Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 9 - Nurse

Chapter 9 - Nurse

Chapter 7. Nurse

HINDI man aminin ni Acel ay alam niya ang dahilan kung bakit pilit niyang inaaway si Baxter, bukod pa ang pagkasira ng mood niya. Tahimik siyang sinundan nito hanggang sa makarating sila sa Street kung nasaan ang apartment complex. Alam naman ng huli na hindi niya ito papapasukin pero nanatili lang ito roon, naghintay na tuluyan siyang makapasok. Saglit din siyang tumigil pero napagpasyahan niyang tumuloy na sa loob ng gusali.

Pero bago pa makapasok ay nagsalita ito. "I don't want to audition because I don't want to leave our Club," panimula nito na nagpatigil sa paglalakad niya.

"H-huh?" Tama ba ang narinig niya?

"Ayaw ko sanang mag-audition kasi akala ko, ako lang mag-isa."

Nangunot ang noo niyang lumingon dito, ang tibok ng kanyang puso'y abnormal na. Aatakihin ba ako?

"Ayaw kong iwanan ang Club dahil nandoon ka," dagdag pa nito.

"P-pumasok ka muna sa loob?" biglang alok niya.

Umiling ito. "Aeiou isn't inside."

"Alam ko." Pakiramdam niya ay humupa na ang toyo niya. Tinotoyo ang kadalasang sinasabi kapag wala sa mood ang isang babae.

"That's why we're going to stay outside. Doon tayo sa park," yaya nito. Agad naman siyang tumalima at naupo siya sa swing nang makarating sila. Nanatili namang nakatayo si Baxter at pinakikiramdaman siya.

"So?" she probed.

"If I join the band, that would mean I have to leave Classical Club, right?"

Hindi siya sumagot.

"Hindi na kita gaanong makikita't makakasama."

Napamaang siya rito.

"But if you are going to audition, too, I won't mind joining the band as long as I'm with you."

O, ano? Tameme ka ngayon, sis?

Idinaan na lang niya sa pagduyan ang kilig na nadarama. Para siyang kinakantahan ng hangin at sinasayawan ng mga dahon ng puno kung saan nakalilim ang swing habang nagduduyan siya. 'Ni hindi na nga niya mapakinggan nang husto ang sinasabi pa ni Baxter dahil masyado siyang sumaya sa sinabi ng lalaking ayaw nitong umalis sa Club kung saan pareho silang myembro.

"—I like you..."

Sa isang iglap ay luminaw ang pandinig niya at sa gulat ay hindi niya nabalanse ang pagduyan kaya nahulog siya sa buhanginan.

"Acel!" bulalas ni Baxter at agad siyang dinaluhan. "Saan ang masakit?"

Ay, iba, hindi siya tinanong kung ayos lang ba siya. Marahil ay alam nitong hindi. Sa lakas ba naman ng kalabog niya'y sino'ng magiging maayos doon?

"Damn," mura nito nang mapansing may galos siya sa kaliwang siko. Pinantukod niya kasi iyon nang mag-dive siya sa buhangin. Kaya lang ay dumulas ang siko niya't bumagsak ang bigat niya sa kanyang balikat. Maingat na hinawakan nito ang siko niyang nagalusan subalit napangiwi siya. Muli itong nagmura. "I'll bring you to the hospital!" Natatarantang bulalas nito.

"Yeah..." sambit na lamang niya. Mukhang kailangan niya ngang magpatingin sa doktor lalo pa't hindi niya maramdaman ang kaliwang braso. Mukhang nabalian siya ng buto.

Nang makarating sa osptial ay tama ang hinala nilang may masakit sa kanya. Nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi siya nabalian subalit na-dislocate naman ang buto niya sa balikat. Nang hilahin ng Orthopedic ang braso niya para maibalik sa dating posisyon ang joints niya ay napahiyaw siya sa sakit. Hindi naman siya iniwan ni Baxter at pakiramdam niya'y bumaon ang mga kuko niya sa braso nito dahil doon siya nakahawak. Nang hindi na makayanan ang sakit ay sinadyang ilapit ni Baxter ang braso sa kanyang mukha at tila wala na siya sa katinuan nang kagatin niya ito upang tiisin ang sakit na nadama.

She felt his muscles stiffened as she bit him hard. Ilang sandali pa ay umayos na ang lahat at lumuwang na rin ang pagkakahawak niya sa braso nito. Lupaypay siya nang matapos iyon at doon pa lang napagtanto ang ginawa.

The doctor chuckled unbelievably. "Mukhang may injury ka na rin, hijo," he jokingly said to Baxter. "I'll be back later, magpahinga ka muna," baling sa kanya ng doktor at bago umalis ay inesplikang ica-cast ang braso niya't hindi pa maigagalaw ng maayos sa loob ng ilang linggo.

"Uh," Hindi niya alam ang sasabihin nang maiwan siya kay Baxter. "Pagamot mo na rin iyan..." Napayuko siya nang makita ang nagsusugat nitong balat dahil sa kagat niya't madiin na paghawak dito kanina. Namumula ang mga iyon gawa nang pagkabaon ng mga kuko niya kanina. Idagdag pa iyong nakagat niya nang malalim.

"Are you feeling better now?" he's worried.

Hindi makapaniwalang nag-angat siya ng tingin dito. Seryoso bang kalagayan niya ang inalala nito samantalang halata namang nasaktan din naman ito?

Tumango siya rito at doon pa lang niya nakitaan ng kaluwagan ang mukha nito.

"Nurse," maliit ang tinig na tawag niya sa lalaking nurse. Tumalim naman ang mga titig ni Baxter nang lumingon ang nurse.

"Do you like him?" tanong nito.

"What? I can't believe you!" Hindi na niya ito pinansin dahil nakalapit na ang nurse. "Pakigamot ho iyong mga galos niya't sugat," habilin niya sa nurse.

May itsura ang nurse kaya hindi niya maalis ang tingin dito. Minsan lang siya makakita ng gwapo at ia-appreciate lang naman niya.

Ano'ng minsan? Halos araw-araw mo ngang nakikita si Baxter! Sabad ng kanyang isipan. As if on cue, bumaling siya kay Baxter na masama ang tingin.

"What?" she mouthed. Mas sumama kasi ang tingin nito nang dinaluhan ito ng nurse at pinaupo sa plastic chair na nasa tabi niya.

Tumawa ang nurse at pasimpleng tinapik ang balikat ni Baxter.

"I'm married so you don't have to glare at me like I'm a rival, young man."

"Oh, kasal ka na? How old are you?" she curiously asked. Mukha kasing bata pa ito.

"Thirty-four."

Ay, joke lang pala. Hindi na ito bata.

"Nurse Chen, iwan mo na kay Nurse Demi iyan, kailangan ka sa O.R.," tawag ng isang medical staff dito na sinabing kailangan na sa Operating Room si Nurse Chen. Agad namang tumalima ang nurse at ilang sandali pa ay dumating ang isa pa.

Her eyes widened when she realized she's a she! A woman! Agad na bumaling siya kay Baxter na sa kanya lamang nakatitig. She felt relieved.

Hinuli ng nurse na nagngangalang Demi ang braso ni Baxter at parang sumama na naman ang timpla ng mood niya. Bumusangot siya habang nakatingin sa magkadikit na mga balat ng dalawa.

Baxter hissed when the nurse suddenly poured some alcohol on his skin.

"Dahan-dahan naman po!" Naiiritang bulalas niya.

The nurse didn't look offended at all. "Do you want to do this instead?"

"The what?" She's really irritated.

"This one. Ikaw na ang maglagay ng gamot. Mukhang ayaw mong nahahawakan siya ng ibang babae," she teased. Bago pa makahuma ay inabot nito sa kanya ang mga kakailangaing gamot at iniwan na sila roon.

"O, akala ko ba'y gagamutin mo iyong mga sugat ng pasyente?"

"Nagseselos iyong girlfriend, eh," pabulong na sagot ng nurse, kung bulong pa bang matatawag na narinig nila iyon.

Mas lalo siyang bumusangot nang makitang ngingiti-ngiti si Baxter at parang nililipad ang utak nito habang nakatitig sa kanya.

"Tuwang-tuwa ka, ah? Enjoy na enjoy mo ba ang paghawak sa iyo ng Nurse na iyon?" inis na bulalas niya rito.

Napakurap-kurap ito at bago pa makapagsalita para depensahan ang sarili ay binuhusan niya ng alcohol ang mga nagsugat sa balat nito.