Chapter 10: Bonds
Kei's Point of View:
Kinabukasan noong magpasya kaming mamangka. Siyempre may kasama kaming mag a-assist dahil wala naman kaming alam sa dagat.
Nagdala ako ng sunblock incase na ang marent-ahan namin ay walang silungan.
Hindi sa pagiging maarte, sadyang summer kasi ngayon at sobrang sakit ng araw sa balat.
Inaayos ko ang bangs ko sa mirror noong mapatingin ako sa gawi ni Jasper na nakaupo sa single sofa at nakikipagtalo kina Mirriam at Reed.
"Ayokong sumama, mangingitim lang ako! Baka magkaroon din ako ng sun burn!" Sabi ni Jasper at humalukipkip pagkatapos.
"Summer ngayon. What do you expect? Ang arte mo, ah?!" Naiiritang sabi ni Mirriam.
Humarap naman ako sa kanila. "Mag sunblock ka na lang, Jasper."
Umiling-iling siya. Hindi sang-ayon sa sinabi ko. "Ayoko. Iitim pa rin naman ako! Sinasabi lang naman 'yan sa commercial pero isa rin sa SCAM." nguso nitong katwiran na animo'y bata.
Hinampas naman siya ni Mirriam gamit ang rolled magazine sa kanyang ulo.
"Ang dami mong reklamo! Daig mo pa 'yung mga babae magreklamo!" Bulyaw ni Mirriam kay Jasper.
"Bakit?! Totoo naman, eh! Nangingitim na nga ako dahil sa summer training na 'yan, eh!"
Naglabas lang ako ng hagin sa ilong 'tapos napatingin kay Haley na naroon lang din sa single sofa.
Nakatingin lang din siya sa malayo na tila parang may iniisip. Pagkatapos ay tumayo siya't naglakad paalis.
I was about to reach her pero hindi ko itinuloy. Hinayaan ko muna siya. I'm thinking na this isn't the right time to talk about things related sa nakaraan niya. Hahayaan ko muna siya dahil mape-pressure lang siya if I do that. Lumabas na lamang kami nila Mirriam, Harvey at Jasper.
Ayaw pa nga sanang sumama ni Jasper pero sapilitan na lang siyang hinila ni Mirriam.
Dito lang din kami sa hindi ganoon kainit na pwesto kung saan humaharang ang dahon ng coconut tree para hindi tumatama masyado sa amin iyong araw.
Sina Reed at Haley naroon pa sa loob, hihintayin naming lumabas.
Tutal hindi pa dumarating 'yung mag a-assist sa amin mamangka. Hindi naman namin alam ang pasikot-sikot dito, eh.
Nginitian ko lang sina Mirriam na nagbubulyawan pa rin sa tabi saka ibinaling ang tingin kay Harvey na malayo ang tingin. Kinuha ko ang hibla ng buhok ko't pinaikot-ikot iyon sa aking daliri.
Seriously, wala man lang ba siyang maiko-comment sa suot ko ngayon na Bahama Blue Black two piece?
Napanguso ako at isinuot na lamang ang fitted thin jacket ko na nakasabit kanina sa balikat ko.
Pagkatapos ay pasimpleng tumabi kay Harvey. Paiba-iba ang direksiyon ng tingin ko nang kalibitin ko siya sa pamamagitan ng paghila ko ng pababa sa kanyang White Jacket. Bukas ang zipper niya kaya nakikita ang kanyang dibdib.
Hindi siya lumingon sa akin at tiningnan lang ako mula peripheral eye view.
'Di ko tuloy magawang sabihin 'yung gusto ko. Ang stunning niya masyadong tingnan na nakakapagpaurong ng dila.
"Alam mo ang KJ mo, Jasper!" Rinig ko pa ring sigaw ni Mirriam.
"Hehh?!" reaksiyon ni Jasper.
Kinuha ni Harvey ang Summer straw hat ko't isinuot sa aking ulo. Hinawakan ko naman ang straw hat ko't inangat ang tingin sa kanya. He lowered his body para mapantayan ako.
Ang lapit tuloy ng mukha niya at nakikita ko ang sarili ko sa itim niyang mata. "Baka masilaw ka."
Tumibok ang puso ko at tumalikod sa kanya para hawakan ang dalawa kong pisngi.
Ibinaba ko lang ang mga kamay ko noong makarinig ako ng pag click ng camera.
Inangat ko ang tingin ko at hayun, bumubungisngis si Mirriam while Jasper is grinning at us.
"Don't mind us, continue n'yo lang 'yung lovey-dovey moment n'yong dalawa." Pang-aasar ni Mirriam na nagpamula sa mukha ko.
"What are you saying?" Parang nahihiyang tanong ni Harvey saka lumabas sa rest house si Haley na may suot na ngiti. Nakasuot lang siya ng white sando at black short. "Sup! Nasa'n si Reed?" Hanap ni Mirriam kay Reed.
Nilingon niya ang rest house at tinuro ito. "Nasa loob pa, may inaayos lang. Sunod na lang daw siya." Sagot niya sa tanong ni Mirriam saka napatingin sa akin at mas malapad na ngumiti.
"You look great, sis." pagpuri niya sa akin kung saan bigla kong naalala na hindi naman talaga madalas magbigay ng praising words si Haley.
Napangiti na lang ako. "Of course." confident kong sabi.
"Hoy. Wala kayong balak ipa-delete?" Tanong ni Jasper habang hawak ang cellphone ni Mirriam. Tinutukoy niya iyong kinuhanan nilang litrato namin ni Harvey.
"Uy, akin na 'yan, Jasper!" pag-abot ni Mirriam sa sarili niyang phone habang inilalayo lang iyon ni Mirriam.
"Sus. Ipa-bluetooth ko pa iyan, eh." walang ganang sabi ni Harvey.
"Nevermind." Ani Jasper at ibinaling ang tingin sa rest house. "Ang tagal naman no'ng Reed na 'yon. Alam ba niyang bawal pinaghihintay ang boss niya?" Muling pagse-self proclaim ni Jasper sabay lakad papunta sa rest house pero bago pa man siya makatuntong doon ay natapilok pa siya. Ngunit kaagad ding tumayo at tumawa na animo'y wala lang.
"Acting lang!" At mabilis siyang pumasok sa loob. Bumuntong-hininga na lamang kami.
"Ah, nakalimutan ko 'yung salamin ko. Balikan ko lang." paalam ni Haley saka pumasok muli sa loob ng rest house.
"Siya nga pala, Kei." Lumingon naman ako kay Mirriam noong makalapit siya sa akin. "Kailan daw ulit balik ng dad n'yo? Nakapag-usap na ba sila ni Haley?" tanong niya na inilingan ko bilang sagot.
"Walang binabanggit si Daddy. Saka sa tuwing tatanungin ko kung kailan niya kakausapin si Haley. Hindi n'ya magawang masagot kaagad." nagbuga ako ng hininga. "And I'm looking for a right time para bigyan ng push si Dad."
Gumuhit ng ngiti ang labi ni Mirriam. "I'm glad ma-okay okay na kayo ni Tito Lesley." nginitian ko lang din siya.
"Hindi pa gaano, but atleast."
"Good afternoon." Pareho naming tiningnan 'yung mag a-assist sa aming mamangka na sakto rin namang paglabas nila Reed.
***
NANDITO na kaming anim sa barko at namamasyal habang tinatanaw ang kagandahan ng isla. VIP kami at walang kahati kaya nagagawa naming makipag-ingay.
Mayroon ding silungan itong barko kaya hindi kami ganoon naiinitan. Pero mangingitim kami dahil sa hangin.
Doon daw kami pupunta sa Imperio Island kung tatawagin. Maliit lang siya na isla na 'di ganoon lalayo mula rito at mayroon namang mga nagbabantay. Pero hahayaan nila kaming libutin ang loob niyon.
"Uy, okay ka lang Haley?" Napatingin ako kay Mirriam na nilapitan si Haley na nakaluhod lang doon sa gilid at takip-takip ang bibig.
Tumayo na rin ako para i-check 'yung kapatid ko. Hinawakan ko ang balikat niya 'tapos sinilip ang mukha niya. "Buntis ka?" Seryoso kong tanong pero biro lang.
Pabiro naman akong sinabunutan ni Mirriam. "Gaga ka, Kei. Hindi pa nga sila ni Reed, buntis kaagad?"
Mukha namang narinig ni Reed 'yun kaya napatingin siya sa gawi namin na ngayon ay mapula ang mukha. Kita ko reaksiyon niya kahit medyo madilim sa parte niya.
"Ba't ako nanaman ang nadamay riyan?!"
Ibinaling ko ulit kay Haley ang atensiyon ko't hinagod ang likod niya. Nakatungo lang siya habang tinitigan ko siyang mabuti just to think the possible future between us.
Will she be okay?
Mirriam's Point of View
Nakababa na kami sa barko nang marating ang dapat na puntahan. Sobrang lawak nung lugar, at pati rito at napakaputi nung buhangin. Pero kumpara sa lugar kung nasa'n ang rest house ay mas malinaw ang tubig dagat dito. Makakakita ka kaagad ng star fish.
I took some photos para ipadala sa kuya kong nangungulit. Kuhanan ko raw ng picture si Haley ng hindi niya alam which is hindi ko pinayagan. Nag seen lang ako sa kanya.
Sobra siya, hindi siya gumawa ng effort pumunta rito. Sus.
Muli akong nag took ng photo. Pagkatapos ay sinilip ang gallery.
Napansin ko roon si Jasper na madalas mag photobomb dahilan para inis kong itiningala ang tingin ko sa lalaking iyon na nakangisi sa akin at patakbong lumayo. Hayop!
Umirap ako sa kawalan pero napangiti rin ng wala sa oras. Muli kong tiningnan ang mga photos at nag zoom. Si Jasper ang tiningnan ko habang hindi namamalayan na nakangiti na pala ako.
"What's that?" Silip ni Haley sa camera. Tiningnan ko siya saglit tapos tinignan ulit 'yung screen.
"Ah, ito ba? Si Jas--" Napatili ako sa gulat noong ma-realize na si Haley pala ito. Mabilis kong itinago ang phone ko. Ayun ang gamit ko para kumuha ng litrato. Kagulat ka naman, eh!"
Tumawa naman siya at saka ako nginitian. "Patingin ng mga kuha mo kay Jas--" Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Haley at tumingin sa kaliwa't kanan para tingnan kung may nakikinig ba sa amin. Pagkatapos ay tiningnan ko ulit ang bruhang ito.
"Shh! Makasalanan iyon kapag ipinagpatuloy mo 'yung sasabihin mo" tumangu-tango naman siya dahil na-gets niya ang sinasabi ko.
"Hey let's go, baka maiwanan kayo riyan!" Rinig naming sabi ni Reed kaya sumunod na nga kami ni Haley.
Dito raw kasi kami matutulog. Gusto kasi naming maranasan mag camping sa mga ganitong lugar.
Nagdala lang kami ng sapat na gamit pero hindi ganoon karami.
Nasasabayan na namin ang paglalakad nung apat nang mapatingin ako sa gawi ni Harvey na buhat-buhat ang gamit ni Kei. "Sana all may jowa." Bulong ko at muling napatingin kay Haley na ngayon ay nakabusangot na nakatingin kay Reed.
It's been awhile since I saw this kind of reaction. "Haley." tawag ko sa kanya kaya namilog ang mata niya't napatingin sa akin.
"Y-yes?" Tanong niya.
Nakaawang ang bibig ko, animo'y may sasabihin nang itikum ko na lang.
Ngumiti ako nang pilit. "No, it's nothing." Sagot ko na lang at bumaling ang tingin.
Wala ba siyang naaalala kahit na isang frament memory?