Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 23 - No

Chapter 23 - No

Chapter 21. No

THE article stated that four years ago, the heiress of LM Pharmaceutical Companies, Vivace Laine Lazaro Mariano, eloped with her rumored fiancé. And that, they were spotted tonight, being sweet like a married young couple at a high-end club.

"I'm sorry," si Romano. "Our team is already settling everything."

Nasilaw na naman siya sa liwanang mula sa labas at sa isang iglap ay binuksan ni Romano ang pinto; mabilis na tumakbo sa katapat na van. Halos higitin niya ang hininga nang makitang may tao palang nandoon sa gilid ng itim na van. Nakasuot ang lalaki ng itim na hoodie at may dalang may kalakihang camera. Kitang-kita niya kung paanong inagaw ni Romano ang camera sa lalaki kaya mabilis na bumaba siya't akmang lalapit sa mga ito.

"Stay inside!" sigaw ni Romano nang bumaling sa direksyon niya pagkalabas siya. Binasag din nito ang hawak na camera sa semento at sigurado siyang nasira na iyon sa lakas ng pagkabagsak.

"Pero—"

"Wala ka nang magagawa, Caballero, napasa ko na iyan sa editor ko at sa mga oras na ito ay naglalabas na sila ng panibagong articles na magpapatunay na naninirahan kayo sa isang lugar." Nakangising bulalas ng paparazzi.

Bago pa siya makapagsalita ay may isang media van ang huminto malapit sa kanila.

"Ms. Mariano, totoo bang nagsasama na kayo n—"

"Shit!" mura ni Romano.

By instincts, she went inside the car while he went to the driver's seat. Hindi na nila pinansin ang media na sa tingin niya ay kasamahan ng lalaking a la paparazzi na kinuhanan sila ng litrato.

Romano had been busy talking with people on his Bluetooth earphones and she got it as he wanted those articles to be taken down.

"Where do you live?" He glanced at the rear view mirror. Sinabi niya kung saan at pinaharurot na nito ang sasakyan patungo sa lugar. Hindi siya mapakali dahil naiwan niya ang clutch bag sa club at nandoon ang cellphone niya. She was worried that Baxter might had seen the article and was trying to reach her but he couldn't. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano-ano dahil alam niya ang pakiramdam kung paano mag-overthink. Masyadong nakaka-paranoid na hindi niya mawari nang maayos.

Ilang metro pa lang ang layo ay nakita na niya ang mga taong nagkukumpulan sa tapat ng gusali kung nasaan ang studio type apartment ni Aeiou.

"Ang bilis talagang kumalat ng tsismis," naiiling na komento nito.

"Why would they care about us?"

"You can't blame them, Acel. You are a heiress."

"And you are a Caballero..." she added as a matter of fact.

May sasakyang humarang sa likuran nila kaya wala silang napagpilinan kung hindi ang dumiretso.

"Ididiretso ko na lang."

Pero imbis na mangyari iyon ay nagkumpulan ang mga tao sa daan, dahilan upang hindi na maabante ni Romano ang sasakyan.

Marahas itong nagmura. "Don't go down yet. I already called for backup."

Naglumikot ang mga mata niya at sa isang sulok ay nakita niya ang madilim na titig ng isang pamilyar na bulto direkta sa kulay abong sports car na sinasakyan nila. Hindi. Hindi ito nakatitig sa sasakyan... dahil nang magtama ang mga mata nila ay halos mangaligkig siya dulot ng madilim at malamig na pagkakatitig nito sa kanya.

"B-Baxter..." kinakabahang bulong niya.

"Who?"

Napalingon siya kay Romano na malapit na pala sa kanya at kaunting lapit pa ay magdidikit ang mukha nila.

"Sorry. Na-curious lang ako kung sino ang tinititigan mo."

Natatarantang bumalik ang tingin niya kay Baxter at alam niyang nangangalit na ito base sa paraan ng paninitig nito sa kanila.

Makalipas ang halos sampung minuto ay umaksyon na ang security roon. Dumating na rin ang sinabing backup ni Romano at halos labinlimang minuto pa ang nakalipas bago tuluyang napaalis ang mga media, subalit nanatili lamang sa sulok ng gusali, kung saan hindi gaanong napapansin, si Baxter.

Mabilis na bumaba siya ng sasakyan nang hindi na nagpaalam kay Romano. Hindi niya alam kung kailan siya huling natakot nang ganoon. Natatakot siya sa maaaring isipin o gawin ni Baxter. Paano kung makipaghiwalay ito?

She walked as fast as she could to go to her boyfriend. Sinalubong naman siya nito at mabilis na hinila palayo roon. Halos madapa siya sa bilis ng mga hakbang nito at nang buksan nito ang sedan na naka-park sa bakanteng lote roon ay pinasakay siya nito roon. He wasn't gentle at that moment because he's definitely raging.

"K-kumusta ka na...?" Her voice cracked.

Nakakaloko ang naging pag tawa nito at dumilim lalo ang mga titig sa kaniya. "You're seriously asking me that, huh?"

Napalunok siya. Paano ba niya sisimulang magpaliwanag?

"What happened?" Sa kabila ng galit nito ay naramdaman niya ang pagsusumamo rito na ipaliwanag niya ang nangyari.

Hindi siya makapagsalita sa sobrang nerbiyos at mukhang ipinagkamali iyon ni Baxter na parang pinatotohanan niya ang mga kumalat na balita.

"Totoo ba ang lahat ng iyon?"

No! But why the heck was she silent?

"Why can't you speak your little voice out, my sweet two-timer Acel?" he asked grimly.

Napakagat-labi siya't nag-angat ng tingin dito. Bahagyang nag-iba ang mga titig nito sa kanya na para bang lumambot ito sa kanya, pero kaagad din itong napamura saka malakas na sinuntok ang bubong ng kotse. Dahilan upang mapapitlag siya.

"Don't look at me as if you can tame me, Acel! Why don't you tell me the truth now?!"

Speak now, Bulalas niya sa isipan subalit hindi niya magawang magsalita sa sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib.

Tila napigtas ang pasensya ni Baxter nang yumuko ito at binigyan siya ng mapagparusang halik. The gentleness in him the night she gave herself to him was now gone. He bit her lower lip until it almost bled but that didn't stop him from ravishing her. He kissed her aggressively as his hands traveled to her upper body when he reclined the seat.

Ang katawan niya'y buong pusong sinagot ang bawat halik nito at bawat paghawak nito sa kanya. She involuntarily groaned when he pinched her nipple which made him stop from doing those punishable, yet, so pleasurable things to her.

Hininihingal pa siya nang lumayo.

"Goddammit!"

Hinayaan niya ring nakalapat ang likuran niya sa upuan habang nakatitig sa kisame ng sasakyan.

"We made love, Acel..." panimula nito. "You gave yourself to me as if I was your everything. Pero ano itong kagaguhang ito? Bakit ganito?" Ang galit at sakit ay naghahalo sa mga nahahapong mata nito.

Doon siya natauhan at umayos ng upo. "Let's talk somewhere, hmm?"

Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago ito bumuntong hininga at pumunta sa driver's seat. Even when he started the car engine, he was deadly silent.

"Baxter..." she called his name softly.

Masama pa rin ang tingin nito. "You insisted we should stay low key. But why is this happening?"

"Let's go to your place, okay?" she said instead.

"No. I'll book you a room in a hotel."

She groaned to protest.

Malalamig pa rin ang mga titig na iginawad nito sa kanya. "Why would you like to go to my place? Gusto mo pa ba? Nabitin ka ba kasi hindi mo nadala ang lalaki mo sa apartment ninyo?"

Nasaktan siya sa akusa nito, pero hindi niya ito masisisi dahil sa mga lumabas na balita. Idagdag pa ang pananahimik niya kanina. Napapikit siya para pigilan ang pagtulo ng kanyang luha. She never thought that sometimes, jealousy can be dreadful.

Pagkuwa'y napapikit ito nang mariin at pagkamulat ay tila nakokonsensiyang nag-iwas ito ng tingin.