Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 11 - Troubled

Chapter 11 - Troubled

Chapter 9. Troubled

ACEL'S mind was troubled the following week especially because of Baxter. He still didn't show up to his classes and she's starting to worry about him. Pero nang maalalang muli ang tagpong naabutan sa Club Room ay muling sumikdo ang galit sa kanyang dibdib.

What if he got married and he's on honeymoon now? And that he didn't tell her about that because she's just nothing for him?

Pakiramdam niya ay sumasakit din ang kanyang sikmura sa tuwing naiisip niyang magkasama ang dalawa. Kung sana'y katulad lang ng pagsakay sa jeep ang mga eksenang bumubuhos sa isipan niya, maaari siyang sumigaw ng "Para po!" para tumigil ang jeep at makababa siya saka matakasan ang mga isipang iyon, 'di ba? Kaso, hindi. Kahit ano'ng gawin niyang pagbaling sa ibang bagay ay mas sumasakit ang ulo niya dahil bumabalik pa rin sa imahe kung saan naabutan niya ang dalawa na naghahalikan.

Kahit nag-aalala ay nilamon na ng galit at inis ang kanyang isipan dahil sa kung anu-anong kamunduhang naiisip niyang ginagawa ng babae at ni Baxter.

Sa paglalakad ay hindi niya namalayang lulan na siya ng lift papanhik sa palapag kung nasaan ang apartment na tinitirhan nila.

"Hoy, bruha ka, 'Che!" untag ni Aeiou nang pumasok na siya. Kanina pa yata ito nakauwi dahil nakasalampak na ito sa carpeted floor at nakasandal sa sofa. Pambibira, bakit pa sila nag-sofa kung hindi naman gagamitin? Nanonood ito ng isang TV Series bago bumaling sa kanya.

Tango lang ang isinagot niya rito.

"O, ba't laglag ang balikat mo?"

"Pagod lang."

She raised an eyebrow. "Baxter called," sambit nito sa pagitan nang pagkain ng chips.

"So?"

"He's asking me if what happened to you. Naka-off daw ang phone mo. At bakit hindi mo sinabi sa kaniya na nagpalit ka ng sim? Ibinigay ko iyuong number mo."

"Bakit?"

"Anong bakit? He's your best friend."

Napabusangot siya. Hindi nman iyon ang tanong niya. Bakit... "Nagkakausap kayo lagi?" Sometimes, she wanted to smack herself for being so cold to Aeiou when it comes to Baxter. Minamaldita niya ito kahit wala namang ginagawa.

Her friend wasn't offended at all. "Kanina lang kami nagkausap actually."

Bumusangot lalo siya at tumabi sa kaibigan. Sinubuan naman siya nito ng kinakaing Pringles. Iyong original flavor lang. Pagkuwa'y mahabang katahimikan ang namayani sa kanila saka inabala niya ang sarili sa panonood ng TV. Her friend was just watching some random drama that she knew she wasn't really watching. Kumbaga, nakasindi lng ang TV pero wala roon ang atensiyon nilang dalawa.

Ilang sandaling nagpakiramdaman pa sila bago binasag ni Aeiou ang katahimikan.

"Are you alright?" nag-aalalang bulalas nito. "You look stressed over something."

Kumuha lang siya ng dalawang pirasong Pringles at nagpanggap na walang narinig.

"Uy, ayos ka lang ba talaga?"

Habang ngumunguya ay hindi na niya napigilan ang maiyak. Ilang araw na nga siyang isip nang isip kung bakit hindi nag-e-effort si Baxter na kausapin siya. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa lalaki.

Mabilis naman siyang inabutan ng isang basong tubig ni Aeiou at ininuman niya iyon. There were really times that when somebody asked you if we're you feeling alright, you will just burst out crying because you knew that you weren't alright.

"H-hey," si Aeiou. Tumayo lang siya at dumiretso sa lababo upang makapaghilamos. In that way, she could stop her tears from falling. Or, she hoped so.

Nakatanaw lamang ang kaibigan sa kaniya hanggang sa makabalik siya sa tabi nito. Napabuntong-hininga siya nang bumaling dito.

"I'm sorry," panimula niya.

"Don't be. Just cry your heart if you want to."

As if on cue, her eyes watered with tears again. "'Kainis ka naman. Ayoko n-na ngang umiyak..." She was not sorry that she's crying. Humihikbi man ay napagpasyahan niyang magpatuloy sa pagsasalita. "Alam ko namang hindi mo siya gusto pero palagi kitang nasusungitan kapag binabanggit mo siya." Sininok siya. "H-hindi ko alam kung bakit ganito..."

Matamang nakikinig ang kaibigan niya sa kanya at bahagyang ngumiti na oara bang sinasabing ayos lang na makaramdam siya ng ganoon minsan. "Nagseselos ka."

Napakagat-labi siya. Alam niya iyon pero hindi niya maamin-amin sa sarili kung bakit siya nagseselos.

"You like him," bulalas pa ng kaibigan. She knew it already as well.

"But he likes older than me! Than us! Para na naming tita iyong kausap niya noong nakaraan..."

Nangunot ang noo ni Aeiou at lumagpas ang mga titig sa kanya. "Get out!" she screamed to the top of her lungs. Nagmukha itong handa nang makipag-away.

Napapitlag siya. Pinalalayas ba siya nito? Bakit? Nada-dramahan na ba ito sa kaniya? Sa buhay niya? 'Tapos dumagdag pa itong nararamdaman niya kay Baxter.

"I'm sorry, I'll just check in a hotel ton—"

Aeiou just snapped. Tumayo ito, at sinundan naman niya ng tingin ang dire-diretsong paglakad nito sa bandang likuran niya. Kaya pumihit siya at nanlalaki ang mga matang nakita niya si Baxter na nakasandal sa may pader at nakatitig sa kanya. Puno ng kalituhan ang nasa mga mata nitong kalauna'y napalitan ng pagkamangha.

Aeiou went to him and punched him on his chest. Hindi man lang natinag ang lalaki.

"Pinapasok kita rito dahil ang sabi mo'y susuyuin mo siya! 'Tapos babae pala ang dahilan? Gago ka rin pala, 'no, Benoza?"

"I don't have any relationship with Ms. Alfonso," seryosong hayag ni Baxter.

By hearing that, her full attention shifted to him, waiting for him to say more.

"Duh! 'Yan ang linyahan ng mga taong manloloko!"

"Aeiou..." maliit ang tinig na awat niya rito.

"What? Don't tell me makikinig ka sa kanya? Oh, please! Spare me from this drama!" sikmat nito. Alam niyang may pinagdaraanan ang kaibigan at marahil ay na-trigger ng sitwasyon ang emosyon nito. Dali-dali itong pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto.

Kaagad naman siyang tumayo para katukin ang pinto ng kwarto ng kaibigan subalit bago pa makalapit ay hinila siya ni Baxter at niyakap ng animo'y hindi na siya pakakawalan.

"Pupuntahan ko lang siy—"

"I miss you..." masuyong anas nito.