Chapter 12: My Other Half
Miles's Point of View
Bumaba ako mula sa kwarto upang pumunta sa dining room kung saan nandoon na pala sina Mama ganoon din ang parents ni Harvey. Magalang ko silang binati bago umupo sa pwesto ko.
Ilang araw na silang medyo relax dahil off daw sila sa trabaho. Pero babalik din sila kaagad, hindi rin magtatagal.
"How are you, Haley? Nag enjoy ba kayo sa bakasyon n'yo?" tanong ng step dad ko. Kinuha ko ang kutsara't tinidor bago siya ngiting sinagot.
"I'm fine po. Naging masaya rin po 'yung bakasyon." Sagot ko 'tapos napatingin sa bandang sala. Wala pa sina Reed, Kei, at Harvey at siguro ay mga natutulog pa sa mga kwarto nila dahil mga nagpuyat pa talaga kami para mag movie marathon. Siguro ala-una na kami mga nagsitulog.
Si Jasper, bumalik sa mansion nila tutal ay magkatabi lang naman kaya hindi na siya rito natulog.
Ibinaling ko na lang ang tingin sa pagkain. Matapos kong halughugin ang mga gamit ko noong makauwi kami mula sa bakasyonan ay hindi na ako muling nangalikot ng gamit ko.
Medyo natatakot kasi ako na baka may maalala ako na 'di naman dapat.
"Ay, siya nga pala, Haley." Panimula ni Tita Cory kaya napatingin ako biga sa kanya.
"Nakwento sa akin ni mama mo si Lara." Banggit niya sa isang pangalan na 'di ko pa naririnig.
"Lara?" Banggit ko sa pangalan.
Pilit na natawa si Mama. "Pasensiya na. Sa sobrang busy kasi natin, 'di ko masyadong naku-kwento kay Haley 'yung tungkol sa kambal niya kaya wala siyang idea." Tugon ni Mama dahilan para sa kanya naman ako mapalingon.
"May Kambal po 'ko?!" Hindi makapaniwalang tanong. Si Mama talaga! Ilang buwan na akong walang memorya pero 'di man lang niya sinabi sa 'kin na mayroon pala akong kapatid. Pero nasa'n naman siya't hindi ko nakikita?
"Ikaw talaga, Rachelle." Naiiling na sambit ni Tita Cory na may paghampas pa sa ere. Tiningnan niya ako pagkatapos. "Well, I guess I'm not supposed to tell you about her at all." Sabi niya 'tapos pinunasan ang bibig bago tumayo. "Pupuntahan ko muna si Hon" Tukoy niya kay Tito Alexander-- 'Yung tatay nga ni Harvey. "...At hindi pa bumabangon. Usap lang kayo." Paalam niya't umalis.
Muli kong inilipat ang tingin kay Mama. "Nasa'n pala si Lara?" Tanong ko.
Nakangiti siya nang makita ko sa mata niya ang kaunting lungkot. "Well about that, she's not here anymore." Malumanay niyang sagot habang humihigop lamang ng sabaw si papa.
Nanlaki naman ang mata ko at napatungo. Nakaramdam ako bigla ng kirot sa dibdib.
Hmm... Siguro natural na lang din. I just feel that she's really important and we were very close that it made me feel so much pain.
"May nakita pala akong isang sulat na mukhang sulat kamay niya. At para 'yon sa 'yo." Sabay abot ng isang sulat sa akin. Naka-fold siya at nakuha lamang sa bulsa ng kanyang blouse. "Nakita ko lang 'yun noong nag-aayos ako ng gamit ng kapatid mo. Mukhang ito na rin 'yung oras para siguro basahin mo. I bet she's feeling lonely ngayong hindi mo siya nadadalaw."
Nakabuka ang bibig kong nakatingin kay mama nang ibaba ko na lamang 'yung tingin sa inabot niya sa akin. .
***
PUMANIK na ako sa kwarto matapos kong kumain ng almusal. Sinarado at ni-locked ko ang pinto at saka umupo sa kama ko para buksan ang letter kung saan may nahulog na isang litato. Dinampot ko iyon at tiningnan, na-surpresa ako nang makita ko na may katabi akong kamukha ko.
"Ito... Siguro si Lara?" Banggit ko sa nakasimangot na babae-- hindi. Ako 'yung nakasimangot.
Napahawak ako sa mata ko. I have brown eyes, and not Sapphire.
Ibinaba ko ang kamay ko sa mukha ni Lara at tinitigan nang mabuti. "Sa ngayon, para akong ikaw." Sambit ko at binasa na nga ang sulat.
Dear Hailes...
What? Hailes? Who's that?
I hope you won't get mad at me as I call you by that name again now that you won't ever see me after you read my letter. (Hehe!) But I guess you're still wondering why I kept on calling you 'Hailes'? Isusulat ko na lang dito dahil wala na rin tayo masyadong time makapag-usap lalo na't na sa school ka, at ako naman. May sakit. So, here we go.
Ha means Haley and Iles is for Miles.
Tinatawag kitang Hailes because I really wanted you to know na importante ka sa 'min ni Papa.
I idolized our father even though he did those things to us, kahit pa na iniwan niya tayo without saying good-bye.
Bigla naman akong napahawak sa ulo ko. Kainis, ito nanaman... Sumasakit nanaman 'yung ulo ko.
Pero wala ako sa posisyon to tell all the reason why he left. But Hailes?
You know how much I love you, right?
Hindi ko sigurado kung makakaabot pa 'ko sa birthday natin, I just heard from mom and my doctor that if my severe Epileptic Seizure continuous. Baka 'di na ako magtagal ng mga ilang araw. Don't worry, I'm not crying while I wrote this. Tanggap ko naman even at this young age. I realized that this is how life goes on. We lived just for a purpose, but I hope I gave you a bit joy.
Biglang tumulo ang luha ko nang may panibagong litrato ang lumitaw sa utak ko.
Matami at malapad na ngiti sa labi ni Lara. Ito 'yung ngiti na lumalaban lang siya kahit hindi na niya kaya.
Humawak ako sa bibig ko nang nararamdaman ko na 'yung paghikbi ko.
Kaya ngayon pa lang? Binabati na kita ng "Happy Birthday!"
Take care of mama, 'kay? You're the big sister from now on.
Sunod-sunod na ang pagbagsak ng luha ko pagkaalala ko pa lang lahat ng memorya ko kay Lara.
Binabati rin kita ng "Merry Christmas", "Happy Sibblings day" at "Congrats sa pagtatapos mo ng elementary, highschool at college"
Wala man ako sa mga importanteng araw mo, pero tandaan mo na ako pa rin 'yung kapatid mo na hinding hindi ka kakalimutang mahalin. 'Lagi lang akong na sa puso mo. I won't leave you.
I will always stay here.
Ramdam ko ang sakit ng mata at lalamunan ko. Pinipigilan kong makapaglabas ng ingay sa bunganga ko para hindi marinig ng taong dadaan sa harapan ng kwarto ko.
Sana makita mo 'agad itong sinulat ko kapag nasa heaven na ako, pero 'wag kang mag-alala, lagi ko rin kayong babantayan. Kayo nila mama at papa...
Pero sa ngayon ay hanggang dito na lang muna tayo, mahal ko kayo...
Paalam.
From: Lara Christine Rouge :)
Flash Back:
"Ate! 'Wag mong kainin 'yan! May mga langgam na 'yan, eh!" Suway ko sabay kuha ng cake sa kanya. Nag second look ako sa cake na kinakain niya. Ang daming langgam! Kadiri!
Tumawa naman si Lara. "Ang sarap kaya nila! Ang tamis na maasim ~!"
"Ate naman! Nakakadiri ka!" Tapos sabay lapag ko sa cake niya sa lamesa at pinunasan ang bibig niya na puro Icing. "C'mon, hindi ka dapat uma-arte na parang ikaw 'yung bunso sa ating dalawa" Naiirita kong saway. Isusumbong ko talaga siya kay papa kapag natapos na silang mag-usap ni mama sa loob. Sasabihin ko na naging mabait akong kapatid at parang ako ang matanda sa 'ming dalawa.
Humagikhik si Lara. "Gusto mo palit tayo ng role? Ako bunso ikaw ate?" Tanong niya kaya mas napasimangot ako.
"Ayoko nga." Sagot ko pero bigla lamang niya akong niyakap.
"I love you too, Hailes!" Asar ko naman siyang tinignan.
"Huwag mo nga akong tinatawag na Hailes! Para kang si papa, eh. Hindi ko naman pangalan 'yon!" nakasimangot kong bulyaw sabay kuha ng juice, nauuhaw kasi ako.
Mas ginitgit pa 'ko ni Lara. "Penge ~ Ikuha mo ako." Ngumanga pa siya bilang panglalambing.
"Magtimpla ka ro'n." Nguso ko sa loob ng bahay. "O sabihin mo kay yaya." sabi ko sabay inum ulit ng juice. Ngumuso siya dahil sa 'di ko pagpayag kaya ibinaba ko ang iniinum ko't binigyan siya ng walang ganang tingin. "Stop it, you're ugly."
Mas ngumuso siya kaysa kanina. "Kung pangit ako edi pangit ka rin. Pareho lang naman tayo ng mukha, eh? Hihi" inirapan ko naman siya dahil doon. Minsan, bilang magkambal. Hinihiling ko rin minsan na sana magkaiba na lang kami ng mukha para 'di rin kami nako-compare o kaya'y hindi magkamali ang tao sa 'min kung sino si Lara at Haley.
Lumabas si Papa at nagmamadaling umalis. Sinundan namin ng tingin iyon ni Lara. "Where are you going, pa?" Tanong ko kaya napahinto siya. Tumakbo ako palapit sa kanya. "May work po ba kayo ulit?" Tanong ko habang nakatingin sa likod niya.
Hindi siya nagsalita pero muli siyang naglakad.
"Pa!" Tawag ko sa kanya pero 'di na siya huminto. Susundan ko pa sana ito noong hawakan ni Lara ang kamay ko. Tumigil naman ako't napatingin sa kanya.
Nawala 'yung ngiti sa labi niya at lungkot lamang ng mata ang tanging nakikita ko sa kanyang mata.
Umiling siya na parang sinasabi niya na 'wag ko na lang siyang sundan. Hinayaan ko nga gaya ng ginagawang ekspresiyon ni Lara.
Makalipas ang ilang buwan na nakakulong lang ako sa mansiyon at iwan kami ni papa ay 'di pa rin naglalaho 'yung galit sa dibdib ko. Hanggang ngayon ay nandito pa rin.
Nadagdagan lang iyon nang pati ang kaibigan ko na sina Shane ay iwan din ako.
Nakinig sila sa mga naririnig nila sa ibang tao nang hindi man lang ako pinapakingggan.
Then they said they're just using me at all. And I'm not fitted to be their friends. 'Di raw ako 'yung ka-lebel nila.
Nakasubsob ako sa mga braso ko't umiiyak. Naiinis kasi ako, eh. Iniiwan nila ako.
Ano ba'ng nagawa ko? Bakit pinaparamdam nilang mag-isa ako? Ganoon ba ang dapat na ginagawa ng isang ama? Ng isang kaibigan?
Naramdaman ko ang mainit na pagyakap ng kapatid ko kaya napatigil ako bigla sa pag-iyak
She's patting my head. I also felt her smiling at me.
"Hailes, don't cry. I'm here, ako 'yung kaibigan at ate mo na aalagaan at 'di ka iiwan." humarap ako kay Lara. Totoo, ngumingiti siya pero nangingilid ang luha niya. Napakagat ako sa ibabang labi saka siya mabilis na niyakap. Humagulgol ako para ilabas 'yung sama ng loob ko.
"What did I do wrong? Ang lungkot ko, ate... Akala ko totoo silang kaibigan, akala ko mapagkakatiwalaan ko sila but they betrayed me." Sabi ko habang tuloy-tuloy sa aking pag-iyak. Niyakap niya ako nang mahigpit.
Ipinatong din niya ang kanyang chin sa aking ulo tutal ay nakatayo siya samantalang nakaupo naman ako sa sila. "We'll be fine." Tanging nasabi niya kaya napapikit ako nang mariin.
Simula nga no'n, kami na ang magkasama palagi, hindi ko na pinapansin ang mga tao sa school, ayoko silang kausapin lalo na si Shane.
Masaya na ako kung kami lang ni Lara ang magkakampihan.
Kahit siya lang ang kaibigan ko at 'yung batang pumupunta sa bahay para makipaglaro sa akin. "Don't ever leave me, that's a wish from your little sister." Sabi ko nang nakadikit ang kilay kay Lara.
Nakaawang-bibig din si Lara nang gumuhit ng matamis na ngiti ang kanyang labi. "Oo naman!" Pagtango nitong sagot.
Pero buwan ang lumipas nang atakihin nanaman si Lara ng sakit niyang Epileptic Seizure.
Tumigil naman iyon pero sa ngayon ay sobrang taas talaga ng lagnat niya. Wala si mama dahil may inasikaso lang saglit doon sa opisina. Wala 'yung yaya namin dahil saktong day-off niya ngayon.
Mahina ang katawan ni Lara kaya palagi akong nakanbantay sa kanya kapag wala ako sa school.
Tumigil din siya sa pag-aaral dahil sa demonyong na sa katawan niya. Nahuhuli na siya ng isang taon dahil sa sakit niyang ito and I can't helped but to feel her pain.
Nakahiga siya ngayon sa kama. Naglalagay ako ng cold compress sa noo niya at 'di mapigilang maluha. Naiiyak ako dahil kita sa mukha niya 'yung sobrang hirap at sakit sa mukha niya. Hirap na siya sa sakit niya. I could feel it.
Napakagat ako sa ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak ko. No, I don't want to cry. I know she'll be fine. Everything's going to be fine. She won't leave me, 'cause she promised.
"You're crying again..." Nanghihinang ani Lara na kaagad kong pinunasan ang basa kong pisngei. Umiiyak na pala ako.
Sinimangutan ko siya. "I'm not!" pag deny ko at nagsalin ng tubig sa baso niya. "At pwede ba? 'Wag mo akong tinatawag tawag na Hailes? Hindi ko iyon pangalan, Haley ang pangalan ko at hindi Hailes" Ayoko na ring marinig ang pangalang Hailes dahil si papa lang ang nagpakana no'n. At kapag naririnig ko 'yung pangalan na iyon ay 'di ko mapigilang mabuwisit.
Tumawa siya nang mahina kaya medyo nabawasan 'yung pag-aaalalang nadarama. "Ate magpagaling ka, ah? Ipapasyal pa kita sa KMLH's Ice cream. Masarap doon." Wika ko. Tipid lang siyang ngumiti tapos tumango.
"Mmh..." tugon ni Lara at pumikit. "Matulog ka na, kanina mo pa ako binabantayan..." Mahina pero sapat lang para marinig ko 'yung sinasabi niya.
Umiling ako. "Hindi, babantayan kita!" kinuha ko ang kamay niya't nanlaki ang mata. Masasabi kong hindi na siya ganoon ka-init kumpara nung huli na hinawakan ko 'yung mga kamay niya. Ang lamig...
Iminulat niya ang mata niya't nginitian ako. "Magpahinga ka muna para sa akin..." sabi niya pero dahil sa kung anu-ano na ang iniisip ko ay halos diinan ko ang pagkagat ko sa aking labi.
No, no! She'll be fine!
Nagmatigas ako. "I know this is greedy pero pwede bang huwag ka munang matulog?" Tanong ko sa kanya.
Humagikhik siya. "But I'm also tired, Hailes."
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. "Promise me you'll wake up, okay? Paparusahan talaga kita kapag hindi."
Ngumisi siya. "Okay."
Ngumiti na lang ako sa naging sagot niya. "Patutulugin muna kita bago ako matulog. Babantayan muna kita." Sambit ko. Tumango lang ulit siya at muling isinara ang mga mata.
Ilang oras din akong nakatitig sa kanya, maganda naman ang kanyang paghinga ka medyo naging kampante ako. Doon din ako tinamaan ng antok ko hanggang sa nakatulog na rin sa gilid ng kanyang kama.
Nagising lang ako siguro mga alasais ng gabi. Naabutan kong wala sa kama si Lara kaya luminga-linga ako. "Ate?" Hanap ko saka tumayo para hanapin siya sa labas ng kwarto. Sinilip ko rin ang ilan sa mga kwarto dahil baka naroon lamang siya. Sa dining room, kitchen, sala at sa backyard.
"Lara! Hindi nakakatuwa, ah? Nasa'n ka ba?" Hanap ko pagkalabas ko ng bahay kung saan pagkabaling ko ng tingin ay pumukaw kaagad sa paningin ko ang bagsak na katawan ni Lara sa Bermuda grass malapit sa gate. Parang plano talaga niyang lumabas.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Lumuhod saka binuhat ang kanyang balikat. Ramdam ko ang lamig sa katawan niya kaya nanginginig na ang buong katawan ko. Tuyo na rin ang kanyang mga labi't nanunuyo.
Niyugyog ko siya. "Ate? Ate Lara! Oy, gumising ka nga, hindi magandang biro 'yan, ah?" Pero hindi siya magising kaya niyugyog ko ulit siya. "Wala namang ganyanan, oh? Akala ko ba hindi mo ako iiwan? 'Kala ko gigising ka?" Hinawakan ko ang mukha niyang nanlalamig.
"Ate..." Tawag ko pa sa kanya 'tapos bumagsak na lang ang ulo nung alisin ko ang kamay ko sa pisngi niya.
Napailing ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "No..."
Niyakap ko siya kasabay ang pagbagsak ng matinding luha sa mata ko. "Ateeeee!"
End of Flash Back:
Dahan-dahan kong ibinaba ang papel habang tahimik na umiiyak.
Tumayo ako ssaka nilagay ang sulat sa study table pagkatapos ay wala sa sarili na lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Reed, inaasar niya ako pero nilagpasan ko lang siya habang nakayuko lang ako. My head is spinning. Parang nilabas ng core ko 'yung memories ko na nakabaon lang sa utak ko kaya ngayon. Hindi ko magawang ma-sink in 'yung naalala ko.
Kailangan kong pumunta sa bahay na 'yon.
Lumabas ako ng Smith Mansion para pumunta sa dating tinitirhan namin na nagbigay sa akin ng mga alaala. Malungkot man o masaya.
Malayo iyon pero naglakad lang ako. At sa paglalakad ko ay narinig ko ang malakas na busina mula sa isang kotse.
"Haley!" Malakas na tawag ni Reed sa pangalan na iyon.
Lumingon ako sa sasakyan na babangga sa akin.
"Ate Lara..."