitinginan sila sa pasilyo at kita niya ang tila nagseselos na mga itsura ng mga babaeng nadadaanan nila. Napahinga siya ng maluwag ng makapasok na sila ng library. Inalis na ng lalake ang pagkakaakbay sa kanya.
"Thank you talaga, Charles." Pasasalamat niya dito.
"Sa tingin ko hindi ka niya titigilan hangga't di mo siya mapaniwalang boyfriend mo ako." Balewala nitong ani. Napatitig naman siya dito.
"What do you mean?" Naguguluhang niyang tanong. Pormal ang mukhang tumitig ito sa kanya.
"Kaninang inakbayan kita, halatang tense ka." Ani nito habang tila hinahanp sa libro ang pahinang ituturo nito sa kanya.
"Dahil hindi ako sanay. First time akong akbayan ng lalake." Pag-amin niya. Napatitig naman ito sa kanya.
"So paano natin mapapaniwala si Rein? Kung gusto mo talaga na tigilan ka niya, pretend na ako ang boyfriend mo." Seryosong ani nito sabay sulyap sa kanya.
Napapikit naman siya sa isiping mahirap ang gusto nitong mangyari ngunit may bahagi ng utak niya na nagsasabing ito nga ang pinakamagandang paraan.
"Alam mong hindi yan madali, Charles. Pag nagkataon ay hindi lang si Rein ang maapektuhan kundi ang buong university. Parang kanina, pinagtitinginan tayo." Paliwanag niya dito. Mulin siyang seryosong tinunghayan nito.
"That's part of it. Kailangan mo lang i-ready ang sarili mo." Paliwanag nito. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nagtataka siya kung bakit patungkol lamang sa sarili niya ang sinaasabi ng lalake. Paano naman ito? Handa na ba ito kaya siya na lamang ang pinaghahanda ng lalake?
"Paano ka?" Tanong niya.
"Don't worry about me, Hannah. Hindi naman talaga totoo ang gagawin natin di ba so why bother?" Balewalang ani nito saka na nagpasimulang ibahin ang usapan at ipaliwanag ang susunod nilang topic.