Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 5 - Fork

Chapter 5 - Fork

Chapter 3. Fork

NAPAKISLOT si Acel nang may dumamping malamig na bagay sa kaliwang pisngi niya habang nakaupo sa isa sa mga bleachers. May P.E. Class siya ngayong hapon pero wala naman na silang gagawin dahil nagka-emergency ang coach nila kaya umalis. Wala namang magsa-sub sa kanila dahil biglaan nga kaya nagka-free time sila.

"You're spacing out," pansin ni Baxter at umupo sa tabi niya. He's also her classmate in P. E. that's why he was there. Binuksan nito ang hawak na lemon juice in can at inabot sa kanya.

Agad naman niyang ininuman iyon. "Thanks!" pasasalamat niya matapos uminom nang kaunti.

"Saan ka kumain?" he asked her while looking at the students who are playing basketball. Nasa covered court kasi sila ngayon.

"Hindi pa ako—" Natigilan siya nang maalalang sinabi nga pala niyang busog na siya. "I mean, I'm still full."

He scowled and stared at her. "You still didn't eat," he stated. He sighed and grabbed her hand. "Let's go," yaya nito't tumayo saka inalalayan siya. Ayaw pa nga niyang tumayo pero nang mapansing seryoso ito ay nagpahila na siya.

"Sa café na lang tayo, gusto kong kumain ng cake," sambit niya habang naglalakad.

"My mom packed me a bento box." Tinutukoy nito ang lunch box a la Japanese style.

"You ate with your girlfriend, didn't you?"

Saglit na huminto ito sa paglalakad at halos maumpog siya sa likuran nito. He's lean but muscular.

"What girlfriend?"

"Jowa. Your girlfriend," nakangusong ulit niya.

"Wala akong girlfriend."

Sinalubong niya ang matamang mga titig nito sa kanya. "Si Margaret?"

Was it the right time to ask him? Wala namang masama, hindi ba? She just wanted to know.

"Ano'ng iniisip mo?" he asked seriously.

Umiling siya.

"I don't have a girlfriend," ulit nito.

"Flings? Fuck buddy?" paninigurado niya.

"I don't have..."

"It must be true, then," she murmured.

"What's true?" he probed.

"That you're bound to marry that Baguio girl," maliit ang tinig na aniya.  Margaret's from Baguio City and went to Manila to study college.

"She is just a family friend. You know that, right?" paglalambing nito.

"But the rumor says you two will get married after college."

She also knew that arranged marriage wasn't a Benoza thing but she still wanted affirmation from him.

"No, we're not getting married. We aren't even close."

She stayed still and eventually tried to change the topic. "Ang init dito! Balik na lang tayo sa bleachers?" Nasa labas na kasi sila ng covered court at tirik na tirik ang araw sa mga oras na iyon.

He sighed, letting go of the topic like it's irrelevant. "Let's get going, Acel."

She checked the time on her wristwatch, and that's where she realized they're still holding hands. Parang kanina lang ay sa palapulsuhan niya ito nakahawak hanggang sa hindi niya namalayang nagsiklop ang mga kamay nila.

Napakagat-labi siya at binawi ang kanang kamay mula sa pagkakahawak nito. She then lead the way to the University Café. Ramdam na ramdam niya ang paninitig nito mula sa kanyang likuran.

"What do you want?" tanong nito kaagad pagkapasok nila sa café.

"Humanap ka na ng mauupuan, ako na lang ang o-order. Ano ang sa iyo?"

"Ako na," tanggi naman nito.

Heto na naman sila sa kung sino ang magbabayad sa o-order-in na kadalasan ay ito rin naman ang nagbabayad. Alam kasi nitong nagtitipid siya. Pwera sa pagkain, syempre. Hindi bale nang simple o peke ang mga damit niya, basta nakakakain siya ng masasarap na pagkain.

Hindi na siya tumanggi pa at sinabi rito na ang gusto niya ng chiffon cake at caramel frappe. Humanap na rin siya ng pwesto at sa bandang gitna sila ng café dahil maraming mga estudyante ang umookupa sa ibang mga mesa. Mayroon naman sa bandang dulo pero malapit sa restroom. Ayaw niyang dinadaan-daanan sila ng mga tumutungo sa restroom.

Pagkaupo nila ay tinanong niya ito, "Nasaan ang bento?" Naalala niya kasing sinabi nitong pinagbaon ito ng mama nito.

He opened his bag and brought out the three-layered box.

The bottom container has strawberries and blueberries, the middle one has omelets and tender beef and the top part has vegetable salad.

"Walang kanin?" she asked. "Ay, busog nga pala ako," agap niya.

"You aren't a good liar." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Eat this while we're waiting for your dessert.

Dessert daw? Sa bento box, mayroon nang berries doon. She ate the blueberries first but not the strawberries.

"Ah..." Inilapit niya sa bibig ni Baxter ang hawak niyang maliit na tinidor kung saan nakatusok ang malaking strawberry roon.

He gulped then he opened his mouth to consume the mouthwatering berry.

She smiled remembering how Baxter likes strawberries that much. "Sa iyo ang mga ito," aniya at bahagyang tinulak ang lalagyanan ng mga berries dito. May blueberries pa roon.

"I'm fine. You should eat these." Kahit halata namang gusto pa nitong kumain ng strawberries.

"Come on, share tayo. Ang dami pa nito!" Nagsimula na rin siyang kumain ng omelet. Napakalambot at ang linamnam ng omelet na gawa ng mama ni Baxter. "Kainin mo itong baka, ah," baling niya kay Baxter matapos ngumuya ng piraso ng omelet while he's still eating the strawberries.

Tumango ito at pinwesto niya ang bento box sa bandang gitna ng mesa. Sakto namang ise-serve na rin ang mga order nila kaya tuloy-tuloy na sila sa pagkain.

"So, saan kayo nag-lunch ng girlfriend mo?" She tried hard to sound so casual when she opened the topic.

"Hindi ko nga girlfriend si Marga."

She pouted. Malay ba niya, hindi ba?

"Saan nga kasi?"

He looked at her as if he's thinking that she doesn't believe what he said. "We didn't eat together."

"Weh?"

Pumikit ito nang mariin pero saglit lang iyon. Nanatiling nakatitig sa kanyang mukha, partikular na sa kanyang bibig. "You have ketchup here," anas nito at pinunasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang hinlalaki nito.

Napasinghap siya sa munting interaksyon na iyon. Kailan ba siya masasanay sa lalaking ito? Bakit tila lagi siyang ninenerbiyos sa tuwing kasama niya si Baxter?

"T-thanks. So, saan nga?"

"Ang kulit mo, Ace. Hindi nga kami magkasama kanina. May kinausap ako."

"Huh? Sino naman?"

"Just someone." Pagkuwa'y nabaling na nito ang usapan nila.