Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 16 - Offer

Chapter 16 - Offer

Chapter 14. Offer

"EXCUSE me, may naghahanap sa inyo," one of the organizers called Acel and Lana as they were talking with the other staffs and vand members. Kaagad naman silang nag-excuse sa usapan para harapin ang naghahanap sa kanila.

"Hi," bati ng isang babaeng nakabihis man ng casual ay naghuhumiyaw pa rin and pagiging elegante.

"I know you!" bulalas ni Lana.

Nagtatakang lumingon naman siya sa ka-banda.

"Hindi mo siya kilala? She was very sikat when she's studying here—the heiress of Namoco-Gozo Enterprises, girl!"

Nangunot ang noo niya. Ano raw?

Napapalatak si Lana. "Business major kasi ako kaya kilala po kita," baling nito sa heiress. Unang sulyap pa lang, mukhang bigatin na nga. Naghuhumiyaw ang ere nito sa katawan.

"I'm Rachel Gozo, at hindi business ang sinadya ko rito. Well, sort of. Didiretsuhin ko na kayo dahil baka maunahan pa ako ng iba. Humahanap ako ng miyembro para sa itinatayo naming banda, at gusto ko kayong dalawa. I've listened to you a while ago and you immediately caught the crowd's heart! Plus you are really talented."

"Ano po?" hindi makapaniwalang tanong niya. Am I hearing it right?

"Huwag n'yo na akong pino-'po'! I bet I'm only one or two-year older than you. Mas nauna lang akong magtatapos ng isang sem sa inyo, which is this sem nga, kasi nag-advance ako ng units." Saglit itong natigilan. "Oh, wait! My bad. Naliligaw na tayo sa usapan. Anyway, I'll just give you my calling card—No, I'll get your contact numbers so we could set a meeting regarding this. For now, you can enjoy the night first. Congratulations on your successful performance!"

Napakurap-kurap siya nang ibigay rito ang contact number niya. Wala sa sariling dumako ang tingin niya kay Baxter na matamang nakikinig pero halata rito na masayang-masaya ito para sa kanya.

Ms. Rachel Gozo went on, "The band will be composing of probably four to five members including the vocalist. It will be an all-girl..." Hindi na niya gaanong nasundan ang litanya nito at sa huli'y nagpasya itong magpaalam na. Naiiling na nakangiti ito nang kamayan nila ang huli dahil halata sa kanila ni Lana na hindi pa napo-proseso ang offer sa kanila.

"Expect for my call within this week, okay? Or we can just set the meeting on your semester break," dagdag pa nito bago na nagpaalam na may kailangan pang asikasuhin.

Ilang sandaling nakatulala siya nang kalabitin siya ni Lana Amelia.

"Acel, we aren't dreaming, are we?" natutulalang tanong ni Lana.

Nang umiling siya ay nagtilian silang dalawa at napayakap sa isa't isa. Humiyaw naman ang iba at patuloy silang binabati.

Baxter, on the other hand, was still standing a few meters away from them. She walked as fast as she could—almost running—and threw herself onto him. Alerto naman siya nitong sinalo saka binuhat at umikot ng dalawang beses bago siya ibinaba.

"I'm so proud of you, Acel," anas nito; tunay na nakangiti.

She was teary-eyed when she nodded. "I can't believe I'm one step closer with my dream, Baxter! I will be a musician! A part of an all-girl band! You heard everything and I am not dreaming, right?"

He smiled widely and he nodded twice. Nag-angat pa siya ng tingin nang ipagdikit nito ang mga tungki ng ilong nila. "And I will become an idol, baby," he murmured.

Napakurap-kurap siya. What did he mean by that...?

"Our group will debut months from now," dagdag pa nito.

Napatili siya sa sobrang saya at yumapos sa batok nito. Walang pagsidlan ang kasiyahang nadama niya dahil parehas nilang maaabot ang kani-kanilang mga pangarap.

This was just the beginning but she couldn't help but be joyful that finally, they will become professionals in their chosen fields.

"O, e, 'di kayo nang mag-jowa," natatawang komento ni Lana. Inulan tuloy sila ng tukso.

Doon lang kasi niya napagtantong nasa backstage nga pala sila, sa waiting area, kaya ang ilang kasamahan, pati na ang ilang staffs ay nagsilbing viewer nila. Parang mga chismoso ang nga ito habang malapad ang pagkakangising nakatutok ang mga paningin sa kanilang dalawa ni Baxter.

Baxter didn't seem to notice yet because he had been staring only at her; his eyes were flickering.

"Damn, Benoza, you are so whipped!" They heard someone commented. Si Aeiou pala iyon na kanina pa nakamasid sa kanila, nakatayo sa may entrance ng tent na tinayo sa backstage. Halatang inaabangan siya ng kaibigan.

Doon lang natauhan si Baxter at napakamot ng batok. Nakangiti nitong sinalubong ang mapanuksong mga titig ng mga naroon.

"Hihiramin ko muna ang girlfriend mo saglit, ah. Magpapa-retouch lang ako ng makeup."

Tumango ito pero imbis na bitiwan siya ay ito pa ang gumiya sa kanya palabas doon.

"Ihahatid ko kayo," wika ni Baxter nang makalabas sila sa tent na nagsilbing backstage room nila.

"'Ku! Ayaw mo lang na maghiwalay kayo nitong girlfriend mo. Oo na, sige na, okay lang kahit sumama ka na. Magpapa-retouch lang naman ako ng makeup kay Acel. Pwede mo na rin siyang ihatid pagkatapos, tutal ay ito na rin lang ang huling performance namin."

Aeiou didn't know how to wear heavy makeup and she happened to have the talent. Kaya imbis na makisali pa ito sa mga makeup artist na abala rin naman sa ibang mga nagpapaayos, ay siya na lang ang pinakiusapan nitong mag-makeup dito. Theater play ang ipe-perform ng kaibigan at ito ang kontrabida sa Play.

"Bakit pala ikaw ang naging kontrabida? Akala ko ba, sa props ka lang ngayon?"

"Isinugod sa ospital si Mia last week, at ako ang kinuha na pamalit dahil mas madali lang naman akong mag-memorize ng mga linya kaysa sa ibang available."

"Kaya pala palagi kang wala nitong nakaraan, I assumed na dahil busy ka lang sa mga props. Teka, napaano ba si Mia? Kumusta naman na siya?"

"She, uhm, tried to cut herself. We didn't know she's clinically diagnosed with depression, even her friends have no idea that she has MDD. Hindi naman kasi halata sa kaniya. She's really jolly whenever na nasa set kami." She meant Major Depressive Disorder—a serious mental health disorder that could drastically affect a person's daily life. For example, it'd result in problems sleeping, eating, and working.

"Oh," she didn't know what to react on that.

"Minsan talaga, hindi natin nakikita na may pinagdadaanan na ang ibang tao. They keep on wearing a mask to hide their true feelings."

Bumaling siya kay Baxter at napatango-tango. "That must've been difficult. Siguro, kapag mag-isa siya, ang daming tumatakbo sa isip niya."

"Kaya nga." Aeiou nodded. "Mabuti na nga lang at naagapan dahil naisugod pa ng mama niya sa ospital. She already lost a lot of blood at that time to the point na kinailangang salinan ng dugo."

"I hope she gets better soon."

"Okay naman na siya physically. Pero siyempre, hindi natin alam kung kumusta na ang mental state niya. Kaya sana, gumaling na nga siya. Sayang siya, outstanding pa naman sa acads."

She agreed with her. Pamilyar kasi siya sa babae.

Baxter then changed the topic, telling them that they had to do their thing already.