Chapter 20. Article
ISANG tikhim ang nagpabalik kay Acel sa kasalukuyan.
"Natatandaan mo na?" Nakangiti si Romano habang nakatitig sa kanya. His eye smile was beautiful, but it didn't affect her at all.
Bigla ay naalala niya ang magagandang mga mata ni Baxter, ang pamumungay ng mga iyon sa tuwing lalambingin siya, ang pamumula ang pisngi nito sa tuwing ginagantihan niya ang paglalambing nito... at ang mapang-akit nitong ngiti.
"Don't look at me that way. Baka isipin kong nai-inlove ka sa akin."
Napakurap-kurap siya't bumaling kay Romano. Was I smiling dreamily?
Tumawa ito ng malakas. "I was just kidding! Loosen up, I already like someone," bulalas nito at pabirong inakbayan siya.
Nataranta siya sa inakto nito kahit pa nga halata namang palakaibigan lang talaga ito. Pakiramdam niya nga'y pwede nang sabitan ng sash na may nakalagay na Mr. Friendship si Romano, eh. Paano'y bawat taong mapadaan sa harapan nila ay binabati o kinakayawan nito.
"I have a boyfriend," she exclaimed.
"Oh, sorry, I didn't know." Agad nitong inalis ang brasong nakaakbay sa kanya at bahagyang lumayo. Good thing she didn't remove her overcoat.
Pero kinailangan niya ring hubarin iyon nang bumalik si Aeiou nang basang-basa ang suot na top pababa sa suot nitong skirt.
"Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong niya. Kasunod nito ang lalaking nagyayang makasayaw ang kaibigan.
Dumilim ang tingin ni Romano rito. "What did you do, Mercado?"
"Wala, pare. Medyo sumayad lang ang kamay ko sa kan—"
"Fuck you! You were harassing me!"
"I wasn't. Pinupunasan ko lang ang nabuhusa—"
"Sinadya mong ibuhos sa akin ito! And mind you, your hands were already exploring even before you poured this Margarita you're handing to me!" hiyaw ni Aeiou na nagpalingon sa ibang mga nandoon malapit sa pwesto nila. They're already making a scene.
Romano apologetically looked at them before he suddenly punched the man. Napatili silang pareho ng kaniyang kaibigan nang bumalandra sa sahig ang lalaki.
Bago pa makahuma ang tinawag nitong Mercado ay dumating na ang mga bouncer upang ilayo ang lalaki sa kanila. No, they did not look like bouncers at all. Parang mga taong nagka-club lang din na naka-casual clothes, but their aura was something you couldn't ignore. They looked so... dominating, strong, and somehow scary. Nilikot niya ang paningin, the bouncers were standing behind while the others were controlling the crowd.
But why didn't they restrain Romano? Ito ang nanuntok, hindi ba?
Mabilis na lumapit si Romano sa kanya saka pinatong sa kanyang balikat ang suot na itim na coat. Nakita rin nilang gume-gewang gewang si Aeiou at bago pa ito matumba ay nasalo na ito ni Romano.
"Bitiwan mo siya," madilim na untag ng kung sino.
Napamaang siya nang makilala ang bagong dating. Madilim ang mukha nito nang binuhat si Aeiou at pagkuwa'y huminto ito nang bahagya sa tapat niya.
"Let's go, Acel." It was her friend's boyfriend. Nagtaka siya na nandoon pala ang huli. Nakuha na niya kaagad na bukod sa problema niya ay may pinagdadaanan pala si Aeiou. She felt a bit guilty because she was too focused on herself that she forgot to check on her friend.
"Rio, k-kaya kong umuwi. Asikasuhin mo na muna si Aeiou."
"Bring her to the emergency. I think she was drugged," sansala naman ni Romano.
"Huwag mo akong pangunahan. Alam ko ang gagawin ko. Tara na, Acel." Mababa na ang tinig ni Rio subali't mababakas na ayaw nitong makipag-usap.
"Ihahatid ko siya," sabad uli ni Romano. Rio's jaws clenched but it seemed like he trusted this man so she was left with Romano Caballero.
Nagpagiya kaagad siya nang bahagyang hilahin siya ng lalaki palabas ng club. Sa parking lot sila dumiretso at habang naglalakad ay natanggal ang suot niya coat. They stopped walking for a while and he immediately got it. Ito na rin ang nagsuot niyon sa kaniya.
"I apologize about what happened earlier," panimula nito nang in-unlock nito ang sasakyan gamit ang remote key. Binuksan nito ang pinto at sumakay naman siya. Umikot ito patungong driver seat para umupo roon. Few seconds after, he informed her, "I was on an undercover." Naguluhan siya nang husto sa siniwalat nito.
"What undercover?"
Sa mabilisang paliwanag ay nalamang niyang isa itong secret agent at minsa'y trabaho nitong tulungan ang mga awtoridad, gaya na lamang ng nanyari sa club. Hinuli ng mga ito ang suspect na serial rapist na si Benedict Mercado. Hindi ganoon kalawak ang impormasyong isiniwalat nito. Sapat lang ang nalaman niya para maintindihan kung bakit hindi man lang ito pinigilan nang suntukin si Mercado, o nang umalis sila. And she remembered one thing.
"Baka may trabaho ka pa pala?"
Umiling ito. "Iyong partner ko na ang mag-aasikaso niyon."
"You weren't alone?"
"I was with my boss earlier."
"Boss?" Nangunot ang noo niya. Napaisip kung bakit kasama nito ang boss. Na siguro ay hindi lang small thing ang operation na naganap sa club.
Hay, bakit ba niya iisipin ang bagay na iyon? Labas na siya roon. Ang importane'y ligtas silang magkaibigan.
Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ni Romano, hudyat na may tumatawag. He glanced at her as if he was asking for permission to answer the phone before he'd drive.
"Sige, sagutin mo na. Baka importane."
Tumango ito at sinagot ang tawag. Marahas at ilang ulit itong nagmura bago tinapos ang tawag.
"Ano'ng nangyari? Sumablay ba kayo kanina?" nag-aalalang tanong niya. Baka namaya ay balikan ng rapist na iyon si Aeiou!
Pero pagak lang itong natawa. Umiling pa bago sinabing sinabing maayos ang naging operasyon sa pagtugis sa kriminal. "But we have one problem..."
"We?" Nagtatakang tanong niya. The way he uttered the word made her feel like it was the two of them. Lumingon siya sa paligid at bahagyang nasilaw sa liwanag na sa tingin niya'y dulot ng headlights ng isang sasakyan. Hindi pa rin kasi sila nakakaalis sa car park dahil nag-usap pa sila ni Romano roon.
He sighed harshly and grabbed his spare phone on the compartment. He browsed something on his phone and showed her the screen.
Nanlaki ang mga mata niya nang kinuha ang cellphone at mabasa ang article na pinakita nito sa kanya.