Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 7 - Expect

Chapter 7 - Expect

Chapter 7: Expect

Miles' Point of View

"Gunggong ka kasi." Sermon ni Mirriam kay Jasper saka mas diniinan ang cold compress sa kanyang pisngi. Nagkaro'n kasi ito nang kaunting pasa dahil sa pagsapak ko sa kanya ng hindi sadya.

Nag sipped ako ng juice habang nakatingin sa hindi kalayuan.

"A-aray! Masakit, tomboy." Pang-aasar ni Jasper na kinotongan din ni Mirriam.

"Sige, isa pa."

"Tombo-- ARAY!"

Mas diniinan kasi ni Mirriam 'yung pagkakadikit nung cold compress sa pisngi ni Jasper, eh.

Napabuntong-hininga na lang ako't ipinatong ang baba sa aking tuhod. Umupo sa tabi ko Reed at kinalabit ako. "Ang lalim no'n, ah? May problema?" Tanong niya 'tapos natawang tinuro si Jasper. "Sinapak mo?" dagdag niya.

Ibinaon ko ang mukha ko sa mga braso ko sa hiya. "I didn't mean it, I swear."

Narinig naman yata ni Jasper iyon. "H-hindi mo naman kasalanan, Haley. Baka nagpaparamdam lang talaga 'yung old version mo kaya gano-- Aray! Inaano nanaman ba kitang tomboy ka?" Pinaltukan nanaman kasi siya ni Mirriam.

Tumayo na lamang ako na sinundan naman ng tingin ni Reed. "Where are you going?" Tanong niya pero naglakad na ako.

"Bibili ng Ice cream." Sagot ko.

Tatayo na rin sana si Reed. "Teka, sasama na ak--"

"No." Mabilis kong sagot pagkalingon sa kaya't pagkahinto. "Kaya ko na." Dugtong ko bago ko binaling ang tingin at muling naglakad.

Reed's Point of View

Ewan ko, pero nasabi yata sa akin noon ni Haley-- hindi si Miles na Ice cream ang comfort food niya.

So, hindi nga talaga siya okay?

Tumakbo papunta sa amin si Harvey. Babatiin ko sana siya kaso nagulat ako dahil binigyan niya ako ng napakalakas na paltok sa batok.

"Tang*na! Problema mo?!" Inis na inis kong tanong. Batukan ka ba naman ng walang dahilan.

"Gag*! Kapag may nangyari nanamang hindi maganda kay Haley, hindi lang 'yan ang aabutin mo--" Pagkalingon niya sa gawi ni Miles na medyo nakakalayo na sa pwesto namin ay napahilamos siya. "Oh, kita mo 'yung mga ugok na 'yon?" turo niya sa tatlong lalaki na humahagikhik habang sinusundan ng tingin si Haley. Pagkatapos ay tumayo na ang mga ito para siguro kausapin si Miles.

Napatayo ako't natulala. Bumalik lang din ako sa wisyo nung itulak niya ako. "Ano pa'ng ginagawa mo? Go!" May awtoridad na sambit niya kaya tumango akong sumunod. Nadaanan ko naman si Kei na kumakain ng mais.

Kumaway siya. "Good luck, big boy."

Tss. Teasing me like that.

Miles' Point of View

Huminto ako sa tapat ng tindahan at pumasok. Naabutan kong wala pang masyadong tao kaya luminga-linga ako't kinatok ang wooden table senyales na nagtatawag nga ako ng tindera. "Tao? May bibili" sabi ko pero wala pa ring lumalabas.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin akong ibang makita.

Naglabas ako na hangin sa ilong. "Balik na lang siguro ako mamaya--" napahinto ako nang may maramdaman akong tao sa likod ko. Lumingon ako sa mga iyon kung sa'n may tatlong lalaki ang mga nakangisi habang nakatingin sa akin.

Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa pagtataka. Ano kailangan nila sa akin?

"Mag-isa ka lang?" Tanong nung na sa kanan dahilan para mapaharap na rin ako sa kanila.

Pumasok na rin sila sa loob ng tindahan, sumipol pa ang na sa Kaliwa habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Ang sexy mo. Ilang taon ka na?" Tanong nito.

Napaatras ako nang kaunti. Mukhang hindi magandang nandito pa ako.

Lumunok ako sa sariling laway. T-they are looking at me.

Hinawakan ko ang kamay ko dahil nakaramdam na 'ko ng panginginig.

Nagsalubong ang kilay ko't pasimpleng huminga nang malalim. I must calm down.

Inilayo ko ang tingin ko. "Thank you. I'm 18" Sagot ko't ibinaba nang kaunti ang tingin. "Sorry, but I gotta go." Pagmamadali ko. Nilagpasan ko na nga rin sila at papalabas na rin ng tindahan pero hinawakan ng isa sa kanila ang aking pulso.

"Wait up. Hindi naman siguro magandang pag-isipan mo kami ng hindi maganda para bigyan mo kami ng ganyang arte, hindi ba?" Tumigil naman ako at hinayaan siyang magsalita. "At isa pa, ilang agwat lang ang edad natin. Single ka naman, 'di ba? Baka naghahanap ka ng ka-flin--" Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya dahil mabilis kong tinama ang aking kamao sa kanyang mukha gamit ang isang kamay na hindi niya hawak-hawak. Siya 'yung lalaking nasa gitna.

Nagulat ang dalawa niyang kasama, samantalang tumayo naman 'yung lalaking sinapak ko kanina. Nagdudugo na 'yung ilong niya kaya tinakpan niya ito. "T-tarantado kang babae ka!"

For some reason, na-trigger ako. May kung ano ring nagising mula sa katawan ko kaya nung muli nanaman niya akong lapitan ay tinuhuran ko siya sa baba (chin) niya.

Lumipad siya sa ere na bumagsak din sa lamesa na naging dahilan ng pagkasira nito.

Pero matapos no'n ay na-realized ko ang ginawa ko. Napatigil ako't napatulala habang tinutulungan ng dalawang lalaking iyon ang kasama nila na makatayo.

"Miles?" Nanlaki ang mata ko at napalingon kay Reed na gulat na gulat na nakatingin sa akin. "Ikaw may gawa nito?" Hindi niya makapaniwalang sabi at tukoy sa nasirang lamesa.

Humarap ako sa kanya. "No! Naabutan ko lang na ganyan sila, lasing siguro" palusot ko sabay lagay ng dalawang kamay sa aking likuran.

I don't want him to know na ako ang gumawa ng mga gulong 'to.

I averted my eyes.

Ayokong umasa si Reed na babalik pa 'yung dating ako. Hindi ako si Haley. Ako si Miles.

The Lord gave me a purpose to have a new life without those memories. I must not waste those opportunities.

Luminya ang ngiti sa labi ko pagkalingon ko ulit kay Reed. "Tara, baka madamay tayo." Paghila ko kay Reed palabas sa tindahan.

Jasper's Point of View

Patakbong umalis si Reed para sundan si Haley. Medyo hesistant pa nga siya pero nagawa pa rin niyang sundan si Haley.

Umalis na sa harapan ko si Mirriam at pumunta sa Ice Box. "Lalagyan mo pa ba ng yelo?" tukoy ko sa cold compress. Good thing at may dala rin si Kei no'n in case na mayro'ng ganitong mangyari.

Lumuhod siya sa white sand at binuksan ang ice box. hindi rin niya ako pinansin at tumingala lamang siya para kausapin sina Harvey at Kei. Hindi na nga ako nagsalita at pasimple lang din siyang tinitigan. Nakasuot siya ng Black Two Piece at nakalugay pa ang mga itim niyang buhok kaya makikita rin talaga ang kahabaan nito-- Natatakpan din ang kanyang likuran.

Lumipat bigla ang tingin ni Mirriam sa akin at namula. Tinakpan din niya 'yung dibdib niya.

"What are you looking at?!"

Nanlaki ang mata ko at napatayo. "Don't cover them as if I'm looking at your chest!"

Humarap siya sa akin at mas namula kaysa kanina. "Assh*le. Babanatan talaga kita!"

I want to tell her how pretty she is, pero 'di bale na lang. Huwag na.

Humawak ako sa pisngi kong may pasa. "Tomboy."