Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 6 - Question

Chapter 6 - Question

Chapter 6: Question

Miles' Point of View

I've been thinking this for awhile. Whenever I started to tell them that I remembered something, they thought it as my amnesia. I didn't mean to hurt their feelings because of their expectation, but how if my memories won't turn back anymore? How if they'll feel disappointment?

Sumusipol na ang takore sa init pero tulala pa rin ako sa niluluto ko. Si Mirriam lang ang nagpatay nung kalan. "Uy, Haley. Wala ka bang naririnig?" Tanong niya.

Kumurap-kurap ako't umiling. "Sorry. May iniisip kasi ako." sagot ko naman saka niya tiningnan ang niluluto ko.

"Halata nga. Walang okra, eh." tukoy niya ro'n sa Sinigang kaya ako naman itong nag double look sa aking putahe. Dali-dali akong pumunta sa refrigerator para maghanap ng okra. Ngunit napasigaw nung wala akong makita. Ano ba 'tong ginagawa ko?! Hindi na tuloy magiging Sinigang 'yung umagahan namin.

"Ano 'yung naaamoy ko?" Tanong ni Kei na kararating lang at patalon-talon na lumapit kung nasa'n ang fried rice. Nasa tabi lang namin iyon.

Sinilip naman niya ang Sinigang at ngumiti nang malapad. "Mabuti walang okra." Sambit niya na namimilog ang mata. "Ayoko no'n kasi parang laway" Dagdag niya.

Tiningnan ako ni Mirriam na may ngisi sa labi, "Okay na 'yan, right?" Nakapameywang niyang tanong na 'di ko kaagad inimikan. Edi hindi Sinigang ang tawag doon kung walang Okra.

"Tara na lang. Ayusin na natin 'yung mga gamit na dadalhin sa labas dahil naghihintay na sina Jasper sa labas." ani Mirriam at saka kami mga kumilos para makalabas na rin ng Rest House.

Pagkatapos ayusin ang dapat na ayusin ay pumunta kami sa kwarto para kunin ang mga gagamitin pang swimming.

Binuksan ko maleta ko at hinanap ang Rash guard, 'tapos shorts lang sa ibaba.

Hindi ako nag two piece dahil nahihiya akong i-expose ang katawan ko. Hindi naman ako katulad nung dalawa na mataas ang confidence. Wala naman akong boobs. Hindi naman gano'n kahaba ang hita ko o ano.

Hinahanap ko lang ng hinahanap ang mga iyon nang marinig kong mag "Tsked" ang dalawang sa likuran ko. Lumingon ako at tinignan ang nakasandal na si Kei sa frame nung pinto habang umiiling-iling.

Ngumiti ako. "B-bakit?" naguguluhan kong tanong.

Umalis na siya sa pagkakasandal niya at ngiti akong hinarap. "Are you looking for your swimsuit?" tanong niya kaya humarap ako sa kanya.

"Oo, hindi ko mahanap sa gamit ko, eh. Nakita mo ba?" Tanong ko pero nag crossed arms siya.

"Oh, tinapon ko na." Sagot niya dahilan para manlaki ang mata ko.

"Why did you do that!?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Humagikhik si Kei. "Kasi..."

Inilabas ni Mirriam ang Red two piece mula sa kanyang likuran noong patalon siyang pumunta sa pagitan namin. "Susuotin mo ito!"

Napatayo ako. "W-what?" reaksiyon ko. "A-ayoko! Ibalik n'yo iyong rash guard ko!"

Nagpameywang si Mirriam. "Bakit? Para parehas tayo, oh? At isa pa, minsan ka lang naman magsuot ng mga ganito. Sulitin mo. Bigyan mo ng mapang-akit na pose si Reed." sabay kindat niya sa akin kaya lumapit sa kanya si Kei para bigyan siya ng siko sa braso. Ayaw niya sa idea ni Mirriam.

"Come on. Just give it a try." Pag-abot ni Mirriam sa akin nung two piece at ngumisi. "Magugustuhan 'ni Reed 'yan." Dugtong niya kaya napapikit ako nang mariin sa sobrang kahihiyan.

"Bakit pati si Reed, dinamay n'yo?" Naguguluhan kong tanong. Ang lakas ng tibok ng puso ko kapag binabanggit nila 'yung pangalan ni Reed.

She hummed. "I see, in-denial ka pa rin 'till now." Nagtaka man ako sa sinabi ni Mirriam ay hindi na 'ko nagsalita. Naglakad lamang siya paalis ng kwarto kasabay ang paghagis nung Red two piece na iyon sa akin. Nasalo ko rin naman siya kaagad.

"Magbihis ka na. Hintayin ka na lang namin sa baba." Wika niya samantalang nginitian lang ako ni Kei bago sumunod kay Mirriam. Isinara nila ang pinto at iniwan akong mag-isa rito sa kwarto.

Ibinaba ko naman ang tingin sa two piece. Halos kuminang ang mata ko sa ganda pero umiling din pagkatapos.

No! Maganda pero nakakapang-akit 'to ng lalaki! Ayoko! Ayoko!

Bumuntong-hininga ako. "Pero para namang may choice ako?" tanong sa sarili at tumingin sa labas ng veranda. Gusto ko rin namang makita ni Reed 'yung itsura ko rito sa two piece.

Kei's Point of View

Inayos ko ang strap ng bag ko habang pababa ng hagdan. "Wow. Sexy! Sana all may boobs!" Ngising sabi ni Mirriam na nakaupo ro'n sa sofa't naka-crossed legs. Nahiya naman ako bigla kaya tinakpan ko ang dibdib ko.

"H-huwag mo ngang tingnan 'yung dibdib ko." suway ko 'tapos tumingin sa kwarto namin. "Pero ang tagal naman ni Haley. Ano ng ginagawa no'n?" Pagtataka ko.

Nakabihis na nga kaming pareho ni Mirriam lahat-lahat pero wala pa rin siya.

'Yung sinabi ko kay Haley na tinapon ko 'yung rash guard niya. Joke ko lang iyon. Tinago ko lang siya sa bag ni Reed nung makaalis sila nila Harvey. Para kapag hanapin ulit ni Haley, siya na ang magbigay.

"Hintayin mo lang. Mayamaya nandito na rin iyo--" Huminto si Mirriam sa pagsasalita nang iangat niya ang tingin. "Oh, ayan na pala siya, eh."

Lumingon ako sa pababang si Haley at halos kuminang ag mata dahil sa itsura niya.

She's not smiling at hindi rin naman siya nakabusangot. Nakasuot siya ng fierce without her realizing it.

Nagtakip ako ng bibig. "S-so cool..." kumento ko kaya napatingin na siya sa akin at namula.

"We-weird ba?" Nahihiya nitong tanong noong makahinto sa kalagitnaan ng pagbaba niya nung hagdan.

Mabilis akong umiling para kumbinsihin siya na hindi. "Ang ganda mo nga, eh! Nag go-glow 'yung skin mo, 'di ba, Mirriam?" tanong ko kay Mirriam nung makalingon ako sa kanya.

"Sana all mahaba ang hita." Tugon ni Mirriam habang nakatitig sa mga hita ni Haley.

Binigyan ko naman siya ng pilit na ngiti. "You should appreciate yourself more."

Tumawa siya. "I'm just joking. Confident naman ako sa sarili ko." Sabay tayo niya't alis nung Black Ribbon na nakaipit sa itim niyang buhok. Tila nag slowmo nung magsibaba ang mga buhok niya. Ang ganda niya!

Hinawakan niya ang kamay namin ni Haley at iginiya na palabas ng rest house. "Let's go!"

Reed's Point of View

Nilatag namin ang latagan sa puting buhangin at binuksan ang dalawang napakalaking payong bago umupo sa pwesto namin matapos ayusin 'yung mga gamit.

"Ocean is Blue..." panimula ko

"Sky is Blue..." dagdag naman ni Harvey

"Cleavage is Black" pareho kaming napatingin ni Harvey kay Jasper at sabay siyang tinulak sa likod niya. Hindi naman siya nasubsob sa buhangin kaya oks pa rin naman siya.

"Anong cleavage is Black?" Inis na sabi ko sa kanya.

Umupo siya ng diretsyo. "Ayan, oh?" Turo niya sa babae sa hindi kalayuan. Nagwa-warm up siya at nung siya'y yumukod ay makikita talaga 'yung black shading sa pagitan ng dibdib niya.

Hahh... I'm a man of culture pero roon pa rin tayo kay Haley kahit wala siyang mountain.

Jasper shook her head. "Although even if it's Black, ayan pa rin ang sinasabi nating Heaven--" binatukan na siya ni Harvey.

"Siraulo! Manyak ka rin, eh 'no?" Iritableng sabi ni Harvey.

Ngunit hindi iyon pinansin ni Jasper at pareho kaming inakbaya. Tutal, na sa gitna lang naman talaga siya. "Tama na ang pagkukunwari. Alam ko naman na gusto niyo ring tingnan." Sabay harap niya ng mga mukha namin kung nasa'n 'yung nagwa-warm up na babae. "Tingnan niyong maigi. Kakaibang cup size 'yan. Huwag n'yo ng palagpasin." Pandedemonyo ni Jasper kaya nakatanggap siya ng malakas na katok sa ulo ni Harvey. "Masakit..."

Nagbuga lang ako ng mabigat na hininga bago 'tapos luminga-linga. Wala pa rin 'yung mga babae.

Siniko ako ni Jasper. "Reed. Tanong ko lang. Pa'no kung nabubuhay pa 'yung kambal ni Haley?" Nakita ko ang pagtaas ng balikat ni Harvey mula sa peripheral eye view ko. "Possible bang sa kanya ka ma-in love? Sa twin sister niya?" Dagdag niya.

Napatingin ako kay Jasper dahil sa tanong niya. Hindi ko pa pumapasok sa isip ko iyon pero hindi na kailangan pang pag-isipan pa 'yung mga gano'ng bagay.

Umiling ako. "Si Haley pa rin. Kahit magkaroon siya ng carbon copy. Mapupunta pa rin ako sa original." Diretsyo kong sagot na nagpatitig sa kanya. Tinapik-tapik niya ang balikat ko pagkatapos.

Nilayo ko lang 'yung tingin pagkatapos.

Habang hinihintay namin ang mga babae ay kung anu-ano lang 'yung pinagku-kwento namin. Nagbabatuhan na nga rin kami ng buhangin kaya nadumihan na 'yung sapin.

"Oh, kayo maglinis niyan, ah!" Pagpapasa ni Jasper. Hayop 'to. Eh, siya nga itong pasimuno!

"Luh! Paano kami makakaupo ng maayos kung ganyan kagulo?" Pare-pareho kaming napatingin sa taong nagsalita. Nandiyan na pala sina Kei. Ngayon lang namin napansin.

Nakapameywang siya habang sinesermonan kami noong mapatingin ako kay Miles na nasa likuran lamang at hawak-hawak ang braso niya.

What is this? Somehow... Is she like, a stunner now?

Together with that meekness, she looks more feminine than usual to me...

"Hoy, Reed. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko't nakakatitig ka lang diyan kay Haley?" Iritableng sabi ni Mirriam kaya mabilis naman akong napatingin sa kanya't tumangu-tango. Ang ingay naman, eh!

Baka iba isipin ni Haley!

"Oo, nakikinig ako!" Mabilis ko ring sagot. 'Di naman na sumagot si Mirriam pero napansin ko ang pagdaan ng tingin niya kay Jasper na bigla ring tumayo.

"Maliligo na 'ko!" Sigaw ni Jasper at kinuha ang goggles bago tumakbo papunta sa dagat. Akmang susundan siya ni Mirriam pero bumuntong-hininga lamang siya't umupo sa buhanginan.

"Humph." Si Mirriam.

Ngumuso si Kei at Harvey, senyales na kausapin ko raw siya.

Humawak ako sa batok ko. Ako talaga?

Sinundan ko naman ang tingin kay Haley na patakbong naglalalakad kung nasaan si Jasper.

"Really..."

Mirriam's Point of View

Iyong lalaking iyon! Akala ko pa naman may sasabihin siya sa akin at iko-compliment ako pero wala man lang siyang comment sa akin na kahit na ano tulad ng madalas niyang sabihin sa akin na, "Tomboy ka pero nagsusuot ka ng ganyan?"

Wala! Para lang akong hangin na dinaanan lang niya!

Kainis! Sino ba naman kasing may sabing umasa ako, 'di ba? Edi ngayon, na-disappoint pa 'ko.

Tanga, tanga mo talaga Mirriam! Iumpog mo nga 'yung ulo mo sa pader para magising ka sa katotohanan na hindi ka nga niya mapapansin!

Umupo sa tabi ko si Reed na may dala-dalang Ice Cream. Sa'n galing 'yung sorbetes?

"Mag Ice Cream ka muna, pampawala ng badvibes" Tiningnan ko na muna 'yung inaabot niya sa akin bago ko kunin.

Dumila na muna ako sa Ice cream ko bago magpa-salamat samantalang bumaling naman ang tingin ni Reed.

"Gusto mo si Jasper?" Biglang tanong niya dahilan para masaad ako.

"B-bakit mo naman natanong?" nauubo kong tanong habang naluluha. 'Tapos lumingon-lingon sa kaliwa't kanan para makita kung may nakarinig kay Reed. Buti pala wala rito sina Kei.

"Bakit? Hindi ba?" Tanong niya pagkalingon sa akin.

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likuran kong palad. "You're asking me that but," Noong tumingin ako sa gawi ni Jasper ay naabutan ko ang pakikipagtawanan niya sa babaeng nakita lang niya sa kung saan.

Nandoon din si Haley pero hindi ko maiwasang 'di mainis knowing na natutuwa si Jasper kapag may kausap na iba.

Huminga ako nang malalim. "Buwisit..." bulong kong sabi.

"You can close your eyes to things you don't want to see,

But you can never close your heart to things you don't want to feel"

Muli kong ibinaling ang tingin sa lalaking katabi ko. "Maganda siguro kung sasabihin mo na sa kanya kung ano 'yung nararamdaman mo bago ka pa man magsisi." Ngiting payo ni Reed.

Napayuko naman ako. Paano ko nga ba masisiguro kung tama itong nararamdaman ko?

Paano kung infatuation lang 'to?

Naglabas ako ng hangin sa ilong tapos ipinatong ang siko sa tuhod. Ibinaba ko rin ang sorbetes ko kung saan madali lang din itong natunaw. "Pinapangaralan mo ako ni hindi mo nga masabi sabi kay Haley na mahal mo siya."

Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang pag-atras ng kanyang ulo dahil sa sinabi ko. "How did you know?" Hindi makapaniwalang tanong ni Reed.

Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "You're too obvious. Hello? Si Haley nga lang yata itong hindi nakakapansin na gusto mo siya." sabay irap ko sa kanya. Honestly, pareho silang manhid. Hindi nila napapasin na may something sila sa isa't-isa which is kind of annoying. Like, ano ba? Wala bang aamin sa kanilang dalawa?

Gano'n talaga siguro kapag in love ka. Mahirap mong makita ang nararamdaman nung nagugustuhan mo dahil sa ayaw mo ring mag assume.

Wala, ayun lang din 'yung nakikita ko sa kanila.

"Paano mo ba malalaman kung talagang mahal mo 'yung isang tao?" tanong ko pero tumayo lang siya na sinundan ko lang ng tingin.

Naglabas siya ng hangin sa ilong. "Sa totoo lang maraming sagot pero depende kung anong klaseng pagmamahal ang mayro'n ka sa isang tao." Ibinaba niya ang tingin niya sa akin. "But one thing's for sure. Mahal mo 'yung tao, kahit na paulit-ulit kang masaktan. You'll always find this one reason to stay."

Tumaas ang dalawa kong kilay dahil sa nasabi niya samantalang ngumuso naman siya sa Ice cream ko. "Ubusin mo na muna 'yan. 'Tapos sunod tayo kina Miles."

Ibinaba ko naman ang tingin ko sa sorbetes ko bago iyon muling dinilaan.

Susuriin ko na muna siguro 'yung nararamdaman ko bago ko sabihin kay Jasper.

Jasper's Point of View

Nakaupo lang kami sa ilalim ng tubig ni Haley ngayon at kasalukuyan akong tinatanong.

"Hindi ba't kahapon tinatanong mo sa amin kung ano ang tipo namin sa lalaki?

Ibabalik ko 'yung tanong sa 'yo."

Nag floating na muna ako bago siya sagutin. "Gaya ng sinabi mo kahapon. Hindi na siya magiging importante kaya bakit kailangan pa ng ideals?" Tanong ko pero winisikan niya ako ng tubig kaya napaupo ulit ako.

"Huwag mong isipin 'yung sinabi ko kahapon. Kung hindi mo narinig ang sagot ko, then what will be your ideal girl? Bigay ka. Lahat naman tayo may ideals din, eh." Sambit niya saka siya nagkibit-balikat. "Sadyang hindi ko lang din sinabi 'yung akin."

Hinampas ko ang tubig papunta sa kanya. "Ang daya mo."

Ngumuso siya. "Eh, sige na. Sabihin mo na. Curious lang ako."

Talaga bang nature ni Haley ang maging curious na tao? Hindi naman din siya ganito noon.

Kasama ba 'to sa personality niya ngayong may amnesia siya o talagang tinatago lang ni Haley noon 'yung pagiging curious niya dahil nahihiya siya?

Hmm...

Hinawakan ko ang chin ko na parang nag-iisip. "Ideal ko?" banggit ko saka pumasok sa isip ko si Mirriam dahilan para mabilis akong mapailing kasabay ang pagsampal sa aking sarili.

Tumikhim ako. "Iyong hindi ganoon ka-strict. Hindi ako sasaktan physically. Sweet, girly and caring. Mga gano'n ba?" Sagot ko sa tanong niya. Kabaliktaran lahat 'yan ni Mirriam, pero ayan din talaga ang mga ideal type ko sa isang babae.

Tumingin siya sa hindi kalayuan na nagpasunod sa akin ng tingin. Sina Kei 'yung tinitingnan niya.

Naglalakad sila ni Harvey sa sea side. "Parang si Kei 'yung tinutukoy mo."

Halos gusto ko namang ilunod 'yung sarili ko sa ilalim ng tubig. Naalala ko nanaman 'yung heart break ko for some reason.

Tumayo ako 'tapos inaya si Haley na maglakad lakad. Pumayag naman siya dahil maganda nga rin namang magkwentuhan kapag naglalakad.

Kanina lumayas kaagad ako nung makita si Mirriam dahil sa suot niya. Hindi lang din kasi ako makapaniwala na magsusuot siya ng ganoon.

Ang ganda ganda niya at makikita kaagad 'yung abs niya ro'n kaya hindi ko rin alam kung ano ang pwedeng sabihin at napa-walk out na lang ng hindi oras.

"Pero niligawan mo na ba si Kei?" isa pang tanong ni Haley na nginitian ko ng pilit.

"Haley. Pabalikin mo na muna 'yung memorya mo. Ang hirap talagang sagutin, eh."

Pinagdikit niya ang mga kamay niya. "Ah. So, niligawan mo nga?"

Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya't hindi sumagot.

May babae namang huminto sa harap namin ni Haley dahilan para tingnan namin siya.

"Tanong ko lang po, nasaan po ang restroom?" Sa gwapo kong 'to? Malamang lalapit talaga siya sa akin para itanong kung nasaan ang banyo kahit gusto lang talaga niya akong makausap. Iba na talaga kapag gwapo.

"Hindi ko po alam, eh?" sagot ko. Eh, sa hindi ko naman talaga alam.

Tiningnan ko naman si Haley. "Ikaw? Alam mo?" tanong ko pero umiling siya bilang sagot.

"Oh, I see, what's your name nga pala? Kailangan lang po sa research namin." At nilaro laro niya ang mga daliri niyang tumingin sa kaliwa't kanan. Research talaga?

Pero see? Sino ba naman kasing makaka-resist sa kagwapo-han kong 'to?

Si Haley lang naman kasi 'yung hindi nakakapansin sa mala-anghelito kong mukha.

Shine ~ Shine ~ Shine ~

"Pepito" bigay ko sa pangalan. Ayoko ngang sabihin pangalan ko.

Tumawa lang siya at pabirong hinampas ang braso ko. Hinawakan ko naman iyon at nag form lang ng O ang bibig.

"Weh? 'Di nga?" Tanong pa niya kaya ako naman itong pilit na natawa.

Lumingon ako kay Haley at kinuha ang pulso niya. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko.

"Uhm... Mauna na kami ng girl friend ko, ah?" paalam ko kasabay ng pag-angat ng tingin ni Haley sa akin. "Sige, bye." Iginiya ko na si Haley paalis.

"Wait! Give me your phone number!" Pahabol niya. Sinabi ko na ngang girl friend, hindi pa rin siya tumigil?

Lumingon ako sa kanya. "Wala! Sinira ko na!" Palusot ko kahit obvious namang hindi totoo.

"Hindi ko alam na babae na ngayon ang nanliligaw." Naiiling kong sabi.

"J-Jasper. Naiintindihan ko namang sinabi mo lang 'yun para tigilan ka nung babae pero ba't girlfriend pa ang nirason mo?" namumula niyang tanong kaya humalakhak ako't huminto sa paglalakad. Binitawan ko na rin siya para hawakan ang tiyan ko. She's cute, damn it. "I-it's not funny." Dugtong ni Haley.

"Sorry, sorry. Pero wala naman akong sinabing mali. Girl friend naman talaga kita." Saad ko.

Mas namula siya kaysa kanina. "Huh?"

Humagikhik ako 'tapos ginulo ang buhok niya. "Babaeng kaibigan. Ikaw, ah? Kung anu-ano iniisip mo." Pang-aasar ko kaya tumungo siya.

Nagpameywang ako at ngumisi. "Hindi ko pa 'to nasasabi pero," tinuro ko ang sarili ko gamit ang aking hinlalaki. "Pwede bang ako ang maging boy best friend mo?" Tanong ko sa kanya.

Tumingala siya para tingnan ako samantalang ibinaba ko naman ang kamay ko para ibalik sa aking beywang.

"Like kunwari, may concern ka o problema na 'di mo madalas masabi sa iba nating kaibigan. Huwag kang mahihiya na lumapit sa akin." Lumapad pa 'yung ngisi ko. "Katulad na lang ng pagkagusto mo kay Ree--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinapak.

S-she hit me!

Tulad ko, nagulat din si Haley. Dali-dali siyang lumapit sa akin para itayo ako.

Nakahawak lang din ako sa aking pisngi. "S-sorry! Nagulat kasi ako bigla sa sinabi mo." Natataranta niyang sabi saka niya ako tinayo.

Tumawa nanaman ako. Himas-himas ko na ngayon ang pisngi ko. "Okay lang. Sanay na talaga ako sa inyo ni Mirriam." At binigyan ko siya ng thumbs up.

Pero ang sakit, ah?

Pasimple kong tiningnan si Haley na nag-aalala na nakatingin sa akin.

Hmm...