Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

TJOCAM 2: The Authentic Love

πŸ‡΅πŸ‡­Yulie_Shiori
65
Completed
--
NOT RATINGS
660.3k
Views
Synopsis
The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?
VIEW MORE

Chapter 1 - Miles

Chapter 1: Miles

Reed's Point of View

Ang sabi nila, mas exciting daw ang buhay kung 'di mo alam ang ending. Ngunit sa buhay ng tao, kahit 'di mo man gustuhin ay may mga pangyayari na 'di mo aasahan.

Maging masaya man 'yan o malungkot, kailangan mong ipagpatuloy ang buhay. Iba't ibang emosyon ang ating nadarama araw-araw.

Kung minsan naman ay mapapaisip na lamang tayo.

Talaga nga bang para sa atin ito? Deserve ba natin masaktan? Para sa'n? Matuto? Magkaroon ng kaalaman? Wala rin akong ideya. Gusto ko na lang hukayin ang sikreto sa mundong ito para maiwasan ang paparating na sakit at hirap.

Sa'n banda ako nagkulang? Ano ang kailangan kong malaman para 'di mapahamak 'yong mga taong importante sa akin? Bakit kailangang sila? Sila palagi?

Sa ilang araw at buwan na lumipas ay muli nanamang tumahimik ang lugar. Mapayapa ulit, pero ang utak ko,

...Hindi.

Tiningala ko ang ulo ko para tingnan ang asul na ulap.

Haley is a different person now. She won't beat you even if you tried to tease her.

She'll just giggle and put a smile on her lips like nothing really matters to her.

I also started to call her by her second name.

'Cause I just feel that she's near yet so far-- MILES away.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo." ibinaba ko ang ulo ko para lumingon sa taong iyon.

We went to her favorite place. Makikita mo rito ang lawak no'ng city at ang lamig ng simoy ng hangin. Ang tahimik pa ng lugar kung saan himig lang ng ibon ang tanging maririnig.

Tamang-tama lang sa kanya para makapag unwinding siya.

Humagikhik ako. 'Hindi naman." tugon ko 'tapos humarap sa kanya. She's still wearing her smile.

Kapag ginagawa niya 'yan, 'di ko rin maiwasang 'di isipin 'yong dating Haley.

It can't be helped, I just missed her so much that it makes me a bit sad just thinking how it ended like this. She suffers a lot, and for the second time. Dumaan nanaman siya sa depression dahil sa nangyari.

Ngumiti ako. "Tara, balik na tayo." at umalis ako sa harapan niya. Maliban sa pagpunta namin dito ay sinamahan ko rin siya mag jogging para mag circulate ng maayos 'yong dugo niya.

Saka nalaman ko kay tita Rachelle na ugali talaga ni Miles na mag jog every morning, sadyang 'di lang namin siya naaabutan dahil sa sobrang aga.

"R-Reed! Sandali lang, ang bilis mong tumakbo." hinihingal na sabi ni Miles dahilan para bagalan ko nang masabayan niya ako.

Tinaasan ko siya ng kilay habang natatawa. "Seriously? 'Di pa nga tayo nakakalayo pero pagod ka na 'agad." wika ko at pumaharap ng tingin, "But ya'know, kwento ko lang pero ikaw rin kaya 'yong nangunguna sa track and field natin every P.E." kwento ko habang nagja-jogged kami.

Everytime, second, and day. 'Di ko pinapalagpas 'yong mga alaala na mayro'n ako kay Miles.

Kung may pagkakataon ako, lahat ng iyon sinasabi ko. Umaasa na baka may maalala siya.

Tumawa rin siya ng kaunti, "You sure know about that person a lot." sinasabi niya 'yan na parang hindi mula sa kanya 'yong taong iyon. 'Yong sarili niya na pansamantalang nawawala, but I believe she'll be back!

"Well, we've been through a lot, so..." medyo yumuko ako ng kaunti, dudugtungan sana ang sasabihin pero ginulo lang niya 'yong buhok ko.

"Ayan ka nanaman. Don't worry about it, I know everything will be fine. But I'm still not convince sa kung paano mo kinuwento sa 'kin kung paano kita sinasapak dati." nguso nitong sabi 'tapos umiwas ng tingin. "Parang ibang tao 'yong tinutukoy mo."

Nakatingin lang ako sa kanya nang tipid akong ngumiti. Well, you're really different now.

"But do you like that side though?" tanong niya na nagpalaki sa mata ko. Lumingon din ako sa kanya 'agad.

"Eh?" tanging naging reaksiyon ko. Ba't bigla niyang natanong?

"I said the old me." ulit niya habang patuloy pa rin kami sa pagja-jogging. "Gusto mo ba 'yong ako noon?" tanong pa niya kaya hindi ko naiwasang mapatungo't mapaharap ang tingin.

Ayun nga iyong dahilan kung bakit minahal kita, eh. Dahil ayun ka.

Kahit 'di man kita sadya mahalin, pinili ka pa rin ng puso ko. Of course.

"Uhm... Nag-aaway kami madalas, nagkakapikunan pero... Okay na rin." nahihiya kong sagot nang mailayo ko 'yong tingin ko. Eh, sa nahihiya ako! Ano ba'ng magagawa ko?

Kahit pa na hindi siya iyong Haley na nakilala ko noon, siya pa rin 'yong babaeng 'di pagsasawaan ng puso kong makaramdam ng malakas na pagpintig ng puso.

Argh! Ganito pala siguro kapag nai-inlove ka.

'Di mo namamalayan, ang corny corny na ng sinasabi o iniisip mo.

"Hmm... I see. Then I think mas okay na rin kung ano ako ngayon." muli nanaman akong napatingin sa kanya. "You see? Pa'no kung dumating iyong araw na hindi na bumalik 'yong alaala ko? 'Di na 'ko bumalik sa kung sino ako noon?" tanong niya 'tapos lumingon na rin sa akin. "Naisip mo ba 'yon?" dagdag tanong niya na nagpahinto sa akin.

Tumigil din siya sa pagja-jogging para harapin ako habang ako naman ay napaisip sa sinabi niya-- hindi. Matagal ko na ring iniisip 'yon pero wala pa rin akong ideya sa kung paano ko siya iha-handle kapag nangyari iyon.

Pero 'di naman siguro importante kung 'di na bumalik ang alaala niya, 'di ba? Ligtas siya, doon pa lang. Nagpapa-salamat na 'ko, eh. That is more than enough.

Luminya ng ngiti ang labi ko at nagpameywang, "You don't need to force yourself to remember those memories. Kung dumating sa punto na 'di na bumalik ang nakaraan mo sa 'yo, much better. Doon ka sa mas kumportable ka." Nang sa gayun, hindi mo na maalala 'yong mga alaala na nakapagdala ng sakit sa 'yo.

***

NAKARATING NA KAMI sa mansion at natutulog pa ang lahat aside sa maids at guard na nandito. Nagkaro'n na kami ng security guard dahil sa trauma na naganap noong nakaraan. Sino ba namang hindi? Sa dinami-rami ng naganap kung sa'n nagdulot ito ng kapahamakan, impossibleng 'di ulit ito maulit.

Pero sana naman, h'wag na. Ayoko na, pagod na 'ko...

Pumasok na kami sa loob at ang unang ginawa ni Miles ay ang umupo sa sofa, kinuha ang bimpo na nandoon sa glass table at ipinangpunas sa mukha niyang pawis na pawis, inihanda ito ng kasambahay. "Hahh... Kapagod."

Umupo ako sa single sofa at pinakuha si manang ng maiinum namin na 'agad namang tango nito't umalis. Sa August pa ang pasok namin sa E.U kaya matagal-tagal pa ang bakasyon namin. April pa lang ngayon, eh.

"Reed" tawag ni Miles na mabilis kong nilingunan. Nakalugay na siya ngayon ng buhok pero kaagad ding tinirintasan ang buhok, "May plano ka ba mamaya?" tanong niya sa akin habang mabilis na inaayos ang buhok.

Tumaas ang dalawa kong kilay. Malamang, aayain niya ako sa kung saan.

Wala naman akong gagawin kaya, okay lang. Siya naman 'tong nag-aaya sa akin.

"Wala naman." sagot ko na ikinatuwa niya.

Inilagay niya sa kandungan niya 'yong dalawa niyang kamay, "Yes, may time pa lang tayong mag date mamaya." halos masamid naman ako sa laway ko kaya tumayo kaagad siya para hagurin ang likod ko. "Sorry, may nasabi ba 'kong 'di maganda?" walang ideya niyang tanong.

"W-wala." nauubo kong sagot.

Pero may nasabi kang maganda na 'di ko na lang aakalain na lalabas sa bunganga mo.

Usually, sasabihin mo pa kasi sa 'kin bago mo 'ko ayain.

'H-hoy, m-may kailangan tayong bilhin sa labas at w-wala akong kasama kaya i-ikaw ang sumama sa 'kin. Pero hindi dahil sa gusto kitang kasama o ano, hindi mo naman siguro na hahayaan na pagbuhatin ang babae, 'di ba?'

Something like that.

"Kung medyo nagulat ka sa sinabi kong 'date', I-I mean, friendly date." pagtatama niya kaya natawa naman akong inangat ang tingin sa kanya. Of course! Tanga tanga mo kahit kailan, Reed.

"H-hindi naman dahil doon kaya ako nasamid, baka may nakaalala lang sa 'kin." pagpapalusot ko.

Nilapag na ni Manang ang baso na may tubig sa lamesa kaya kaagad ko rin iyon kinuha para inumin hanggang sa mawalan ng laman.

Napadaan si Kei na mukhang lalabas yata ng mansion. Noong dumaan ang tingin niya sa amin ni Miles ay ngiti niya kaming nilapitan para batiin.

"Good morning. Sa'n punta?" tanong ko.

"Diyan lang sana sa labas, titingnan kung bukas na 'yong tindahan. Mgpapa-load kasi sana ako ng data. Nawalan bigla ng signal 'yong wifi, eh." kibit-balikat niyang sabi na tinanguan ko. Tiningnan naman niya ang suot naming pareho ni Miles. "Hmm? Nag jogging ulit kayo?" segunda niya.

Umupo muna ulit si Miles sa kaninang pwesto habang tumabi naman sa kanya si Kei at nginitian. "Yeah, nakikita mo ba itong abs ko?" Sabay taas ng damit ko para ipagmalaki 'yong mga pandesal pero nagulat ako dahil biglang tumili si Miles kasabay ang pagtakip ng mata. Ibinaba naman ni Kei ang damit ko't sinuway ako.

"Reed!" sita niya pero kumurap-kurap lang ako.

"Okay ka lang ba, sis? Don't cry na. Hindi ka na kakainin ng wolf." pagyakap ni Kei kay Miles sabay belat sa akin.

"Anong wolf ka diyan?!" namumula kong bulyaw.

Simula rin nang mapagtanto ni Kei at Haley na magkapatid sila ay nagtatawagan na rin sila ng 'sis'

Tutal, magkapatid naman talaga sila by half.

Namamangha nga lang ako dahil hindi nagkaroon ng gera matapos muling magkita si Tito Lesley at Tita Rachelle. Nagngitian lang sila't nagkaroon ng kaunting kwentuhan. Ayun iyong araw ng kaarawan ni Harvey-- Christmas. 25th of December.

Titig lang ang ginawa ko kay Miles habang tumatawa itong nakikipag-usap kay Kei.

'Di man ikaw 'yong babaeng nakilala ko noon, ikaw pa rin 'yong taong sinisigaw ng puso ko.

Hindi iyon magbabago.

Miles's Point of View

Sa mall kami pumunta ni Reed dahil gusto ko rin talagang maggagala-gala dahil ilang araw na rin akong 'di dumadalaw sa mall para lang magsaya. Masyado akong busy kahit na bakasyon dahil marami akong hinabol na requirements na 'di ko kaagad nagawa sa E.U.

Excuse naman ako dahil alam nga nilang nag a-adjust pa 'ko matapos 'kong magkaroon ng Psychogenic Amnesia.

Ginagala ko ang tingin sa paligid nang ibaling ko ang tingin sa likod ni Reed.

Sa 'di malamang dahilan, kapag nakakasama ko siya. Pakiramdam ko, palagi akong masaya.

Kumportable ako 'pag na sa tabi ko siya na ang gusto ko na lang, huwag na siyang humiwalay sa akin.

Ayoko namang isipin na in love ako pero,

...Siguro dahil siya iyong unang nakita ng mata ko kaya mas magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"Bago tayo pumunta sa School Supplies Store para bumili ng art materials, ano'ng gusto mo? Kumain muna o mamasyal?" sinabi ko kasi sa kanya na may bibilhin akong art materials para sa scrapbook namin. Doon ko ilalagay 'yong mga memorya na gagawin naming magkakaibigan.

Hinawakan ko ang baba (chin) ko na parang nag-iisip bago siya nginitian. "Siguro mamasyal muna tayo para kapag nagutom, kakain na lang" sagot ko kaya tumango ito at muling pinaharap ang tingin.

Ever since I woke up.

Pakiramdam ko, ang empty ko. Walang maalalang memorya sa nakaraan na pilit kong ibinabalik.

Iyong ang dami mong tanong, 'yong tanong na 'di mo magawang masagot-sagot.

Para ngang 'di rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng amnesia, iyong naisip ko na ganito pala 'yong feeling?

Hindi ko rin maintindihan pero kakaiba, ang lungkot. Puno ka ng pagkalito na gusto mo na lang iiyak kahit 'di mo alam kung ano ang rason.

Nandoon din iyong thoughts na, baka 'di ko matanggap 'yong sarili ko sa nakaraan kung saan pilit kong binabaon sa limot ang mga pangyayari sa buhay ko.

Kaya ko ba? Makakaya ko bang bumalik 'yong alaalang iyon? Okay lang ba kung lumingon pa 'ko't bumalik sa kung sino ako?

Ba't hindi na lang ako magpatuloy sa kung ano ako ngayon?

Yumuko ako't umiling-iling. 'Di ko alam... 'Di ko alam...

Reed's Point of View

Una naming pinuntahan ay ang Faiso-- kung saan dito madalas ibenta ang mga Japanese product. Pumasok kami ni Miles para magtititingin ng mga gamit. Kapag nakakakita siya ng mga cute na bagay, parang kumikinang ang mga mata niya't ipapakita iyon sa akin.

"Reed! Ang cute ng ballpen! May sisiw sa tuktok!" turo niya sa ballpen na hawak niya. Kulay Yellow ito at may spiral sa both cheeks kaya ang cute nga talagang tingnan.

Hindi ko rin napigilan ang 'di siya i-pat sa ulo.

"Yeah, ang cute cute nga." pagsang-ayon ko. Lumapit naman sa 'min ang isa sa staff ng shop na ito.

"Para sa girlfriend mo, sir. Bilhin mo na." ani no'ng staff kaya parehong namula ang mukha namin ni Miles.

"H-hindi ko siya girlfriend!" depensa ko sa babaeng staff na iyon pero humawak siya sa pisnge niya at nagawa pa 'kong lokohin. Pambihira 'yan!

Ipinangsulat na lamang ni Miles ang ballpen sa isang scratch paper para i-try kung gumagana.

Sinilip ko naman iyon at binasa.

'Haley Miles Rouge :-)'

Basa ko sa sinulat niya saka niya muling inilagay ang ballpen sa case kung sa'n niya kinuha kanina. Sinusundan ko lang siya ng tingin nang kunot-noo kong tingnan ang pangalan niya sa scratch paper at burahin.

Baka mamaya, may mag search ng pangalan niya. Mahirap na, full name pa naman 'yong nakalagay sa Facebook niya.

Nagpameywang pa 'ko na animo'y proud sa ginawa ko. Hehh! NO to malandi!

"Reed!" muling tawag ni Miles kaya lumingon ako sa kanya.

Idinikit niya sa pisnge 'yong malaking plush toy na sisiw. Ayun din iyong sisiw na nakita namin sa ballpen. "Cutie 'no?" tanong niya na nagpakinang pa lalo ng mata niya.

Lumapit naman ako sa kanya para makita ko siya ng malapitan.

Nakakaasar, how can she be so cute?

Huminto na 'ko sa harapan niya. "Sarap ipangyakap 'to tuwing gabi, gusto ko sanang bilhin kaso..." sabay tingin sa presyo nang ilayo niya ang sisiw sa kanya, "P7,000 'yong presyo, masyadong mahal." sabay balik no'ng sisiw na iyon sa pinagkuhanan niya kanina.

Tumayo na siya ng maayos, "Tara na Reed, punta naman tayo sa Precious Page" sabay labas ng shop, bago ako umalis. Nilingon ko na muna ang sisiw na gusto niya bago tingnan 'yong staff na binobola bola pa 'ko kanina.

Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa 'kin. "Bili na, sir. Limited lang 'yan." at nagtaas-baba pa ito ng kilay.

***

KAHIT PALA talaga mawala ang memorya ni Miles, hindi pa rin mawawala 'yong habit niyang pumunta ng Precious Page-- bookstore para maghanap-hanap ng libro kahit wala siyang balak bilhin.

Si Miles ang nagle-lead ngayon ng way sa kung saan niya gustong pumunta, pero huminto siya sa kalagitnaan. "Nagugutom ako." sambit niya pagkaharap sa 'kin.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ko sa kanya, gusto ko sana sa Wendy's ngayon pero dahil siya a ang boss, siya susundin ko. "Kahit saan pero doon tayo sa food chain para maraming pagpilian." at gaya nga ng sabi niya ay pumayag ako kaya doon kami dumiretsyo. Nakapili rin naman kami 'agad kaya hindi kami nagtagal sa paghahanap ng kakainin.

Umupo kami sa vacant na upuan. 'Di naman ganoon karami ang tao ngayon, eh.

"Diyan ka na lang at ako na ang o-order, ano ba gusto mo?" tanong ko sa kanya.

Nag peace sign siya, "Kahit na ano basta masarap."

Kahit na ano? Hahh! Edi sa Wendy's na nga lang! Yehey! Buti na lang mayro'n dito.

Tumango ako at pa-cool na tumalikod para bumili ng kakainin namin.

Miles's Point of View

Nakatingin lang ako kay Reed na bumibili ngayon sa Wendy's noong may isang lalaki ang lumapit sa akin.

Mukha pa itong nahihiya na lumapit sa akin pero nagawa ring ilabas ang pakay. "Uhm... Hi miss. Pwede bang mahingi number mo?" hingi niya sa number ko na may pagkamot pa sa ulo.

Hindi ko ito ka-edad at mukhang na sa 20's na siya.

In this kind of situation, what are you guys usually do? Ignore? Give your number to that person? Apologize? Or what?

"Uhm..." nag-aalanganin kong sagot. A-ano bang gagawin ko?

"Wala ka pa namang boyfriend, 'di ba?" tanong pa niya nang mapansin niya ang reaksiyon ko.

Wala nga ba akong boyfriend--? Ay oo nga 'no! Hindi ko pa pala natatanong kay Reed 'yong about doon.

Dumating na si Reed dala-dala ang in-order niyang pagkain. Ang bilis naman yata?

Inilapag niya 'yong order namin ng 'di inaalis ang masasamang titig sa lalaki, "Ano'ng kailangan niya sa'yo?" kalmado pero halata ang irita sa mukha. Is he mad?

"Hinihingi niya kasi 'yong number ko" sagot ko kay Reed na nagpakunot sa noo niya.

"Kuya ka ba niya?" tukoy sa akin ng lalaki. Nakatingin lang ako sa kanilang pareho, mga magkasalubong ang kilay nila kaya parang kinakabahan ako.

Isabay mo pa noong makita ko ang pagkuyom ng kamao ni Reed, sinusubukan niyang kumalma.

Galit talaga siya?!

"Hindi niya ako kuya, at hindi rin naman niya ako boyfriend." sagot ni Reed.

Lumingon sandali iyong lalaking 'yon sa 'kin. "Ah, gano'n naman pala. Edi pwede kong hingin number niy--" bago pa matapos ng lalaking iyon ang sinasabi niya ay mabilis na tumanggi si Reed.

"NO." mariin nitong sagot at binigyan ng nakamamatay na tingin ang lalaking iyon.

Tumaas pa ang balahibo ko dahil do'n. "Kaya kung pwede? Umalis ka rito?" udyok niya gamit ang malalim na boses.

Hindi naman nagdalawang isip ang lalaki na umalis sa harapan namin.

Inilipat ko ang tingin kay Reed, "Hindi mo naman kailangang takutin ng gano'n si kuya."

Umupo siya sa harapan ko't tumikhim, hindi pinansin ang sinabi ko't nginitian ako.

"Kumain na tayo. Gutom na tayong pareho, eh." at walang imik itong kinuha ang kutsara para magsimulang kumain. Gutom na gutom na nga siguro siya.

Nag sign of the cross na muna ako't nagpa-salamat sa Diyos bago ako magsimulang kumain.

Geez, Reed.