Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 28 - Cue

Chapter 28 - Cue

Chapter 26. Cue

THAT night, Acel watched the live streaming of the 'For a Cause Concert' Eclipse had attended in Cebu. Baxter was not able to dance with his co-members because of his injury—he sprained his ankle. May upuan ito sa gilid ng stage at kinanta na lamang ang mga parte nito sa mga kanta.

Nailing siya dahil alam niya ang dahilan kung bakit ito nadulas sa banyo. Bahagyang natawa pero nag-aalala pa rin siya, syempre.

While laughing, she felt the pain in a specific area of her left breast again. Napapadalas ang pananakit ng parte ng dibdib niyang iyon at ngayon lang niya napagtuunan ng pansin.

She went inside the bathroom after she watched the live stream. Naghubad siya ng damit at pinansin ang pangangatwan.

"I can't be pregnant. Matagal na nang huling may nangyari sa amin ni Baxter."

Kinapa-kapa niya ang kaliwang dibdib, malapit sa bandang ilalim kilikili at nangunot ang kanyang noo nang parang may maliit na bukol siyang nakapa roon. Ginawa niya rin iyon sa kabilang dibdib at wala naman.

"Napa-paranoid na yata ako." But she's really feeling the pain, tenderness, and discomfort. It's more of a burning sensation as well.

Her eyes were glued at the mirror and noticed a slightly difference on the size of her breasts.

"Was this one bigger before?" bulong niya sa sarili. Hindi niya maalalang ganoong kapansin-pansin ang pagkakaiba ng laki ng mga iyon.

Napakurap-kurap siya nang yumuko at titigan ang tuktok ng kanyang mga dibdib.

"Bakit parang namumula ito? Did I even touch it a while ago?" She recalled that she did not even touch herself since Baxter accidentally fell.

"Acel! Nandito ang mga kabanda mo!" sigaw ni Aeiou mula sa kabilang pinto kaya nama'y mabilis siyang nagbihis para pakiharapan ang mga kasama.

"Pinapasundo ka ni Rachel! Nalaman niyang jowa mo si Baxter," panimula ni Lana, ito ang naging tambulero ng banda.

Their manager did not want to be called with formalities. 'Rey-chel' na lang daw ang itawag nila rito nang i-meeting sila nito bilang buong banda, halos limang buwan na ang nakalilipas.

Napalunok siya sa kaba. Paanong malalaman ng manager nila iyon, kakaunti lang naman talaga ang nakakaalam na sila ni Baxter. They were treated as Campus Sweetheart back then, but the people knewtthey're just friends despite of being sweet towards each other.

"Joke lang!" bulalas ni Jinny, ang gitarista ng banda. "Kinabahan ka, ano?"

"Magba-bar lang tayo, huwag kang magpaniwala kay Lana. 'La na ngang jowa, 'la pang pera." Umiiling-iling pa si Milka, na siyang bass guitarist ng Sunshine.

"Joke iyon?" singhal ni Aeiou. Since Aeiou had been with her since trainee days, she became friends with the girls as well.

"Nasaan na ba si Brianna Lei?" tanong niya nang mapansing kulang ang mga ito.

"Baka lumalangoy sa dagat, naghahanap ng jowa."

"Ano namang mahuhuli niya sa dagat? Shokoy?"

"Isang Naval na shokoy siguro."

"Hoy, naririnig ko kayo. Para nakibanyo lang saglit, ako na naman ang pinag-chismis-an ninyo." Si Brianna Lei iyon na kalalabas lang galing banyo. "And I told you countless times to call me 'Bree'. At isa pa, hindi ko sinabi bet ang shokoy na sinasabi ninyo. Magkakilala lang kami kasi pinsan niya si—"

"Alibis!" biro ni Lana Amelia. They're talking about that hottie cousin of their boss. The girls were thinking Bree had a crush on him; while Acel thought that her friend was actually crushing on their boss, who was her childhood friend as well.

"Wala, eh, ganyan talaga. Kung sino ang wala sa banda, siya ang sentro ng chismis," biro na lang niya.

"Oo, kaya nga ikaw ang topic namin kanina," segunda naman ni Milka.

"At totoong alam na ni Rachel na boyfriend mo si Baxter," Jinny informed her.

Napanguso siya. "He is my fiancé," pagtatama niya.

"What?!"

"Ano?!"

"Kailan pa?!"

"Ninang ako!"

Hindi niya alam kung sino-sino ang mga nag-komento at ngumisi lang siya.

"Wow... Totoo?" paninugurado ni Bree.

"Hoy, bruha ka, bakit hindi mo sinabing boyfriend mo si Baxter?"

Napakislot siya nang biglang magsalita si Rachel. Hindi niya namalayang nasa loob na pala ito ng apartment.

"Parang kabuti ka naman, Reych," si Lana.

"Duh, kasama ninyo akong pumunta rito."

"Ay, oo nga pala. Ang liit mo kasi kaya hindi ka na namin napansin," sabi ng pinakamatangkad sa kanila, si Milka. No comment siya sa height, hindi rin naman siya biniyayaan niyon, eh.

"Wala kayong sweldo ng tatlong buwan!"

They all just chuckled at their manager's remark. May isa pa silang manager pero si Rachel ang madalas na kasama nila.

The latter then sighed and became the Rachel they know at work.

"Seriously, Acel, this is breach of contract. If the management will know that you are dating, you perfectly know what will happen. Lalo pa't si Baxter iyon. Parehas kayo ng kumpanya at may pinirmahang Dating Ban." Once again she heaved a heavy sigh and continued, "I'm not against your relationship. Pinaalalahanan lang kita." Puno ng sinseridad ang tinig nito.

Matamang nakinig siya rito. Totoo naman kasi iyon. "We decided to be low key until the ban will be lifted."

"For two years?" parang hindi makapaniwalang bulalas ni Aeiou.

"Makakaya mo ba iyon? Eh, halos hindi nga kayo mapaghiwalay rati," dagdag pa ni Lana.

She closed her eyes to suppress her tears from falling but she failed to do so. She'd been keeping this for long and telling herself it's just alright even if it really wasn't. "Honestly, it's not easy. Ang tapang ko pa noong sabihin kong low-key lang kami. Na okay lang kahit hindi kami gaanong magkita kasi alam ko naman ang sitwasyon. Oo, naiintindihan ko, pero, ang hirap pala ng ganito..."

Natahimik ang lahat, si Aeiou ay lumapit sa kanya at niyakap siya.

Umpisa pa lang ng lahat, kailangan pa niyang maging mas matatag.

Another month had passed and they still didn't meet. Nagkikita lang sila sa tuwing may parehas na dadaluhang event ang mga parehong grupo, at nakukuntento na sa mga nakaw na tingin.

While they're in the room provided for Sunshine at the backstage, she went inside the bathroom. Naiyak na naman siya dahil nasa iisang event lamang sila ni Baxter subali't hindi man lang malapitan ang isa't isa.

Naghilamos siya at pilit na pinatahan ang sarili. Nagtaka siya nang biglang tumahimik ang mga kasama niya. Baka mamaya, pinatawag na pala ang banda nila kaya nama'y mabilis na nagpunas siya ng mukha gamit ang hawak na towel para makalabas na ng banyo. Mukhang naghihintay na ang mga ito sa labas.

And the moment she opened the door, she was greeted by Baxter's tall built—he's wearing a dashing outfit, and was waiting for her to go out.

"Am I dreaming?" bulong niya.

When he flashed his charming and captivating smile, her eyes widened and threw herself onto his arms. Mahigpit din siya nitong niyakap at hinagkan ang kanyang bunbunan.

"I miss you," anas nito. Nag-angat siya ng tingin at kitang-kita niya ang matinding pangungulila sa mga mata nitong humahalo sa pagkahapo.

"Are you tired? I miss you, too." She tiptoed and gave him a peck on his lips.

He responded quickly and murmured, "I can't wait to marry you, baby. You know how much I love you, right?"

She ended the kiss and nodded.

Ngumiti ito at nanumbalik ang sigla sa mga mata. "I honestly thought that hiding our relationship is pointless. But whenever I'm reminded that you will be my wife..." He sighed heavily. "We'll just have to endure for two years, right? Akin ka lang, Acel."

Kinintalan niya itong muli ng malalim, mapusok, at mapaghanap na halik. Their longing with each other would never be filled with just a deep kiss, but given their situation, they knew that it was enough for them. For now.

Tatlong marahang katok ang nagpabalik sa diwa nila at mabilis na humiwalay si Baxter sa kanya, pero siya'y ayaw pang humiwalay rito.

"I'm sorry, baby, that's the cue. Kami na ang susunod na magpe-perform."

Nakauunawang tumango siya at kumalas mula sa pagkakayakap niya rito. Bago pa ito tuluyang lumayo ay kinintalan siya nito ng mabilis subali't puno ng pangungulilang halik. Buti na lang at nakapaghilamos na siya kaya hindi niya ito nalagyan ng lipstick. Kung hindi, kakalat iyon at mahahalata sa camera. Mukhang wala na pa namang oras para mag-retouch pa ito.

She was watching his back when he suddenly turned behind. Napakislot siya nang mabilis na sinara nito ang distansya sa pagitan nila upang mahalikan siyang muli.

"Damn, Acel, I miss you already," anas nito.

She chuckled a bit and said, "Go now." Then, she smiled sweetly and uttered, "I love you, too. Good luck on your performance!"