Chapter 5: Summer Vacation
Harvey's Point of View
After 6 hours of driving ay nakarating na rin kami sa dagat ng Fuerto Hallera. Si Jasper ang nag drive kanina matapos kumain 'tapos pumalit din kay Reed nung makaramdam ng kaunting pagod.
Isinara na namin ang pinto at inilibot ang tingin sa paligid. Mula rito ay naririnig na namin ang hampas nung alon.
Ilang oras na lang din bago lumubog ang araw. Buti na lang din at nakaabot kami rito ng hindi ginagabi.
Nagbuga ako ng hininga sa pagod at tiningnan ang puting buhangin bago ang mga kaibigan ko na nagkanya-kanya na ng buhat nung gamit.
"Tara na, magpahinga na rin tayo pagkatapos." Sambit ko.
Ngumuso si Mirriam at tiningnan ang dagat sa hindi kalayuan. Nagsisimula na rin kaming maglakad papasok sa resort.
"Sayang. Gusto ko pa namang mag swimming kaagad." Parang nanghihinayang na wika ni Mirriam.
Inayos naman ni Jasper ang pagkakabuhat doon sa dala-dala niyang bag.
"Mag swimming ka, madaanan mo sana 'yung dikya" biro ni Jasper pero inirapan siya ni Mirriam at sinipa ang pwet-an nito. "Aray!"
Nauna na akong naglakad papunta roon sa rest house. Hindi ito ang unang pagkakataon na pumunta ako rito. Iyong huli ay noong kasama ko sina Mom and Dad last three years ago.
Gumamit lang kami nung Boodle map-- isang internet location map para lang marating ang lugar na ito. Saka pina-reserve ko na talaga ang rest house na iyon one week before kami pumunta rito.
Sigurado kasi kaming maraming tao rito dahil nga Summer.
Sa harapan ng rest house na ni-rent ko kung saan ito rin ang ginamit namin noon nila Mom ay binuksan ko na ang pinto.
Dali-daling pumasok ang mga kaibigan ko para itabi ang mga gamit at dumiretsyo sa sofa para magsi-upo.
Nag-unat si Haley sa single sofa pagkaupo pa lang niya roon. Pagkatapos ay tiningnan kami. "Mag early dinner na lang ba tayo?" Tanong niya sa amin. At syempre, kapag usapang pagkain. Hindi magpapatalo si Kei roon. Kaya 'agad din siyang nagsalita.
"Oo! Mag early dinner na lang tayo! Gutom na ako dahil sa biyahe!" Tugon niya habang nakataas pa ang kamay na parang nagre-recite. Tumango naman ako pagsang-ayon.
Tumayo si Haley at ngiting napatango. "Sure."
Napatitig ako nang kaunti sa ngiti ni Haley. I'm just thinking if Lara was still alive. Ganito rin 'yung magiging itsura niya ngayon.
Tiningnan ko naman si Kei na ngiti ring nakatingin kay Haley. Tinitigan ko ang Sapphire blue eyes niya't naglabas ng hangin sa ilong.
Why do I have to think about it?
Tumayo na rin si Mirriam. "Magluluto ka? Tulungan na kita" pag-aalok niya ng tingin.
Gaya ni Mirriam ay tumayo na rin si Kei. "U-uhm, I'll help."
Magsasalita sana si Jasper nang unahan na siya ni Kei. "Ayusin niyo na lang 'yung mga gamit. Kami na lang ang magluluto." ngiting wika niya habang nakataas ang dalawa kilay. May black aura siya sa paligid niya. "Baka makabasag nanaman kayo, eh" She added. Medyo umatras si Haley at Mirriam dahil doon.
Tumalikod na sa amin si Kei para mauna sa kusina samantalang sumunod lamang sina Mirriam sa kanya para makapagsimulang maghanda at magluto.
Binatukan ko naman bigla si Jasper noong maalala ko 'yung binasag niyang pinggan dati na hindi na niya na bayaran. "Iyong bayad mo pala sa pagkakabasag ng pinggan ko sa bahay? Nasaan na?" Lahad ko sa mga palad ko. Utang niya, kailangan na niyang bayaran.
"Ano ka ba naman! Iyong natitira kong pera pang tatlong buwan na lang 'yon. Palagpasin mo na lang, oh? Ayokong gamitin 'yung credit card!" Parang nai-stress niyang paliwanag.
Umiling ako. "Hindi! Wala akong pakialam! Bayaran mo! Ayoko ng Credit Card, gusto ko cash!" Sabay hawak sa manggas ng damit niya. Inalog-alog ko rin siya.
"Oy? May 500 dollars sa wallet ni Jasper, oh? Padala ni tita?" Tanong ni Reed na kinakalikot pala ang small bag ni Jasper. Inilabas din niya iyon at winagayway pa sa ere.
"T*ngina mo talaga, Reed Evans!" mura ni Jasper kaya mas lalo kong inalog si Jasper.
"Bayaran mo!" hindi na nagbago 'tong taong ito!
"Huwag kang kuripot! Ang yaman yaman mo kaya ba't kailangan mo pa 'kong singili--" inaalog-alog ko ulit siya.
Hindi ako sumang-ayon. "Hindi! Bayaran mo sabi, eh!"
Nilingon ni Jasper si Reed. "Oy! Iyo pisong inutang mo sa akin kahapon? Nasaan na?" Aba, kausap ko 'yung tao tapos biglang iba ang kakausapin?
Kumunot-noo si Reed. Nawirduhan sa nasabi ni Jasper. "Piso na nga lang, sinisingil mo pa!" Inalis ni Jasper ang kamay ko sa kwelyo ng polo shirt niya't hinawakan ang manggas ng damit ni Reed
"Paano kung nagkulang ako ng pamasahe sa jeep? Hindi ba't mangangailangan ako ng piso?
Oh, ano? Paano? Paano!? Paki-explain. Love yo--" binatukan namin ito ng sabay ni Reed.
"Siraulo!" sabay na bulyaw namin ni Reed kay Jasper
Humawak si Jasper sa ulo niyang binatukan namin. "Aray ko naman! Kapag ako talaga naging bobo!"
I glared at him. "Huwag mo ako takasan Jasper Kyle Villanueva. Kako 'yung bayad mo? Akin na." sabay extend ng kamay ko na para bang may kukunin sa kanya.
Nilingon naman ni Jasper si Reed. "Huwag mo 'ko takasan Reed Evans, yung utang mo, akin na" siguro kung hindi ko kaibigan 'tong baliw na 'to, nasipa ko na siya paalis dito.
Tumalikod si Reed at tinuro ang pwet-an niya. "Hanapin mo sa pwet ko. Dalian mo."
Napa-bored look na lamang si Jasper dahil doon samantalang napasapo na lang din ako sa mukha.
***
INAKYAT NA MUNA namin ang mga gamit namin sa taas. Dalawa ang rooms pero good for 6. Napaka lawak at hiwa-hiwalay rin ang kama. Tig dawala lang din ang cabinet pero sapat na rin para sa amin. Hindi naman ganoon karami ang mga gamit namin para ilagay sa loob nung cabinet.
Magka-kwarto ang mga lalaki sa kaliwa malapit sa hagdan samantalang na sa kanan ang room ng mga babae. Pareho kaming may mga balcony para ma-view ang magandang dagat sa labas.
Kung hindi nga rin ako nagkakamali ay may makukulay na ilaw ding nakasabit sa mga coconut trees and post lights kaya maganda ring pagtamabayan tuwing gabi.
Pumasok na kami sa kwarto namin matapos mailagay ang gamit nila Kei sa kanilang kwarto.
Humiga ako sa kama dahil sa pagod, pero nagulat na lang nung daganan ako ng dalawa. P*tangina. Ano nanamang trip ng mga hayop?!
"Ang bigat! Tang*na niyo, umalis nga kayo diyan!" Pasigaw kong utos dahil hindi na ako makahinga sa sobrang bigat nila.
"O fafa Harbe, tigas tigas ng dibdib mo, kyaaa ~" malanding wika ni Jasper habang wala lang pakialam si Reed at nakahiga lang sa likod ni Jasper. Hindi pa nga nakuntento si Reed dahil ini-stretch pa niya 'yung katawan niya roon na nakapagpadagdag ng bigat.
Sa inis ko, inilabas ko lahat ng lakas ko para mapatumba sila sa kama.
"Aww fafa Harbe, pati ba naman ang napaka ganda kong pwetty? Dinadamay mo pa?" Pagbabakla baklaan ni Jasper habang hinihimas ang pwet niya. Tumatawa naman nang tumawa si Reed.
'Di ko na nga lang sila pinansin at binato lang sila ng unan.
Kei's Point of View
Nandito kami sa dirty kitchen at kasalukuyan kong dinudurog ang buong dugo ng baka. Gagawa kasi kami ng dinuguan.
Hindi talaga ako marunong magluto dahil ang gusto kong gawin ay ang mag bake. Pero okay na rin siguro 'to para kahit papaano ay nakatulong ako.
"Mirriam, pakiabot naman sa akin 'yung pampalasa" utos ni Haley habang binubuksan ang kalan. Kinuha ni Mirriam ang pampalasa't inabot kay Haley. "Here"
Buti na lang at kumpleto kami sa kailangan namin dito. Bawat rest house, mayro'ng kagamitan. Iche-check na lang nila 'yung mga ginamit namin before we leave 'tapos babayaran namin.
Busy kami sa mga ginagawa namin nang marinig namin ang mga boses ng mga boys sa taas. Tapos naririnig ko pang sumisigaw si Harvey kaya tumingala ako. Ano'ng nangyayari sa mga 'yon?
"Kapag talaga nagsasama 'yung tatlong iyon. Ang ingay." ani Mirriam habang nagsasaing na ngayon.
Napatingin ako kay Haley na napahawak sa noo niya habang nakapatong ang isa niyang kamay sa edge ng marble. Naghugas na muna ako ng kamay bago siya lapitan. "Sis? Okay ka lang? Anong masakit?" Nag-aalalang tanong ko. Napatingin na rin si Mirriam sa gawi namin.
Saglit siyang nakapikit nang mariin hanggang sa umiling ito at nginitian ako.
"Ah, pasensya na, dahil siguro sa init kaya bigla sumakit 'yung ulo ko" sagot niya pero medyo hindi ako na-convinced.
Lumapit sa amin si Mirriam, "Kami na lang ang bahala, magpahinga ka na roon. Kaya naman namin magluto ng dinuguan"
Umayos ng tayo si Haley. "Don't worry, I'm okay" pagpapanatag niya at bumalik sa kanina niyang ginagawa. Napatingin ako kay Mirriam nang makita ko sa peripheral eye view ko ang paglingon niya sa akin.
Jasper's Point of View
Hinuhubaran namin ni Harvey ng pantalon si Reed. Naglalaro kasi kami ng truth or dare kung sa'n DARE ang pinili niya. Sinabi naming maghubad siya bilang consequence sa sagot niya pero siya naman itong ayaw gawin.
"Wala namang ganyanan!" Sigaw ni Reed habang pulang pula ang mukha. Humalakhak ako dahil sa itsura niya. "Tang*na naman, oh!"
"Bakit 'tol? Supot ba?" Dahil sa sinabi ni Harvey, nabitawan ko si Reed at tumawa nang tumawa.
"SUPOT ka pala Reed, eh!" Pang-aasar ko't napahawak na sa tiyan. Buwisit, sumakit na sa katatawa ko.
"Gag*!" Hindi ko lang pinansin ang mura niya at hinubaran lang ulit siya.
Bumukas naman ang pinto kaya napatigil kami.
"Kakain na tay--" hindi naipagpatuloy ni Mirriam 'yung sasabihin dahil sa nakita niya. Naka boxer lang kasi ngayon si Reed eh. Wala na s'yang suot na pang itaas.
"Patay." walang ganang sabi ko samantalang napalunok naman ng sariling laway 'yung dalawa.
Malakas na tumili si Mirriam. P*ta. Tomboy pero tumitili.
"Ano'ng ginagawa n'yo?! Mag pantalon ka nga, manyakis ka!" At pinagbababato na kami ni Mirriam ng kung anu-ano. Alarm clock, bote ng pabango, suklay, 'yung sabon, pati nga cellphone ko na ihahagis pa lang niya.
Tumayo kaagad ako. "Huwag 'yang phone ko! Mahal ko 'yang baby ko na 'yan!" Saka ako mabilis na lumapit sa kanya para makuha ang phone ko. Ngunit dahil sa napakalaki kong shunga, natapilok ako papunta sa kanya. Nasama siya sa pagtumba ko.
Naka push-up posisyon ang kamay ko habang nakaluhod ang mga tuhod ko. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin habang namumula ang pisngi. Tama, nakapatong lang din ako sa kanya tulad ng mga napapanood niyo sa pelikula't anime.
Napaka amazing, ano?
"Hey, anong nangyaya--" Napasinghap si Kei nung makita niya kami. "Ano'ng ginagawa niyong dalawa?!" Namumulang wika ni Kei habang nakatakip ang mukha gamit ang dalawang kamay.
"This.Is.Love!" Dahan-dahang sabi ni Haley na may pag form pa ng heart gamit ang kanyang kamay.
Namula ako habang mabilis na umiiling-iling na nakatingin sa kanila. "H-hindi! Mali 'yung iniisip niy--" Mirriam cut me off.
"Hindi ka ba aalis diyan?!" Ibinaba ko ang tingin kay Mirriam kasabay ng pagsapak niya sa mukha ko.
Sa sobrang lakas nung impact, para akong napaikot na 'di mo malaman. Pabagsak kong inilapag ang dalawa kong kamay sa malamig na semento.
"Whoa! Knock out!" Sabay na sabi ni Harvey at Reed habang sumusuntok sa ere. Tarantado talaga.