Chapter 11: Lost
Reed's Point of View
Kumukuha kami ng kahoy para may maipangsiga mamayang gabi. Hindi naman kami lalayo mula sa pinasukan namin. Baka kasi maligaw kami kahit maliit na isla lamang ito.
Ang mga babae nandoon lang sa pwesto namin at nakaupo, Chill.
Pabato kong inilagay ang mga kahoy sa dapat na paglagyan saka ko hinubad ang pantaas ko dahil ramdam ko talaga ang init. Pero dahil doon ay naririnig ko nanaman 'yung mga reklamo sa akin ni Mirriam habang dinuduro-duro ako.
"Hoy! Ano'ng akala mo? Walang babae? Magsuot ka ng damit!" utos niya sa akin kaya napaharap ako sa kanya. Si Kei, kumakain lang ng marshmallow niya.
"Ikaw kaya ang magbuhat dito? Ang init-init, eh." Tugon ko naman pero tinakpan lang ni Mirriam ang mata ni Miles nang hindi tinatanggal ang nakasimangot niyang labi.
"Bastos!" Bulyaw niya sa akin kaya 'di ko napigilan ang maasar. 'Di mo rin maintindihan minsan ang babae, ang daming gusto.
Lumingon ako kay Jasper. "Hoy, pagsabihan mo nga 'yung babae mo." Walang ganang sabi ko dahilan para kumuha ng bato si Mirriam at ibabato sa akin nang kunin ko si Jasper at itaas ang damit niya pagkalagay ko sa kanya sa harap. Attack!
Malakas na napatili si Mirriam at itinago ang mukha sa likod ni Kei. "Reed. Huwag mo ngang binu-bully si Mirriam." Nakabusangot na suway ni Kei sa akin.
Inalis naman ni Jasper ang kamay ko 'tapos umabante ng isang hakbang. Tinuro niya si Mirriam. "Grabe ka makatili. 'Kala mo mamanyakin kita?" Tanong ni Jasper kaya inilabas ni Mirriam ang pulang pula niyang mukha.
"Manahimik ka! Ayokong makita bilbel mo!" Pang-aasar pa ni Mirriam kaya mukha namang napahamon si Jasper.
"Ah, gano'n pala? Tingnan mo ang gwapo kong tiya--" Bago pa man maitaas ni Jasper ang damit niya ay naibato na siya ni Kei ng bag. Nakangiti niyang ginawa iyon kaya parang nakakatakot pa rin siyang tingnan.
***
NAKAKUHA NA KAMI ng sapat na kahoy kaya nagpasya na kaming magpahinga. Umupo kami sa lapag habang pinapaypayag naman kami nung tatlo.
"Bakit ba kailangan nating gawin 'to?" Daing ni Mirriam habang nakalayo ang tingin.
"Tama 'yan, paypayan mo ang pogi." Biro ni Mirriam kaya nagbato ng masamang tingin ang nagpapaypay na si Mirriam.
"Hey, pwede mo namang hubarin 'yung damit mo, ah? Naiinitan ka na, baka mag karoon ka ng pneumonia niyan" Concern na wika ni Haley kaya napatingin sa kanay si Mirriam.
"Hindi pwede!" Kontra ni Mirriam dahilan para mapa-bored look ako. Kanina pa talaga kami nagtitiis sa mga suot namin dahil sa babaeng 'to.
Kung magkakaroon talaga ng kontrabida sa magkakaibigan, si Mirriam na 'yon.
Nginisihan ko na lamang si Miles at hindi pinansin si Mirriam. "Gusto mong makita abs ko?" Pabiro kong tanong. Knowing her, mapipikon siya kapag nagsabi ako ng mga gano'ng bagay sa kanya.
Namula ang pisngi niya't naglayo ng tingin habang paunti-unting nanghina ang kanyang pagpaypay.
"I-it's not like that." Nauutal niyang sagot kaya tumayo na 'ko para lapitan siya.
"Ipapakita ko naman kung gusto mo." Pang-aakit ko habang lumalayo siya sa akin. Ngunit napalingon ako noong may magbato ng bag sa akin.
Sisisihin ko sana si Mirriam pero nakikita ko na si Harvey na masama na ang tingin sa akin. Hindi siya natutuwa sa ginagawa ko kaya tumigil na nga ako.
"Fine, fine. Hindi na ako mang-aasar." Bumalik na lamang ako sa aking pwesto subalit napasulyap din sa likuran kung nasa'n si Miles. She's still looking away while holding her arms. Wala pa ring effect, eh?
Lumipas ang ilang oras at palubog na ang araw. Hindi na kami nagkikikilos at gumawa na lamang ng apoy. May dala kaming kaunting gas at posporo kaya madali na lang din kami nakapagsiga.
Luminga-linga ako para tingnan ang mga gamit. 'Yung dalawang malaking tent, nakatayo na.
Ayos.
"Naiihi ako" rinig kong sabi ni Miles kaya tiningnan ko siya mula sa peripheral eye view.
Lumapit sa kanya si Kei.
"Tara samahan kita" sabi naman ng kapatid niya at tumayo. Pero pinigilan siya ni Jasper sa pamamagitan ng pagharang ng kamay niya.
"Huag ka ng sumama, ako na lang" pagbigay alok ni Jasper kaya nagulat naman 'yong dalawa.
Humarap ako sa kanila nang dahil doon.
"What? Lalaki ka, kaya ako na lang" pag-iling ni Kei
"Baka kasi mawala kayo" Panimula ni Jasper at tiningnan ang kalangitan. "Pagabi na, oh? Delikado na kung kayong dalawa lang. Saka hindi naman ako sisilip?" nakasimangot na wika ni Jasper at ngumuso. Napatingin siya bigla sa akin. "O kaya si Reed na lang ang sumama kay Haley." suhestiyon pa niya kaya nasaad ako ng wala sa oras.
"Are you out of your mind?!" hindi ko makapaniwalang wika. Namumula ang mukha ko pero dahil sa madilim na rin ay hindi nila iyon nakikita.
Ngumiti nang pilit si Miles. "Ako na lang, diyan lang naman ako magbabany--!" Nagulat kami sa biglaang pagtili niya with matching takbo pa.
Napatayo tuloy ako dahil lumalayo na siya sa pwesto. "Miles!" Tawag ko habang hinahabol siya
"May insekto sa leeg ko! Ang creepy!" Sigaw niya habang tumatakbo. Born na ba siyang takot sa insekto o sadyang ngayon lang nangyari 'yan sa kanya? "
Hoy! T-tumigil ka na muna Miles! Lumalayo na tayo!" Pero tumitili pa rin siya. Sh*t. I have to do this.
Nag bend ako at full force na tumalon papunta sa kanya dahilan para madaganan ko siya.
Pareho kaming bumagsak sa lupa na puno ng dahon subalit mabilis din naman akong lumayo. Hinarap ko siya sa akin pagkatapos ay kaagad na tinanggal ang kung anong insekto doon sa leeg niya't tinapon. Gumagapang pa roon.
Hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat niya at pinaupo. "Miles, okay ka lang?" Tanong ko. Hindi ko na siya nakikita kasi mabilis na lumubog ang araw. Madilim na.
"M-mmh.." Sagot niya tapos narinig ko na lang ang kaunting paghikbi niya.
"Geez... You're crying just because of insects? How weak are you?" Tanong ko habang dinadampi dampi ang mga palad ko sa pisngi niya. Basa na 'yung pisngi niya kaya pinunasan ko gamit ang likurang palad.
"I-I'm sorry." hinging pasensiyang niya. Then, I just realize that, this girl in front of me... Is the other side of Haley. Crybaby, Innocent, Sweet, Caring and a soft hearted person. Ito 'yung isang side niya na hindi niya madalas maipakita sa aming lima.
Sa kakahikbi niya at napapasinghot siya ng sipon niya. "I'm sorry dahil mukhang naligaw pa tayo dahil s-saakin" paninisi niya sa kanyang sarili. Sa kagustuhan kong yakapin siya'y hindi ko magawa. I can't.
Ipinatong ko lang ang kamay ko sa ulo niya at kahit hindi niya nakikita ang ngiting nakalinya sa labi ko ay ginawa ko pa rin. "It's not your fault, it's fine as long as I am here. Nothing's going to happen to you."
Not ever again...
"Mag stay na lang muna tayo rito for the whole night. I don't think we can go back now. Baka maligaw pa tayo." sabi ko habang kinukuha ang mini flashlight sa bulsa ko. Oo, mayroon ako nito incase na mag ba-banyo ako.
Tinignan ko ang paligid. "' Di ba, naiihi ka? Umihi ka na riyan, nandito lang ako. Itatapat ko lang 'yung flashlight-- pero don't worry! Hindi ako titingin!" paninigurado ko.
Medyo matagal bago siya magsalita. Mukhang nag-alanganin.
"O-okay" pumunta na siya sa lugar na pwede niyang pagbanyuhan.
Itinutok ko lang sa kanya 'yung flashlight habang nakatalikod lang ako, baka mamaya pati sa side niya na 'to sabihan pa akong "Pevert" eh. Sakit pa naman sa tainga 'non?
Ginawa na ni Miles kung ano ang dapat niyang gawin. "R-Reed." Tawag niya sa akin.
"Ano?" Tanong ko ng hindi ibinabaling ang tingin.
"Pwedeng takpan mo 'yung tainga mo? Nahihiya kasi ako--"
"Umihi ka na lang diyan!" Napasigaw ako sa sobrang pressure. Hindi naman 'to madali sa akin!
Saka tatakapan ko tainga ko, eh hawak ko 'yung flashlight.
Pero sabi ko nga, tatakpan ko tainga ko. Ibinaba ko lang 'yung flashlight habang nakatutok sa kanya.
"Tapos na" sabi niya makalipas ang ilang segundo. Tumikhim ako't kinuha na lang din ang flashlight habang sinusundan siya na papunta sa puno. Dahan-dahan siyang umupo roon para sumandal.
Mukhang napagod din talaga siya.
***
Mahigit isang dalawang oras na rin kaming nandito sa pwesto namin. 'Yung flashlight at ang ilaw lang ng buwan ang tanging liwanag namin, hindi na ako naghanap ng kahoy dahil wala naman akong pwedeng pagsindihan ng apoy.
Sa ngayon ay nakakaramdam na ako ng antok, dahil anong oras na rin saka pagod din talaga ako.
"You can sleep here" sabi ni Miles habang tapik tapik ang lap niya.
Napababa ang tingin ko sa kandungan niya. Napailing-iling at naglayo ng tingin. "N-no thanks, dito na lang ako" Nahihiya kong sabi.
Humagikhik naman ito. "Oh, c'mon? Alam ko namang nahihiya ka pero tayong dalawa lang naman ang nandito, kaya wala ring makakakita sa 'yo" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Iba ang dating sa akin.
"Tayong dalawa lang naman ang nandito"
"Tayong dalawa lang naman ang nandito..."
"Tayong dalawa lang naman..."
"Tayong dalawa lang..."
"Tayong dalawa..."
"Tayong..."
Argh! Kainis!
Tumalikod ako sa kanya at nag indian seat. "Ayoko" Matigas at mariin kong tugon.
Ayoko! Ayoko! Kapag ginawa ko 'yon, parang tine-take advantage ko si Miles. Saka ang weird lang na ipapatong ko ulo ko sa kandungan niya. Eh, magkaaway naman talaga kami ng babaeng 'to!
Kung si Haley itong kasama ko, hindi rin siya papayag na ihiga ang ulo ko sa lap niya!
O baka nga lumayo na siya sa akin kapag na sa pareho kaming sitwasyon tulad ngayon, eh.
"Ya'know, I just feel na ito rin ang gagawin ni Haley sa 'yo." Biglang pagbanggit ni Miles sa past self niya dahilan para tumaas ang dalawa kong kilay. "I don't think she'll just leave a special person like you." Saad niya.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakatingin din siya sa akin at laking gulat ko na lang nang makita ang dating reaksiyon ni Haley. "What makes you think that?" Tanong ko.
Ngumiti siya. "My Jellies."
Kumunot-noo ako. "Ano ka? Si Detective Pikachu?" Busangot kong tanong na ikinatawa niya 'tapos muling nanlaki ang mata nang kunin niya ang dalawa kong pisngi at force na ipinatong ang ulo ko sa kandungan niya.
"Oy!" Reaksiyon ko at aalis sana pero hindi niya ako hinayaan at matigas niya lamang ipinatong sa kandungan ang ulo ko.
"Diyan ka na lang kasi matulog. Inaantok ka na, 'di ba?" Kumbinsi niya. Hindi ako nakaharap sa kanya, nakatalikod ako kaya hindi ko makikita ang dapat na makita.
Pumikit ako nang mariin. Ang init ng legs niya.
Sinusuklay suklay niya ang buhok ko gamit ang mag daliri niya kaya mas nakakaramdam na ako ng sobrang pagkaantok. "Papatulugin na muna kita." uminit ang pisngi ko.
She's so caring... Ang sarap sa pakiramdam...
Sabi ng utak ko, at bago pa man makapikit ng tuluyan ay narinig ko ang sinabi ni Miles.
"Stupid Reed..." hindi ko alam kung guni-guni ko iyon pero ipinikit ko na lang ang mata ko saka tuluyang nakatulog.
***
PA-UMAGA NA noong magising ako.
Umupo ako sa pagkakahiga at nag-unat. Naabutan kong wala si Miles sa paningin ko.
"Miles?" Hanap ko sa kanya at tumayo. "Miles!" Naglakad ako para hanapin siya, pero nakita ko naman ito sa hindi kalayuan.
Ngiti niya akong tinignan. "Nandon sina Jasper!" turo niya sa hindi kalayuan.
Napatakbo naman ako papunta sa kanya pagkatapos ay nilingon sina Kei na hinahanap kami.
"Reed! Haley!" Hanap nila sa amin
Tinawag din naman namin sila kaya gulat itong mga napatingin sa amin. Nakikita na kasi namin sila. "Wahh! Sis!" Takbo ni Kei at niyakap kaagad si Miles. Yumakap din si Mirriam samantalang nakatingin lang kami nila Jasper sa kanila.
"We're so worried, wala bang ginawang masama si Reed sa 'yo?" Tanong kaagad ni Mirriam pagkalayo kay Miles.
"Bakit nanaman niya ako sinususpetsyahan?!" Turo ko kay Mirriam nang tingnan ko si Jasper.
"Ba't ako tinatanong mo?!" Tanong pabalik ni Jasper sa akin samantalang patiling sumigaw si Mirriam para muling yakapin si Miles.
"Huwag ka ng lalapit sa manyak, ha? Mahirap na." Idinikit dikit pa ni Mirriam ang pisngi niya kay Miles. "Lambot ~"
"Huwag mo ngang binibigyan ng maling idea si Miles!" Inis kong sabi pero binelatan lang ako ng Mirriam na 'to.
"Hayy nako, mamamatay na kami sa kakahanap sa inyo, nakikita niyo ba 'tong eyes bags na 'to?" Turo ni Jasper sa nangingitim niyang eye bags. "Iyan ang senyas na hindi ako makatulog! Pero atleast gwapo pa rin ako" at nagpogi sign nanaman siya pero kinotongan lang siya ni Harvey.
"Tigilan mo nga 'yan." Suway ni Harvey. Nagdadaldalan na sila roon habang nadaanan ko naman ang tingin kay Miles na ngayo'y tumatawa kasama ang mga kaibigan ko.
Hanggang kailan ka magtatago, Haley?
Miles' Point of View
Nakauwi na rin kami sa Smith mansion matapos ang mga linggong iyon. Masasabi kong nag enjoy talaga ako sa naging bakasyon namin doon. Mahahalata naman siguro sa tan line ko ngayon.
Saka sina-sun burn din talaga ang likod ko kaya nagpahid ng cream si Kei para hindi ganoon kahapdi.
"Meow." Bungad ni Chummy na dumaan pala sa bintana ng kwarto ko. Patalon siyang pumunta sa kama ko't humiga roon. Ngumiti lang ako.
Nasa kwarto ako't inaayos ang mga gamit ko nang mapatingin ako sa drawer na hindi ko pa binubuksan since makauwi ako galing ospital. Saglit kong binitawan ang gamit at lumapit doon.
Sinabi ko kasi sa sarili ko na hindi ko muna siya bubuksan hangga't hindi pa ako tinatamaan na kuryosidad ko. Paabutin ko ng ilang months kumbaga.
Dahan-dahan kong binuksan ang drawer, katabi lang iyon ng dress cabinet ko.
Tinignan ko ang laman, puro mga art materials 'yung mga nandito at tiningnan ko isa-isa. "Mahilig ba 'ko noon sa arts?" tanong sa sarili at isinara iyon. Binuksan ko naman ang pangalawang drawer at nagtaka sa aking nakita.
Bakit ang daming karayom? Anong ginagawa ko sa mga 'to?
Nakalagay ang mga iyon sa mga lalagyan, maraming lalagyan. Tiningnan ko naman ang panyong puti na may disenyong pusa sa ibaba.
Sa akin ba yan? Bakit nakatago?
Tinignan ko naman ang isang photo album. Kinuha ko iyon mula sa drawer at binuklat para silipin ang loob. Picture naming lima nila Kei ang nandoon, pero sa bandang gitna ay kaming anim na.
Karamihan doon ay nakasimangot ako, bibihira lang ako kung ngumiti.
"Parang hindi ako." Sabi ko pa sa sarili ko. Inilipat ko pa 'yung litrato kasabay ang paglitaw ng mga imahe sa utak ko dahilan para mapahawak ako sa ulo ko.
Nakita ko kung paano ko gamitin 'yung mga karayom sa mga taong nakakasalubong ko sa araw-araw. Iyong puting panyo na nakuha ko sa isang batang lalaki at ang album na pinagsamahan naming mag kakaibigan.
"A-ah! Aray...!"
Napaluhod ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Animo'y parang sasabog dahil sa pagkirot nito.
Naninilim na rin ang paningin ko.
Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko't napatingala matapos huminto 'yung mga lumitaw na litrato sa utak ko. Nanginginig ang katawan ko habang nanlalaki ang mata. "What just happened?"