"Ma, kailangan ko ng mag-rent ng dress. Two days na lang J & S night na." Naririnig niyang wika ng kapatid.
"Ako rin, ma." Sangat naman niya.
"Bakit, may date ka na ba?" Balik na tanong ng ate niya.
"Meron na. Bakit ikaw?" Balik din niyang wika.
"Wala pa. I have five invitations pero I am waiting for Charles." Pagmamayabang nito.
"Wag mo ng hintayin ate dahil siya ang date ko." Pang-aasar niya dito pero bahagya siyang napakagat ng labi dahil alam niyang wala pa siyang date.
Napatawa ang ate niya at tinunghayan siya.
"Patingin ako ng invitation card mo?" Sabay lahad ng palad nito. Isang irap ang ibinigay niya dito.
"Nagsisimula na naman kayong dalawa. Mag-ready na kayo dahil pupunta na tayo sa dress shop para makapili na kayo." Sabi ng ina. Sabay pa silang napatili ni Barbara.
Fierce red dress ang pinili niya dahil alam niyang iyon ang babagay sa perosnalidad niya. Pink floral dress naman ang pinili ng kapatid. Pag-uwi nila sa bahay ay muli niyang sinukat sa kanyang silid ang dress. Nagpaikot-ikot siya sa salamin at kakaibang nginit ang gumuhit sa kanyang labi. Alam niyang maraming lalake ang luluwa ang mata pag nakita ang backless dress niya at halos lumuwa ang kanyang dibdib. Ngunit sino nga ba ang date niya? Hindi maaring maging date niya si Rein. Agad niyang kinuha ang cellphone at neg-text.
Hannah: Charles, I have a problem.
Charles: What happened?
Hannah: Binigyan ako ni Rein ng invitation card for J & S Night.
Charles: Then don't accept it.
Napangiti siya sa reply nito.
Hannah: But I have no choice. Wala na namang ibang nag-invite sa akin.
Napahinga siya ng malalim at tila inip na hinintay ang reply ni Charles.
Charles: Fine. I'll be your date.
Halos mapasigaw siya sa reply nito. Nagtatalon siya sa higaan at tila pagal na nahiga at niyakap ang unan.
Hannah: Are you sure? I am sorry, Charles.
Charles: Don't feel sorry. See you tomorrow.
KInabukasan, practice para sa J & S Night. Lahat ng third year and fourth year college students ay pinapunta sa auditorium para sa orientation at final rehearsal.
Charles: Where are you?
Nabasa niya ang text nito. Rereplyan niya sana ito ngunit ay humila sa braso niya.
"Rein! Let me go!" Nagpupumiglas niyang ani ngunit malakas ito kaya nagawa siya nitong halos kaladkarin palabas ng auditorium at pabalandara siyang binatawan sa sulok.
"I'll be your date tomorrow." Matigas na deklarasyon nito. Sinalubong niya ito ng masamang tingin at inayos ang sarili.
"Rein." Pag-uumpisa niya na pilit hinamig ang sarili. "Charles is my boyfriend at siya ang ka-date ko." Mahinahong paliwanag niya.
"I don't believe in you. Kilala kita Hannah. Hindi mo type ang mga pa-good boy. So stop pretending." Nakangising ani nito saka mabilis siyang nilapitan at hinapit ang kanyang bewang. Agad naman niyang naituon ang mga palad sa dibdib nito.
"Let me go, Rein!" Kandaiyak niyang pagpupumiglas na pilit iniiwasan ang paglapit ng mukha nito.
"What do you think you're doing to my girl?" Pareho silang napatingin kay Charles na nakatayo na ngayon sa kanilang harapan. Madilim ang mukha nito at nakakuyom ang mga kamao ng makita ang pagpupumiglas ni Hannah. Hindi na nakailag pa si Rein ng isang malakas na suntok sa mukha ang ibinigay ni Charles dito.
Mabilis na niyakap ni Hannah si Charles upang pigilan pa itong muling suntukin ang nakalugmok na si Rein. Alam niyang pag may nakakita sa kanila ay maaring madala sa office ang lalake. Alam niyang maganda ang standing nito sa unibersidad at pag nasira iyon ay hindi niya mapapatawad ang sarili.
"Let's go." Ani ni Charles saka siya hinila sa parking lot at iginaya asakay sa kotse nito. Tahimik lamang siyang pinagmasdan ito habang nagmamaneho.
"I'm sorry, Charles." Kagat-labing ani niya habang pinagmamasdan ang namumula nitong kamao.
"That guy.." Madilim ang mukhang ani nito. "Why are not you replying with my texts?" Galit na baling nito sa kaniya saka napabuga sa hangin. Ito ang unang beses na kita niyang galit ang lalake.
Imbis na sumagot ay humalukipkip na lamang siya.
"Hindi na talaga tayo makiki-practice?" Pagkuwa'y tanong niya dito.
Imbis na sumagot ay inihinto na ng lalake ang sasakyan.
"Samahan mo na lang akong pumili ng isusuot ko bukas na babagay sa dress mo." Ani nito saka siya iginiya papasok ng clothes store.