Mabilis ang ginawang pagkaripas ng takbo ni Hannah papasok ng kanyang silid saka pinagkasya ang sarili sa ilalim ng kanyang higaan. Napakagat siya sa labi ng marinig ang malakas na sigaw ng kanyang panganay na kapatid na si Barbara.
"Hannah! Hannah! Ibalik mo sa akin 'yun!" Nanggalaiting sigaw ng kapatid mula sa labas ng silid hanggang sa pabalandra nitong buksan ang pinto.
Tinakpan niya ang bibig upang pigilan ang tawang kanina pa gustong kumawala sa kanyang lalamunan. Bigla siyang napatili ng hilahin ng kapatid ang kanyang paa upang mailabas siya sa ilalim ng higaan.
"At tataguan mo pa ako?! Ilabas mo ng 'yung notebook ko!!!" Galit na sigaw nito sa kanya habang nakahiga pa rin siya sa sahig.
"Wala nga sa akin!" Balik na sigaw niya dito saka siya madaling bumangon at kumaripas ng takbo palabas.
"Hannah!!!!" Kinig niyang sigaw ni Barbara.
"Girls, it's early in the morning! Male-late na kayo!" Naiiritang ani na ina nang maabutan ni Hannah sa kusina, kasunod ang ate nito na pulang-pula sa galit.
"Ma, nawawala 'yung notebook ko. Exam pa naman namin ngayon." Mangiyak-ngiyak na reklamo nito.
"At ako ang pinagbibintangan niya, ma." Pairap na wika niya saka umupo sa upuan at kumagat sa hotdog na nakahain.
"Wala namang ibang kukuha nun kundi ikaw!" Mabilis na asik ng kapatid.
"Hindi nga ako!" Matigas niyang wika.
"Haaay, tumigil na kayo! Oras na. Makikita mo rin mamaya 'yun sa bag mo." Pampalubag ang loob na wika ng ina. Wala namang nagawa si Barbara kundi magmadaling kumain at daanin na lang sa masamang tingin ang bunsong kapatid na tila walang anumang kumakain.
"Ang ganda yata ng ngiti mo ngayon, Hannah. Mukhang may ginawa ka na namang kalokohan." Natatawang bati sa kanya ng kaibigang si Missy pagpasok niya ng kanilang classroom.
Tumango siya at inilapag ang bag sa kanyang desk saka inilabas ang isang pink na notebook.
"That's right. I got her notebook para bumagsak siya ngayon sa test niya. Ha! Ha!" Humalakhak pa siya ng nakakaloko saka naupo at sinimulang siyasatin ang bawat pahina ng notebook na hawak.
Naiiling naman siyang pinagmasdan ng kaibigan.
"Kung ako ang ate mo, nasabunutan ka na sa akin." Pairap na ani ni Missy habang nakapukol pa rin ang mga mata sa kanya.
"Well, hindi niya ako kaya. Missy." Muli siyang napahalakhak ngunit napatigil siya ng may makita sa isang pahina ng notebook nito.
"Hmm.. Charles?" Ani niya na iniisip kung may kakilala siya na ganoong pangalan. "It sounds familiar." Pagpapatuloy niya.
"Baka si Charles Gabriel Torres 'yan, 'yung president ng Debate Club. Classmate siya ni ate mo di ba?" Ani ni Missy.
"Bakit di ko siya kilala?" Seryosong ani niya.
"Dahil wala kang pakealam sa mga boys. Puro kalokohan sa ate mo ang inaatupag mo." Pang-aasar ng kaibigan.
Sinamangutan naman niya ito.
"So boyfriend kaya siya ni ate?" Tanong niya ng makita ang nakasulat na "I Love Charles" sa gitna ng pahina. "O crush niya?" Muli pa niyang tanong. Sa isiping iyon ay isang pilyang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
"Alam ko wala siyang girlfriend kahit andaming girls na nagkandarapa sa kanya. Kasi ba naman gwapo at sobrang talino." Paliwanag ng kaibigan.
Nagpatango-tango lamang siya habang hindi pa rin napapawi ang kanyang kakaibang ngiti.
*******************************
Na-excite ba kayo sa kwento?
Maari na ninyong mabasa ito ng buo! Available na ang aking nobela sa SHOPEE! Eto po ang link:
To all my avid, readers: You can buy this novel in Shopee at https://shopee.ph/-PLAN-TO-LOVE-YOU-(Romantic-Tagalog-Novel)-Kiligin-sa-Ganda-ng-Istorya-i.527970635.14039621340?sp_atk=ad64e752-b526-4465-
Thank you po!