Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 8 - Hate Me Like You Do

Chapter 8 - Hate Me Like You Do

Chapter 8: Hate Me Like You do

Reed's Point of View

Tulala lamang ako kay Miles na ngayon ay tumatawa kasama sina Kei at Mirriam dito sa pwesto namin. Umiinum naman ako ng juice habang hindi natatanggal sa isip ko 'yung mga nakita ko kanina.

Ano ba kasing nangyari ro'n? Saka kung umarte kanina si Miles. Halata mo pa ring may tinatago.

Siniko ako ni Harvey nung makaraan siya sa akin. "Uy, ano problema? Kain." Aya niya sa akin saka pumunta kung nasaan si Kei.

Hindi ako umimik at tumingin sa mga taong dumadaan. There's something I want to do but at the same time, I have no idea what it is.

Bumaling naman ang tingin ko sa kalangitan. Masyadong maganda 'yung araw ngayon kaya talagang ramdam mo rin 'yung init. Nakakapag paitim pa naman ang hangin.

Pasimple akong naglabas ng hangin sa ilong bago muling itinuon ang tingin kay Miles.

I wanna talk to her just like the old times. But how?

Tumungo ako dahil sa naisip ko. Nalulungkot kasi ako.

Tanggap ko naman si Miles bilang siya ngayon, maliban sa nawala nga 'yung memorya niya. Makikita ko namang ito rin ang gusto niya para sa sarili niya.

Kung pipilitin naman niyang pabalikin ang memorya niya, who knows what will happen?

There things na hindi pa niya sinasabi tungkol sa buhay niya simula nung makilala namin siya. Paano kung may alala siya na ayaw na talaga niyang balikan pero patuloy pa rin siyang sinusundan?

I don't want her to suffer anymore.

But it hurts me knowing na lahat ng mga pinagsamahan namin sa alaala niya, nawala. Paano kung maulit pa ulit? Hindi pa namin nakikita 'yung suspect, hindi pa namin nakikita kung sino ang pumatay kay Rain. Paano kung bumalik siya at idamay nanaman 'yung mga taong malapit sa akin?

Paano kung sa pagkakataon na ito, hindi lang memorya niya ang mawala kundi si Miles mismo?

Hindi ko naman napansin ang pag nginig nung katawan ko kaya hinawakan na ako ni Jasper.

"P're." Tawag niya sa akin dahilan para mapasinghap ako. Medyo namilog ang mata niya pero ibinalik din sa dati.

"Gusto mo bang magpahinga?" Tanong niya sa akin.

Nakaawang-bibig lang ako nung mapailing ako. "H-hindi. Okay lang ako, may iniisip lang."

Hindi lang siya umimik at tumalikod lang ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Kumain ka na. Baka lumamig 'yung pagkain." Lumakad siya papunta kina Miles. Nandito pa rin ako sa likuran nila't hindi umaalis sa aking pwesto.

Pinapanood ko lang ang ginagawa nila nung magpasya akong makisama sa kanila.

Kinukuhanan na pala ako ni Miles ng pagkain. "Oh, nandiyan ka na. Ito, oh?" Inabot ni Miles ang pagkain ko. "Sinigang." Tukoy niya sa pagkain at tumungo. Nahiya siya. "Wala nga lang siyang Okra, pero sana magustuhan mo." Dagdag niya.

Nakatingin lang ako sa pagkain na nasa harapan ko nang mapakagat ako sa ibabang labi't mapa-seryoso. "Naging Sinigang pa 'yan kung wala namang Okra? Walang kwenta."

Tumingala bigla si Miles dahil sa naging asal ko habang napatingin naman ang mga kaibigan ko sa akin.

"Uhm..." Hindi alam ni Miles ang kanyang sasabihin kaya nagpatuloy ako.

Umiwas ako ng tingin. "Ayoko n'yan. 'Di ko type, baka malason pa 'ko."

Nagsalubong ang kilay ni Kei. "Reed. 'Yung bunganga mo."

Nakanganga lang din si Miles noong gumuhit ng ngiti ang labi niya. Napipilitan siyang gawin but she still did it. "W-walang lason 'yan." pag kumbinsi niya sa akin at kumagat doon sa laman-- Chicken ng Sinigang. Medyo nagulat pa 'ko kasi pagkain ko rin 'yung kinagatan niya. "See?" Dugtong niya. I know, Miles. I know.

Nagsalubong ang kilay ni Mirriam. "Jina-judge mo kaagad sa itsura. Tukmol ka talaga." Sambit ni niya.

"Tikman mo." Segunda ni Harvey.

"Eh, basta ayoko" pagmamatigas ko pa kunwari. What the hell am I doing anyway?

Tumayo si Jasper 'tapos itinayo ako pagkahawak pa lang niya sa manggas ng shirt ko. Hindi pa naman kasi kami naghuhubad ng pang-itaas nila Harvey.

"Sama ka sa 'kin." Iginiya ako ni Jasper sa kung saan.

"Sandali! Bakit mo ba 'ko hinihila?!" T*ngina. Saan naman kaya ako dadalhin nito?

Harvey's Point of View

Matapos hilahin ni Jasper si Reed ay ibinaba ko na ang pagkain ko dahil ubos na rin naman. Tumayo ako't napakamot sa batok. "Susundan ko na muna 'yung dalawa. Diyan lang kami." Paalam ko sa kanila at naglakad palapit sa kanila na hindi naman lalayo sa kanila.

Nag-uusap na sila nang marinig ko 'yung sinasabi ni Jasper. "What are you planning? Do you think if you say those things to her, babalik 'yung memorya nya?" Walang binabanggit na pangalan si Jasper pero kilala ko na 'yung tinutukoy niya. Si Haley.

Nakatalikod silang pareho samantalang huminto naman ako ng hindi nila napapansin.

"I'm not doing it because of that reas--"

"Now, you're running away?" tanong ni Jasper na nagpatigil kay Reed. "I understand what you're trying to do, but you can't just decide on your own and do whatever you want. You're already hurting her. Kahit pa na sabihin nating napakasimple lang no'ng sinabi mo kanina." Mahabang sermon niya kay Reed.

Umiling-iling si Jasper. "Accept it, p're. Hindi na si Haley 'yon. Ibang tao na siya." Humarap siya kay Reed. "Aren't you happy that she's still alive? Hindi ka pa ba makuntento ro'n?" dagdag niya.

Yumuko na si Reed. "Hindi ko alam, bigla bigla ko na lang din kasi 'tong naramdaman. Hindi ko lang napigilan." rason niya. "I just want her back. If this continuous, it's like I'm taking advantage of her kindness." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

"Reed. Itatak mo 'to sa utak mo. She's not the same person you met a long time ago."

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. A long time ago?

Flash Back

9 Years ago...

Patakbo ako mula sa bahay. Papunta ako sa kila Lara dahil naiwanan niya 'yung hair clip niya.

Pwede ko namang ibigay na lang din 'to kinabukasan pero ayoko namang iuwi dahil baka iba isipin ng magulang ko. At hindi rin naman sa gusto ko siyang makita, sadyang gusto ko lang talagang ibigay ito para wala akong poproblemahin.

Malapit na ako sa bahay nila nung mapahinto ako.

Kumaway ang babaeng iyon kay Reed dahil oras na rin ng pag-uwi. Kaibigan ko na rin si Reed nung mga panahon na iyon pero hindi kami madalas magkasamang maglaro.

Umalis na si Reed ng hindi ako napapansin habang papasok naman ang babaeng iyon.

Huminto lang siya nung tinawag ko siya. "Hoy!" tawag ko kaya ang pag-akma niyang pagbukas sa gate ay hindi natuloy. Lumapit ako sa kanya ng magkasalubong ang kilay. "Akala ko ba uuwi ka na? Bakit kasama mo pa si Reed?" Iritable kong tanong.

Nakatingin lang siya sa akin nang humarap ito sa akin. Doon ko napansin na iba ang kulay ng mata niya. Hazel?

I thought to myself.

Kunot-noo siyang nagtaas ng kilay. "Who are you?"

Gaya niya ay tumaas din ang kilay ko. "Now you're messing with me? Bakit magkasama kayo ni Reed? Matagal na kayong magkakilala?" Sunod-sunod kong tanong na mas ipinagtaka niya.

"What are you saying? Are you drunk?"

Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "That's not a good joke, Lara." Pagkasabi ko no'n ay nanlaki ang mata niya 'tapos bumuntong-hininga bago ako tinalikuran.

"Whatever. I'm out of here." Walang gana rin niyang sabi bago buksan ang gate nila at pumasok.

Hahabol pa nga sana ako pero hindi ko na lang itinuloy. Napatingin na lang ako sa hair clip na hawak ko't tumalikod.

Handa na sanang maglakad nung may tumawag sa akin. "Harvey!"

Lumingon ako sa babaeng iyon. Tumatakbo siya papunta sa akin. Binuksan niya 'yung gate 'tapos patalon na huminto sa harapan ko. "Hi! Nakita lang kita, ano ginagawa mo rito?" malambing na tanong niya na mas nagpataas sa kilay ko.

Kanina, tinatarayan niya ako, ah? Saka bakit iba na kulay ng mata nito? Naging asul bigla?

Humawak na lamang ako sa batok ko. "Ah, ibabalik ko lang 'to." Kinuha ko iyong hair clip na ipinasok ko kanina sa bulsa ko't inabot sa kanya. "Nakalimuntan mo." Dagdag ko.

"Na sa'yo lang pala!" Kinuha niya ang hair clip 'tapos iniipit sa gilid ng buhok niya.

Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa likuran 'tapos nginitian ako. "Thank you!"

Wala akong inilabas na salita at ngumiti lamang pabalik. Nawala lang iyon nung mapatingin ako sa hindi kalayuan.

I thought it was my imagination pero,

...Talagang 'yung kambal niya-- si Haley ang nakita ko nung mga araw na iyon.

End of Flash Back

I see. Now that I remembered. Si Haley nga 'yung nakilala ko 9 years ago.

Haley should be a bit cold, stubborn and short tempered. Not the person who are sweet and caring like her twin sister, Lara.

Hindi sila pwedeng mag combine. They're different person.

Lumakad na akong muli kung saan napansin na ako nung dalawa. Inakbayan ko si Reed.

"Whatever decision you will make. I'll support you."

Nagulat naman si Jasper. "Hala!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Jasper kaya binigyan ko siya ng walang ganang tingin.

"Ano, angal?" maangas kong tanong. Hindi naman na siya nakaimik at ngiting naglabas ng hininga bilang pagsuko.

"Sige na nga. I also missed the old her, not gonna lie." sabay tingin ni Jasper sa gawi kung nasaan sina Haley. Na sa pagitan siya nina Kei at Mirriam. Mukhang may pinag-uusapan din.

Tumingin din doon si Reed. "I hope, everything's going to be alright." Nanliit ang mata niya. "Hate me like you do, Miles."

Pasimple akong ngumisi samantalang humagikhik lamang si Jasper. It's opposite though.

Miles' Point of View

My friends are trying to comfort me but I just sat here para manahimik. I didn't actually mind what he said earlier-- I mean, si Reed.

What concerns me is, ganoon ba talaga si Reed? Bakit bigla siyang naging cold sa akin? Did I do something?

Or is it because of what he saw in that store?

Yeah! Maybe because of that! Hindi na kasi siya kumikibo nung pabalik na kami rito sa pwesto namin.

Tumingin ako sa paa-han ko't nanliit ang mata.

Kaya hindi na dapat pang bumalik 'yung dating Haley. There's a possibility na hindi gusto ng mga kaibigan ko 'yung personalidad na mayroon ako noon at nananahimik lang sila because of consideration at kaibigan nila ako.

Ipinatong ko ang chin ko sa tuhuran ko na aking itinaas.

It cannot stop me. I will forget it. Those are the bad memories, too many times that fallen the same way. But this time, it'll never be the same.