Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 29 - Uwi

Chapter 29 - Uwi

Chapter 27. Uwi

WHEN the rest of the band went inside the room, Acel cried out of happiness. She was thankful that they'd given her and Baxter a short but meaningful time to be together.

"Acel, may naghahanap sa iyo..." pagbibigay-alam ni Rachel ilang sandali lang matapos umalis na Baxter.

Naningkit ang nga matang tumingin siya sa lalaking kasunod nito.

"Romano?" takang-tanong niya. Why would the Caballero's heir look for her?

"Girls, let's give them time. Importante ang pag-uusapan nila," ani naman ni Rachel sa iba.

"Magba-bodyguard ulit kami sa labas ng pinto?" Bree commented, obviously did not like the idea.

"No way! Loyal kami kay Baxter!" bulalas ni Jinny. They may have sounded a bit childish, but she knew they were serious. Idinaan na lang sa magaan na biro.

Romano chuckled. "I know. Hindi ko naman aagawin ang pambato ninyo sa manok n'yo."

Nakuha pa nitong magbiro samantalang siya'y kunot na kunot na ang noo sa kaiisip kung bakit ito naroon.

Nang maiwan sila ay hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa. "Your parents want to see you. Pinasusundo ka sa akin."

My parents? "At bakit nila gagawin iyon?" And he had communications with them?

"Natatakot lang silang baka magaya ka sa kanila, Acel. Dapat ay alam mo iyon."

"Well, nagaya na ako. I am a musician now. And I've never been this happy with my decision."

"They're talking about the harsh side of being in this industry," madiin nitong tugon.

"The what? Wala na silang karapatan sa akin. Inabandona na nila ako."

"No, Acel. They did not."

Her eyes narrowed even more. "Anong pinagsasabi mo? Wala kang alam." Pero sa loob niya ay kinabahan siya dahil mukhang mas marami itong alam kaysa kaniya.

He heaved a heavy sigh before he replied, "They paid for your whole school fees. Pinalabas lang nilang scholarship iyon."

Nagulantang siya sa nalaman. "T-that's not true. My dad never wanted me to pursue Music."

"They're just being protective," pagtatanggol nito.

"But they're so overprotective! At paano ako maniniwala sa iyo? Alam mo bang hindi nila ako kailanman na tinawagan?"

He sighed once more. "Alam mo ring dahil sa pag-iibigan nila kaya tuluyang nasira ang banda nila noon, hindi ba? Your parents had it the hard way. The people threw hates to them, others even attempted to kill them because one of that tragedy."

Napalunok siya. He's pertaining to that tragedy from her parents' past—where one of their band mates took his own life because of them. Si Andante ang lalaking iyon. Nang ma-disband ay na-offer-an ang lalaki na maging artista at naging ka-love team ang kanyang mama noong kapanahunan ng mga ito. Naging patok ang love team.

Then, their band had a Reunion Concert, where the tragedy befell.

Nagpakamatay ang lalaki habang tumutugtog ang banda sa entablado. Ayon sa imbestigasyon, sinadya nitong putulin ang wiring ng kuryente ng spotlight na may disenyong chandelier na nasa pwesto ng kanyang ama. Pero sa huling mga sandali ay kinain ito ng konsensiya kaya bago pa mahulog sa kanyang ama ang chandelier ay naitulak na ni Andante, kaya ito ang nakuryente't namatay.

The police found a suicide note on the trash bin inside his pad but was never revealed publicly. Sa huli ay ang mga magulang niya ang sinisi ng mga fans sa pagkamatay ng paboritong miyembro at aktor ng mga ito.

Romano got her attention. "Your parents neither abandoned nor disowned you. Your mom's worrying about you. Palagi ka niyang pinapanood at may napansin siya sa iyo. Pinasusundo ka niya sa akin dahil sa kalagayan mo."

"Huh? Anong kalagayan naman? Maayos na ang buhay ko rito, hindi ako makapapayag na ipataw ang responsibilidad ng kumpanya sa 'kin."

"Have you noticed some slight differences on your body the past few days?" he asked instead.

"How did you know?" nagulat niyang tanong.

"I didn't. It's your mom. She asked me to ask you that."

Then, she realized, her mom's a physician while her dad's a pharmacist. But was it possible for her mom to notice even the slight changes on her body without examining her at all? But, who knew?

"We have been following you for years," siwalat pa nito.

"We?"

"Your parents hired one of our private investigators to give them information about you. They also know about your relationship with Baxter."

"Close kayo ni Baxter?"

He chuckled. Iyon pa talaga ang tinanong niya. The way he mentioned Baxter felt like they're friends. Pero alam niyang hindi.

"I'm one of the Eclipse' choreographers."

"Dancer ka?" Pagkuwa'y may naalala, palaging nasa agency si Romano noon, baka nga nagtatrabaho ito roon. Hindi lang niya kaagad na nakilala kasi matagal na rin naman silang hindi nagkikita. She just felt he kind of looked familiar.

Tumango ito at ngumisi. "But I will quit soon."

"Why?"

"My job is done."

"Huh?"

Again, he chuckled.

"Nababaliw ka na ba?"

"I told you before that I'm an agent, right?" paalala nito sa kanya. Bigla niyang naalala kaya tumango siya. "I'm on undercover."

"A what?"

"As Eclipse' choreographer. Para mabantayan ko nang husto ang fiancé mo."

"Bakit...?"

"Your parents hired me."

Her jaw dropped. But looking at him, she's not sure if that's the only reason why he stayed. Mukhang mas may malalim pa na dahilan, pero hindi na niya iisipin pa.

Nagpatuloy ito, "They wanted to make sure he's a fine man for you. At base sa nalaman ko, alam kong wala nang dapat na ipag-alala ang mga magulang mo. Baxter's a good man."

Gusto niyang magalit dahil sa ginawa ng kanyang mga magulang pero hindi niya magawa. The fact that they still cared for her; that they never abandoned her... And they're even making sure that the man she chose deserved all of her love? She couldn't ask for more but to reunite with them.

"Umalis ka na. Salamat sa pagsabi sa akin ng totoo."

"Pero kailangang umuwi ka na sa inyo." Iyon ang dahilan ng pagsadya nito sa kaniya roon.

"Uuwi ako bukas. Gusto ko lang magpahinga ngayong gabi."

Nakauunawa na tumango ito at iniwan siya. Pagkabukas nito ng pinto ay nakita niyang halos matisod ang apat dahil pilit na nakikinig sa kabilang pinto habang si Rachel ay nakaphalukipkip lamang sa likod ng mga ito.

Natawa si Romano. "Are yiu threatened that I might actually steal your friend to that man? Ganoon ba kalakas ang karisma ko?"

Sunod-sunod na protesta ang narinig niya sa mga kaibigan.

"Hindi naman!" si Bree.

"Gwapo ka lang, pero wala kang laban!" si Jinny.

"'Uy, anong wala? Have you seen him dance? Pwedeng ihanay sa Eclipse!" baling ni Milka kay Jinny.

"Well, you're right. Pero mas magaling gumiling si Baxter!"

"Lana!" awat niya sa huli. Hindi niya alam na alam ng mga ito ang trabaho ni Romano sa agency. O baka masyado lang siyang na-focus kay Baxter kaya hindi na niya napapansin ang ibang mga nakakasalamuha nito?

"Don't worry, girls! May natitipuhan na ako kaya safe na si Acel." Bumaling si Romano sa kaniya saka siya kinindatan. Pagkuwa'y nagpaalam na rin dahil may kailangan pang puntahan.

"Hey, are you alright?" untag ni Rachel nang makapasok silang lahat.

"Dahil tuloy sa pag-uusap ninyo ni Romano, hindi na tayo nakanood ng performance ng Eclipse," reklamo ni Bree.

"Bakit kasi hindi kayo nanood?" tanong niya.

"Of course, binantayan ka namin! Mahirap na, malakas ang dating ng lalaking iyon at naninigurado lang kami," si Milka ulit.

Naningkit ang mata ni Jinny. "Do you like him?"

Milka tucked her hair behind her left ear.

"Gusto nga," si Lana.

"Well, he's kind of hot. Have you noticed his body? He's ripped!" amin ni Milka.

Nagkantiyawan ang mga ito pero siya ay hindi pa rin maalis ang isipan sa naging usapan nila ni Romano.

Rachel got her attention. "You look bothered."

"Uuwi ako bukas..." Tila nakalutang siya sa alapaap nang sambitin iyon.

"Anong bukas? Uuwi na tayo ngayon. Ihahatid ka ba namin sa apartment mo o mag-book na lang tayo sa hotel?" si Bree.

"Uuwi na ako bukas..." ulit niya.

"Ngayon—"

"...sa bahay namin," putol niya sa sasabihin ni Jinny.

Saglit na natahimik ang lima at nang makuha ang ibig sabihin ay nagtilian ang mga ito. Alam kasi ng mga ito ang tungkol sa kanya gaya ng pagkaalam niya ng mga bagay-bagay tungkol sa mga ito.